My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: frankiko on December 17, 2015, 11:42:21 AM

Title: Public Advisory: Storm Signal Warning
Post by: frankiko on December 17, 2015, 11:42:21 AM
Una, dapat kahapon ko pa napost ito.. hehehe sorry, busy.
Pangalawa, hindi ko alam kung meron na, but I hope this one helps and hope people can use this as guide in the future..

Credits to sources.

Public Storm Warning Signals are raised to warn the public of incoming weather disturbances. Once a Storm Signal is raised, conditions are not yet necessarily felt in the given area. The following are the lead times for issuing a Public Storm Signal:

Inilalabas ang public storm warning para bigyan ang publiko ng babala sa pagdating ng masamang panahon, lalo na tungkol sa lakas o signal ng bagyo. Sa oras na maibigay ang Storm Signal, posibleng hindi pa maramdaman sa nabanggit na lugar ang masamang lagay ng panahon.  Nasa ibaba ang palugit (lead time) na ibinibigay sa paglalabas ng isang Public Storm Signal:

The weather disturbance is expected in 36 hours once Public Storm Warning Signal No. 1 is raised.

Inaasahan ang pagsama ng panahon sa loob ng 36 oras sa sandaling mailabas ang Public Storm Warning Signal No. 1.

The weather disturbance is expected in 24 hours once Public Storm Warning Signal No. 2 is raised.

Inaasahan ang pagsama ng panahon sa loob ng 24 oras sa sandaling mailabas ang Public Storm Warning Signal No.2.

The weather disturbance is expected in 18 hours once Public Storm Warning Signal No. 3 is raised.

Inaasahan ang pagsama ng panahon sa loob ng 18 oras sa sandaling mailabas ang Public Storm Warning Signal No. 3.

The weather disturbance is expected in 12 hours once Public Storm Warning Signal No. 4 is raised.

Inaasahan ang pagsama ng panahon sa loob ng 12 oras sa sandaling mailabas ang Public Storm Warning Signal No. 4.

Lead time shortens if a new weather bulletin is issued and the area’s Public Storm Signal Warning remains the same.
As the weather disturbance moves through the Philippine Area of Responsibility (PAR), Public Storm Signals may be upgraded or downgraded.

Nababawasan ang palugit kapag may bagong inilabas na ulat-panahon at walang pagbabago sa Public Storm Signal Warning ng lugar. Habang kumikilos ang sama ng panahon sa Philippine Area of Responsibility (PAR), maaaring itaas o ibaba ang ibinigay na Public Storm Signal.

An area’s given signal number is based on the intensity, size of circulation and the forecast direction, and speed of the tropical storm or typhoon when the Public Storm Warning Signal is raised. Changes in intensity, size of circulation, or movement of the tropical cyclone also determines the change of the Public Storm Warning Signal in a given area.

Ang signal number sa isang lugar ay nakabatay sa tindi, laki ng sirkulasyon, direksiyon, at bilis ng isang bagyo sa sandaling inilabas ang isang Public Storm Warning Signal. Nakabatay rin sa mga ito ang pagbabago ng  Public Storm Warning Signal ng isang lugar.

(https://encrypted-tbn2.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQTgyKGiiiZ_AxRVu4twQTbyHdHTlmTQcMn5Q6MNg6BFUAO3n7g-x2UVTi2ZQ)

Base dun sa excerpt ng research tungkol dun sa bagong storm signal classification ng PAGASA, within 36hrs yung signal no.1, yung signal no.4 & 5 within 12 hours
 :book1:

(https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSZ81LpTeHLdK1WXINkRMMeJW_Wj7PAZWV34E1w5oATCnpqVl7IfCtVsf65Jg)

Next post na po yung details ng possible damage ng bawat storm signal
 :peace:

(https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTeIORC-Wa_Xa9wPu7DTAIJ-rRfw97T0r8rzn-M67hDESYXLJI2dbJ2m7WzAw)

Bilang paghahanda na rin sa darating na bagyong Onyok.
 :peace:
Title: Re: Public Advisory: Storm Signal Warning
Post by: naruto789544 on December 20, 2015, 03:15:37 AM
a timely share sir @frankiko... lalo na at uso na naman mga bagyo....
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal