My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: mikasaVOM on January 29, 2017, 06:29:00 PM
-
Ganito kasi nung June na transfer ako ng office sa probinsya at nakilala ko tong coworker ko na girl na nagustuhan ko (tago nlang natin sya sa pangalang Jessica). So i started hitting on her kwentuhan, tawanan, kulitan flirt ng konti and eventually i ask her out on a date at pumayag naman sya. so we had a great time sa date namin only to find out na may bf na pla sya. so ako naman being a nice guy and having morals (kuno) at naniniwala din ako sa karma so nag back out ako ng panliligaw sa kanya at less na yung invest ko n emotion sa kanya. but recently lang nalaman ko na break na pla si Jessica sa bf nya at gusto ko sanang balikan yung panliligaw sa kanya pero napansin ko na yung bagong hired na employee namin (tago nlang natin sa pangalan na Roy) ay nagsimula na ring magflirt sa kanya at napapansin ko na parang nagiging close na sila at narininig ko sa ibang kasamahan namin na nanliligaw na pla raw tong si Roy. I know this is a sign of insecurity so tinawagan ko sya last night at sinabi ko na talaga yung feeling ko na inlove ako sa kanya at kung bakit tinigilan ko yung panililigaw ko sa kanya etc etc. and she said to me na mahal nya rin daw ako pero di daw pwede maging kami kasi nga ayaw ng family nya na magka bf sya ng coworker nya kasi may past pla sya dyan sa office namin kung saan naging bf nya rin yung dalawa sa kasamahan ko so ayaw raw ng family nya na ma bansagan syang playgirl or anything.
Ask ko lang Nagsasabi kaya sya ng totoo na mahal nya rin ako at di pwede maging kami kasi ayaw ng family nya or excuse nya lang yun para ma i reject ako?
Pagpapatuloy ko pa ba ang panliligaw at sasabayan ko si Roy o hayaan ko nalng to at mag move on na?
thanks in advance
-
hi ts... for me fight for what you feel.. court her formally... the past cannot be undone but assure her of a good future if she is to love you back... goodluck...
-
Bro ang mpapayo ko lng s u mag move on na tyo.. ay ikaw pala.. hehe.. kc kung un tlga rason nya n hindi mag jowa jan e bakit entertain to d max p sya dun s isa.. kung love k nya dpat after breakup nla nun ex nya e inopen n nya un s u ikaw ang mahal nya.. pero nsa u yn bro wala naman mkakapg dikta s u pag gusto mo e.. basta un lng payo ko mag move on k n sayang mag effort kung un n nasabi nya s u.. goodluck bro :peace:
-
Pagkakataon nga naman.. if I were you man, tutuloy ko yan. Kung mapasagot mo man sya fine. Sya pa rin naman magdedecide kung papayag sya or susunod sya sa parents nya. Go long bro and enjoy.
-
@naruto789544 thanks bro yun na nga i ta try ko uli mag court sa kanya baka magbago isip
@fre_jo yun na nga iniisip ko bri pero di naman talaga ako sigurado kung nanliligaw ba talaga o hinde tska ayaw ko naman itanong kasi wala akng karapatan at parang insecure ang dating ko nun
@jamoy i agree. pero do you think sincere sya dun sa sinabi nya?
-
Ito bro kung gusto mo talaga makasure at mapasagot k nya n tama gngwa nyo e maghanap k ng ibang mapapasukang trabaho at magresign k jn s pinapasukan ninyo. Dba un ang rison nya bkit ayaw nya magkajowa kc nga ayaw ng parents nya n mgjowa n naman sya n tga jn s ofis nyo. so un ang unang hakbang mo. pagnagkaron k n iba work tuloy mo panliligaw mo s knya tpos tignan ntin ano n naman irarason nya s u. Kung mahal k tlga nya la n dapat rason rason e. Un lng bro. goodluck
-
i think resigning is too much a sacrifice for you... and the reason they are stating is for me too much... just show your true intentions and hope for the best...
-
Resign? parang sobra naman yun brad... eh pano kung dinadahilan lang nya yung parents nya. Or baka sinusubukan ka lang kung magaalanganin ka.
Keep your job pare. Tapos tuloy mo lang yung panliligaw sa girl. Kung gusto ka talaga nyan sasagutin ka nyan.
-
sir, do you really love her, if you do...tuloy mo lang, court her...show her na steady boyfriend material ka...... let her family know na serious ka sa officemate mo...and good luck.
-
ganyan din nangyari sakin dati bro.. mas malala pa nga ung sakin haha pero in the end nakuha ko parin si girl at mag 3 years na kami now. nag post din ako d2 sa problema ko about sa relationship dahil ayaw ng magulng ng girl sakin kahit di pa nila ako kilala dahil sa apilyedo ko ayaw nila agad haha pero prove mo lang sa kanya na mahal mo sya at di naman ang magulang ang papakaslan mo diba? e2 lang masasabi ko useless din ang relasyon nyo kung ikaw lang ang mag eeffort at mag fight dapat ganun din ang babae... as of now ok na kami ng fam nya, gus2 na nga ng father nya na magka baby na kami kahit di mo na ikasal.
-
Since humingi ka nang advice papayuhan kita lalake sa lalake, wag ka sanang ma ooffend I will judge you base on your story.
First...Maharot yung coworker mo, imagine may BF na pala sya nakuha pang makipag date syo, respeto nalang sa BF nya diba. baliktarin natin ang scenario kunware GF mo sya at nakipag date sya sa iba... anong mararamdaman mo? ok lang ba syo yun?...
Pangalawa... Malandi yung coworker mo, sabi mo nga kaka break lang nung BF nya meron kaagad syang rebound or nagpapaligaw kaagad sya. and worst dun pa sa bagong employee. diba nung bago karin sa company nyo nakipag flirt din sya syo. imagine pag may bagong employee nakikipag flirt sya...di maganda yun.
Pangatlo... Haliparot ang coworker mo, mismo sa kanya na nang galing at sa family nya na tinutukso syang playgirl dahil naka 2 BF na sya on same company.. can you imagine pag nagkatuluyan kayo at msasalubong mo yung naging bf nya, baka pagtawanan ka pa nang mga yun...
Pangapat end lastly.... Crush mo lang sya kasi baka na shock kalang sa mga babae sa manila, sabi mo nga galing ka from province baka nag ka culture shock kalang sa mga babae sa company mo..... daming babae dyan labas labas din sa company, ang daming babae sa manila....
Payo ko syo mag focus ka muna sa work mo, strive hard para maging successful at stable na tao...
at pag naging successful kana hinde mo na kilangan manligaw kidat mo lang yung liligawan mo sasama na syo hahahaha joke... I meant may mukha kanang ihaharapa sa mga magulang nang nililigawan mo.... :-\
note: mahorot parin yung coworker mo wag mo nang ligawan yun...... :peace:
-
@warfreak13 yun nga impression ko bro nung nalaman ko na may bf sya pero ayoko naman i judge sya ka agad so nag investigate ako nabalitaan ko sa mga kasamahan ko na di naman talaga maharot tong si jessica may pagka innocente lang daw talaga at madaling mainlab. sa katunayan nga guilty2 daw talaga sya nung pumayag sya sa akin makipag date at kung pwedeng daw bawiin yung ginawa nya babawiin nya. maganda kasi tong si jessica at very friendly kaya medyo lapitin. currently tinatawagan ko sya every night lagi kaming nagkukulitan kasi di ko pwedeng gawin during work para iwas tsismis sa mga kasamahan namin s work
-
@warfreak13 yun nga impression ko bro nung nalaman ko na may bf sya pero ayoko naman i judge sya ka agad so nag investigate ako nabalitaan ko sa mga kasamahan ko na di naman talaga maharot tong si jessica may pagka innocente lang daw talaga at madaling mainlab. sa katunayan nga guilty2 daw talaga sya nung pumayag sya sa akin makipag date at kung pwedeng daw bawiin yung ginawa nya babawiin nya. maganda kasi tong si jessica at very friendly kaya medyo lapitin. currently tinatawagan ko sya every night lagi kaming nagkukulitan kasi di ko pwedeng gawin during work para iwas tsismis sa mga kasamahan namin s work
@mikasaVOM sensya na kung medyo prangka ako sa comment ko... basa ulit sa reply mo hinde nako magpapaligoyligoy pa... sa tingin ko gusto mo sya.... kahit anong payo namin dito bale wala lang kasi alam mo sa sarili mo kung san ka masaya diba?.... ang tanong nalang is anong second move mo after nang patawag tawag na yan?...
i'm sure gusto mo syang maging GF pero nagdadalawang isip kalang no?...... tanong ko nalang din syo ulit, pag ba naging kayo pano ka makakasiguro na di na sya makikipag flirt or date sa iba?...sabi mo kasi friendly sya eh... at kaya mo bang i handle ang situation pag nalaman mong nakipag date sya sa iba (just in case).....
-
^Follow up lang bro.. kung ako naman tatanungin..go lang..ienjoy mo lang... pag naging kayo eh di ok.. saka ka na magdecide kung pangseryosohan ba sya or hindi. At least wala kang regrets....
-
@warfreak13 good point bro. siguro ang mas mainam dito is maghahanap nalang ako ng ibang maliligawan din para di ako maging attach talaga at maging seryoso sa kanya. at tama si tol @jamoy i enjoy ko nalang yung mga moment namin pero di nalang ako mag e expect na magiging kami para di ako mabigo sa huli
-
^at least you can say that you tried diba?? you'll never know the results not until masubukan mo. Good luck dude!
-
all things taken, it is still up to you ts... advice lang naman mga binibigay namin sayo.. at the end of the day, you decide on what is best for you... goodluck on whatever your decision may be...
-
medyo malas na araw mga tol. binasted na ako ng co worker ko. ganito ng nangyari kanina sinabayan ko sya sa paglalakad palabas ng office namin habang ng uusap kame out of nowhere sinabi nya alam mo parang kang bata sa edad mo yan (31) dapat mature ka ng mag isip mas immature kpa sa akin. tapos biniro ko sya ng sagot na kung ganon bat na inlove k sa akin if yan pala tingin mo at nagulat ako kasi seryoso nyang sagot na 'noon yun hindi na ngayon na fell out nako' so ako naman tinanong ko ng deretchahan so ano to tapos na? sagot nya oo. so nag paalam nlng din ako
pero ang ikinagulat ko lang kasi kung yan pala ang ikina turn off nya sa ugali ko bakit sinabi nya na inlove sya akin few days ago lang. eh wala naman akong binago sa pag uugali ko simula ng magkikilala kame?
at kanina lang nag text sya sorry daw sa sinabi nya na para akong bata . sabi ko naman na ok lang. tanggap ko naman mga tol na basted na nga ako pero naguguluhan lang ako kung bakit agad2
-
update ko lang. nabalitaan ko kanina na mag syota na pala si Jessica at si Roy ang masakit pa narining ko sa kapwa kasamahan ko na pinagyabang daw ni Roy na sinabi sa kanya ni Jessica na pwede na syang sagutin ni Jessica kasi binasted nya na ako. i felt like a loser mga tol hindi ako maka concentrate kanina sa work at walang gana kumain sa dahil sa mga nabalitaan at narinig ko kanina. di kasi ako tulad ng iba na magaling dumiskarte ng babae..
paano ko ba maalis etong narardam ko ngayon? hingi sana ako payo sa inyo. ayaw ko humingi ng payo sa kasamahan ko kasi feeling ko tingin nila sa akin loser
-
normal lang yang nararamdaman mo brad..kahit naman sino sa kalagayan mo ganyan din ang mararamdaman..
so anong pwedeng gawin natin?? quit your job?? hindi naman sapat na dahilan yun para isacrifice mo yung job mo. Bear it na lang dude..ganyan talaga...
a day will come na tatawanan mo na lang lahat ng nangyari...for now mahirap, pero trust me dude... this too shall pass...
daming isda sa dagat...mas madaling makamove on kung magstart ka nang mangisda...good luck... ;D
-
thanks tol @jamoy . ang hirap lang kasi tol araw2 ko silang nakikita kaya ang hirap mag move on ok lang sana kung hindi.
-
mahirap tol...pero dapat kayanin...wag ka magpaapekto sa kanila...best way to get even is ipakita mo na hindi ka affected... isipin mo na lang maghihiwalay din sila in the end...hehe
kidding aside, hayaan mo na lang tol... ganyan talaga ang life...
-
yan yung sinusubukan ko tol na di mag pa affect pero laging bumabalik yung feeling tuwing nakikita mo silang sweet at dinadagan pa ng mga kasamahan m na feeling m tinatawan ka nila kasi di ako nakapasa kay jessica
-
sorry to hear that ts... anyway, i know it's really hard since you get to see her everyday but i suggest live with it for now... it's not right to sacrifice your career over that... move on... you'll find your match when the right time comes....
-
@naruto789544 actually tol sanay naman akong ma basted marami2 beses na rin akong na basted sa buhay ko pero kakaiba lang to ngayon dahil siguro di sya naging tapat sa totoong feelings nya sa akin sabi nya kasi mahal nya ako pro di pwed maging kami kasi ayaw ng family nya ng kasamahan nya sa work pro yun pla pinatulan nya rin yung isang co worker namin. kung sana sinabi nya nalang ng deretchahan sa akin na friend lang tingin nya sa akin siguro di ganito kabigat ang nararamdaman ko ngayon
-
i know what you feel sir... well that's part of the love game... just move one and hope for the best...
-
boss walang mangyayari sayo pag ganyan ka palagi.. halos lahat naman ata ng lalaki sa mundo dinaranas din mga yang ganyan kahit ako nga dumaan din sa ganyan.. yung mabuting gawin mo move on nalang kahit mahirap pero dapat pilitin mo. wag mo isakripisyo yung career mo para jan, isa pa marami naman ibang babae dyan "remember boss yung puke nakakasawa din" hahaha kaya wag ka feeling sya na talaga ang perfect para sayo. mag hihiwalay din mga yan tapos pag naka hanap kana ng mas better pa sa kanya edi yun na yung sweetest revenge mo diba? lol. gaya nga ng sabi dun sa taas marami isda sa dagat, try mo naman gumawa ng mas magandang pamain malay mo maka huli ka ng first class na isda :)
-
hayyyy nakow bro.. diba sabi ko naman sa u na mag move on na tayo.. ayyy ikaw pala :hilo:
naman bro, girl din ako kaya nababasa ko yang gurlaloo na yan :peace:
saka dont feel down kasi sa nangyari at iniisip mo na may iniisip sa u ung ibang tao.. alam mo mas masama p nga iniisip n ibang tao jan sa gurl dahil pinatunayan nya lng na flirt talaga sya.. puros game lng nsa utak ng gurl na yan.. tignan mo di din tatagal yang relasyon nla pag nakakita na naman ng iba yang girl na yan.. sya ang imature hindi ikaw ha.. wag mo idadown sarili mo.. dahil lang sa nabasted k nya.. tama d lang sya ang babae s mundo saka nakita mo n b s knya lahat ng gusto mo d naman e panlabas plng nya yng nakita mo d ung tunay na sya.. ngayon nalaman mo n kung cno sya so tigil na bro move on na ha..
wag mo pag aksayahan ng panahon at love mo sa ganung tao.. magpsalamat k dahil d mo sya nging gf kasi mas msasaktan k pag naging kayo tapos me papatulan n naman syang iba..
kaya now tanggapin mo lng bro ung nangyari mkakapagmove on k nyan.. isipin mo na d talga kayo pra sa isat isa.. at msaya sya kung nsan sya ngayon.. jan bro mkkatulong yan pg lagi yan ang iniisip mo..
wag kang magreresign pra maiwasan cla ha.. wag ganun.. tibayan mo lng loob mo basta magmove on na ha..
saka tama un sabi ng ibang guys dto na hanap ka ng ibang paglilibangan o ibang mkakausap bro..
o sya update mo nlng kmi bro.. move on move on na ha.. goodluck bro :peace:
lonely hearts day sa tin bro.. apir hehehe :peace:
idate nalang natin ang mga sarili natin.. and ienjoy lng pgiging single hahahaha.. o sya alis muna ko idate ko sarili ko hahahaha.. goodluck bro :-X
-
salamat @fre_jo , @elluminati14 at sa ibang nag rereply di nyo alam kng gaano kalaki na tulong ang mga reply nyo upang magaan ang pakiramdam ko at para na rin itong sampal sa akin na gumising sa katotohan.
update ko lang nung wednesday dating gawi nakita ko na naman sweet na nag uusap sina roy at jessica though may konti kirot pa rin pro di tulad ng dati. very awkward dahil nagkasabay kame ng paglalakad palabas ng gate na kaming dalawa lang. ayoko naman maging bitter sa nangyari so nag offerako ma buhatin yung mabigat nyang dala palabas ng gate at usap2 ng konti. Napansin ko lang pag dating ng thursday hindi na masydo namamalagi sa table nya si jessica palaging syang lumabas ng office namin at dun tumatambay na hindi nya naman madalas ginagawa para bang umiiwas kay roy. nagulat ako kanina ng biglang bisitahin ng kanyang ex si jessica at nag usap sila sa labas ng office namin kagagaling ko lang sa lunch break at papasok na ng office ng ipakilala ni jessica yung ex nya sa akin at proud nyang sinabi na 'my future husband' so ako naman casual akong ngpakilala at nag offer na dun nalang sila sa loob mag usap kasi medyo mainit sa labas so yun pinakilala nya sa mga kasamahan ko yung ex nya at sabi nya na nakipagbalikan na sila. . ngayon sabi ng kasamahan ko na sinabi ni roy na hindi naman daw talaga naging sila ni jessica close lang daw talaga at biro lang daw sinabi na naging sila.
naguguluhan na talaga ako kay jessica feeling ko kasi na sinadya nyang ipakilala yung bf nya para ipahiwatig sa offfice namin na hindi sya playgirl?
ang nakakakungkot lang kasi yung iba namin kasamahan parang nagpaparinig kanina sakin na pera na naging bato pa inagaw ng kapitbahay ngayon kinuha na ng may ari
-
hey bro... you tried, she would not have you. the end... hanap ng iba... magulo yang girl na yan.. buti na lang hindi naging kayo... alam na natin kung ano sya, not worth it dude...
imagine na lang magiging problema mo kung naging kayo..malamang may bago ka nang thread ulit...haha
kidding aside, good luck dude...marami jang iba...
-
honestly bro, ikaw na may problem now... all the signs are there and yet you refuse to accept the facts... go on with your life...
-
welcome bro @mikasaVOM
bro good yan wag mo pakita na nasasaktan ka ha.. makakalimot ka din.. mawawala din yang feelings mo sa kanya paunti unti..
hmm gulo ng jessica na un ah.. bkit pinagkalat na sila ni roy tapos now hindi.. kakaloka.. hehe.. waste of time effort at love mo lang yan bro.. magmove on na ha.. dedmahin mo na.. isipin mo di talaga sya worth it sa feelings mo..
wehh d din naman nya pede basehan ung ipakilala ex nya para lang sabihin di sya playgirl.. pero nachismis na nga na naging sila ni roy e.. tapos now indi na.. hay naku bro masanay ka na magulo talaga yang jessica na yan..
bro wag mo na pagsayangan ng panahon yan ha.. hanap hanap at madami jan mga gurls pa okies.. maghanap ng paglilibangan at mkakachat mgiging ok ka din bro okies..
goodluck :peace:
-
see nakita mo naman kung anong babae yan? hahah yung si roy parang nagpapalusot lang yan para di sya masaktan or ginamit lang ni jessica si roy na parang bf ? yang mga ganyang babae wag mong seryosohin minsan may mga ganyan talagang girl na paglalaruan ka ang ending sila din ang mag suffer dahil makakahanap din sila minsan ng mga lalaking d seryoso.. kaya kung ako sayo mag move on na ako at humanap ng iba ang daming babae sa mundo iilan nalang tayong mga lalaki ang natitira at nababawasan pa ng mga bakla hahaha no offense :D