My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: razorsharp on October 23, 2015, 12:21:17 AM

Title: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: razorsharp on October 23, 2015, 12:21:17 AM
The year was 1990-91. Anong ginagawa natin noon na di na natin ginagawa ngayon. Umpisahan ko na.

1. Pumila sa phone booth. Noon may tatlo o apat na tao na nakapila parati sa mga pay phone. Nagpapasundo ka dahil baha, magkikita kayong magbabarkada sa mall, etc, etc. Lahat malalaman mo ang talambuhay ng nakapila sa harap mo.

2. Bumili ng cassette tape. Yan ang uso noon.

3. Manood ng betamax. Sikat ka kung may betamax kayo.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: Ozone on November 17, 2015, 12:43:40 AM
iniisip ko pa, pero yung pagbili ng cassette tape at LP records.gawain ko pa, kahit na uso na ang CD. ngayon, hindi na ako buminili ng CD kasi panay illigal DL na ako. awww...
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: charliehouse on November 17, 2015, 10:09:46 PM
Gumamit ng pager.
Mag-antay ng hating gabi para makamura sa long distance na tawag.
Maglaro ng teks.

Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: tnod26 on November 18, 2015, 03:54:41 AM
Usong-uso noon ang mga slow mails, voice tape at magastos na long distance calls pero ngayun dahil sa bilis na rin ng pagdevelop ng mga gadgets at technologies natin ngayun bibihira nalang ang gumagawa ng mga ito dahil sa skype, oovoo, yahoo messenger, line, facebook, twitter at iba pang mga apps na pwedeng makipag communicate sa ating loved ones, friends at relatives at iba pang mga apps na pupwedeng magamit sa pag-video call, chat or emails online.

Noon: sulatan lang ka-penpal
Ngayun:  chatmate or ka-video call

Noon: storage ng mga favorite songs mo ok kana sa cassette tapes na hard plastic imported from middle east at betamax & reel film strips para sa mga movies
Ngayun: CD, DVD, flash drive or usb at external hard disk para sa mga storage ng music at movies mo

Noon: pagalalaro sa nintendo game & watch
Ngayun: playstation, x-box at online gaming  :sipol:
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: Heathcliff on November 21, 2015, 09:59:56 AM


nung early '90's ...usong uso ang dance showdown sa mga kalye...mga back diving , death defying dance steps..break dancing...I remember long playing ang record ni MC HAMMER na "cant touch this" ...

. . . yung mga bumibirit na kasabay ni April Boy Regino kahit sa tanghaling tapat...nde ka na makatulog.  >:D >:D >:D

kung may pila sa phone booth, meron din naman pila sa mga pay phone na 5 pesos ang kada tawag...

. . . hmnn those were the days. :P





Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: charliehouse on November 22, 2015, 03:01:59 PM
Nuon nagdadala pa ng mga playboy mag ang mga kabataan sa banyo ngayon smartphone na lang.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: xcela on November 24, 2015, 01:34:23 AM
Mag pa develop ng mga negatives ng litrato sa Kodak center. Ahahaha na alala ko yun kailangan mo pa antayin ng ilang araw and you have to pay so much para lang ma develop yung mga pictures mo.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: razorsharp on November 24, 2015, 03:56:39 AM
ang pagbili at pagbasa ng diaryo. pag nagbabasa ka ng newspaper sa public ngayon parang antigo ka na. paano, kuha mo na ang lahat ng balita sa smartphone, tablet o laptop mo e. parang nakakahiya na tuloy pag tumambay ka sa starbucks tapos nagbuklat ka ng diyaryo. may libreng wifi naman.   
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: Marcus on November 24, 2015, 10:02:26 AM
90s, kasikatan ni Francis M, MC Hammer  mga kababayan at ng sayaw ng running man, bumibili pa ko noon ng songhits hehe ngayo google lang may lyrics ka na, Record ng kanta gamit blank tape tapos abang sa FM sabay record , na uso noon yung pantalon na Ambel yung maong na bellbottom sa baba sabay buhok na hati sa gitna ayos
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: Heathcliff on November 29, 2015, 09:33:00 AM


. . . noon, kapag ang estudyante nagka cramming na for exam, kundi puno ang library, kung saan saan nanghihiram ng textbooks...at kapag wala, nagpapa xerox na lang...pero ngayon, basta may USB , smart phones at tablet...download na lang ng download.

kung noon, ang suicide note...sa sulat dinadaan, ngayon sa social media na...nde lang sulat at e mail...may video pa. Premeditated talaga.

