My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: kdudc on September 12, 2014, 12:43:43 AM

Title: Trust Issues
Post by: kdudc on September 12, 2014, 12:43:43 AM
Hi,

 How do you guys deal with trust issues?

Lalo na kung kayo yung ginawan ng kasalanan? Kasi parang ang hirap ibalik ng tiwala lalo na kasi at 2 beses nangyare although sa text lang naman yun tapos isang pagsesekreto na well nalaman din sabayan niyo pa ng pagsisinungaling na well nahuli din.. Ilang months na din kasi pero alam niyo yun kahit di niyo isipin nabalik yung pakiramdam na parang dinaya kayo, niloko, binaliwala.. Actually di naman ako mapagduda e pero sa mga nangyare parang nakakapraning.. Nakakabaliw hehe.. Natatanga na din ata ako.. Advice naman diyan please.. Di na ako matulungan ng google e..

Ang nangyayare kasi pag may mga bagay na nagkokonekta sa mga yan umiinit ang ulo ko at nag aaway kami.. Alam ko naman she is trying to win my trust back at di ko naman sinasara ang sarili ko sa bagay na yun kasi mahirap naman ata sa isang couple ang walang tiwala ang isa..
Title: Re: Trust Issues
Post by: Primeā„¢ on September 12, 2014, 06:25:57 AM
Mahirap talaga yun. As a Scorpio guy we don't forget betrayals like that, once I feel the girl is being dishonest with me eh wala ng 2nd chance.

I don't know if you're talking about simple white lies or cheating pero if you are talking about the latter, I am under the belief that once a girl cheats, she will cheat again if given the chance and timing so I would say in any situations like that, drop the relationship like a hot potato cause in the end ikaw lang ang mag suffer, dami naman trust worthy jan.

Actually not only when she cheats on you, but if she had a history of cheating with ex's, that's a huge red flag for me.

If simple white lies lang naman, perhaps take the time to also understand ano kaya dahilan for that, perhaps you have an explosive tempter and can become very irrational or something, but then again I'm talking about simple lies na although hindi tama eh hindi naman ganoon kabigat for you to pass judgement that a relationship with this person is just not possible. Gauge mo rin, pero personally ayaw ko ng sinungaling.

And a note, sometimes yung mga seloso won't accept the fact that they are, so isipin mo din if your suspicions are well justified or you're simply making monsters inside your head.
Title: Re: Trust Issues
Post by: fayt on September 13, 2014, 08:34:01 PM
tiwala?

depende sa level ng relationship... If bf/gf pa lang kayo at ginawa ka na nyan ng kung ano ano... edi hiwalayan mo na kaysa naman palagi kang tuliro kakaisip at ipopost mo pa dito yan....

kung mag asawa na kayo.... ibang kaso na yan... hindi lang basta hihiwalayan mo lang dahil may hinala ka na ginagago ka nyan.... matinding saliksik ang kakailanganin mo dyan at mapagpatawad na puso dahil sa kabilang banda asawa mo pa rin yan... pag wala na pagbabago kahit anong gawin mong pagpapatawad.... well..........
Title: Re: Trust Issues
Post by: chinkeebabe on November 26, 2014, 01:29:58 PM
once trust is broken, it is hard to bring it back to its former state... at yun ang ayaw na ayaw ko mangyayari sa relationship... without TRUST you can never give your full love... ang hirap sa relationship na OO nga mahal mo, yet lagi ka naman worried, lagi kang praning, lagi kang paranoid dahil nga ndi mo maibigay ang tiwala...

Just saying, a relationship without trust goes the same with the relationship without assurance.. and that will never work out good for the both...
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal