Salamat sa mga contribution mo na Actual Cases Sir Memento Mori, very much appreciated.
Medyo mahahaba lang talaga pag binasa at understandable naman kasi nga actual case at nasa original format pa ito or yung tinatawag natin na hindi pa na digest.
Suggestion ko lang naman Sir kung hindi naman mabigat sa inyo at para mas madali ding intindihin at basahin ng mga nagbabasa dito na gawin nating Case Digest or parang Summary of a Case ang pagkaka presinta natin ng mga interesting na kaso.
So, sa case Digest eto lang po ang format natin:
Facts: Di na po kailangang lahat ng facts ay ilagay, yun lang pong relevant at magpapakita kung anong klase yung kaso na ito.
Issue/s: Kadalasan maraming issue sa isang case, so ang ilagay lang natin ay yung relevant din na issue na konektado doon sa Facts na inilagay natin. Kadalasan nasa question format ito ie. Whether or not....
Ruling: Ito naman po ang judgment ng Court at ang ilagay natin ay yung ruling na sumasagot doon sa issue/s natin. So Yes or No muna then after niyan, explain na natin kung bakit nag come up sa ganung judgment ang husgado.
Thank you ulit Sir Memento Mori sa contribution mo.