. . . .  C:-) C:-) C:-) C:-)




Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: xnskwo on December 01, 2015, 08:47:45 AM
I used to records song through my cassette while listening to any radio station.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: razorsharp on December 10, 2015, 10:54:47 AM
yang mga panahong yan unang lumabas ang mga cell phone. sinalki pa ng hollow blocks ang cell phone nun nya-hahaha. mga bigshot na bossing lang ang nakaka-afford nito. binibitbit na parang lunch box o maliit na attache case.

ang pwede mo lang gawin e tumawag at ipambato sa mga tumatakbong snatcher ang malaki mong cell phone.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: Heathcliff on December 10, 2015, 12:15:43 PM


noong highschool ako, bawal pumasok sa school ng naka gel or may hairspray sa buhok...bawal din ang may nail polish at make up....

ngayon...pwede lahat yan. yung ballerina black flat shoes, napalitan na ng black 2 inches heeled shoes.

noon bihira may contact lens , salamin lang...ngayon...pwede na...kahit nde magkaparehoang kulay ng contacts plus...napakahabang eyelashes. hehe..

...doll eyes!  C:-) C:-) C:-) C:-) swerteng mga bata!  >:D lenient na ngayon ang policy sa mga eskwelahan.







Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: tnod26 on December 16, 2015, 03:19:41 AM
 :omeron pa ba ngayung mga batang naglalaro sa labas ng taguang pung..tumbang preso..pat en tero(lubigan sa iba)...chinese garter sa mga gerlalu at bekilu hehehe :uwa: :-[...piko...luksong lubid...play ball na ang bola ay kulay pula at kasing laki lng ng kamao ang sukat na imbes na batt ang gamit kamao at braso ang pang-smash...jolens(marbles)?...teks(maliliit na baraha na ang nakaimprenta ay mga naging pelikulang tagalog)...ilan lang ang mga larong ito nuon na d na nilalaro ng mga kabataan ngayun...cguro kung meron man eh sa school program na lang or sa reunion ng magkakamag-anak or palaro ng barangay kung maisipan...

...madalang na...or baka wala na talaga kasi ang mga kabataan ngayun eh adik nalang sa online gaming...chat sa FB..magtweeeet...maglaro ng PSP, XBOX...  :think:
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: nodfs on December 16, 2015, 06:21:17 AM
Mga tao noon bumubili ng encyclopedia na halos 10 books.

Ang meralco naalala ko may mga ahente na naniningil ng bayad. Ngayon ikaw na mismo ang pupunta sa bussiness center nila para magbayad.

Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: razorsharp on December 16, 2015, 06:44:17 AM
Mga tao noon bumubili ng encyclopedia na halos 10 books.

Ang meralco naalala ko may mga ahente na naniningil ng bayad. Ngayon ikaw na mismo ang pupunta sa bussiness center nila para magbayad.

oo nga i remember, tapos may kasunod pang tagaputol ng kuryente pag di ka nakabayad. siguro madalas maholdap o mapagtripan ang mga mokong sa kalye kaya tinigil na ito ng meralco.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: Heathcliff on December 16, 2015, 08:38:26 AM


speaking of meralco, noon...mga three months bago ka maputulan ng service...ngayon one month na lang, lalo na kung ang bill mo exceeds a couple of thousand bucks.

... :brucelee1:




Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: razorsharp on December 17, 2015, 12:41:26 PM
dati usong-uso ang pager bago nauso ang texting. sinong nakaka-alala sa easycall?

tatawag ka sa operator at idididikta mo ang message mo word per word tapos sila ang magsesend ng mensahe. bawal ang mensaheng bastos hehehe.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: naruto789544 on December 20, 2015, 03:14:20 AM
dati usong-uso ang pager bago nauso ang texting. sinong nakaka-alala sa easycall?

tatawag ka sa operator at idididikta mo ang message mo word per word tapos sila ang magsesend ng mensahe. bawal ang mensaheng bastos hehehe.

yup... sikat ka noon pag naka beeper ka...  tatlong bente singko lang katapat para makagawa ng message... mga operators ata ng beepers ang forerunners ng call centers... :)
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: razorsharp on December 30, 2015, 02:26:10 PM
eto sinong nakaka-alala, yung tatayo ka pa at lalapit para ilipat yung channel ng TV?
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: Heathcliff on December 30, 2015, 04:02:16 PM


tapos yung TV...may pinto, nabubuksan na parang cabinet de pihit nga lahat yun...hehehe...kahit yung stereo ganun din...parang baul...pwede pagtaguan or gawing safety box ng mga kung ano anong anik anik na gamit...

 :peace: :peace: :peace:


Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: dragyron on January 11, 2016, 01:17:59 AM
Siguro magsulat ng matinong balita. Newspaper o Facebook man, medyo clickbait at basura lang ang nahahanap. Nawawala ang essence ng mundo sa mga showbiz at pampa-kilig.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: intelinside on January 12, 2016, 12:08:41 AM
Pumupunta sa tindahan para makitawag. 5 pesos 3 minutes.  :brucelee1:
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: razorsharp on February 03, 2016, 06:02:29 AM
Pumupunta sa tindahan para makitawag. 5 pesos 3 minutes.  :brucelee1:

tas kung walang tiwala sa iyo yung may-ari ng tindahan sila pa ang magda-dial para sa iyo. baka raw long distance ang idial mo e hahaha.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: Silverblade on February 03, 2016, 11:06:26 AM
ang naalala ko lang, wala na or bihira na lang ang mga batang naglalaro sa kalye ngayon
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: therasmus on February 03, 2016, 04:40:31 PM
1. Makinig sa walkman na cassette tape pa gamit.
2. Madalas na pag bahay ng kaibigan dahil hindi pa busy sa facebook.
3. Matulog sa sinehan. Hahahaha!
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: razorsharp on February 07, 2016, 01:21:17 PM
para sa mga nagwo-work sa opisina: pag magfa-fax ka nun tatawagan mo muna yung papadalhan mo tapos ipapa-on mo yung fax machine nila. "fax tone please."

and of course may makinilya pa nun sa mga opisina.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: remediate on September 16, 2016, 03:43:29 AM
manood ng kwarta o kahon

Sent from my SAMSUNG-SM-G900A using Tapatalk

Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: razorsharp on October 21, 2016, 02:07:56 AM
yung mag-yosi sa loob mismo ng aircon na opisina. parating mausok dati sa opisina ng dad ko. 
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: chinitaschoolgirl on October 23, 2016, 07:20:47 PM
Yung pupukpokin yung TV para luminaw or magkakulay. Hahahaha! Saka payphone Na may barya. :)
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: polgas88 on October 23, 2016, 08:17:14 PM
Mag rewind ng betamax
I adjust ang vhold ng b/w na tv
Gamitin ang ballpen sa pagrewind ng cassette
Umarkila ng vhs sa videocity
Umarkila ng xrated na vhs.  :peace:
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: Heathcliff on October 24, 2016, 02:21:16 PM


noon 25 years ago..ang mga kasambahay kahit wala kang updated home appliances like washing machine na may dryer , vaccum cleaner at wifi okay lang...basta on time ang sweldo very loyal sayo yan...pero ngayon, hahanapan ka ng home theatre, wifi at vapor flat iron...kapag wala 50/50 chances na magstay sayo yan....yung iba may atm yan...kailangan on time ang sweldo...minsan e 2 months advance ang sweldo nyan nakasimangot pa ren sayo every morning....at madalas ..kapag nag day off ng linggo....myerkules na ang balik...ingat ka magtanong baka mataasan ka ng kilay..dahil may hang over.

....nakakakunsumi na din si inday ngayon pramis. :brucelee1: :brucelee1: :brucelee1:

Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: Rijed on November 14, 2016, 02:01:35 PM
Bata pa ako nun, takbo agad sa kapitahay at magyaya sa kalaro para gumala sa pilapil. Ngayon mga bata pro gadget alam.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: lalaki on November 18, 2016, 12:43:06 AM
25 years ago. naihi pa ako sa kama. hahaha. di ko na magawa yun ngayon. baka masapak ako ni @babae. hahaha.

