My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: darkbahamut on April 20, 2015, 02:33:24 PM
-
Gusto ko lang ilabas ang hinanakit ko..ansakit eh...sobra...hangat maaari ayokong ipakita sa lahat...pero nasasaktan ako..lagi tayong magkasama sa work...dayoff lang ang paginga..masaya tayo lagi...lahat kinikilig..hindi ako perpekto kahit lahat ang tingin sakin at tawag mr.perfect kasi daw loyal at mabait at may itsura...(kahit alam kong deep inside pangit ako)..marami man akong crush...alam mong hanggang tingin lang ako...malibog man ako...alam mong katawan mo lang ang ikinakama ko..kahit walang penetration ok lang...ang mahalaga ikaw ang kasama ko..mahal kita...mahal na mahal kita...naaalala mo paba ang pangako ko?...hindi ako perpekto...immature ako, panget, corny at malibog..pero kahit ganito ako...loyalty ko ang maipapangako ko sayo...ok naman tayo masaya..walang araw na hindi ako sweet sayo... hangang sa dumating ang araw na hindi inaasahan...alam ko resolve na dapat ang issue kasi napag usapan na natin...lumabas ka kasama ng ibang lalake... ang masakit lang ay hindi mo yun pinaalam sakin at ang mas malala ikaw pa naghanap ng makakasama...ansakit...sabi mo walang dapat ipagselos...pero bat mo iniba profile pic mo matapos nun....ansakit...tapos may endearment pa kayo...ansakit...diba tayo ang may plano na mamundok...bakit iba isinama mo?..porket hindi ako available sa araw na yun naghanap ka ng ibang makakasama...may mga friend ka namang babae..bakit hindi nalang sakanila...ansakit...oo napag usapan na natin...pero nasasaktan ako....na pumasok ka kahit na off mo para magsorry...pero nasaktan din ako ng nalaman ko na naisipan mong makipagbreak...tinanong kita kung bakit...ansabi mo mahigpit ako nasasakal kana at naprepressure ka sa mga taong nagsasabing tayo ang batayan ng forever...tinanong kita kung saan kita nasasakal anong ginagawa ko para masakal ka ...sabi mo wala kang maisip...sabi mo pa wala lang...ansakit...naapriciate ko na hindi mo tinuloy ang pakikipag break Naapriciate ko na nagsorry ka dahil naisip mo yun ..pero ansakit parin...feeling ko ang dating totoo sayo ay naging kasinungalingan na...week past nabasa ko ang comment mo sa isa niyang post..ansabi mo pa namiss mo ng pumunta dun with matching endearment pa at "miss you"......tapos nung araw ng monthsary 14 natin...buong shift normal lang tayo...tinanong kita kung anong araw nun..sinabi mo lang wed...tinanong kita kung anong date..sinabi mo pa yung date...binati kita ng happy monthsary doon mo lang naalala...tapos after a month...mababalitaan ko nalang naka nagfile ka ng leave para lang umakyat kayo...kung hindi kapa nadulas hindi ko pa malalaman...ansakit...ansakit...gusto kitang gantihan gusto kong lumaindi sa ibang babae...gusto kong maramdaman mo ang sakit na naramdaman ko ng pinost mo ang larawan ninyo ng magkasama...ansakit..pero hindi naman ako gwapo at wala akong lakas ng loob na gantihan ka...kasi alam ko sa huli aki ang talo..alam kong madali lang para sayo ang palitan ako...mas bata ka 22 ka 29 na ako...kaya madali lang sayo makahanap...ansakit...sorry ah...nasasaktan ako....kahit na alam kong sinabi mong hindi kayo natuloy...nasasaktan parin ako......ngayun as a tuwing off mo...naiisip ko baka may kasama kang iba...tulad ngayun...nagcancel ka ng lakad natin...siguro iniisip mo na pagod ako dahil sa puyat ako at 24hr hrs akong gising kasi after ng night shift natin celebrate tayo ng monthsary natin tapos pumasok parin ako dahil may pasok ako at ikaw nman ang off mo......kaso iba pumapasok sa isip ko...naiisip ko baka nakipag kita kalang sakanya baka siya na mas gusto mong kasama...ansakit...gusto ko mang isama ka sa bundok...para mag labas ng stress...sa tuwing naaalala ko ang lahat...nasasaktan ako..naiisip ko...sino bang naiisip mong kasama ngayun..siya o ako...ansakit...ansakit...pinipilit kong wag yun isipin kapag magkasama tayo..pinipilit kong maging normal...pinipilit kong maging yung dating malambing na ako pero sa kabila nun marami akong tanong...iniisip ko kung mahal mo paba ako...o napalitan na niya ng isang sandaling pagsasama ninyo ang 1yr at 3 month natin..ngayun 15 months na tayo..totoo paba ito...o napipilitan ka nalang kasi magkasama tayo sa work at natatakot ka sa sasabihin ng ibang tao...ansakit...totoo paba ang mga ngiti at lambing mo...o napipilitan ka nalang at ayaw mong ipakita sakin at sa iba na sawa kana?...mahal kita gusto kitang maslalong mahalin kaso naiisip ko baka ma-pressure ka lang...Ansakit...kasi lagi mong tinatanong kung bakit ako iniwan ni ex...tapos ngayun ganyan kana...yung labi mo napapansin ko iniiwas mo sa tuwing humahalik ako...ansakit ansakit...masama bang mag mahal ng magmahal...kung idadahilan sakin ng mga babae ay sawa na sila...put@ng in@ wag kayong mag taka kung iwan kayo ng mga asawa ninyo dahil sawa na din sila sa inyo...ansakit...kung idadahilan sakin na naglagi akong naglalike ng mga crush ko at friend ko na babae..put@ng in@...ambabaw...kung idadahilan ninyo yan sakin..pwes sapat na ang mga mood swings ng mga babae lalo na kapag may period sila para hiwalayan kayo...akala ba ninyo kasyo lang ang nahihirapan kapag may period kayo...ni minsan hindi ako nagalit sa pagiging moody mo...tinangap ko yun kasi malah kita..kahit ibaba ko pride at ego ko kahit sigawan mo ako ok lang kasi mahal kita...kahit mag mukang tanga...sabi nga nila masyado daw akong mabait para sayo..kaso baliwala sakin yun...kasi alam kong lahat ng mga babae parepareho lang kung pano ako tatratuhin....ansakit...mahal kita
-
kakalungkot naman ng sitwasyon mo tol..pero ito lang masabi ko sayo.:) "babagsakan ka man ng sandamakmak na kamalasan, tandaan mo may swerte din na darating " ehehe. isipin mo nalang nauna ang kamalasan mo sa lovelife malay mo pag naubos ang malas puro swerte na diba? . ayusin mo lang ang relasyon nyo pero kong ayaw talaga sayo wag mo nalang pilitin masasaktan kalang..bilyon ang babae sa mundo wag mo naman paikotin ang buhay mo sa isang tao lang :) dumaan din ako dati sa mga ganyan heart broken kung baga kaso iba ang sitwasyon ko .
-
sometimes God closes a door and opens a window of better things in life. everything happens for a reason. you may not fully understand what has happened to you but, in due time, you may not notice but you have already overcome what your situation is now.
this happened to me before. she's an ojt in our office. not too pretty but not too bad also. along with ojts, we go to pm snax and sometimes lunches too. until weeks have passed and i have zeroed in on her.
i told her my feelings for her after knowing that she had already broken up with her bf then. friendly dates then turned to romantic ones. i was already telling myself that she's the one i wanted to spend the rest of my life with.
until one time, she confessed to me while were at her house, that her bf's getting her back again and that they never split up, just cooled off. my feeling then when she said that was like, a burnt out candle. gentleman as i was, i asked myself to be excused and wished her well for her decision.
15 years later, i found out that she's separated from her husband, after having 4 kids. her husband a drug user and all that. while i married my bff and have 3 kids already.
life has so much to offer to all of us and all that we have to do is explore our own selves with the rest of it.
dont lose hope but instead always pray for the best to come into your life.
-
bro,
i have no rights to judge her and you but i far i as read yung iyong saloobin eh i guess she was immature and yet sabi mo nga 22 palang sya. maraming factors kung bakit nagkaganun sya, bigla syang nanlamig sa pagsasama nyo.. if titignan mo both sides kung anong meron sila pagmagkasama sila at pag magkasama kau.
maybe she foudn something na much interesting, adventurous and thrilling pag magkasama silang 2. Aside from the facts na ibinigay mo na lahat ng kaya mo, you did what a true gentleman has to do but still it's not enough for her.. and so it shows na she not "For Keeps' ika nga..
the only least you can do is move little by little, you cannot resign to your job pra lang malakimutan mo sya ("magkasama kau sa trabaho, tama ba?")
show it to her na you can find someone that is worthed of your love and affection..
minsan may regrets ka na "sana may nangyari sa inyo , dahil if meron eh siya ang lalabas na talo.
now hindi sya kawalan sa iyo bro,, kawalan ka sa kanya, dahil bibihira ang tunay na lalakeng magmamahal ng tapat at tunay ang hangarin..
so bilang isang ka PT.. ang taning maipapayo ko na lang ay.. move little by little and sooner or latter marerealize mo na unti unti mo na syang makakalimutan.
*we learn from our mistakes and it teaches us from our past *
-
Bro ts naka relate ako sa post mo because I've been in some kind of a similar situation before.
Bago ang lahat, tanong ko muna sayo kung nasabi mo na ba sa kanya lahat ng sinabi mo dito? Have you expressed this to her?
If yes na alam niya na to pero same same padin ang sitwasyon at hindi siya nag shape up, tol gumising ka na sa katotohanan. Excess baggage lang yang karga mo. Past girlfriend ko, 5 years kami and sabi ko nga medyo similiar ang kaso natin. On my end dahil mahal ko siya, ang daming beses ko siyang binigyan ng pagkakataon para magbago. Nung dumating yung araw na kinailangan kong magbuwis ng luha at magmakaawa sa kanya kung pwede namin ibalik ang dati, na gusto ko maramdaman ulit ang dating pagmamahalan, tapos binigo niya padin ako, that was it.
Masakit man pero kinaya ko na iwan na siya. Pinakawalan ko siya. It was hard nung una. Lalo pag off mo and sanay ka na kasama mo siya. Nung iniwan ko siya, stuck lang ako sa bahay and movie marathon with my laptop. After a few weeks naisip ko na I don't deserve to feel like a loser na ako ang nawalan. I'm her loss.
What I did was to pick myself up and stood up. Picked up a new hobby and went to they gym. Nagpaganda ng katawan. Tapos matagal ko na gusto magkaron ng tattoo pero takot ako dahil baka masakit. I conquered my fears and got a couple of tattoos na. Hairstyle ko binago ko din. Since wala na kong chick na gagastusan for dates, namili ako ng bagong mga damit at nagchange ng wardrobe ko.
In less than a year I'm a renewed man. Then came a day that I stumbled upon a cute classmate of mine nung college. Boom panes, digs na digs niya ako. Lahat ng mga hinahanap hanap ko sa ex gf ko na sana maramdaman ko ulit, si cute classmate nung college ang nagparamdam sakin. Now we are happily married and have 2 cute kids.
Haba ba ng kwento ko tol? Pinakita ko lang ang possibilities, ang mga bagay na pwede mong gawin. Kung may gusto ko magbago, kailangan may baguhin ka din. Di pwedeng laging ganyan. Kailangan ng aksyon bro. At the end of they day, you decide whether you are happy or sad.
I hope na nakatulong or makatulong tong post ko sayo pre.
We all deserve the best tol, never settle for anything less.
-
if you think that there is still a chance that everything will be alright then do so.. continue with your relationship and give out the best in you... but at the end of the day, it is still you who will make the final decision... is it still working? are you still in love with her? etc.. so many questions that i knew only you can answer...
-
:-\ hmmm... not good... pinakamagandang tip na maibibigay ko sa iyo on how to combat your situation right now is simply to shrugged it off... that's part of the bargain... maybe nagawa nya mga yan because nagsasawa na nga sa inyong relationship.. masakit ba? of course it hurts, nagmahal ka kasi... it's better to think of the happy memories that you have shared together... think of the nice things you've done... hindi ka nagkulang sa kanya and yun pa lang eh accomplishment na yun.. save your friendship at the very least... wag kang magmukmok sa isang tabi kasi kapag ginawa mo yan eh talo kang talaga... baka nga maraming natutuwa na girls nung malaman na wala na kayo kasi pwede na ulit sila magpahaging syo ng kagustuhan... so relax lang at hindi dyan natatapos ang mundo...
https://youtu.be/tIdIqbv7SPo
-
hayyy bro ang hirap ng sitwasyon mo ngayon.. sa tingin ko sa ginagawa ng gf mo parang binabale wala ka n.. sori ha.. kayo pero may iba syang nidedate o me nipiflirt.. di ata tama yun bro.. sorii ulit.. bro kausapin mo sya ng masinsinan sabihin mo may napapansin ka na sa kanya, na tanggap mo naman basta maging totoo lang sya.. sabihin kung ano nararamdaman nyo pareho.. kung wala na talaga, masakit bro mahal mo sya e.. paunti unti mkakapag move on ka din.. ganyan naman love masasaktan ka talaga.. dahil sa sakit na yan magiging matapang ka na sa susunod.. alam ko na may darating pa sa yo na one great true love para sa yo bro.. wag masyadong dibdibin ha.. di lang sya ang babae sa mundo bro.. isip isip bro.. isipin mo sarili mo okay.. ingats :hi1: