My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: monde8 on July 24, 2013, 11:51:50 PM

Title: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: monde8 on July 24, 2013, 11:51:50 PM
Sa fast paced world natin sa kasalukuyan, pati ang mga relationships ay fast paced na din. Gone are the days na kailangan ng matinding suyuan at pagpapakipot bago magkaron ng relasyon.

Isa sa mga major reasons dito ang pagiging mabilis mag fall.

Si lalake makakita lang ng kaaya ayang chicka babes eh laglag brip este nag fall na agad without giving too much factor of knowing the girl's qualities first.

Si babae naman mabilis madala sa mga mabulaklak na salita at mga pasimpleng ninja moves ng mga lalake.

Ikaw ba [you], mabilis ka ba mag fall?
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: yannarose on July 25, 2013, 03:40:37 PM
Ahahaha no comment hehehe
Dati super bilis kong mafall as in sa mga sweet words and everything pero nun naisip ko na hindi tama or hindi healthy un eh mejo nacontrol kona lately..
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: ¿m☺ÿ on July 25, 2013, 03:43:43 PM
nice topic sir +karma sa iyo

Hindi ako mabilis mag-fall but inaamin ko na mabilis akong ma-attract sa babae lalo na kapag tsinita o maputi or mahaba ang buhok or talagang maganda siya....but i never really fall for them easily, siguro i just appreciate there beauty dahil maganda sila at magandang pagmasdan.....

My weakness kasi sa opposite six is the voice (dahil siguro hindi ako biniyayaan ng magandang boses, gusto ko yung maganda ang boses hehehe), and the attitude (gusto ko sa babae yung malambing, but not meek kasi i like an open relationship na sasabihin niya yung bagay na ayaw niya so i can adjust, well i'm not perfect but i'll try to be perfect for her, but i don't like a nagger).

Physical beauty is a plus, sino ba ang aayaw sa maganda but my phobia na kasi ako sa maganda. So i don't really fall easily to someone before knowing their attitude.
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: dere'k ™ on July 25, 2013, 03:51:34 PM
dependi sa babae eh, kapag nakita ko sa kanya yung hinahanap ko mabilis ako ka fall, pero hindi naman sa lahat ng babae poh
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: arthas™ on July 25, 2013, 03:59:34 PM
Nope. Sigurista ako sa ganyang bagay. Even if I only had 1 ex in the past, I'd like to make sure that the second time will be better. Kapag may nakikilala ako, I talk to them casually or even go on a date, but don't expect anything. If I like the girl sasabihin ko agad. I don't want to waste my time keeping such feelings kung pwede naman sabihin. Naranasan ko na magtago ng feelings pero unti unti kang papatayin, as in mahirap pagdaanan yan. But when I say I'm falling for that girl, di pa rin dahilan yan, I'm still in full control. May time na manhid din ako. Physical attraction does nothing with regards to feelings. I agree with sir imoy on his comment above. I don't want to play with a girl's feelings. Playing with love is such a waste of time, though napagdaanan ko yan pero wala rin ako napala.
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: fayt on July 25, 2013, 06:46:10 PM
mafall..

depende sa takbo ng relationship nyong dalawa. Kung jive kayo sa lahat ng bagay at palagi kayo nagkakausap o nagkakabiruan malakas ang chance na mahulog ang isa sa inyo. Lalo na sa mga lalaki na masyado carefree, madali sila mafall sa babae na nakapapalagayan nila ng loob
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: Captain_Bambi on July 25, 2013, 11:07:37 PM
hindi eh...na fall ako sa gf ko nung january 2009, 4th year highschool kami nung. hindi kami magkaibigan. magkakilala lang talaga kasi sa isang year level dalawang section lang, kunti lang kaming 4th year aroung 70+. una kaming nagkakilala grade 6. basta isang gabi bigla na lang akong hindi makatulog taz siya na lang parati naiisip ko. kinaumagahan narealize ko na inlove na pala ako. kaya kinausap ko mga friendster ko kung ano dapat kong gawin. friends suggest me to court her. i courted her nung february then after a month sinagot niya ako. luckily 5 years na kami at hindi na ko nagka count kasi alam ko na kung saan to patutungo,
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: monde8 on July 25, 2013, 11:19:29 PM
Ako pala hindi pa nakapag share ng sakin....

Ako guilty ako na mabilis mag fall. Pag cute ang chick, madalas ko makasama at makabiruan, malamang sa malamang yari nanaman ang pagiging marupok ko.

Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: mikul8 on July 26, 2013, 12:10:45 AM
 ??? guilty ako sa gni2, ung sken nmn basta may emotional attachment lng, ung msarap kausap cguro dahil tahimik akong tao tsaka d ako naglalabas agad ng sarili kong nararamdaman, loner din ako kya kpag nakahanap ako ng masarap ksama nagiging palagay ang pakiramdam ko at un prang nagkakaemotional attachment, pero narealize ko na din na un din nkakasira sken, my mga times na nakakaramdam ako ng pagseselos pero wala nmn kme, ung mag gnun bagay..hayy.. hirap ng ganun,.
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: toshka on July 26, 2013, 07:03:08 AM
dati mabilis ako mafall. ngayon hindi na, pusong bato na ata ako.hehe
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: kujavin on July 26, 2013, 08:58:17 AM
before mabilis ako mag fall, nagmamadali makapasok sa relationship. after a few failed relationships i now tend to shy away, nagiging pessimist na ako.
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: mitten-15 on July 27, 2013, 01:43:16 AM
mabilis ma-fall but mabilis rin ma-turn off. pero siguro depende nalang din kung gaano ko talaga kagusto ang isang tao.
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: Sir Kolokoy on July 27, 2013, 03:13:12 AM
Mabilis ako ma-fall sa ugali ng isang babae. At higit sa lahat, malinis sa katawan. Mababaw lang kase ang kaligayahan ko pagdating sa pisikal na attraction. My eyes always betray me. Tuwang-tuwa ako sa mga mejo chubby. Parang ang sarap yakapin. I don't like skinny. Walang mamon  :)

In my life, isa sa mga di ko makalimutan pagdating sa falling in love eh yung theory ni Einstein about relativity..."Time is irrelevant". May pagkakataon sa buhay natin na may makikilala tayo na para bang ang tagal na nating magkakilala, or nagkasama.
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: sweet_vagabond on July 27, 2013, 12:08:51 PM
dati mabilis ako mafall. ngayon hindi na, pusong bato na ata ako.hehe

kampay tayu jan sis tosh ako din eh dati mabilis ma fall but now carefull na ako..
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: somebody on July 28, 2013, 03:31:48 PM
Walang mafafall kung walang pa FAll..Im guilty your honor..Ilang ulit na akong nasaktan dahil ambilis ko mafall pero right now since I dont believe that serious relationships exist so ako din laro laro nalang till my time is up in this foolish world..charowtssss!!! Everytime I think that guy who promise me his world then all of the sudden bigla syang nawala... Then he came back begging for my forgiveness since I have a soft heart for him so ayon pinatawad ko but lately nalaman ko may iba pala syang babae kaya pala nawala sya bigla ..He is the best liar in the world and thank you for hurting me so BAd ...Wait for the beautiful Karma my dear :D
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: toshka on July 28, 2013, 06:44:07 PM
kampay tayu jan sis tosh ako din eh dati mabilis ma fall but now carefull na ako..

Apir! Magkadugo tlga tayo teh. Ang bagong motto. Flirt with precaution. Hehe.
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: johnli on August 04, 2013, 04:12:48 PM
...napaka familiar ng post nyo po,. dahil nga i am caught in this situation,. yung nahulog agad ang loob namin sa isa't isa,.. at ang sabi sa gf ko sya daw ay isang easy to get dahil sa maikling panahon sinagot nya ako,.. peru kung ating iisipin eh,.. kung may right time nga ba sa pagmamahal eh, kelan? gaanu kahaba ang guguguling oras para masabi mo na nagmamahal ka na nga,. wala namang rule pagdating sa pag-ibig,.ang importante tapat ka sa iyong hangarin,..
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: dennis magtulis on August 06, 2013, 05:01:58 PM
yes I am,,though I have the ability to hide it ,  ;D
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: xkatrina on October 15, 2013, 02:09:36 AM
oo eh, mabilis ako ma-fall dati. magpa-sweet-sweet lang sakin, wala pang isang linggo, feeling ko mahal ko na ung lalake. pero dati lang naman yun. ngayon kasi, medyo iwas na rin ako sa ibang lalake at iilan na lang din ung mga lalakeng kinakausap ko hehe.
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: Prime™ on October 15, 2013, 08:12:11 PM
Ako? Oo. Mabilis ma-fall, sa hagdan. Hwehwehwe...

Pero seriously nope. Maarte ako pare, mahirap ako spellengin. Alamin ko muna maigi, then pag gusto ko nga yung girl, ayun lets see how things would unfold.

Life is full of surprises.
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: jknoxville on October 17, 2013, 04:09:42 PM
ako? oo mabilis akong magfall lalo na pag ang bait sakin nung girl. sweet, hndi plastic yung lage anjan para sayo pag-nainlove ka na at umamin sa kanya bigla nalang sya lalayo dahil kaibigan lang pala talga tingin nya sayo..
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: somebody on October 17, 2013, 08:29:43 PM
Apir! Magkadugo tlga tayo teh. Ang bagong motto. Flirt with precaution. Hehe.


superlike ko to sis ...clapclap :D

OT:
Lately natuto na ako sa ikot ng mundo kaya yung pagiging mabilis mafall unti unti ko ng tinatanggal sa sistema ko.. Akala ko mahirap pero nasa isip lang yung hirap.. KUDOS!
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: jamesbond on October 17, 2013, 08:54:39 PM
i dont fall that easily... in fact kapag alam kong medyo tumatalab na ako sa kanya that is when i press the panic button... i distance myself and analyze as to my true feelings for her... is it real or superficial? 
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: Tracertribe on October 17, 2013, 09:00:48 PM
It depends if i like the person and she has the qualities to make me fall fast.. Sometimes nakaka turn off yung girl na masyadong maarte feeling maganda.. State the fact that she has this beauty may utak kaya? Worth it kaya? Faithful kaya? Those questions.. kaya if you will meet someone think first kilatisin and magdasal ask for some wisdom, baka she's just playing games and i'll bet waste of time.. my two cents
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: Mark Yap T. on November 27, 2013, 06:34:34 PM
Siguro ganun na nga, lalo nat TYPE  mo ko yung girl. kahit nga meron na akong GF, ma fall inlove parin ako sa iba hahays iwan ko ba baket ganito ako. Sino naka relate sakin? :D
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: somebody on December 05, 2013, 02:23:59 AM
i dont fall that easily... in fact kapag alam kong medyo tumatalab na ako sa kanya that is when i press the panic button... i distance myself and analyze as to my true feelings for her... is it real or superficial? 

so this time it's true ser dacsy with your boss  :D

OT:
Fall  ??? ..di na tulad ng dati.. kahit pa cguro supersweet yung guy sakin , mukang magdududa na ako dun..unlike before sweet lang, umaasa agad kaya nasasaktan..haha. I'm stronger now.. charot
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: ladyvirus01 on December 05, 2013, 06:56:33 AM

Ako? Oo. Mabilis ma-fall, sa hagdan. Hwehwehwe...

Pero seriously nope. Maarte ako pare, mahirap ako spellengin. Alamin ko muna maigi, then pag gusto ko nga yung girl, ayun lets see how things would unfold.

Life is full of surprises.

Ohh really life is full of mystery or love full of cementry? Hahaha juk lang sir crush ..... :biker:


Sent from my iPhone using Tapatalk (http://tapatalk.com/m?id=1)
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: witherwind on December 05, 2013, 09:24:03 AM
I concur on everything you said mister monde8.

On-topic: I can't say na hindi ako mabilis mag-fall, but I can't tell otherwise either. Haha! Nakikiramdam kasi ako at hindi ako sugod ng sugod. Sagrado kasi sa akin ang relasyon at kung palagay ko ay hindi kaya ng girl na masakyan ang mga ugali ko, hinding-hindi ako bibigay.

On a side note, I was very active on textmates before and frankly, medyo nairita ako kasi nagsasalita pa lang ako na-iinlove na daw sila. Haha! Muntanga lang. Kaya tinigil ko. :D
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: Choke on December 07, 2013, 12:27:58 PM
Mabilis ako ma-fall kapag nagkwento na personally at lalo na kung may sense talaga kausap
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: Katorse on December 14, 2013, 08:01:53 PM
sa guni-guni mabilis lng pro kpg totohanan na matagal tagal din kinakaliskisan ko ng maigi e! ;D ;D

sobrang picky ako tumitingin ako more on the personality side. OK lng kahit mukang hayop basta asal tao kesa mukang tao asal hayop nmn.  :))
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: magbubukid on December 15, 2013, 12:21:52 PM
Falling in love takes time.
Mabilis ako ma-attract pero hindi agad inlove. Mabilis din mawala ang attraction kapag meron siya ugali na hindi ko nagustuhan.  ;D
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: ladyvirus01 on December 15, 2013, 03:58:07 PM

sa guni-guni mabilis lng pro kpg totohanan na matagal tagal din kinakaliskisan ko ng maigi e! ;D ;D

sobrang picky ako tumitingin ako more on the personality side. OK lng kahit mukang hayop basta asal tao kesa mukang tao asal hayop nmn.  :))

Haha natawa ako sa commemt mo absent tama ka dyan marami talagang ganyan ngayon sa mundo and beware
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: Troll Montero on December 23, 2013, 01:25:48 PM
sing bilis ng bullet, gano ako ma fall in love, but kasing bagal naman ng pagsasalita ni kuya ceaser bago ako mag move on
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: radicalerror on January 03, 2014, 01:41:55 PM
I believe love takes time pero u.g attraction andun agad.. so sa akin mabilis ako maatract pero mafall indi.. xD

Sent from the Ethereal Horizon

Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: Sleepaholic on February 17, 2014, 11:18:25 PM
Mabilis ako maattract but to love? Hinde. Love takes time.

Especially in my case na ilang beses na nanggaling sa failed relationships, mas nagiging cautious na rin unless may taong darating na kayang ibreak yung walls ko haha patay tayo dyan.
Title: Re: Mabilis ka ba mag fall?
Post by: moodie_ako on December 16, 2018, 11:58:49 AM
kung gaano katagal ako mafall,ganun din katagal ako magmove on...next year nga mabago na.
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2021, SimplePortal