My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: razorsharp on March 18, 2015, 08:45:04 AM

Title: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: razorsharp on March 18, 2015, 08:45:04 AM
yung minimum lang. first 4 km lang ata ito sa jeep diba  :-\
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: zzgundam on March 18, 2015, 08:48:51 AM
If I remember correctly, it was 3 pesos and 50 centavos when I was in Grade 1.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: razorsharp on March 18, 2015, 08:59:38 AM
whoaaa??? .... ??? hehe hayaan ko munang sumagot yung iba dito bago ko sabihin kung magkano pamasahe saken nun.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: Primeā„¢ on March 19, 2015, 03:42:17 AM
If tama pagkaalala ko, mga more or less 1.50 siguro.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: Cathrina on March 20, 2015, 02:53:45 PM
1peso and 50 cents mura pa pamasahe dati kumpara ngayon ..
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: razorsharp on March 25, 2015, 03:58:04 AM
1peso and 50 cents mura pa pamasahe dati kumpara ngayon ..

hwaaaaaa.... :uwa: yung 1.50 pamasahe ito nung nasa college ako huhuhu...
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: sam_071 on March 25, 2015, 09:17:24 AM
Elementary ako nun ngbabayad ako sa jeep ng 2 pesos
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: ruy santos on April 12, 2015, 10:42:48 PM
2 pesos nung elementary ako wala akong kick back nun kasi may baon akong biscuit hehe
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: desertdweller on April 18, 2015, 01:59:17 PM
natandaan ko pa 1981, hindi na ako grade one noon, college na, ang minimum pamasahe ng jeep ay 30 sentimos.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: joblow on April 22, 2015, 02:23:57 AM
Piso dati sa jeep then 2 piso sa tricycle. Libre naman kung sasabit ka lang :P
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: razorsharp on April 23, 2015, 01:02:55 PM
natandaan ko pa 1981, hindi na ako grade one noon, college na, ang minimum pamasahe ng jeep ay 30 sentimos.

hahaha, akala ko ako na ang damatans dito e. ehem - 65 sentimos ang pamasahe nung grade 1 ako. tapos mayat-maya madalas pa ang welga ng jeep kasi gusto nilang magtaas ng 10 sentimo!
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: 5y5t3m_cr45h on April 23, 2015, 01:50:36 PM
di ko natatandaan  :( di kasi ako sumasakay ng jeep... trip ko maglakad dati nung grade 1 ako  :(
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: renegade_master on April 30, 2015, 01:05:07 AM
4 pesos ang minimum nun if I may remember..  ???
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: suroy on July 12, 2015, 12:56:31 AM
Pag tinatamad ako maglakad noon, nagbabayad ako ng 1 peso.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: darkmanf6 on July 12, 2015, 04:38:38 AM
minimum namin nun, circa 1981 is 35 centavos sa first 4 kilometers
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: ladymeu142917 on July 14, 2015, 04:15:34 PM
3.50 kc dati nagseservice ako pagnaiiwan ako my 3.50 ako lagi emergency money kung saksakali.. :D
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: the_catheter on July 14, 2015, 04:51:44 PM
2 pesos, lagi akong may octagon sa bag  he he he
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: uchiha_nejer on July 19, 2015, 04:31:05 AM
naabutan ko noon 1.50 pamasahe :)) naalala ko pa noon nag lakad kami ng kapatid ko pauwi kasi kulang ng 25 cents pera namin, 1.25 lang, kahit kandong di pwede. mula UST pauwi ng bahay namin huhuhu :uwa:

tapos nag taas ng dos, tas tres. tapos sabi ng nanay ko pag umangat pa raw yan maglalakad na lang kami. awa ng diyos, otso na pamasahe pero nag ji jip pa rin kme hihihi :suka3:
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: Flash on September 01, 2015, 08:16:35 AM
50 or 75 cents ata?

basta hindi aabot ng piso :)
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: razorsharp on September 02, 2015, 10:47:34 AM
magkahenerasyon pala tayo ser flash hehehe .. .. .. ..
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: Flash on September 05, 2015, 12:32:28 AM
magkahenerasyon pala tayo ser flash hehehe .. .. .. ..

haha! baka nga bente-singko pa eh :)

high school na yata ako nung 75 cents. naalala ko nililibre ko pa yung crush ko sa pamasahe :)
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: gab on September 05, 2015, 03:31:09 PM
hmmm...tanda ko lng libre ako kc parati akong kandong ng ermat ko..  :lr:
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: Lord Nok Von Hauten on September 06, 2015, 01:50:50 AM
50 cents na ako nung elementary ako he he he... pero binabayad ko 25 cents kasi student ako eh...
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: Mr.Lurker on September 14, 2015, 10:39:11 AM
sa pagkakatanda ko limang piso ata nun .. ngayon ang minimum fare otso pesos?  :lr:
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: cid727 on November 10, 2015, 02:41:07 AM
1.50 ang pamasahe samin ng grade 1 ako when i was in high school around 2.50-3.00 pesos na
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: brown barell on November 10, 2015, 05:30:49 AM
Nung high school ako 75centavos ang pamasahe. Di ko lang matandaan nung grade1 ako kasi naka school bus pa ako nun
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: 2low4drag on November 15, 2015, 12:55:08 AM
two pesos ata pero naalala ko pag nakakandong libre hahaha
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: Ozone on November 17, 2015, 12:34:49 AM
walking distance lang ang school ko noong grade 1 ako, pero ang natatandaan ko, 25 centavos ang ibinabayad ko sa bus or jeep, papasok sa high school.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: jaime20 on November 28, 2015, 06:36:46 PM
nung grade 1 ako sa pedicab lang ako lage nasakay dos ang bayad... pero eto medyo off topic kwento sakin ng mama ko around sta.ana manila sya napasok dati nung high school sya at thank you lang daw ang bayad sa jeep hehe just saying
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: xnskwo on December 01, 2015, 08:42:54 AM
I think 3 pesos if I remember correctly plus less pollution.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: nodfs on December 16, 2015, 06:24:40 AM
Sa pagmaka alala ko 1 peso and 50 cents. Kasi dati may nagbayad ng 100 para sa tatlong katao. Galit yung driver wala daw sha panukli haha
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: dragyron on December 22, 2015, 02:05:06 AM
Di ko maalala. Mga 2 pesos yata? Hahahaha basta di umabot ng 4
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: intelinside on January 12, 2016, 12:35:14 AM
1.25! grade one ba ako nun? di ko na maalala. haha. Minsan libre kasi nakatayo lang ako nun sa jeep.  :brucelee1:
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: Silverblade on February 02, 2016, 12:45:26 PM
Hindi ko alam kung magkano nung grade 1 ako, pero nung nagsimula akong magbayad mga 3 ata yun or 3.50
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: antonfrancis on February 28, 2016, 07:52:18 AM
Hindi ako sigurado pero parang 4.00 o 3.50 nung grade 1 ako, nagseservice kasi ako nun pero nung nag grade 3 na ko 5.00 na ang estudyante.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: jaime20 on May 05, 2016, 11:33:11 PM
6 pesos as far as i remember pero hindi ako nag jeep eh pedicab sinasakyan ko mura kasi 3 pesos lang hehehe
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: planetX on June 02, 2016, 07:01:39 PM
Nung grade 1 ako hindi ako sumasakay sa jeep... kasi walang jeep samin kahit tricycle wala din... hahhhaha. Sa kabukiran ako lumaki, lakad o di kaya sakay sa kabayo o kalabaw yun and mode of transpo sa bundok.  :peace: :peace: :peace: :peace: :peace:
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: SergiongTigas on June 16, 2016, 02:18:25 AM
4 pesos hahah. Pero kapanahunan ng parents ko e mura lang daw
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: remediate on September 16, 2016, 03:24:12 AM
2 petot

Sent from my SAMSUNG-SM-G900A using Tapatalk

Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: eroticreader on October 06, 2016, 05:38:33 PM
1.50 ang naalala kong pamasahe non, yong panahong may singkwenta sentimos pa noon na agila ang nasa likod.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: bebhiekoikoi on October 06, 2016, 06:21:27 PM
wahahahahah ako di ko alam kung magkano kasi di nmn ako nakakasakay ng jeep nung grade one ako,walkaton lang skul nmin 5 mins mula sa bahay
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: therasmus on October 07, 2016, 05:34:01 PM
Por Pipti ...
Madalas ako non sa unahan pumupwesto. Sarao Jeep.. :)
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: Jonel on October 10, 2016, 02:33:51 AM
I think 1.50 pa noon mga around 1989 yun hindi ko na maalala kasi hindi pa naman ako marunong mag commute nung time na yun si Lolo ko ang nag hahatid sondo sa school.

Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: darkjc on October 10, 2016, 05:37:44 PM
4 or 5 na ata nong grade 1 ako. Hindi ko kasi matandaan if nakasakay ako ng jeep ???
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: Jonel on October 11, 2016, 02:30:42 AM
Nung mga time na iyon ang Jeep panay sarao pa may ilang mga natitirang mga soft top pa.

Tapos mga Driver noon marami pa yung magalang may good Morning Mam Sir pa sila at ang pulis malaki tiyan ngayon lahat ng pulis makisig na bawal na kasi malaki tiyan sa pulis.

Yung mga Jeep noon nung time ko doon sila nag sisimula gumawa ng mga Patok pailaw Jeep wala pa yung Aercon Jeep ng Makati pero merong Love bus ang Cubao.

Pero sa Davao meron na silang Mega Jeep para maghatid ng Banana galing banana farms.

Yung Tito ko may Owner na Jeep minsan ni drive ng Pinsan ko na uncle din ang tawag ko 34 siya noon ako mga 7 nag drive siya kasama ako sa may Pasig tapos may nadaanan kami mga girls na nag opisina mga naka pants na fit sabi ng Tito ko paluin ko Pwet pinalo ko nga pwet nung girl napa sigaw naman yung babae.

Tapos ni kwento sa nanay ko so Mother ko nagalit kay Tito sabi wag daw ako turuan ng bastos tapos ako Pinalo din ng Nanay ko sa pwet sabi kasi wag daw ako uto uto.

Nung mag 2.50 ang Pamasahe sa Jeep nalungkot ako kasi kukulangin yung pang street fighter ko.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: maxxxcindy@gmail.com on October 11, 2016, 08:19:05 PM
pag kakaalalako hlos walang pag kakaiba yung pamasahe sa tricycle at jeep kung di piso sikwenta yung agila ang likod
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: el_word on October 12, 2016, 06:34:10 PM
Piso!!!
4 pesos lang ko nun.. 2 pesos pang sarili. 1 peso dun pang family computer ko pa.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: mcnath on October 13, 2016, 02:01:45 PM
50 cents lang sa tricycle... sa jeep 25 cents lang.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: Jonel on October 20, 2016, 10:18:53 PM
Noong panahon ng 1.50 pamasamahe madali pa mang libre ng sakay pag may mga kakilala kang sumakay ngayon kahit gusto mo mabigat bigat na sa balls.

HAhahahahahahahaha

nung mag apat pamasahee iyak aku.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: pinuno on November 10, 2016, 12:58:08 PM
two petot yata..halos di ko din matandaan kasi naglalakad lang kami nong grade 1 kami..di uso sumakay sa dyep..hehehe
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: lalaki on November 12, 2016, 02:51:35 AM
kung tama pagkakaalala ko. 2pesos. pag student fee 1.50pesos. pero madalas naglalakad ako. pambili ko na ng laruan yung pera. hahaha.

Sent from my SM-G935F using Tapatalk

Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: Cerisefleur08 on November 12, 2016, 03:29:06 AM
When i was grade 1. Piso pamasahe sa tricycle. Pero mas masaya naglalakad tapos makakapulot ng barya. Haha

Sent from my ASUS_Z00AD using Tapatalk

Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: lalaki on November 12, 2016, 11:13:40 AM
When i was grade 1. Piso pamasahe sa tricycle. Pero mas masaya naglalakad tapos makakapulot ng barya. Haha

Sent from my ASUS_Z00AD using Tapatalk
hahaha. since lagi akong nakayuko pag naglalakad. madalas rin ako makapulot ng barya noon. may halaga pa ang 25cents noon. kaya malaking bagay na. ngayon ang 5piso parang wala nang halaga. hahaha.

Sent from my SM-G935F using Tapatalk

Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: Rijed on November 14, 2016, 01:57:46 PM
Inabot ko pa yung quatro pamasahe hehe, matagal ako di lumabas nagulat na lang ako nung limang piso na.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: bhaby_luv_u on November 22, 2016, 01:47:31 PM
4 pesos noon. late 90's to early 00's ata to?
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: djomay on November 27, 2016, 09:25:33 PM
Cadilac lang ako nung elementary days ko.  Highschool ako piso na ang pamasahe sa jeep.  At 5 pesos special trip sa trike.  Kaya lakad lang din pauwi,  ang layo pa man din sa amin at ang init.  Bihira pa ang trike sa lugar namin sa subd.

Sent from my ASUS_Z010D using Tapatalk

Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: kylrie on February 14, 2017, 05:15:19 PM
I think 3 ata ung pamasahe or 4

Sent from my J7108 using Tapatalk

Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: warfreak13 on March 03, 2017, 05:12:44 PM
ako minimum nun 1.50 estudyante hehehe...

i think 1996 yata yun... nagkakabukingan na sa edad nito..hehehe

basta mga batang 90's alam yan >:D >:D >:D
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: apolo112358 on May 17, 2017, 12:23:51 AM
4 pesos lang pamasahe nun, ngayon times two na, paano pa sa mga susunod na taon :(
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: balde on June 04, 2017, 12:22:59 PM
Piso lang pamasahe ng tricycle non. Tapos discounted pa minsan kapag sobrang dami namin nagsisisikan sa isang tricycle.
Title: Re: Magkano pamasahe sa jeep nung grade 1 kayo?
Post by: MrBubbles on August 04, 2017, 09:54:39 AM
25 cents ata yun o mababa pa di ko na maalala  :suka3:
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal