My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: razorsharp on August 09, 2015, 09:58:45 PM

Title: The smell of your childhood is.....
Post by: razorsharp on August 09, 2015, 09:58:45 PM
anong pinaka-naaalala nyong amoy nung bata pa kayo?

ako crayola, ambango ng crayola hehe. tsaka tubig ng swimming pool. mahilig kami sa swimming ng mga pinsan ko nun e pag summer.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: ladyvirus01 on August 09, 2015, 10:14:58 PM
 ;D ako sir longganisa at sinangag na maraming bawang hmmmmm :penge:
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: jamesbond on August 09, 2015, 10:22:21 PM
 ::) ako sir eh  encyclopedia  at baby powder....  bango kasi ng libro na yan and di kasi ako pinapayagan lumabas ng bahay nun kaya yan ang kaharap ko lagi at naamoy....

(http://s4.postimg.org/tds8fcw4t/m_GN6fase_Iy_HXTRhg_M6hu_R5_A.jpg) (http://postimage.org/)

(http://s4.postimg.org/vwdxg1hv1/tender_care_baby_powder.jpg) (http://postimage.org/)
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: naruto789544 on August 09, 2015, 10:32:45 PM
ang di ko makakalimutan na smell ay ang salonpas...  suki kasi ako ng manghihilot na malapit samin dahil malimit ako mapilayan sa paglalaro ng basketball...  ::)
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: lovemarie on August 10, 2015, 11:40:01 AM
ako naman ay Denenes Cologne (blue variant) and the smell of balikbayan box full of chocolates and other stuffs that we regularly receive from my Dad . . .
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: tonistork on August 10, 2015, 02:44:55 PM
pine and eucalyptus tree leaves, laking baguio city eh. ;)
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Heathcliff on August 10, 2015, 03:17:00 PM


My smell? Or yung naaamoy ko sa pa ligid?  Hehehe...


Since childhood I'm not into perfumes or colognes. .pag super init nahihilo ako sa smell...yung usual baby talcum powder and baby lotion lang okay na ako.  :book1: :book1: :book1:



Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: smallandterrible on August 10, 2015, 09:21:57 PM
amoy bukid, mula bukid hanggang ipot ng haring agila.  Anak ng magsasaka po.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: razorsharp on August 10, 2015, 09:58:15 PM
amoy ng kapeng barako ng lolo ko sa probinsya pag madaling araw. gising na ang lolo ko nun pagdating ng alas kwatro o alas sinko ng umaga, nagluluto ng kape.

pag umuuwi kami sa probinsya tuwing bakasyon yang amoy na yan ang gumigising sa akin.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Heathcliff on August 11, 2015, 03:47:32 PM


Aha..pede rin pala ang kung ano anong smell sa paligid. ..

Masarap amuyin ang moth balls..Lalo na pag kumapit sa old clothes. ..

Pero sa dami ng naaamoy Kong moth balls noon baket kaya nde nakaka high! ?  >:D :peace: >:D

Nice thread Sir Razor!   :P like po sayo!




Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: DeaconFrost on August 12, 2015, 12:52:24 PM
ayus! alala ko yang amoy ng encyclopedia pag binuklat. hehehe... brings back old memories.

ako dati, gustong gusto ko ung bagong timplang milo. hehehe....
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: bogart on August 12, 2015, 01:42:57 PM

Amoy ng tabako at tsokolate... malapit kasi bahay namin dati sa planta ng fortune tobacco at factory ng goya chocolate. araw-araw yun ang naaamoy ko pagkagising sa umaga
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Heathcliff on August 12, 2015, 03:19:02 PM
ayus! alala ko yang amoy ng encyclopedia pag binuklat. hehehe... brings back old memories.

ako dati, gustong gusto ko ung bagong timplang milo. hehehe....





Weh? Milo? Sa lagay milo kid ka? 

... parang nde naman. Gin tonic yata yun naamoy mo e I!  Hehe...

Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: DeaconFrost on August 12, 2015, 03:26:00 PM




Weh? Milo? Sa lagay milo kid ka? 

... parang nde naman. Gin tonic yata yun naamoy mo e I!  Hehe...



yes ma'am. ung sa malaking lata pa. tapos pupunta ako sa ilalim ng mesa para papakin to. hahahahha!
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Heathcliff on August 12, 2015, 03:40:49 PM



Speaking of ilalim ng mesa... I remember yung smell ng floor wax...!

...Saka yung amoy ng old newspapers, books,  magazines. ..amoy mold..yung matagal na itago sa mga cabinets. ....

Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: razorsharp on August 12, 2015, 11:24:42 PM
yung amoy ng tobacco leaves na pinapatuyo. sa probinsya namin sa ilocos andaming tobacco crops. i remember ambango ng amoy nito pag pinapatuyo, pero di naman ako naging smoker paglaki hehe.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Cathrina on August 16, 2015, 03:20:59 AM
Ang lage ko naamoy ay yong rosal na bulaklak marami tanim mom ko At lage namumulaklak ..
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: tonistork on August 16, 2015, 08:52:59 AM
Ang lage ko naamoy ay yong rosal na bulaklak marami tanim mom ko At lage namumulaklak ..

ambango nga ma'am nung bulaklak ng rosal, dati may ganung puno rin sa harap ng bahay ng ancestral house ng mga lola ko sa probinsya noon. ngayon parang madalang na ako makakita ng rosal plant/tree.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Cathrina on August 16, 2015, 01:59:51 PM
ambango nga ma'am nung bulaklak ng rosal, dati may ganung puno rin sa harap ng bahay ng ancestral house ng mga lola ko sa probinsya noon. ngayon parang madalang na ako makakita ng rosal plant/tree.

Honga po sir @tonistork sobrang bango ng rosal and yes galing yon sa lumang bahay ng grandparents ko may moms side may isang puno ng rosal tas ang ginawa ng mom ko yong sanga nimarcot nya kaya marami kaming rosal sa bahay namin lahat marcotted ..
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Heathcliff on August 17, 2015, 12:27:04 PM



Cath,

Yung rosal ba may ibang color aside sa white? Yun lang kase nakikita ko so far and no other colors...very similar din kase sya sa rose diba? Mas marami nga lang yung petals nya...


Ontopic:


Gustong gusto ko yung smell ng tsinelas pag bagong bili... :think: inaamoy amoy ko muna bago ko isuot...ganun din sa shoes... :peace:


Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Cathrina on August 18, 2015, 12:29:02 PM



Cath,

Yung rosal ba may ibang color aside sa white? Yun lang kase nakikita ko so far and no other colors...very similar din kase sya sa rose diba? Mas marami nga lang yung petals nya...


Ontopic:


Gustong gusto ko yung smell ng tsinelas pag bagong bili... :think: inaamoy amoy ko muna bago ko isuot...ganun din sa shoes... :peace:



Yep sis kulay puti lang yong nasa bahay at nde rin ako nakakita ng ibang kulay so im guessing kulay puti lang ang rosal.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: smallandterrible on August 18, 2015, 10:16:39 PM
Ang lage ko naamoy ay yong rosal na bulaklak marami tanim mom ko At lage namumulaklak ..

Mabango, ka akit-akit, madalas meron sa bawat bahay lalo na sa mga probinsya. 

Sa puting kulay nito'y inspirasyon, nakakaaliw minsan nakakabaliw.
Saksi sa bawat tagpo ni maria at Juan sa lumang simbahan.
Sa dilim, tanglaw ng buwan, langhap at balahibo mo'y tinding pagdaan sa lumang tahanan.
Sa giting bayan ay lalaya, si ka rosal ipinaglaban ang madla.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: jamesbond on August 18, 2015, 10:49:18 PM
(http://s10.postimg.org/ytocec2fd/images.jpg) (http://postimage.org/)

part of my childhood was waking up to the smell of Baguio Pine trees... I'm not a Baguio resident but our family used to go there twice a year during those times so medyo kabisado ko na ang langhap ng probinsyang yun... 
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: razorsharp on August 19, 2015, 09:43:16 AM
Mabango, ka akit-akit, madalas meron sa bawat bahay lalo na sa mga probinsya. 

Sa puting kulay nito'y inspirasyon, nakakaaliw minsan nakakabaliw.
Saksi sa bawat tagpo ni maria at Juan sa lumang simbahan.
Sa dilim, tanglaw ng buwan, langhap at balahibo mo'y tinding pagdaan sa lumang tahanan.
Sa giting bayan ay lalaya, si ka rosal ipinaglaban ang madla.

pare, rugby ata yang naamoy mo a.  :peace:  :peace:  :peace:  :peace:
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Heathcliff on August 19, 2015, 04:30:26 PM




Cath,

Honga palagay ko nga white blooms lang meron ang Rosal...natatamdaan ko sa garden namin puro Rosal at sampaguita lang ang tanim ng Mommy ko...


Sir Smallie,

Aba may makata syndrome ka den ah! Very nice verses you got there!  :book1:


Sir Razor,

Haha! Wag naman rugby...katol na lang para mild lang...


Joke!  >:D >:D

Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Troll Montero on August 19, 2015, 04:36:15 PM
amoy araw daw ako nung bata pa ako hehe.. yan natatandaan ko so naamoy ko din self ko na amoy araw ako kase yun ang sabi sakin na amoy araw ako lol..

Tamang kulit lang
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: jamesbond on August 19, 2015, 06:13:29 PM
amoy araw daw ako nung bata pa ako hehe.. yan natatandaan ko so naamoy ko din self ko na amoy araw ako kase yun ang sabi sakin na amoy araw ako lol..

Tamang kulit lang

 >:D aba brader, malakas ang katawan mo kapag amoy araw ka noon... buti hindi kumakata ang sipon mo sa sando mo hahahaha... joke lang brader... iba ang batang lansangan talaga, malalakas ang immune systems... buti ka pa at mukhang lahat ng larong bata eh nagawa mo ata noon, ako wala eh, bantay sarado lagi hehehehe... sinturon aabutin kapag gumala hahahaha... +like syo brader... welcum back ulit dito sa forum...
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: smallandterrible on August 20, 2015, 05:27:36 AM
pare, rugby ata yang naamoy mo a.  :peace:  :peace:  :peace:  :peace:

@razorsharp nilalabas lang ang ideas about the topic, pang-adik agad ang dating?. e di wow   
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: razorsharp on August 20, 2015, 09:36:18 AM
jok lang syempre ser, ayus na ayus naman yung tula e. i-click ko na rin yung LIKE.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Heathcliff on August 20, 2015, 09:59:22 AM


Sir Smallie,


Joke lang naman pala e.. Palabiro talaga yan si Sir Razor...

Ontopic:


Yung smell ng balat ng mga candies... Bago ko kainin inaamoy amoy ko muna... Hehe! Lalo na yung Stork saka yung balat ng cloud 9...

Natatandaan ko pa kapag bago ang Teks inaamoy ko den bago ko pitik pitikin ...nde na okay amuyin yun pag naipasa mo na sa kalaro mo.. Kung ano ano na nakadikit dun. Lol!





Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: ladyvirus01 on August 20, 2015, 01:59:27 PM
 :penge: ang hinding hundi ko tlga makakalimutan noon, ang amoy ng longganisa sa umaga hmmm super sarappp until now yin pa rin hinahanap kong amoy tuwing umaga  ;D
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Heathcliff on August 20, 2015, 03:12:56 PM



Syempre basta food malakas ang oang amoy...hehe

Haleerrr Lady!

 :peace:

Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: razorsharp on August 24, 2015, 11:40:48 PM
:penge: ang hinding hundi ko tlga makakalimutan noon, ang amoy ng longganisa sa umaga hmmm super sarappp until now yin pa rin hinahanap kong amoy tuwing umaga  ;D

kakagutom ka naman ms. @ladyvirus01

kapag naghalo yung amoy ng longganisa, sinangag na may bawag saka barakong kape sa umaga -nakupowww.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: razorsharp on September 20, 2015, 02:13:01 PM
another smell from my childhood is the sea, pag naaamoy ko ang dagat yan yung summer ko  pay umuuwi ako sa probinsya pag summer.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Heathcliff on September 22, 2015, 04:13:38 PM



. . .  malapit na ang undas, nandyan na naman ang pamilyar na smell ng tunaw na kandila at mga bulaklak....lalo ang singaw ng mga iyon kapag nabasa ng ulan.


 ::) ::) ::) ::)





Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: bigstick on September 23, 2015, 10:53:07 AM
smell of my childhood:

1. gatas ng kalabaw na ginawang sabaw sa kanin na nabudburan ng konting asin. panalo na!

2. hot black coffee (nescafe ang brand sa bahay back then) na ginawang sabaw sa kanin. haha

3. yun mainit na milo na ginawang sabaw sa kanin. haha

4. at kapag andun ako sa bahay ni lolo, powdered milk na binudbud sa kanin na may halong asukal.

ganyan madalas breakfast ko back in grade school days
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: razorsharp on September 24, 2015, 12:00:31 AM
the smell of bagoong sa kusina, di nawawala ang bagoong sa kusina.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: ladyvirus01 on September 24, 2015, 01:15:47 AM
Saka inihaw na mais hmmmm with sarsi coca :suka3:
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Heathcliff on September 24, 2015, 12:54:51 PM
the smell of bagoong sa kusina, di nawawala ang bagoong sa kusina.



...ewan ko lang pero gawain ko rin yang ganyan amuyin yung kanin pag bagong saing....may pagkakaiba yung smell pag naluto sa rice cooker saka yung sa kalan lalo na kung sa kahoy at uling... ::) must be the metal fused with fire kaya ganun... ???




smell of my childhood:

1. gatas ng kalabaw na ginawang sabaw sa kanin na nabudburan ng konting asin. panalo na!

2. hot black coffee (nescafe ang brand sa bahay back then) na ginawang sabaw sa kanin. haha

3. yun mainit na milo na ginawang sabaw sa kanin. haha

4. at kapag andun ako sa bahay ni lolo, powdered milk na binudbud sa kanin na may halong asukal.

ganyan madalas breakfast ko back in grade school days




napangiti ako dun sa kape na isasabaw sa kanin.  :D recall ko younger brother ko, pag nde trip ang ulam...kape ang patitripan na kainin... >:D >:D >:D

uyy Lady, meron ba nyan? sarsi na coca pa...haha! :peace: :peace:







Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: razorsharp on September 26, 2015, 10:19:48 AM
the smell and taste of fish ball saka yung sawsawan nito, hmmmmm......
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: dragyron on December 22, 2015, 02:08:10 AM
Ang amoy ng lumang libro at kahoy HAHAHAHA kadiri much.

Or efficascent oil
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: tnod26 on December 24, 2015, 03:42:36 AM
...yung halimuyak sa gabi ng halamang "dama de noche" na nakatanim sa isang bahay na malapit sa tulay papuntang palengke.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Heathcliff on December 28, 2015, 01:59:11 PM


dragyron,

....opposite pala tayo, there's a certain charm about old rustic style furnitures..lalo na pag may beeswax..masarap sa pang amoy...pati yung old books, yellowish and crumpled on the sides...amoy luma na nakulob lalo na pag nde nabuklat ng matagal...but still, it brings back good old memories...

tnod26,

dagdag mo na dyan yung sampaguita, mahalimuyak din yun ah...mas matindi nga lang yung sa dama de noche..saka yung ylang ylang...yan din madalas ang scent ng garden namin noon... :P

since malapit na ang new year...amoy naghalong barbecue at pulbura na naman. .. :-X :-X :-X


offtopic: nasan kaya si TS? mukhang busy sa holidays ah....hello Sir Razor! :peace:








Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: ladyvirus01 on December 28, 2015, 03:27:14 PM
Ito ang like na like ko noon mga product ng Johnson's, hmmm amoy baby ka lagi sarap-sarap amuyin
:D
(http://i67.tinypic.com/9zwqxh.jpg)
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: razorsharp on December 29, 2015, 02:33:03 PM
yan ang namimiss ko, amoy ng pulbura pag bagong taon. 15 yrs na pala akong di nagnyu-nyu yir sa pilipinas.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Heathcliff on December 30, 2015, 03:53:19 PM



. . .uy, lucky charm blessing saken yang number na 15! hehe...

lapit na ah, bukas na...ang amoy pulbura...sana walang maputukan!

ONTOPIC:

...amoy bibingka saka puto bumbong. ..na may halong amoy ng fresh grated coconut. Yummy!



 :peace: :peace: :peace:

Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: apolo112358 on January 04, 2016, 11:43:15 PM
Madami. Minsan hindi mu malalaman na ayun pla yun kung hindi mu pa maamoy uli. Naalala ko noon nauso ung burger machine na food stand. Hehe naamoy ko yung jumbo burger with coleslaw. Di ko lang alam ngayon kung meron pa.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: razorsharp on January 09, 2016, 05:37:34 AM
meron pa bang burger machine ngayon? kakamiss. dati nakikita ko yan sa mga paradahan, sa malapit sa mga skool, sa may traysikelan, etc, etc.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: dragyron on January 11, 2016, 01:13:19 AM
rugby at baby powder (wag po niyo ako i-report! di ako adik hahaha)
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: intelinside on January 12, 2016, 12:26:52 AM
Longanisa at garlic rice! hilig sa umaga eh. At baby cologne!  :brucelee1:
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Heathcliff on January 17, 2016, 11:52:02 AM
meron pa bang burger machine ngayon? kakamiss. dati nakikita ko yan sa mga paradahan, sa malapit sa mga skool, sa may traysikelan, etc, etc.




meron yata ako nakita sa may Marcos Highway...and one stall dun sa may Marikina River Banks...not sure though kung meron pa yun...late 2015 ko nakita yun e...

ontopic:

...natatandaan ko lang yung mga half consumed moth balls sa mga cupboards ng lola ko...masarap amuy amuyin...kapag matagal na less na yung odor nya...




Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Cathrina on January 18, 2016, 11:35:11 AM
Isa rin sa lage ko naamoy dati yong floor wax o wonder wax na lage inaapply sa sahig namin tuwing umaga pati pa sa school..
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: Primeā„¢ on January 29, 2016, 06:53:49 PM
Smell of my childhood? Horse dung. haha.

I grew up around horses so yeah, horse dung is the smell of my childhood.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: MaRuharuna on February 16, 2016, 09:35:45 PM
amoy ng Milo, lagi kasing kasama yun sa breakfast ko bago pumasok ng school. Nakakaenergize akhit amoy pa lang.
Title: Re: The smell of your childhood is.....
Post by: naruto789544 on February 17, 2016, 12:03:43 AM
baby oil and salonpas... malimit ako mapilayan noon as a child playing basketball... :)
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal