My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => Entertainment Industry => Sports => Topic started by: mico on August 12, 2014, 08:31:23 PM

Title: UP Fighting Maroons put an end to a 27-game losing streak (Satire)
Post by: mico on August 12, 2014, 08:31:23 PM
UNO!

THE UP Fighting Maroons put an end to a 27-game losing streak in the UAAP on Saturday and the UP community erupted in cheers like it captured a title. Woohoo!

Won a game and there was a bonfire. Paano pa kaya kung championship na ang mapanalunan? Here are the…

Top 10 Things That Would Probably Happen Should UP Win the UAAP Championship.


10: May semester-long celebration na siguradong magpapataob sa month-long birthday celebration ni Kuya Germs sa ‘Walang Tulugan.’ May libreng reunion concert ang Eraserheads at may “group selfie” ang bawat dadalo with Ely, Raymund, Buddy and Marcus.

9: Taun-taon, special non-working day sa UP System ang araw kung kailan nakamit ang kampeonato. Kung tumapat sa araw ng Linggo, walang pasok ang kasunod na Friday para long weekend.

8: Lahat ng gradong singko sa semester kung kailan nagwagi ang UP, ibabalik sa kuwatro at bibigyang muli ng pagkakataong mag-take ng removal exam ang estudyante.

7: Ang alumni ng UP na kaanib ng Iglesia ni Cristo… magdo-donate ng bagong gym at training equipment. Pwede nang 1/4 of Philippine Arena ang size ng gym.

6: Libre for one semester ang fishball, isaw, kikiam, tokneneng, at iba pang street food sa lahat ng UP campuses. Just show your official school ID.

5: Wala nang fraternity hazing. Promise. This time, mawawala na talaga, manalo lang.

4: Suspendido ang tuition sa susunod na semester gayundin ang miscellaneous fees, laboratory fees, student fees, at kung anu-ano pang bayarin. Bilang bonus, libre ang sakay sa UP Ikot at sa mga jeep sa loob ng UP Los Baños for one sem.

3: Magkakaroon ng raffle kung saan sampung estudyante o alumni ang mapalad na magwawagi. Ang mananalo ay bibigyan ng pagkakataong sampalin nang sampung beses ang corrupt politician of his choice. May live coverage ang pagsampal.

2: Ang mga corrupt na alumni ng UP sa gobyerno, ibabalik ang mga ninakaw at aamin sa ginawang kasalanan.

1: Kung hindi aamin, lahat ng corrupt na pulitikong alumni, susunugin sa bonfire sa Sunken Garden. Ang order ng pagsunog ay batay sa Student Number. Mauuna ang pinakamatanda.

Congratulations again UP Fighting Maroons! Naka-UNO na kayo!

- The Professional heckler
(UP Alumni)
Title: Re: UP Fighting Maroons put an end to a 27-game losing streak (Satire)
Post by: Troll Montero on August 12, 2014, 09:17:25 PM
medyo walang dating yung balitang nanalo pala ang UP di nag trending... siguro kase sanay na ang tao na talo sila palagi hehe...  mga 27 games ulit yan bago manalo hehe.., sana nag celebrate sila ng husto sinunog nila ang buong campus ng UP hehe para nag kaingay naman panalo nila lol
Title: Re: UP Fighting Maroons put an end to a 27-game losing streak (Satire)
Post by: latrell on August 12, 2014, 10:16:30 PM
Congrats to UP...

tingin ko mananalo pa ulit sila sa 2nd round...

pero sa final four bka mga 3 to 4 yrs pa yan...  :)) :)) :))
Title: Re: UP Fighting Maroons put an end to a 27-game losing streak (Satire)
Post by: mico on August 12, 2014, 10:34:03 PM
Congrats to UP...

tingin ko mananalo pa ulit sila sa 2nd round...

pero sa final four bka mga 3 to 4 yrs pa yan...  :)) :)) :))

Binasa ko ulit tol, years pala, kala ko "mga 3 to 4 decades pa yan." :)) :))

Sa mga ka PT na taga UP, joke lang po, ka UP nyo source nyan, pagbigyan nyo na kami at sa Panaan lang at Looks lamang school ko, olats sa academics Lols
Title: Re: UP Fighting Maroons put an end to a 27-game losing streak (Satire)
Post by: latrell on August 12, 2014, 10:38:08 PM
Binasa ko ulit tol, years pala, kala ko "mga 3 to 4 decades pa yan." :)) :))

Sa mga ka PT na taga UP, joke lang po, ka UP nyo source nyan, pagbigyan nyo na kami at sa Panaan lang at Looks lamang school ko, olats sa academics Lols

tol, ayaw kasi pondohan ang basketball program ng UP kaya nagkakaganyan sila..unlike ng ADMU, NU at DLSU...given a chance like ung panahon ni paras at magsanoc..may laban ang UP..
Title: Re: UP Fighting Maroons put an end to a 27-game losing streak (Satire)
Post by: razorsharp on August 13, 2014, 12:02:42 PM
imagine kada panalo nila may bonfire sa UP hehehe .. ..
Title: Re: UP Fighting Maroons put an end to a 27-game losing streak (Satire)
Post by: fayt on August 13, 2014, 12:35:47 PM
todo celebration sila sa una nilang panalo.....

yun mga players na nandun hindi mo malaman kung magiging masaya dahil pinagpipiyestahan sila ng mga taga UP.
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal