My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: fayt on April 05, 2013, 11:25:34 AM
-
(http://sphotos-d.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash3/10860_525049730874603_1228612842_n.jpg)
Paano naging mapera ang isang simpleng Ofw?
Yun ang akala ng mga hindi pa nakakapag-abroad di ba?
Yung mga Nurse, Care giver, doctor, at iba pa na sumasahod ng $1,000 hangang $2,000 e dumadaing pa nga.
Anu pa kaya ang mga simple lang gay
a ng janitor, construction workers, katulong, waiter/waitress na sumasahod lang ng 350 to 450 dollars na katumbas ng 1,400riyals sa middle east.
Ang isang simpleng Ofw
ay sumasahod lamang ng halos kapareho rin ng minimum wage sa Pinas.
15k pesos satin, 15k pesos din sa abroad.
Ang pinagkaiba lang ay madaming tax sa atin, plus pamasahe at pagkain kung kaya halos mangalahati ang nasabing suweldo kapag natanggap na.
Ang halagang nawala ay pwede ng pambayad ng meralco at nawasa.
Sa abroad ay buong nakukuha yung 15k pesos at walang bawas kaya sapat na sa mga bayarin para sa isang maliit na pamilya....
Maliit na pamilya.
E pano yung malaking pamilya ha?
Yung may madaming anak?
Kaya kailangang ipadala lahat iyon sa pamilya dahil kung hindi ay ganun din ang magiging buhay....
Para lang ding nasa Pinas....
Siguradong Kakapusin ang pamilya sa mga bayarin.
Sa madaling salita walang natitira sa Ofw.
Kung may matira man e maliit lang.
Halos pangbili lang ng mga personal na pangangailangan gaya ng toothpaste, sabong panligo at panlaba at pang load...
Tapos sero na ulit....
Mag aantay ulit ng katapusan.
Kapag may dumating na problema mula sa Pinas ng wala pang araw ng sahod...
Ayun!
Tama!
Mayaman ang Ofw......
Mayaman sa patak ng luha.
Hahanap ng mahihiraman...
Kapag naulit ulit na may dumating na problema...
Hiram ulit.
Hanggang sa mabaon.
Walang magagawa eh....
Lalo na kapag mahal na mahal mo sila.
Gagawin ang lahat kahit nahihirapan na.
O di ba?
Mahirap din ang Ofw.
Mahirap na ay Malayo pa sa pamilya.
Hahahahahaha!
Ako nga kung minsan....
kapag wala akong magawang paraan....
Nakakalimutan kong malambot pala ang aking kamao...
Nakakalimutan kong matigas pala ang pader para suntukin ko.
Hahahahaha!
hindi lahat ng naka ABROAD sinuswerte.
hindi lahat ng nasa ABROAD may pera.
hindi lahat ng naka ABROAD masaya.
dahil lahat ng naka ABROAD may lungkot na itinatago ito sa buhay. ang malayo lang sa mahal namin sa buhay ay napakasakit na. hindi lahat ng nasa ABROAD pag nilapitan nyo meron silang agad na bubunutin na pera para ipadala agad sa inyo. minsan kamustahin nyo naman ang buhay namin dito sa ABROAD. kung kumakain ba kami sa oras may pera bang natitira para sa amin. nagkakasakit ba kami. hindi yung kung mag isip ang iba, MAYAMAN na 'tong taong 'to."
alam mo ba ang obligasyon at kung gaano kalaki ang hinahawak nitong responsibilidad sa kanyang pamilya?
ang masakit dito pag hindi mo pa napahiram o natulungan sa unang lapit nila sayo iisipin nila nagdadamot ka. hindi nila alam wala ka lang talagang maiabot.
SAD BUT TRUE maraming ganyan na tao.
"OO, MAYAMAN AKO sa TIYAGA AT SAKRIPISYO na pansamantalang nagtitiis mabigyan lang ng magandang buhay ang aking pamilya.
-
yan ang katotohanan na hindi alam ng ilan tungkol sa OFW.
-
sad to be true.
-
Ito ang katotohanan na dapat malaman ng mga nasa pinas at umaasa sa isang OFW. Totoo ang lahat na sinabi ni TS, mayaman sa sipag , tyaga at luha.
Ung saya na pwedeng makamit lang ng isang OFW ay ung nakakapagpadala sya tuwing katapusan, maliban doon wala na (di ko nilalahat dahil ung iba maswerte talaga)
-
Sad truth indeed. Erpat ko nasa Saudi at ang mga kamag anak niya eh kada enrollment, kada may magkaka sakit, at kung anu anong gastusin eh siya agad ang unang tinatakbuhan. Bilang isang mabuting kamag anak naman ay bigay siya ng bigay. In four months uuwi na siya after working in Saudi for 8 years. I hope kahit paano ay may natira naman para sa kanya at hindi naubos nang lahat ng mga kamag anak niya ang mga pinaghirapan niya doon.
-
Sad truth indeed. Erpat ko nasa Saudi at ang mga kamag anak niya eh kada enrollment, kada may magkaka sakit, at kung anu anong gastusin eh siya agad ang unang tinatakbuhan. Bilang isang mabuting kamag anak naman ay bigay siya ng bigay. In four months uuwi na siya after working in Saudi for 8 years. I hope kahit paano ay may natira naman para sa kanya at hindi naubos nang lahat ng mga kamag anak niya ang mga pinaghirapan niya doon.
Mahirap yan kung sa 8 years wala naipon.. wag naman po sana
Sent from my HTC Sensation Z710e using Tapatalk 2
-
Sana nga bradir. In fairness nakabili naman siya ng isang maliit na bahay sa probinsiya kaya kahit paano may naipundar din.
-
Sana nga bradir. In fairness nakabili naman siya ng isang maliit na bahay sa probinsiya kaya kahit paano may naipundar din.
At least may sariling bahay na.. hindi na mangungupahan.. kaso muka nga sya lagi hinihingan ng tulong at amg bait nya kasi 8 years at bahay lang naipundar.. sorry kung naka offend. Di ko mean, pero antagal nya sa saudi. Sana nakabili o may pang negosyo pa sya kung dahil sa mga kamag anak nya.
Sent from my HTC Sensation Z710e using Tapatalk 2
-
true bossing....
ganyan din kasi ako...takbuhan pag me kailangan lang..
-
Most of the OFW's ay mga dakilang tao ang mga yan. They make all the sacrifices to financially support their families here at home. Sometimes they don't have enough money for their own needs para lg makapagpadala dito sa mga families nila dito sa pinas. Not just the OFW's families benefits from all the remittances that are sent here sa pinas but also the Phil. economy. So to all of the OFW's MABUHAY PO KAYONG LAHAT.
-
Totoo yan kaya dapat maaga pa lang dapat may naipundar na kasi di habang buhay nasa abroad tayo... need to have savings.
-
ang tinutukoy na "ofw" sa thread na eto ay isang blue collared ofw. salungat sa description ng mga ofw na degree holder.
-
tama tol, +k ka sa akin.... makatotohanan yang boss mo, hindi nila alam kung paano kumita ng pera, kala nila ang trabaho naten dito eh kumulekta ng kumulekta ng pera, hindi nila alam na pawis at dugo ang puhunan dito kumita lng ng pera.