Sent from my SM-G935F using Tapatalk

Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: naruto789544 on November 18, 2016, 01:16:08 AM
25 years ago usong uso pa ang telegram para magparating ng importanteng balita sa mga kamag-anak sa probinsya... ngayon cellphone na lang...
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: robertt on November 19, 2016, 07:15:03 PM
Dati overhead projector at acetate slides ang gamit sa presentation.  Ngayon powerpoint presentation na.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: bhaby_luv_u on November 22, 2016, 01:36:22 PM
Wala pang email noon kaya di-sulat lang tapos maghihintay ka ng mga isang buwan para mabigay ung sulat (overseas) tapos kung medyo may pera ka, i-record mo sa cassette mga sasabihin mo para mas sweet. haha
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: djomay on November 27, 2016, 09:14:52 PM
Noon uso pa ang double picture sa sinehan at ang mga sinehan marami sa downtown o recto.  Ngayon puro sa mall na ang sinehan at mahal pa ang bayad..  Hehehe.

Sent from my ASUS_Z010D using Tapatalk

Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: clarkboy1480 on February 05, 2017, 11:41:16 PM
1. Dati noon napaka-special na pag binigyan ka ng crush mo ng studio photo niya na may dedication sa likod. Ngayon dwonload or grab mo lang sa FB pwede na.
2. Big deal noon ang typewriter para sa mga assignments. Uso pa noon mga pwesto na may nagtatype. ngayon napalitan na sila ng mga computers.
3. Noon nakakainom pa mga tao diretso sa gripo at sa poso, ngayon hindi na. uso na bottled water.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: razorsharp on February 10, 2017, 01:00:05 AM
may gumagamit pa ba ng blueprint ngayon sa mga plano ng bahay o building? dati rolyo rolyong blueprint ang ginagamit para sa construction e.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: clarkboy1480 on February 10, 2017, 01:34:01 AM
hahaha! oo nga blue prints ng bahay. saka yung mga research paper at thesis na index card ang ginagamit na note cards at sulatan ng references. heheeh!
25 years ago, pwede ka pa magpatakbo ng sasakyan sa edsa ng mabilis -bilis (tipong 60 kph) pa, lalo na pag sabado at linggo na halos wala ka kasabay sa kalsada.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: razorsharp on February 10, 2017, 06:28:06 AM
hahaha! oo nga blue prints ng bahay. saka yung mga research paper at thesis na index card ang ginagamit na note cards at sulatan ng references. heheeh!
25 years ago, pwede ka pa magpatakbo ng sasakyan sa edsa ng mabilis -bilis (tipong 60 kph) pa, lalo na pag sabado at linggo na halos wala ka kasabay sa kalsada.

yup! naabutan ko ang edsa noon may nakapaskil na speed limit pa. tulad ng sa north luzon expressway.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: razorsharp on March 03, 2017, 10:34:48 AM
dati mga bata naglalaro sa labas tas pag may kasalanan kulong sa kwarto ang inaabot. ngayon ang mga bata naka-kulong palagi sa kwarto kaharap ang computer, may kalaro online. tas pag may kasalanan pinapalabas ng bahay para maglaro.  :think:
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: rodpau on March 03, 2017, 05:06:22 PM
25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?

Noon: Library
Ngayon: Google
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: warfreak13 on March 03, 2017, 05:25:59 PM
Noon: Pag Pogi ka Babaero kana....

Ngayon: Pag Pogi ka Pogi din ang hanap...

or

Noon: Pag Panget ka basta may pera ka babaero kana...

Ngayon: Pag Panget ka kahit ala ka pera babaero narin...... :suka3: :suka3: :suka3:
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: naruto789544 on May 02, 2017, 01:34:06 AM
may gumagamit pa ba ng blueprint ngayon sa mga plano ng bahay o building? dati rolyo rolyong blueprint ang ginagamit para sa construction e.

yup.. blueprints pa din gamit sa construction.... so far sa designing ang nagbago but still tracing paper and blueprints ang media sa field...
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: apolo112358 on May 17, 2017, 12:16:37 AM
yung kumatok sa bahay pag andyan ka na. ngayon kasi magttext nalang na andito na ko sa labas  hehe >:(
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: razorsharp on June 06, 2017, 05:56:18 AM
yung kumatok sa bahay pag andyan ka na. ngayon kasi magttext nalang na andito na ko sa labas  hehe >:(

or 25 years ago tutunog na ang pager mo. nasa labas na yung susundo seyo hehe.
Title: Re: 25 years ago: Anong ginagawa ng mga tao noon na di na natin ginagawa ngayon?
Post by: 5y5t3m_cr45h on June 07, 2017, 02:49:57 PM
come to think of it mas exciting noon kesa ngayon . . . ang bilis ng pag sulong ng teknolohiya pero napapabayaan ang ibang aspeto sa buhay :book1: :book1: :book1:
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal