My Board
Academics => Legal Department => Topic started by: Erotic Vibrator on August 24, 2014, 03:25:21 PM
-
Nais ko lamang po manghingi ng legal advise Last March 2013 po naglending kaming mag-asawa sa PJH Lending na halagang 32,000 at payable for 10 months. Ginamit namin ang lending para sa placement fee ng aking misis papuntang Abu-Dhabi UAE. Ako bale ang Co-Maker at si misis ko naman ang principal. na-approve ang lending at isa sa requirement ay pinagopen kami ng lending agency ng checking account at after makapagpirma kami ng post dated check nakuha na namin ang pera
Si misis ay nakabayad ng 2 buwan ngunit di na ito natuloy ang bayarin sapagkat umuwi bigla ang misis ko dahil siya po ay minaltrato sa abu dhabi At after nyang umuwi nakipagusap kami PJH Lending kung paano masesettle ang bayarin at mabigyan kami ng consideration. Binigyan kami ng isang documents at nandun ang terms of payment na panibago. At nakalagay dun na sa cebuana llhuiller namin ibayad ang amount sapagkat icloclose na nila yung checking account namin at sumunod nun nakapagbayad pa kami ng halagang 3,000 piso base sa napagkasunduan na bagong terms of payment
Ako naman po ay nag-abroad sa saudi noong september 2014 para makatulong sa bayarin ngunit minalas at dahil sa delay na sahod kung kayat nagdelay din ang bayad. At kami nakakapagbayad pa din sa halagang 1,000 at 2,000 kahit na delay ang sahod magampanan lang ang obligasyon
Dahil sa delay na sahod ako ay napilitang magresign at umuwi na lang ng pinas. At kaya di tayo nakapagbayad ay dahil sa wala akong trabaho sa pagitan ng February – July alam iyon ng PJH nung minsan tumawag sila sa akin
Last August 11, 2014 nagpunta ang misis ko sa PJH Lending at pinapirma sya sa notice of dishonor at demand letter sa PJH na nagsasabing bayaran na daw ang account or else kakasuhan nila kami ng BP 22 at maari nila itong iconvert sa estafa napilitan pumirma dahil sa takot.
Dinedemand nila na bayaran na ngayong buwan ang kabuuang bayarin at ito po daw ay umabot na ng 62,000 pesos kasama na ang interes na nung una wala naman ng usapan na bibigyan pa kami ng interes at susundin na lamang ang ikalawang terms of payment na napagkasunduan
Mga katanungan
1) Maari ba nila iconvert ang kaso na BP22 to estafa yun kasi ang pinantatakot sa amin?
2) Maari ba nila akong bigyan ng panibagong mode of payment na lamang at wag pwersahin akong magbayad ng buo kasi hirap din kami?
3) kung di pumayag ang lending at isampa ang kaso sa korte, me boses ba ang korte na utusan ang lending na bigyan kami ng panibagong terms kung alam ng korte na hirap kaming makabayad in cash?
sana matulungan po nyo ako
-
subukan kitang sagutin sa abot ng aking makakaya... hehe
1. hindi nila kailangang i-convert ang bp22 to estafa. Itong dalawang kasong ito ay magkaiba at pede isampa ng sabay sa inyo at walang double jeopardy na mangyayari. Pag nakita ng piskal na may probable cause sa reklamo nila, pede niyang isampa ang dalawang kaso.
2. nasa usapan niyo ito, kausapain mo siya ng maayos para bigyan ka ng bagong terms of payment. Ito na ang pinaka maganda mong magagawa kung wala ka pa talagang pangbayad. Usapang sibil ito at hiwalay sa kasong kriminal.
3.walang boses ang korte na gumawa ng bagong kontrata para sa inyo. kahit baguhin ang kontrata na nauna niyo ng pasukan ay hindi kayang gawin ng korte. ang pede pang mangyari kung matalo kayo sa kaso at isyuhan kayo ng attachment, levy at garnishment para kunin ang mga properties niyo para ibenta sa publiko kung wala kayong sapat na salapi na ipang bayad sa pinagkakautangan niyo.
-
Ito yung akin naman.
May taong may utang sa akin pero ang hinahawakan ko lang ay isang papel na nagsasabing may utang sya pero hindi ito notaryado ng abogado o witness man lang..
Dumating ang panahon, dahil d sya nagbabayad, eh nakarating kami sa barangay. Dun ay nagkaroon kami ng kasunduan, eto yung record sa barangay, kung saan ay nangako sya na magbabayad sya ng utang. (ito ay pirmado nya at ng kapitan at may saksing dalawang kagawad ng barangay)
Pero di pa rin sya tumupad sa kasunduan. Ang tanong ko ay pwede ba syang kasuhan ng estafa at malakas bang ebidensya yung record sa barangay?
Ang tanong pwede bang sampahan
-
^ tanong ko lang sir kung paano siya nagka utang sa'yo...
Kung utang lang sa pamamagitan ng usapan ninyong dalawa na pahihiramin mo siya ng pera, hindi siya makakasuhan ng estafa. Importante ang fraud o panloloko para makasuhan siya ng estafa, hindi nito sakop yung mga dahilan na sinasabi niya sa'yo kaya siya nangungutang maging totoo man ito o hindi.
Civil na obligasyon lamang ang pede mong habulin sa kanya. Ayon sa ating Constitution walang taong pedeng makulong sa utang. Pero kung nag isyu siya ng talbog na tseke, ibang usapan na 'yon, pede ng magkaroon ng pananagutang kriminal sa ganong sitwasyon.
-
humiram nga lang sya ng pera sa akin tapos ang ginawa ko naman eh gumawa ako ng kasunduan na nagsasabing may kinuha syang pera sa akin tapos pinapirmahan ko sa kanya.. hiwalay pa yung sa barangay na kasunduan namin na kung saan may witness at inamin nya talaga yung utang sa akin sa pamamgitan ng pagpirma dun sa kasunduan.
wala namang inisyung tseke sa akin..
ano ba ang mga sakop ng estafa?
-
kung ganon, ala siyang kriminal na pananagutan. Tama lang na gumawa ka ng kasulatan. yung sa barangay, may mga kaso kasi na kinakailangan na dumaan muna sa barangay bago makapag sampa ng kaso sa korte.
Sa tanong tungkol sa estafa, kelangan kasi may panloloko, paggamit ng pera sa ibang paraan bukod sa dapat na pinaglalaanan nito (dito pasok yung sa mga pag gamit ng ahente ng pera na nakolekta nila at hindi ni-remit at ginamit para sa sarili nila), meron din misrepresentation at meron ding other forms of swindling sa ilalim ng batas natin. Ang importante dito, yung naloko ka o nagtiwala ka na hawakan niya pangsamantala (tulad sa agent mo) yung pera.
Medyo madaming sakop ang estafa, pero hindi talaga niya sakop yung simpleng pag utang lang. Kahit ano pang dahilan sabihin niya para maka utang sa'yo, totoo man o hindi, bottom line is umutang lang talaga siya sa'yo ng pera.
-
ang sabi kasi sa akin sa barangay, maging ng pulis dito sa amin, pwedeng iendorse ng barangay yung kaso ko sa pulis at pwedeng dun ako gumawa ng desisyon kung idedemanda kami o mag uusap ulit para sa panibagong kasunduan.
Ang sabi din kasi sa akin sa police station, pwedeng isyuhan ng warrant halimbawang di sya tumupad sa panibagong kasunduan o magplano akong idemanda sya..
Ang inaaalala ko lang eh kung matibay ba yung kaso ko para maipakulong sya. kasi kung mamaya eh madismiss lang eh magagastusan lang ako. ang mahal pa naman ng abogado ngayon..
TIA..
-
a ok. kung kriminal na kaso yung gusto nila palabasin, ala ka naman maxado gagastusin. kelangan lang ng pulis gumawa ng report sa nangyari tapos i-foforward sa piskal. piskal ang magdedesisyon kung pede ba pumasok ng estafa yan. piskal ang magsasampa ng kaso sa korte, siya rin ang magiging prosecutor don, so hindi mo kelangan kumuha ng abogado kung kriminal. siya na bahala magpakulong. kelangan mo lang pumunta sa hearing.
Isa pa, ang warrant, iniisyu lang yan kapag may kaso na nakasampa sa korte, of course my mga exceptions dito. kadalasan kasi, eto ang akala ng mga tao na basta umutang at hindi nagbayad, estafa na kagad.
Ang problema kasi kung civil lang, hindi mo pede mapakulong yung tao.
Ang gusto mo talaga e maipakulong at hindi lang basta makasingil?
-
ang gusto ko lang talaga eh makuha ko yung pera. sa napakatagal ng panahon (almost 2 years na yung utang ) na di pa nya ako nababayaran eh nauubos na yung pasensya ko at gusto kong mapwersa na talaga syang magbayad..
napakarami ng pangako pero wala namang nangyayari kay parang last resort ko na lang yun sa pulis.. kung sa akin, ayoko rin naman na umabot pa kami sa pulis, pero ayoko namang basta igive up yung pera ko sa kanya.. kung tutupad lang sya sa usapan sa barangay wala namang dahilan apra iakyat ko pa sa pulis ang reklamo..
a ok. kung kriminal na kaso yung gusto nila palabasin, ala ka naman maxado gagastusin. kelangan lang ng pulis gumawa ng report sa nangyari tapos i-foforward sa piskal. piskal ang magdedesisyon kung pede ba pumasok ng estafa yan. piskal ang magsasampa ng kaso sa korte, siya rin ang magiging prosecutor don, so hindi mo kelangan kumuha ng abogado kung kriminal. siya na bahala magpakulong. kelangan mo lang pumunta sa hearing.
Isa pa, ang warrant, iniisyu lang yan kapag may kaso na nakasampa sa korte, of course my mga exceptions dito. kadalasan kasi, eto ang akala ng mga tao na basta umutang at hindi nagbayad, estafa na kagad.
Ang problema kasi kung civil lang, hindi mo pede mapakulong yung tao.
Ang gusto mo talaga e maipakulong at hindi lang basta makasingil?
-
Sa opinyon ko lang, di ka talaga makaka sampa ng criminal charges sa umutang sa'yo kasi mukang utang lang talaga siya. Parang loan lang sa banko, kapag di ka nakabayad, hindi ka naman pinapakulong ng bangko di ba, unless na lang kung pede pumasok ng BP 22 or other forms of swindling which is may involve na nakasangla na property (medyo masalimuot pa ipaliwanag).
kung mukang di talaga magbabayad, at may mahahabol ka naman property sa kanya, sampa ka na lang ng kaso for collection of sum of money. Meron kang 10 years para habulin siya. After that, di ka na makakasingil.
Try mo muna magpagawa ng extra judicial demand sa abogado to inform him na kung di siya magbabayd, e sa korte na lang kayo magharap, baka sakali matakot. hehe. May mga tao talaga na matigas ang muka lalo na kung alam nila na hindi sila makukulong sa utang.
Next time, ingat na lang sa pagpapautang. Kung ala tseke, manghingi ka ng collateral. Kung ala collateral at gusto mo pa rin pautangin, pakuhain mo siya ng guarantor.
-
bro dimmu borgir, s batas ay promissory note ang twg s hwak mo n kasulatan. pro pra mksagot kmi ng maayos, mgkno utang?
Post Merge: September 17, 2014, 12:27:25 PM
dpende kc s halaga, at kung habol mo lng ay mbayaran ay maaari mo ito idaan sa small claims court. ms mbilis dun
-
small claims court siguro ang hulog dyan. Hindi naman bills for services or items yan. Loan yan. Walang nakukulong sa utang. BP22 is for malicious payment na wala talagang pondo at sinadya talaga na mandaya.
Tama sila, kuha ka ng letter of endorsement sa POEA or sa OWWA. Tapos punta ka sa inyo local na LGU at humingi ng promisory note para maihinto ang pag taas ng interest. Tapos pag usapan nyo ang form of settlement at kung magkano ang dapat i disregard ng lending agency.
Kasama na yan sa risk ng negosyo nila kaya wag kang matakot. Sa taas ba naman ng interest nila.
-
85, 000 .... sa tingin mo brader yung kasunduan namin sa barangay pwede kong magamit laban sa kanya para ma claim ko yung pera ?
yun bang small claims court yun ba yung wala talaga kayong pormal na demandahan at di na kailangan ng abogado? paranng aregluhan lang yung mangyayari dito?
TIA
bro dimmu borgir, s batas ay promissory note ang twg s hwak mo n kasulatan. pro pra mksagot kmi ng maayos, mgkno utang?
Post Merge: September 17, 2014, 12:27:25 PM
dpende kc s halaga, at kung habol mo lng ay mbayaran ay maaari mo ito idaan sa small claims court. ms mbilis dun
-
small claims court nga pasok ng reklamo mo sir. ala abogado diyan. puro form lang kelangan fill-upan. mabilis lang din proseso . after mo ma-file yung form, papatawag na din yung umutang through summons.
I suggest na punta ka sa MTC niyo, then tanong ka ng procedure, may cases kasi na kelangan pa ng certification from barangay para maka file ka sa small claims court (under ng MTC). Para lng sigurado.
Pag haharapin din muna kayo. Pero kung di talaga mapag usapan, proceed sa hearing, 1 araw lang tapos na. Kayo kayo lang ang maghaharap, di na kelangan lawyer.
Post Merge: September 18, 2014, 09:20:32 AM
Forgot to add, ganyan pala ginawa ng misis ko.
Pinagharap lang muna sila at pinagusap (pero dumaan din muna sila sa barangay, at hindi din nagbayad), aminado naman yung umutang nung nasa MTC na, hindi na nag hearing. Binigay ng umutang yung ATM niya.
-
salamat brader sa paliwanag.. ngayon di na ako kakaba kaba na di nya ako mababayaran kasi alam ko na ang dapat gawin..
sakit na nga sa ulo.. di ko naman pwedeng ibigay na lang sa kanya kasi sayang naman yung 85,000 ko... mahirap hirap din yang hanapin sa panahon ngayon..
small claims court nga pasok ng reklamo mo sir. ala abogado diyan. puro form lang kelangan fill-upan. mabilis lang din proseso . after mo ma-file yung form, papatawag na din yung umutang through summons.
I suggest na punta ka sa MTC niyo, then tanong ka ng procedure, may cases kasi na kelangan pa ng certification from barangay para maka file ka sa small claims court (under ng MTC). Para lng sigurado.
Pag haharapin din muna kayo. Pero kung di talaga mapag usapan, proceed sa hearing, 1 araw lang tapos na. Kayo kayo lang ang maghaharap, di na kelangan lawyer.
Post Merge: September 18, 2014, 09:20:32 AM
Forgot to add, ganyan pala ginawa ng misis ko.
Pinagharap lang muna sila at pinagusap (pero dumaan din muna sila sa barangay, at hindi din nagbayad), aminado naman yung umutang nung nasa MTC na, hindi na nag hearing. Binigay ng umutang yung ATM niya.
-
ok etong thread nato sarap basahin very applicable sa trabaho ko sa coop
mas maganda talaga na may checking account
-
Nais ko lamang po manghingi ng legal advise Last March 2013 po naglending kaming mag-asawa sa PJH Lending na halagang 32,000 at payable for 10 months. Ginamit namin ang lending para sa placement fee ng aking misis papuntang Abu-Dhabi UAE. Ako bale ang Co-Maker at si misis ko naman ang principal. na-approve ang lending at isa sa requirement ay pinagopen kami ng lending agency ng checking account at after makapagpirma kami ng post dated check nakuha na namin ang pera
Si misis ay nakabayad ng 2 buwan ngunit di na ito natuloy ang bayarin sapagkat umuwi bigla ang misis ko dahil siya po ay minaltrato sa abu dhabi At after nyang umuwi nakipagusap kami PJH Lending kung paano masesettle ang bayarin at mabigyan kami ng consideration. Binigyan kami ng isang documents at nandun ang terms of payment na panibago. At nakalagay dun na sa cebuana llhuiller namin ibayad ang amount sapagkat icloclose na nila yung checking account namin at sumunod nun nakapagbayad pa kami ng halagang 3,000 piso base sa napagkasunduan na bagong terms of payment
Ako naman po ay nag-abroad sa saudi noong september 2014 para makatulong sa bayarin ngunit minalas at dahil sa delay na sahod kung kayat nagdelay din ang bayad. At kami nakakapagbayad pa din sa halagang 1,000 at 2,000 kahit na delay ang sahod magampanan lang ang obligasyon
Dahil sa delay na sahod ako ay napilitang magresign at umuwi na lang ng pinas. At kaya di tayo nakapagbayad ay dahil sa wala akong trabaho sa pagitan ng February – July alam iyon ng PJH nung minsan tumawag sila sa akin
Last August 11, 2014 nagpunta ang misis ko sa PJH Lending at pinapirma sya sa notice of dishonor at demand letter sa PJH na nagsasabing bayaran na daw ang account or else kakasuhan nila kami ng BP 22 at maari nila itong iconvert sa estafa napilitan pumirma dahil sa takot.
Dinedemand nila na bayaran na ngayong buwan ang kabuuang bayarin at ito po daw ay umabot na ng 62,000 pesos kasama na ang interes na nung una wala naman ng usapan na bibigyan pa kami ng interes at susundin na lamang ang ikalawang terms of payment na napagkasunduan
Mga katanungan
1) Maari ba nila iconvert ang kaso na BP22 to estafa yun kasi ang pinantatakot sa amin?
2) Maari ba nila akong bigyan ng panibagong mode of payment na lamang at wag pwersahin akong magbayad ng buo kasi hirap din kami?
3) kung di pumayag ang lending at isampa ang kaso sa korte, me boses ba ang korte na utusan ang lending na bigyan kami ng panibagong terms kung alam ng korte na hirap kaming makabayad in cash?
sana matulungan po nyo ako
1. Violation of B.P 22 and estafa under the RPC are two different things, unless yung acts nyo would also constitute estafa under the RPC you cannot be prosecuted for estafa under the RPC.
2. It is up to the discretion of the creditor.
3. No, it is a violation to the constitutional guarantee of non-infringement of contracts. Contracts having validly made have the force and effect of a law and is binding to both parties, the court has no power to intrude upon what has been stipulated sa contract. But of course iba na pag nadesisyunan na ng korte and at that time eh hindi talaga kayo liquid then the procedure laid down in Rule 39 will apply...
-
Hello po sa inyo... hingi po sana ako ng legal advice..
May nagpresinta po sa akin na kung gusto ko daw maging financer nya sa pautang. Gusto po nya makakomisyon ng 25% sa bawat interest na masisingil nya bilang ahente ko. Siya ang kakausap sa umutang at ang bahalang maningil sa kanila Ng 20% kada 13 days.ang tawag nya sa ganitong sistema ay "extra".
Dahil sa nakita ko naman ang sitwasyon ng buhay nila..pumayag ako na maging financer ni Ricardo dahil naisip ko na baka ninais nyang kumita para may ipakain sa pamilya nya.
Nagsimula ang pagfinance ko sa kanya noong aug.1,2014. Dahil nagtiwala ako sa Kanya, hindi ko na nagawang magkaroon kami ng kasunduan/written agreement. Hanggang sa umabot na ang naibigay ko sa kanya sa halagang 15,500 bilang puhunan.
September last year ay maayos pa naman po akong nakakatanggap ng remit sa mga nasingil na tinubo ng pautang. Dumating po ang month ng october hanggang ngayong january 2015, wala na po ako natatanggap Na interest Mula sa ahenteng si ricardo. Gayundin sa anak nyang si caren, na nagnais din mag ahente (nakapaglabas din ako sa anak na si caren ng 6,000 upang patubuan).
Napag alaman ko po na isa sa mga umutang at tinanong ko ng personal, kung sila ay updated ng paghuhulog kay Ricardo. Sinagot naman po ako ng maayos na nakakapag hulog po siya.
sinabi ko ngayon doon sa umutang na ako ang nagfinance kay ricardo at ni isang interest mula sa umutang na kausap ko ay wala akong natatanggap. Tinanong ko rin po kung may pinirmahan siyang papel na nagsasabing siya ay nakakuha ng pautang with certain amount. Sagot nya ay wala. Ang pag uusap ko at ng umutang ay di po alam ni ricardo.
isa sa mga sinasabi po ni ricardo sa text messages: hindi daw siya maniningil at hahayaan nyang lumobo ang interest ng mga umutang. Hiningi ko nman po ang mga dokumentong sinansabi nyang pinirmahan umano ng mga umutang, hinihingi ko rin po yung listahan ng mga kanyang nasingil Ngunit ayaw nyang ibigay. ipinakilala ko rin si sharon kay ricardo upang iharap sa mga umutang at ipakilalang bagong sisingil kasabay ng pag turn over ng mga docs na hinihingi ko. Ayaw po ibigay.
Dinala ko ko sa brgy ang reklamo ko.
Nag usap na kami sa brgy kaninang umaga bilang unang patawag.
Meron din po akong dalang "katibayan ng pag-aahente na hiningi kong pirmahan nya bilang patunay na tinanggap nya ang mga pera mula sa akin at pinapalagay ko rin po sa kanya doon kung sinu-sino ang mga pinag abutan nya ng pera ko. Ayaw din po pirmahan..ngunit inamin naman nya sa harap ng aming kapitan na tingggap nya ang mga perang iyon.
tanong ko po:
1. Pag nagharap kami sa brgy sa 2nd hearing, maari ko pa rin po bang ipilit na pirmahan nya ang katibayang hinanda ko?
2. After po ng 2nd hearing na walA pong pagkakasundong naganap, maaari na po ba akong dumiretso sa pulis kahit wala akong katibayan na tinanggap nya ang pera ko?
3. May laban po ba ako kung kakasuhan ko sya ng estafa kahit wala akong pinanghahawakan?
4. kung base sa hearsay d2 sa amin ay gawain na nila ang panloloko At marami na rin sila nautangan na di binayaran, at ang nais ko naman ay turuan sila ng leksyon dahil maari pa sila mambiktima, at ayokong makipag areglo sa halagang pinabayaan nya ( umabot na sa 48,+++ )
at ang nais ko po ay ipakulong na silang mag ama para matuto. Ano po ang magandang sabihin sa brgy- wag nlng mag 3rd hearing Dhil diretzo n kami ng pulis, pahingi nlng ng certificate? Pede po ba yun?
5. Paano naman po kun wala din ako makuhang gus2 tumestigo mula sa mga umutang..na sila ay nakapaghulog na, madi-dismiss ba agad kaso ko?
Sorry po sa haba... help po...
-
^ may topic na po kayo sa kabila mam dun nyo po ipost ang iyong concern.