My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: fayt on March 31, 2013, 05:21:27 PM

Title: Diskarte o Talino
Post by: fayt on March 31, 2013, 05:21:27 PM
Sa palagay nyo ka pt, ano ba dapat ang need ng isang buhay para ka makasurvive o maging successful ka. Maging sobrang talino ka o wais ka lang.

Sent from my HTC Sensation Z710e using Tapatalk 2

Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on March 31, 2013, 05:41:50 PM
nasa diskarte yan sir yung mga kaklase ko dati daming awards awards sa school

pero ngayon yun iba nasa bahay lang may anak na, or yun iba ofw, at kung ano ano pa

so i think wala sa talino yan
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: Rad on March 31, 2013, 05:47:01 PM
dapat kay diskarteng may kasamang kahit konting talino.

talinong may kasamang konting diskarte.

kaya minsan naririning natin na "hindi lang basta diskarte ang kailangan, kailangan din ng utak" or "di puros talino ang kailangan dapat may diskarte ka rin"
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: aDiDas on March 31, 2013, 09:10:33 PM
nasa diskarte yan sir yung mga kaklase ko dati daming awards awards sa school

pero ngayon yun iba nasa bahay lang may anak na, or yun iba ofw, at kung ano ano pa

so i think wala sa talino yan
sang ayon ako d2, nasa diskarte lang yan. dagdagan mo pa ng kakapalan ng mukha o yung tinatawag nilang confidence malayo na mararating mo maski pasang awa ka lang sa mga klase. madami na din akong kakilala cum laude at mga suma, nag asawa lang ngayong plain housewife at losyang na lol
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: Lord Nok Von Hauten on April 01, 2013, 01:31:29 AM
sang ayon ako d2, nasa diskarte lang yan. dagdagan mo pa ng kakapalan ng mukha o yung tinatawag nilang confidence malayo na mararating mo maski pasang awa ka lang sa mga klase. madami na din akong kakilala cum laude at mga suma, nag asawa lang ngayong plain housewife at losyang na lol

Well depende yan sa sitwasyon, iba iba naman kasi ang tatahakin nating daan ng ating buhay. Iba rin yun matalino at iba narin yun madiskarte sa buhay... Kita nyo si einstein di ba dating kick out naman yan sa school nila, isa na diyan si bill gates kaya lang talagang mayaman na sila...

Ang buhay ang guhit ng kapalaran walang ibang nakakaalam... Sa akin kung meron ka parehas mas lalong maganda.
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: ~..viej..~ on April 01, 2013, 07:42:32 AM

60% diskarte, 40 % talino......at mahalaga me pangarap ka sabay kilos...
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: monde8 on April 04, 2013, 01:34:38 AM
Para sakin, ang diskarte ay mas mataas na antas ng talino. Para maging madiskarte ay kailagang may angkin kang talino.

Yung talinong meron ka, alam mo kung paano iapply sa buhay = diskarte.
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: angbananas on April 09, 2013, 12:08:17 AM
diskarte. pwera na lang if doctor ka, lawyer, at iba pang career na required ang talino.
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on April 09, 2013, 12:24:04 AM
Para sakin, ang diskarte ay mas mataas na antas ng talino. Para maging madiskarte ay kailagang may angkin kang talino.

Yung talinong meron ka, alam mo kung paano iapply sa buhay = diskarte.
totoo yan diskarte ay mas mataas na antas ng talino

dapat maging madiskarte ka para di ka maging kaya ng kakilala mo na losyang na hihihi
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: SHE69 on April 09, 2013, 02:53:19 AM
for me diskarte...... yung alam mo how to handle things..... the moves ....  :-X
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: jogradnapogi on April 09, 2013, 03:18:25 PM
diskarte tol, madami ako kilala hindi tapos sa pag aaral pero sabrang successful daig pa yung mga matataas pinagaralan.
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: Prime™ on April 09, 2013, 06:59:10 PM
Mahirap ah. Matalino kailangan kung gusto mo maging successful na scientist etc. But so does being a cashier at McDonald's.

Madiskarte naman is good din if gusto mo maging magaling na entrepreneur. But so does being a succesful holdapper. Upgrade mo na sa politico pwede din. Hahaha

Tricky question you got there man.

But if I had my choice, it's courage and will.

Will can move mountains.
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: mrbiggy11 on April 10, 2013, 12:38:07 PM
hindi naman ibig sabhin talino= nakapag aral grumaduate. talino means may alam ka, hindi ka mangmang, kaya nga ang daming holdaper snatcher kidnapper manloloko kasi madiskarte sila pero wala silang talino kaya hanggang dun lang sila. yung iba naman matalino pero takot, walang diskarte, d alam gagawin sa talino nila. ang maganda, talino, diskarte at nasa tama
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: grabehhhhhhhh on April 19, 2013, 06:00:07 AM
hindi pwedeng paghiwalayin ang  dalawang yan. kasi walang mangyayari kung puro talino lang ang alam mo tapos hindi ka marunong  dumiskarte sa buhay mo.
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: Dimmu Borgir on April 21, 2013, 01:07:18 PM
diskarte..

karamihan sa mga matatalino eh empleyado lang kasi asa sila sa talino nila....

sabi nga ni gates " I failed in some subjects in exam, but my friends passed it all. Now, he is engineer in Microsoft and I'm the owner of Microsoft"
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: sniffer on April 22, 2013, 02:27:40 AM
kailangan p rin ng talino para maka diskarte, kc kung wala un malamang palpak ang diskarte hehe

 ;)
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: norwood on April 29, 2013, 06:23:58 PM
depende...madiskarte ka nga wala ka namang talino,matalino ka nga wala ka namang diskarte..wala rin...dapat pareho meron...
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: fayt on April 29, 2013, 06:40:33 PM
depende...madiskarte ka nga wala ka namang talino,matalino ka nga wala ka namang diskarte..wala rin...dapat pareho meron...

pero ano ba ang dapat na mas lamang sa dalawa?
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: RedHorse02 on April 30, 2013, 01:58:01 AM
dapat balance... talino at diskarte.. mahirap cguro maka diskarte pag walang talino.. heheh
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: sniffer on April 30, 2013, 04:34:44 PM
pero ano ba ang dapat na mas lamang sa dalawa?

mas lamang pa rin ang talino, without it dika makakadiskarte ng ayos ..
Title: Re: Diskarte o Talino
Post by: fayt on May 03, 2013, 10:21:44 AM
Kung puro atake ka lang ng atake at wais ka lang without any knowledge mafafail ka..

Sent from my HTC Sensation Z710e using Xparent Purple Tapatalk 2
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal