My Board
Academics => Legal Department => Topic started by: bianong on October 05, 2014, 05:10:38 AM
-
mga kaibigan,
kami ay nagtatrabaho sa isang malaysian company na briton ang country manager. may kahambugan at kabastusan ang taong ito. dito sa Pilipinas located and kumpanya.
hindi katalinuhan ang country manager, kung tutuusin, mga Pilipino ang nagpapatakbo ng kumpanya at nag-aayos ng mga kapalpakan ng briton.
kahit papaano, maganda naman ang sueldo. pero dahil siguro sa maayos na kitaan dito, inaakala ng briton na hindi papalag ang mga Pilipino sa mga kalokohan niya.
ugali na nya ang mang-angkin ng credit sa mga successes namin sa trabaho, at ibaling sa mga Pilipino ang sisi sa mga kapalpakan nya. ultimo ang kasamaan ng ugali nya sa pagmamaneho ay natutunan lang daw nya sa mga Pilipino. hindi kakaunti ang mga pagtatangka nyan pambabastos sa mga kababaihan na empleyado. kung alam nyo ang katagang "Plunker", magagalit din kayo pag narinig nyong sabihan nya ang ilang empleyadang Pilipina ng ganun. wala nga lang gustong magsampa ng reklamo laban sa kanya. kung makasigaw pa ng idiot at stupid sa mga Pilipino.
idinulog na namin sa Department of Labor ang sitwasyon namin pero ang sabi lang ay isumbong namin sa may-ari ng kumpanya. ilan na ang nagsumbong at nagawan pa nya ng paraan na matanggal sa trabaho.
ang payo ng iba ay lumipat na lang ng kumpanya. makakabuti ito sa taong aalis ngunit patuloy pa ring iinsultuhin at aabusuhin ng briton ang mga natitirang Pilipino sa kumpanya. hindi lahat ay basta-basta makakahanap ng maayos na trabaho, lalo na ang mga driver at kargador sa amin.
papaalis na ako sa kumpanya, pero gusto ko sanang matigil na ang pang-aabuso sa kapwa natin Pilipino.
sana po ay mapayuhan nyo kami ukol sa tamang sangay na puede naming lapitan. ganun din naman po sa mga iba naming puedeng gawin na naaayon sa ating mga BATAS. gusto ko po snang mai-pamukha sa kanya na higit ang talino at galing ng mga Pilipino kaysa sa kanya, mapagtiisin lang ang karamihan kaya naaabuso. inire-respeto lang namin ang katayuan nya bilang Manager ng kumpanya ngunit wala na kaming respeto sa kanyang skills at pag-uugali.
maraming salamat po.
-
Sumbong mo sa tulfo bros. sir.. yan siguradong aaksyon agad.
Sent from my mom's iPad using Tapatalk
-
maraming salamat sir TrashMetal! may nagsabi na rin sa akin na ilapit ang problema namin sa mga Tulfo. God Bless Bro!
-
sometimes di na kailangan pa idaan sa batas...
sometimes dapat pede na natin sabihin.. "gusto mo bang umuwi na pasahero or kargamento?"
madaming mukhang perang pulis at taga gobyerno... pagnakakita ng opportunity na kumita kahit kapwa pilipino ibebenta... grrrr
-
gumawa kayo ng collective complaints laban sa manager nyo... check also kung may proper docs siya sa immigration... then as sir trashmetal said ilapit nyo sa T3 para maaksyunan. mas maganda kasing may evidences kayo para walang lusot ung manager nyo.. good luck ts...
-
Una po sa lahat ay wag po kayong mag-alala kasi saklaw po ng Labor Code ang mga foreign corporations kahit nga yung mga "not doing trade or business" dito sa pilipinas like in the case sa mga OFW. Tama po yung advise po ng Department of Labor, dumunog po muna kayo sa HR/management ng kompanya at mag file ng complaint laban sa manager. Ngayon sa kaso ng mga nadismiss na employee dahil naghain sila ng complaint against sa manager ang gagawin nyo po ay ganito: Kung may existing CBA po kayo eh kilatisin nyo po ng maigi ang grievance machinery clause ng CBA kung may stipulation po about illegal dismissal kung meron i-follow nyo po yun kung wala you can file a complaint sa labor arbiter. As to the issue sa kababaihang empleyado can you elaborate more on this? yung brief pero detailed po sana na elaboration...
-
sa mga tulfo tyak kong me kalalagyan ang mga abusadong yan tyak ko lang hehehe he he
-
sa pagkaka-alam ko sa department of foreing affairs(DFA) mo sila dapat e.report at nang ma-aksyunan agad-agad
-
sa pagkaka-alam ko sa department of foreing affairs(DFA) mo sila dapat e.report at nang ma-aksyunan agad-agad
I beg to disagree, the DFA is not the proper forum para sa isang complaint based on Employer- Employee relationship. Proper lang ang DFA kung illegal ang pagstay dito ng foreigner.
-
what about OWWA? ano ba pwedeng magawang help nito sa sitwasyon na yan?
-
what about OWWA? ano ba pwedeng magawang help nito sa sitwasyon na yan?
basta dito sa lugar kung saan ako ngaun owwa ang takbuhan ng mganda minamalas sa amu...
-
what about OWWA? ano ba pwedeng magawang help nito sa sitwasyon na yan?
hindi kasi hindi naman po siya overseas worker kung overseas worker siya pwede.
-
pwede mo ilapit sa department of labor since empleado naman kayo. pwede din siguro sa DFA or sa BI pero kung mabilisan na aksyon eh ilapit sa media.
-
aba'y hampasin nyo ng tubo o dos por dos sa may alulod nya, tignan natin kung di yan magtitino. :brucelee1: :brucelee1: :brucelee1:
-
If all else fails including the HR route and sobra na talaga, I agree with the advice na Ipa-media nyo. Tutal sounds like gusto nya ang attention and election season is coming up, daming makikisaw saw jan.
You are not slaves mate. Wag kayo padaig sa mga yan. This is our country. Basta alam mong nasa tama ka, go for it.