My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: simpleman1225 on March 02, 2015, 11:35:14 AM

Title: Maswerte Ka Kaibigan!
Post by: simpleman1225 on March 02, 2015, 11:35:14 AM
Maswerte Ka Kaibigan!

(http://3.bp.blogspot.com/-nvaa7KEUOiI/VKZ8lWyROaI/AAAAAAAAADE/jUPpWh2sgEU/s1600/morayta%2Bphilippines.jpg)

"Sa lahat ng nakakabasa nito, swerte tayo. Know why? Kapag umalis ka ng bahay at napatambay ka sa lugar tulad sa sakayan ng jeep. May makikita kang mga barker ng jeep na patuloy ang pagsigaw para maambunan lamang ng limang pisong barya. Tumingin ka sa kanan, may ale na nagtitinda ng palamig at sa harapan mo naman may lalakeng nagtitinda ng pinya. Then uuwi ka ng bahay n'yo may makakasalubong kang nagtitinda ng Yakult at hila ang karitela na puno ng Yakult. At paglagpas eh makakakita ka ng matandang lalake na may dalang malaking Foam o Aparador para ibenta sa inyo sa tapat ng initan.

Kung iisipin mo, ang laki ng ginhawa ng buhay mo kumpara sa kanila, pero they continue living right? Meaning.. Kung ano man yung problemang nararanasan natin eh kailangan nating tanggapin at hindi iwasan. Na kailangan nating isipin na yung mga bagay na hindi natin pinoproblema eh pinoproblema ng iba. Hindi ba't nakakalungkot isipin na may mga taong iniwan lang ng JOWA nila eh gusto na nilang mamatay? Without knowing na swerte pa rin siya dahil maginhawa ang buhay niya? Na hindi dapat masyadong pinoproblema ang ganung klase ng problema? Na dapat sa likod ng nangyari sa kanya eh maswerte pa rin siya sa buhay hindi tulad ng iba.

Minsan ba sumagi sa isip mo na nababasa mo to kasi swerte ka? Kasi may sarili kang Computer o kaya naman ay may pambayad ka para makagamit ng Computer. Habang yung iba eh nasa labas ng bahay hindi magkanda-ugaga buhayin ang pamilya o kaya mag-hanapbuhay. And still sasabihin mong "f**k I hate this life?"

Sabi nga eh never take things for granted. Hindi lahat ng bagay na meron ka eh nararanasan din ng iba. Magpasalamat tayo na yung mga bagay na naabot ng buhay natin eh inaabot palang ng iba?

Minsan, kailangan mong mapansin yung mga malilit na bagay para malaman mong malaking bagay na pala ang naibigay sayo. Still, we keep searching for more.
Title: Re: Maswerte Ka Kaibigan!
Post by: jamesbond on March 02, 2015, 07:14:55 PM
yeah maswerte na nga din tayo but come to think of it seriously, pinaghirapan din naman natin kung ano ang meron tayo sa ngayon... it wasn't given to us on a silver platter... nakikita na lang siguro natin na meron tayo at yung iba ay wala... life is like a maze, full of hardships and pains, once you've reached the end of the line only those who were lucky and have financial means have reached the finished line and deserves whatever recognition or rewards it may have entailed... but then again, it was not smooth sailing, lady luck may have smiled on us and of course our answered prayers.... kanya kanyang pasan ng krus yan... maaring swerte tayo ngayon at bukas ay hindi... malay mo sila naman ang swertehin.... we just have to look down on them and if ever kaya naman natin silang tulungan eh bakit ba hindi natin tulungan....
(http://tapatalk.imageshack.com/v2/15/03/02/9441da1edd09c7c6da855352f2049545.jpg)
Title: Re: Maswerte Ka Kaibigan!
Post by: Troll Montero on March 04, 2015, 07:07:45 PM
hindi basihan nang swerte yan kaibigan.. ang swerte ay kung tatama ka nang loto nang isang daang milyon at solo winner ka.. or makana mo si kris aquino.. yan ang swerte.. yung sinab mo kapalaran yun... yan ang kapalaran nila at yan ang kapalayan mo... puede mo palitan yan nang MAPALAD ka KAIBIGAN!
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal