My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => Entertainment Industry => Speed Talks => Topic started by: razorsharp on September 16, 2014, 12:50:02 AM

Title: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: razorsharp on September 16, 2014, 12:50:02 AM
sino naman ang nag turo sa inyo .. .. ..
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: ladyvirus01 on September 16, 2014, 01:03:23 AM
Sa Driving School ako 10years ago....kaya matagal na ako ng ddrive...


Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: Troll Montero on September 16, 2014, 02:54:53 AM
grade 6 ako.. yung pinsan ko nagturo sakin 3rd year high school naman siya that time


Sent from my iMommy
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: ThrashMetal on September 16, 2014, 11:20:01 AM
Self taught. Hehehe

Sent from my mom's iPad using Tapatalk

Title: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: jamesbond on September 16, 2014, 07:19:48 PM
2nd year high school lang ako nun... kapag walang tao sa bahay nilalabas ko yung car ng kuya ko... iikot ko sa loob ng village namin kahit wala akong lisensya pa... tapos... nilabas ko sa highway, abot ang kaba ko nun kasi di nga alam sa amin tapos wala pa akong lisensya.. natuto naman ako kaagad, manual pa.... then napapansin na ata sa bahay na bumababa ang fuel gauge reading kaya nag lie low na ako... so na-stop na ako sa kalokohan ko... Every time na masasakay ako sa taxi or bus or jeep, i see to it na sa harap ako mauupo para makita ko diskarte ng mga driver... dun ko nakita na mga jeepney drivers pala ay bihira gumamit ng 1st gear, segunda agad kahit from standstill... ewan pero di pala applicable when using a gas engine... college na ako nagkaron ng legal driver's license, oo kasi nung time na yun talamak ang mga pekeng lisensya kaya buti naman at hindi ako pumatol sa ganun... so nung may lisensya naman ako, wala naman akong car and isa pa, di ganun kadali makuha ang trust ng erpats ko... so one time, nagkayayaan pumunta ang family sa Baguio City, eh syempre ang  erpats ko mahina ang  mga galamay sa long drive kaya sinabi sa akin na ako muna ang magdrive mula Bulacan up to Sison, Pangasinan... laking tuwa ko nun kasi first time ko hahawak ng manibela na ligal... di ako makatulog the night before sa sobrang kasabikan... nagpautos ako sa kasambahay namin na ibili ako ng red bull para the next morning lalaklakin ko na... so off we go the next day, ingat na ingat ako kasi nasa tabi ko si erpats para di ako masigawan... pati pag angat ng clutch swabeng swabe ang tapak at angat ko... panay ang tingin ko sa mga mirrors, kapag nakita kong mga tulog pasahero ko binabaunan ko ang tapak sa gas pedal, haaays, swabe pala kapag mabilis, babagal lang ako kapag nagigising sila... pagdating sa stop over sa Sison, ayun at pumoporma na si erpat para kunin ang manibela sa akin at paakyat na kami sa Baguio nun via Kennon Road, mabuti na lang nagtanong na sya kung kaya ko pa magdrive, aba syempre ang sagot ko OO at kaya ko pa, kasi, it's a dream come true for me to drive up the mountain slopes of Kennon Road, yung mga na-absorbed ko sa lahat ng mga natutunan ko ay dito ko na magagamit... kaya laking tuwa ko ng mai-akyat ko ang car sa itaas... oh, my mom gave me flying colors in grading my driving attitudes and skills... so after ng Baguio trip, my dad gave me a new car to drive... i guess i've earned it kaya hayun nakakatuwa naman isipin at balikan ang lahat...


Sent from my 007 iPhone 6 using Tapatalk
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: lovemarie on September 16, 2014, 07:32:39 PM
Tinuruan ako ng ex bf ko..
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: Rad on September 16, 2014, 07:35:16 PM
kaya ko magdrive basta walang kasabayang sasakyan hehehe.

17 or 18 yrs old yata ako nong mag try akong mag-aral gamit ang service ng erpat ng tropa at tropa din ang nagturo, pasumpong sumpong lang at hindi ako kumuha ng lisensya. khit nong nasa KSA ako ganon din pasumpong sumpong pa rin, drive khit walang lisensya papuntang warehouse, bilang lang kasi mga sasakyan kaya lakas loob magdrive, as usual di pa rin ako kumukuha ng lisensya :D

ngayon may lisensya naman ako wala namang maidrive, buti pa nong walang lisensya nakakapagdrive.
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: Zurca on September 16, 2014, 07:41:51 PM
Ako mga 4 years ago, sa driving school. Medyo mahina pa loob ko noon (dahil nga sa uri ng traffic dito sa Pilipinas lol) pero lakasan lang talaga ng loob pag nasa kalsada ka na lol
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: razorsharp on September 17, 2014, 07:24:58 AM
dito na ako sa US natutong magdrive 14 yrs ago, di ako natuto dyan sa pinas. kaya di ko kayang magdrive sa mga kalye sa pinas, kakatakot. unang una discipline, iba ang disiplina at driving behavior dito ng mga drayber kesa sa atin sa pinas. i could regularly be driving 130 kph smoothly dito pero di ko ata kaya trapik at gitgitan sa pinas hehe.
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: Cathrina on September 18, 2014, 02:00:48 AM
My dad at kuya ko nagturo sakin nung high school years ko ..
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: jamesbond on September 18, 2014, 02:02:56 AM

My dad at kuya ko nagturo sakin nung high school years ko ..

eh miss sweet cath.. how about learning to drive a big bike? when was it... how was it?


Sent from my 007 iPhone 6 using Tapatalk
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: Cathrina on September 18, 2014, 02:46:16 AM
eh miss sweet cath.. how about learning to drive a big bike? when was it... how was it?


Sent from my 007 iPhone 6 using Tapatalk

College na ako nun nagpraktis magdrive ng bike kasi binilihan ni dad si kuya kaya lang nde pa ako masyado marunong nung time na yon tas pagdating ko dito bumili ako ng pagpraktisan it was a small  suzuki 250 used so medjo marunong na din konti kaya bumili ako ng malaki 2 yrs ago,then pinatigil ako ng mom sa pagbabike coz of what happened ng baby brother ko last year..paminsan minsan  magbike din nman pagmiss ko lol pawarm up lng ng bike para nde masira 1 or 2 miles from my house and back..
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: firewater on September 18, 2014, 08:50:16 AM
Driving school din ako.. back in 2007 pa yun nung na destino ako sa Cagayan De Oro. Wala akong pasok ng sturday and sunday kaya a boring naman na mag mall na lang lagi or matulog sa hotel, ayun naisipan ko mag enroll sa driving school, nakapag galagala pa ko dahil driving lessons nagdadrive p to bukidnon.
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: glennless on September 19, 2014, 07:14:47 PM
Magkano po ba kadalasan ang fee sa pag eenroll sa driving school? Tsaka, sa pagkuha po ng lisensya, may maitutulong ba yung driving school para mapadali?


Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: Filgert on September 20, 2014, 12:11:34 AM
1996 ako unang nangahas magdrive.isa sa barkada namin na college na that time,ang me owner type jeep at sa kanya kami nagpaturo. 1998,first year college,itinakas ko ung kotse ng kapatid ko.ilang beses din ako napagalitan sa bahay at ilang beses ko dn kasi itinakas.hanggang eventually pinayagan na dn ako gamitin yung kotse ng kapatid ko nung magka lisensya na ko.


Happiness is not an emotion.Happiness is a way of life
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: lexange on November 05, 2014, 09:50:41 PM
dito na ako sa US natutong magdrive 14 yrs ago, di ako natuto dyan sa pinas. kaya di ko kayang magdrive sa mga kalye sa pinas, kakatakot. unang una discipline, iba ang disiplina at driving behavior dito ng mga drayber kesa sa atin sa pinas. i could regularly be driving 130 kph smoothly dito pero di ko ata kaya trapik at gitgitan sa pinas hehe.

80 MPH wow you must be driving interstate regularly.  :peace:

I have to agree, driving experience in US is way better as compared dito sa Pinas.. Most of my colleagues dyan na sa US natuto mag drive. LOL.

Our road layout here sucks but at least man lang sana ma tanggal yung mga lubak. You don't only dodge traffic here, you dodge potholes as well. Hehe..

I started driving during college days when I was already legal to drive. Iniiwasan ko magpaturo sa dad ko dahil ma init ulo pag nagtuturo LOL, so have to secretly practice from time to time specially if he's out of town. Forward backward lang sa garage, at first, getting the feel of the clutch. hehe.. Always called shotgun too para mag observe.  :book1:



Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: charliehouse on November 05, 2014, 10:38:28 PM
Natuto akong magmaneho ng 4-wheels nung 1st year highschool ako and sadly hindi ko makapa ang pagmamaneho ng motor... :uwa:
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: Lauren_Nataraki on May 25, 2016, 04:45:15 PM
nung grade 6 ako natuto, sa nissan 4wd manual pickup. off road para wala problema.
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: billkulas on May 25, 2016, 05:03:27 PM
2011, nagtry ako sa driving skul. 5 days driving tuturial. 2hrs/day dito sa Benguet. Mejo natuto ng kunti.October 2015 naman nun napansin ko na dumadami ang naka scoot. Naingit ako so i bought sym jet alpha( laspag na scoot) as may training bike. 3 nights ako nag aral. Me kasamang isang semplang. Ayun natuto naman.
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: Soujiro Seta on May 25, 2016, 08:32:19 PM
College days ko nung natuto ako magmaneho..nagstart sa project car Honda Civic ESi
( "singkit" ) 1995 model..dun din nakatikim ng unang bangga..Pawis steering,manual sabay pudpod na clutch..sliding..hahaha kakamiss
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: Lauren_Nataraki on May 26, 2016, 06:32:13 PM
College days ko nung natuto ako magmaneho..nagstart sa project car Honda Civic ESi
( "singkit" ) 1995 model..dun din nakatikim ng unang bangga..Pawis steering,manual sabay pudpod na clutch..sliding..hahaha kakamiss

pero i love the honda sir body. maporma at tignan para sa akin, konting modifications lang basta honda civic panalo para sakin. ;)
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: naruto789544 on May 28, 2016, 12:29:15 AM
our family driver taught me how to drive around 1994.   i learned in up diliman and brought home the car after 2 hours of lesson... :)
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: jarguerrero39 on August 10, 2016, 11:04:36 PM
Grade 4 ako natutong magdrive ng motor, Honda 50cc (nauso nung vietnam war). Hanggang tresera lang yung kambyo tsaka walang clutch. Sa 4 wheels, recently lang this year. Tinuruan ako ng tropa gamit yung sasakyan nung isa pang tropa. Madali lang ako natuto since sanay naman sa motor. Di ko maperfect yung pagpark ng patalikod. paano ba technique dun? 
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: el pedio on September 16, 2016, 03:08:01 AM
Paka graduate ng High School . Sumasama ako noon sa kapatid namin na nagda drive ng gravel & sand truck. Sa Porac, Pampanga kami kumukuha ng white sand. Pagdating sa kinukunan na napakalawak na buhanginan tinuturuan nya ako mag drive. Bale Ford 700 na truck, hanggang sa natuto ako at kumuha na ng lisensya.
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: Jhaztynx on July 04, 2017, 04:48:34 PM
15 ako tinuran ng papa ko, tapos nung 16 ako nag ddrive na talga ako dito sa village namin. makapal naman ung tint kaya di ako nahuhuli
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: nathanjohn on October 04, 2017, 08:00:12 AM
motorcycle i was 15 or 16
car i was 24
big bike 22
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: robertt on October 10, 2017, 05:44:10 PM
Mga 16 years old ako noon. . . sa umpisa atras abante lang pero nung nagtagal naitatakbo ko na.  Pero di ako pinayagan magmaneho hanggang mag 18 ako at makakuha ng lisensya.
Title: Re: Paano at kelan kayo natutong magmaneho?
Post by: bobothewiseman on January 24, 2019, 04:57:51 PM
20 years ago madali lang naman practice lang ang kailangan
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal