My Board

Academics => Legal Department => Topic started by: mimi_dehado on February 04, 2015, 01:02:56 PM

Title: Estafa para sa Ahente
Post by: mimi_dehado on February 04, 2015, 01:02:56 PM
 ^-^Hello po sa iyo/inyo Atty... hingi po sana ako ng payo...

May nagpresinta po sa akin na kung gusto ko daw maging financer nya sa pautang. Gusto po nya makakomisyon ng 25% sa bawat interest na masisingil nya bilang ahente ko. Siya ang kakausap sa umutang at ang bahalang maningil sa kanila Ng 20% kada 13 days.ang tawag nya sa ganitong sistema ay "extra".

Dahil sa nakita ko naman ang sitwasyon ng buhay nila..pumayag ako na maging financer ni Ricardo dahil naisip ko na baka ninais nyang kumita para may ipakain sa pamilya nya.

Nagsimula ang pagfinance ko sa kanya noong aug.1,2014. Dahil nagtiwala ako sa Kanya, hindi ko na nagawang magkaroon kami ng kasunduan/written agreement. Hanggang sa umabot na ang naibigay ko sa kanya sa halagang 15,500 bilang puhunan.

September last year ay maayos pa naman po akong nakakatanggap ng remit sa mga nasingil na tinubo ng pautang. Dumating po ang month ng october hanggang ngayong january 2015, wala na po ako natatanggap Na interest Mula sa ahenteng si ricardo. Gayundin sa anak nyang si caren, na nag ahente din (nakapaglabas din ako sa anak na si caren ng 6,000 upang patubuan).

Napag alaman ko po na isa sa mga umutang at tinanong ko ng personal, kung sila ay updated ng paghuhulog kay Ricardo. Sinagot naman po ako ng maayos na nakakapag hulog po siya.
sinabi ko ngayon doon sa umutang na ako ang nagfinance kay ricardo at ni isang interest mula sa umutang na kausap ko ay wala akong natatanggap. Tinanong ko rin po kung may pinirmahan siyang papel na nagsasabing siya ay nakakuha ng pautang with certain amount. Sagot nya ay wala. Ang pag uusap ko at ng umutang ay di po alam ni ricardo.

isa sa mga sinasabi po ni ricardo sa text messages: hindi daw siya maniningil at hahayaan nyang lumobo ang interest ng mga umutang. Hiningi ko nman po ang mga dokumentong sinasabi nyang pinirmahan umano ng mga umutang, hinihingi ko rin po yung listahan ng mga kanyang nasingil Ngunit ayaw nyang ibigay. ipinakilala ko rin si sharon kay ricardo upang iharap sa mga umutang at ipakilalang bagong sisingil kasabay ng pag turn over ng mga docs na hinihingi ko. Ayaw po ibigay.

Dinala ko po sa brgy ang reklamo ko.
Nag usap na kami sa brgy kaninang umaga bilang unang patawag.
Meron din po akong dalang "katibayan ng pag-aahente na hiningi kong pirmahan nya bilang patunay na tinanggap nya ang mga pera mula sa akin at pinapalagay ko rin po sa kanya doon kung sinu-sino ang mga pinag abutan nya ng pera ko. Ayaw din po pirmahan..ngunit inamin naman nya sa harap ng aming kapitan na tinangggap nya ang mga perang iyon.

tanong ko po:

1. Pag nagharap kami sa brgy sa 2nd hearing, maari ko pa rin po bang ipilit na pirmahan nya ang katibayang hinanda ko?

2. After po ng 2nd hearing na walA pong pagkakasundong naganap, maaari na po ba akong dumiretso sa pulis kahit wala akong katibayan na tinanggap nya ang pera ko?

3. May laban po ba ako kung kakasuhan ko sya ng estafa kahit wala akong pinanghahawakan?

4. kung base sa hearsay dito sa amin ay gawain na nila ang panloloko At marami na rin sila nautangan na di binayaran, at ang nais ko naman ay turuan sila ng leksyon dahil maari pa sila mambiktima, at ayokong makipag areglo sa halagang pinabayaan nilang mag-ama ( umabot na sa 48,+++ ang principal at interest)
at ang nais ko po ay ipakulong na silang mag ama para matuto. Ano po ang magandang sabihin sa brgy?na wag nlng mag 3rd hearing Dhil diretzo n kami ng pulis, pahingi nlng ng certificate? Pede po ba yun?

5. Paano naman po kun wala din ako makuhang gustong tumestigo mula sa mga umutang..na sila ay nakapaghulog na, madi-dismiss ba agad kaso ko?
ang text messages po ba pwedeng tanggapin sa korte?


Sorry po talaga sa haba... please po..help po...
Title: Re: Estafa para sa Ahente
Post by: charliehouse on February 06, 2015, 08:24:29 AM
^
1. Hindi kasi ang barangay ay conciliation/mediation forum.
2. Depende yan, kasi if the barangay thinks na may chance talaga for settlement i-isesettle nila. It can even ask for an extension as provided in katarungang pambarangay law.
3. A matter of circumstances, pero as a general rule yes.
4. Hindi mo maaring i compel ang barangay para mag-issue ng CTA discretion yan ng barangay as long as within the period pa ang suliranin.
5. Pwede naman dahil tanggap na ngayon ang text message under the electronic evidence rule.
Title: Re: Estafa para sa Ahente
Post by: mimi_dehado on February 09, 2015, 07:46:37 PM
Thank you po atty charlie sa reply.. sobrang appreciated ko po. :D

Follow up question po..

sa side naman  po ng mga umutang,

Kung sila ay nakikipag sabwatan sa ahente na pasinungalingan ang kanilang pagkakautang sa akin upang sa bandang huli ay hindi ko na malaman kung sino ang mga sisingilin ko,
ano naman po ang tamang paraan upang ma-convince ko sila sa barangay  na aminin ang kanilang pagkakautang at humingi ng resibo sa ahente ng kanilang pagbayad ng interest/utang?

Paano naman po kung ayaw pa rin magbigay ng ahente ng resibong natanggap niya ang mga ibinayad ng mga umutang? :lr: sapat na po ba ang salaysay ng mga testigong nangutang?

Kung kayo po ang abogado ko, paano nyo po ipipresent sa husgado na may estafang naganap kung wala namang ebidensya ang mga testigo?

Kung ikaw naman ang abogado ng mga akusado, ano po counter defense nyo?
Title: Re: Estafa para sa Ahente
Post by: charliehouse on February 20, 2015, 11:14:18 AM
Thank you po atty charlie sa reply.. sobrang appreciated ko po. :D

Follow up question po..

sa side naman  po ng mga umutang,

Kung sila ay nakikipag sabwatan sa ahente na pasinungalingan ang kanilang pagkakautang sa akin upang sa bandang huli ay hindi ko na malaman kung sino ang mga sisingilin ko,
ano naman po ang tamang paraan upang ma-convince ko sila sa barangay  na aminin ang kanilang pagkakautang at humingi ng resibo sa ahente ng kanilang pagbayad ng interest/utang?

Paano naman po kung ayaw pa rin magbigay ng ahente ng resibong natanggap niya ang mga ibinayad ng mga umutang? :lr: sapat na po ba ang salaysay ng mga testigong nangutang?

Kung kayo po ang abogado ko, paano nyo po ipipresent sa husgado na may estafang naganap kung wala namang ebidensya ang mga testigo?

Kung ikaw naman ang abogado ng mga akusado, ano po counter defense nyo?

Una po sa lahat hindi po ako abogado hehe... ito'y opinyon ko lamang...

1. Hindi mo sila maicoconvince... kahit na sa korte ay hindi mo sila maicocompel na aminin ang kanilang pagkakautang at humingi ng resibo.. they have the right to deny the accusations.
2. Precisely why the courts are there kasi may isang party na nagdeny, a matter of circumstances kung sapat na ba ang salaysay, it is up to the courts to decide the veracity of the testimony.
3. May iba't-ibang klase ng ebidensya mam, you are only focusing yourself sa object at documentary evidence, may tinatawag pa po na testimonial evidence and the text messages you gave can also be admitted as object or documentary evidence as long as it is sanctioned by the rules on electronic evidence...
Title: Re: Estafa para sa Ahente
Post by: mimi_dehado on March 01, 2015, 02:47:35 AM
 :hi1: ha! Dto masarap tumambay, may nakakausap ako... salamat sa mga inputs Charlie.. ;D nkakatuwa ka naman..salamat sa time pagrereply ha...

share ko lang:
Tapos na 3rd hearing nmin sa brgy. endorsement ko daw ay papipirmahan pa kay kapitan by monday or tuesday..
So, what's next??! ???
May suggestion ka ba...?
Ano magandang gawin:
1. punta ako sa pulis, pakita ko endorsement..at dun ako magrereklamo ulit na in-estafa pera ko? Ganun ba yun? (Aaayyy..sorry talaga..  :( 1st time ko sa lahat ng may kinalaman sa pagsampa ng kaso..) ano naman gagawin ng pulis after ko magreklamo?

2. kun punta ako sa abogado, magbabayad para sa demand letter, at ipagpalagay natin na nasindak naman ang ahente kaya biglang nagproduce ng perang nkalagay sa demand letter, tapos na ba agad ang pangarap kong maipakulong sila dahil nagsettle na ng amount?? O may ibat ibang klase rin ng demand letter?? Hmmm.. :book1: may nabasa kasi ako, wala daw kasong estafa kun wala demand letter...

So kung diretso ako sa pulis, wala akong pinadalang demand letter sa mga ahente, di pa rin ako makakapag sampa ng kaso tama po ba?  :brucelee1: Parang "kiber" diyan sa endorsement mo kasi madidismissed lng din naman ang kaso kapag walang demand letter.. tama ba?

Ano ngayon ang mga pwedeng gawin ng mga pulis kung didiretso ako sa kanila??
 C:-)
kelangan ko na ba dalhin agad agad ang mga documentary evidences ko?? (Yun lng kasi meron ako)  :peace:
testimonial evidence ba yung minutes sa brgy?

Title: Re: Estafa para sa Ahente
Post by: charliehouse on March 03, 2015, 09:08:49 AM
Kung may CFA ka na you can now file your complaint sa korte.
Title: Re: Estafa para sa Ahente
Post by: mimi_dehado on March 03, 2015, 09:26:09 AM
 :hi1: charlie... galing ako sa brgy nmin... kakausapin p daw muna ako ng kapitan kung iissue-han ako ng endorsement...
nakakagigil lang... though di ko pa naman alam kun bakit pa ako kakausapin dahil yung secretary lng nkausap ko pero alarming lng kc ang pagkakasabi sa akin na "kung iissue-han" ako... :uwa:

Sa ngayon la pa ko cta...dahil hintayin ko daw text ng brgy kun kelan pwede makausap ang dakilang kapitan ng aming brgy...haaay.. >:(

Sa tingin mo ba charlie, kahit la akong ipadalang demand letter, hindi idi-dismiss ng korte kaso ko?
Title: Re: Estafa para sa Ahente
Post by: charliehouse on April 01, 2015, 09:28:29 PM
Kung ako ang tatanungin dapat may written demand para magprosper ang complaint mo.
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal