My Board
Refresh History
  • Read the rules
  • malakingfuckyou: Kaka miss ang pse
    April 14, 2026, 03:59:06 PM
  • ahlks26: Libog
    April 16, 2026, 07:08:04 PM
  • malakingfuckyou: Fss
    April 17, 2026, 09:40:21 AM
  • pinoytambayako: Eyyy
    April 19, 2026, 04:44:14 PM
  • arch29ify: elnunal
    April 19, 2026, 10:40:35 PM
  • malakingfuckyou: Pse
    April 20, 2026, 10:27:24 AM
  • rhon68: Jasmine
    April 21, 2026, 08:20:52 AM
  • rhon68: Eighteen
    April 21, 2026, 09:50:15 AM
  • luciouschemz: Aileens gatden
    April 22, 2026, 10:05:43 AM
  • luciouschemz: Aileen
    April 22, 2026, 10:06:23 AM
  • luciouschemz: Aileen shower
    April 22, 2026, 10:18:25 AM
  • malakingfuckyou: Nakaka miss magbasa ng ntr stories
    April 22, 2026, 08:30:29 PM
  • Maryjean: ang usapan 33
    April 25, 2026, 05:41:07 AM
  • malakingfuckyou: Hi jean. Pm
    April 25, 2026, 08:33:02 PM
  • -kobe-: konte lang pipol now ah
    April 26, 2026, 07:14:34 PM
  • malakingfuckyou: Ps erotica kakanmiss
    April 27, 2026, 02:27:35 PM
  • ashketlon: Mapagmahal
    April 28, 2026, 11:50:00 AM
  • -kobe-: nakita ko si boy bakal hehe nakaka-abang !
    April 29, 2026, 02:34:35 PM
  • -kobe-: work muna ako may submitl lang ako BRB
    April 30, 2026, 11:21:33 AM
  • hotjeffzky117: tagalog
    May 01, 2026, 08:56:15 AM

ang mga babae nga naman...

rhedzz · 14 · 5543

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline rhedzz

on: May 14, 2013, 11:23:22 AM
*hinga ng malalim*

Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit˜sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi. Hindi pa ˜ko ready eh.., Sorry pero I think we should just be friends..,Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha..Better luck next time na lang muna, okay lang? Give me a decade. Pag-iisipan ko muna.., Para lang kitang kapatid e.., yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa˜yon para saten.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
At hindi lang ˜yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm¦ Teka, isipin ko.

Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.

*hinga ng malalim*

Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*

At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong˜to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-ooffer sila ng friendship kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, player na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.

Ang mga babae talaga,

 :(
Alam mo ba kung anong mahirap sa ibang Tao?

Madali para sa kanila ang manghusga pero BULAG pagdating sa sarili nila.


My Board

ang mga babae nga naman...
« on: May 14, 2013, 11:23:22 AM »

Offline fayt

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *
  • Simple guy with below sea level average looks
    • POTW
    • PTFM
    • Capricorn
Reply #1 on: May 14, 2013, 02:12:59 PM
okay ka lang pre.... latagan na yan ng pitsel, yelo saka beer hahaha

on topic

well ganyan talaga ang mga babae. napakaunpredictable nila. paiba iba ng mood.pero isa lang masasabi ko dyan.. masarap sila magmahal.
>>Dear teachers
Di porket pare pareho kami ng sagot, nagkopyahan na kami. May sagot ba na iba iba? Ano yun, originality?
----- Shin Chan


Offline Prime™

  • Optimus Princeps
  • Global Moderator
  • Certified Member 2
  • *
  • The One-eyed King
    • PTFM
    • Scorpio
Reply #2 on: May 14, 2013, 07:10:32 PM
Women. You can't live with them, you can't live without them.


Thank goodness for women. Otherwise this whole planet will be a goddamned sausage fest hell.
~ Insert witty quote here ~


My Board

Re: ang mga babae nga naman...
« Reply #2 on: May 14, 2013, 07:10:32 PM »

Offline xxxchoholic Rai ♥

  • Not A Princess But The Queen Herself
  • Hero Member
  • *
  • Yamato Nadeshiko
    • POTW2
    • PTFM
    • Aquarius
Reply #3 on: May 14, 2013, 07:20:59 PM
well kakatapos ko lang nabasa ito

well true naman siya tama nga ang pagkadescribe ng woman dito

nice poh

ang masasabi ko lang don't try to figure out what women thinks

mababaliw lang kayo
Do not fall in love with people like me.
I will destroy you in the most beautiful way possible. And when I leave, you will finally understand, why storms are named after people


Offline Prime™

  • Optimus Princeps
  • Global Moderator
  • Certified Member 2
  • *
  • The One-eyed King
    • PTFM
    • Scorpio
Reply #4 on: May 14, 2013, 07:22:38 PM
well kakatapos ko lang nabasa ito

well true naman siya tama nga ang pagkadescribe ng woman dito

nice poh

ang masasabi ko lang don't try to figure out what women thinks

mababaliw lang kayo

This is Prime, and I approve of this message.
~ Insert witty quote here ~


My Board

Re: ang mga babae nga naman...
« Reply #4 on: May 14, 2013, 07:22:38 PM »

Offline fayt

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *
  • Simple guy with below sea level average looks
    • POTW
    • PTFM
    • Capricorn
Reply #5 on: May 14, 2013, 07:30:27 PM
This is Prime, and I approve of this message.

And this is duly seconded by Fayt.. hahaha lol.
>>Dear teachers
Di porket pare pareho kami ng sagot, nagkopyahan na kami. May sagot ba na iba iba? Ano yun, originality?
----- Shin Chan


Offline Cathrina

  • Venus
  • Certified Member 4
  • *
  • ~Venus twinkle~
    • PTFM
    • Libra
Reply #6 on: May 14, 2013, 07:40:36 PM
Hahaha tawa na lang ako dito..wala pa sa dictionary ang word na makapagdiscribe sa babae..ang masasabi ko lang ay eto::
Girls are like phones. We love to be held, talked too but if you press the wrong button you'll be disconnected..haha  :P


Offline Prime™

  • Optimus Princeps
  • Global Moderator
  • Certified Member 2
  • *
  • The One-eyed King
    • PTFM
    • Scorpio
Reply #7 on: May 14, 2013, 07:53:54 PM
Hahaha tawa na lang ako dito..wala pa sa dictionary ang word na makapagdiscribe sa babae..ang masasabi ko lang ay eto::
Girls are like phones. We love to be held, talked too but if you press the wrong button you'll be disconnected..haha  :P

Bwahahaha! Eh pano yan pag may new model? Haha!
~ Insert witty quote here ~


Offline Cathrina

  • Venus
  • Certified Member 4
  • *
  • ~Venus twinkle~
    • PTFM
    • Libra
Reply #8 on: May 14, 2013, 08:01:55 PM
Bwahahaha! Eh pano yan pag may new model? Haha!
[/quote
Hahaha mas lalo na new model touch screen very sensitive mas madali madisconnect hahaha
On topic:mr.prime ang mga babae mahirap talaga e spell..hahaha


Offline Prime™

  • Optimus Princeps
  • Global Moderator
  • Certified Member 2
  • *
  • The One-eyed King
    • PTFM
    • Scorpio
Reply #9 on: May 14, 2013, 08:08:07 PM
Bwahahaha! Eh pano yan pag may new model? Haha!
[/quote
Hahaha mas lalo na new model touch screen very sensitive mas madali madisconnect hahaha
On topic:mr.prime ang mga babae mahirap talaga e spell..hahaha

Very clever Cathrina. Very clever... rrrawr.. hahaha!



Note:
Mag iisip muna ako magandang rebuttal... ehem.
~ Insert witty quote here ~


Offline Prime™

  • Optimus Princeps
  • Global Moderator
  • Certified Member 2
  • *
  • The One-eyed King
    • PTFM
    • Scorpio
Reply #10 on: May 14, 2013, 08:09:35 PM
^ ^ ^uyy what the hell.. bat anliit ng letters ko..?

~ Insert witty quote here ~


Offline xxxchoholic Rai ♥

  • Not A Princess But The Queen Herself
  • Hero Member
  • *
  • Yamato Nadeshiko
    • POTW2
    • PTFM
    • Aquarius
Reply #11 on: May 14, 2013, 08:38:02 PM
^ ^ ^uyy what the hell.. bat anliit ng letters ko..?
nalagay mo sa quote message mo eh

pero mag isip ka nga muna hahaha
Do not fall in love with people like me.
I will destroy you in the most beautiful way possible. And when I leave, you will finally understand, why storms are named after people


moimoi

  • Guest
Reply #12 on: May 14, 2013, 09:03:48 PM
hahaha...ayos ung kwento mo ah..

anyway..ganyan talaga ang panunuyo...to be fair with our girls naman..its their priveledge to choose naman..hindi naman siguro nang dahil lang sa trip nila...may mga damdamin din mga yan...so if evrything falls apart eh wag mo isipin na trip nilang i turndown ka..eh ano nga ba naman magagwa natin mga lalake kung ayaw nila talaga tayo? mahirap naman pilitin...hinog sa pilit eh maasim....

kaya tama si sis rai...wag mo itry na ifugure out ano meron sila...just give your best at pag d umubra eh hanap ka ng iba...


Offline xxxchoholic Rai ♥

  • Not A Princess But The Queen Herself
  • Hero Member
  • *
  • Yamato Nadeshiko
    • POTW2
    • PTFM
    • Aquarius
Reply #13 on: May 15, 2013, 09:00:02 PM
basta intindihin na lang wag na lang kumontra
Do not fall in love with people like me.
I will destroy you in the most beautiful way possible. And when I leave, you will finally understand, why storms are named after people


My Board

Re: ang mga babae nga naman...
« Reply #13 on: May 15, 2013, 09:00:02 PM »

 


* PT Social Groups

SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal