My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => Entertainment Industry => Topic started by: walterwhite on September 28, 2014, 01:58:29 PM
-
Eto ang akin.. Jason Gainza at Dennis Padilla!!!! Walang dating sakin yang dalawang yan, walang ka talent talent sa pagpapatawa ewan ko ba bakit madaming shows yang Jason na yan
-
Vice ganda.. hindi naman nakakatawa. Sinasalo lang sya ng mga effects ng dj.
Sent from my mom's iPad using Tapatalk
-
ayos si dennis at jayson gainza sa akin...
somehow natatawa rin naman ako sa mga banat ni vice ganda... pambakla kasi ang banat kaya minsan nakakaaliw....
john pratts o ibang staff sa Banana's Split..... hindi ako natatawa.
-
Willie Revillame. . . corning corny mga jokes nya at bastos pa.
Tito Sotto, mas nakakatawa sya sa senado kaysa sa TV.
-
Di ko din gusto si Jason saka si Willie
-
Pokwang, vice ganda etc. Bunch of self righteous @sshats.
I also don't like it when the comedian is deemed "funny" cause they are either too fat, too thin, gay or has some physical deformity of some kind na pwede pintasan and pagtawanan.
There are even times when they go on the stage and talk smack on one of their audience, shaming them in front of everyone. As if having an "unusual" characteristic gives them a license to shame other people. That is just lame and mean and an attempt at cheap laughs.
I don't care much for that kind of comedy.
-
Willie, joey marquez, at dennis padilla... sa mga standup naman hindi ako natatawa kay pooh o at ni ate gay.
-
halos lahat ata para sa akin... nauuna ako sa pagiisip sa punchline nila, lalo na mga gay jokes, naku walang kalatoy latoy....
-
hmm.... interesting tong question na to ah... nakakatawa si vice kung comedy. ayoko lang yung parang nanlalaglag ng ibang tao pag nagjojoke. pero kasi kanya kanya namang trip yan.. dennis padilla nga medyo off.. pero may times din na nakakatawa sya kaya lang kapag may kasama na ibang comedian... si ogie alcasid ayoko dati pero naging nakakatawa na nung nakapag establish xa ng sarili nyang identity sa comedya. dati kasi parang michael v ung ginagaya nya.
-
comedian ba. si vice o panlalait lang talaga ang. alam? ? haha di kasi ako fan ng mga ganung pagpapatawa.Ewan ko ba ,karamihan ng mga pinoy comedian pag nakikita kong nagdadrama natatawa pa din ako haha. Sana may ala Robin Williams (sln) tayo na mapapatawa ka at yhe same time mapapaiyak ka sometimes
-
mahirap yung tanong at mababaw kasi kaligayahan ko. Konting slapstick lang e tawa na ko. pero siguro masasabi ko na hindi ako masyado natatawa kay kachupoy. Before natatawa ko sa mga movies ni Andrew E, pero yung mga movies nya ng latter part ng career nya e hindi na ko natutuwa.Siguro nagsawa lang sa style.
-
Ung talent (na wala namang talent) ng GMA na si Bentong Sumaya at ung si Moymoy Palaboy, mas nakakatawa pa ng si Roadfill.
-
hmm... sakin si vice ganda, ung tandem ng momoy palaboy and willie... masyadong pilit kasi dating nila...
-
Ai Ai delas alas. Diba they call her "Queen of Comedy"? (Pls correct me if i'm wrong)
I don't find her humor funny, trying hard and annoying sya magpatawa for me
-
ai ai delas alas, si barbie fortesa pag ginagaya ny si kris aquino oa na oa eh
-
vice ganda. puro panlalait ang alam. tuloy pati mga kabataan ngayon kabata bata pa marunong nang mambasag. akala normal lang yung ganung asal. kaya pati sa magulang titser at nakakatanda ginagawa nila yung mga linya ni vice. such a bad influence. at patuloy pa rin na imina market ng media. tsk tsk tsk.
Sent from my SM-G935F using Tapatalk
-
si vice ganda hindi ko talaga ma gets yung punch lines nya tsaka nanlalait kasi siya
-
Vice Ganda, yung joke niya d ko tlaga ma gets kung joke b o pang iinsulto...
-
Same here.. Vice ganda, dahil ang joke niya ay panlalait....
-
Melai Canteveros, ok naman sya kaso ung pagpapatawa nya minsan parang OA na.
-
marami pala tayo dito na ang ayaw kay Vice Ganda. di siya magandang huwaran sa mga kabataan dahil sa attitude niya. Everytime nanunuod ako sa TFC at pag andun siya ay lipat channel agad ako. Kung pwede lang mag-unsubscribe ay ginawa ko na kaso dito lang nalilibang si kumander at siya ang may gusto na may TFC sa bahay.
-
ako din kahit isang beses di ako natawa dyan kay vice ganda kahit na nung una pa na batukan palang sya saka yun ryan rems ba yun? pilit na pilit at sobrang OA ng mga nasa studio habang nag papatawa sya orayt!
-
comedian ba si Vice Ganda? magaling kasi siyang kontra bida dahil inis na inis ako sa kanya. ang pinapanood ko lang sa TFC ay yung kay Atty. Gurfinkel.
-
vice ganda, d na natural ung pagpapatawa, puro lait nlng, d kasi nakakatawa ee, pinipilit
-
VICE GANDA paulit ulit panglalait lng mga jokes walng kwenta tuwang tuwa namn ang mga pinoy ugok