My Board
PT Interactive => Interactive => Topic started by: Celestial Being on July 24, 2014, 03:28:45 AM
-
Hello!!!! Meron bang mga mahilig sa sabong dito post post tayo ng mga pics ng manok natin kung papayag ang admin
-
nakupo! dati merong isang Hero Member na adiktos sa sabong.... eh di na sya active nowadays... he simply went silent and when i inquire about his whereabouts, sources said that he put up his own breeding farm for fighting cocks... Lupit talaga ni kosa.... matindi na sa chicks pati sa chicken matindi rin haaaaaayssss....
-
(http://tapatalk.imageshack.com/v2/15/02/20/c726e98a246aaf0c84c681b322ace8cc.jpg)
(http://tapatalk.imageshack.com/v2/15/02/20/5bd13aa3ed7ebcfbe1dcd3f471b490ae.jpg)
In the Philippines, the 6,000 year-old sport of cockfighting has been transformed into a fully-legal, billion dollar industry. Known locally as Sabong, it takes place in 2,500 dedicated stadiums across the country and kills an estimated 30 million roosters each year. A few months back, VICE Australia hit the cockpits and hatcheries of Manila.
-
Hello!!!! Meron bang mga mahilig sa sabong dito post post tayo ng mga pics ng manok natin kung papayag ang admin
Buti itinaas toh ni Sir James...:)
Pambihira naman tong si CB... Antagal na ng thread nya ni isang bayong na may nakadikit lang balahibo wala ako nakita e... Aba! Sayang naman ang thread diba?
Hehe... Nasan na mga magmamanok dyan labas na kayo...
Sultada na! Lol!
-
ms schy - hahaha, mahilig ka pala sa sabong ha.
bawal dito yan e, animal cruelty daw. pero tatay ko adek na adek sa sabong sa pinas. nung bata ako sinasama ako madalas sa sabungan pag linggo. pagkatapos ng bawat laban sigurado may isang manok na rereglahin hehe.
-
ms schy - hahaha, mahilig ka pala sa sabong ha.
bawal dito yan e, animal cruelty daw. pero tatay ko adek na adek sa sabong sa pinas. nung bata ako sinasama ako madalas sa sabungan pag linggo. pagkatapos ng bawat laban sigurado may isang manok na rereglahin hehe.
Sir Razor,
That's true in some countries.. Pinagbabawal yang cockfight.. Pero kung minsan may nakakalusot na mga maliitang bitaw at pasabong)
Hindi naman actually hilig ko yan... I grew up in a family na ang passion ay sabong... My grandfather used to breed fowls , backyard lang naman .. That's why... Seeing those fancy colored combat birds/ chickens triggered my curiosity and fascination..
Malakihan or maliit lang... May pera sa ganyan... Only if you see it as a 'passion' in either breeding or on actual betting... Sugal para sa marami... Siguro noon... But sa ngayon... Famous breeders and sabungeros are trying to impart their knowledge sa pagmamanok... Breeding, gaming, they even give tips about dietary supplements and techniques sa pag aalaga..
:):):)
-
yep ms schy, dad ko saka mga tito ko adok na adok sa sabong. may mga manok parati sa bakuran sa probinsya nun. andun ako tuwing summer kaya pag linggo, ayan na.
pero sa maynila na ako lumaki e kaya di rin ako naging mahilig sa sabong. mahilig lang akong kumain ng manok hehe.
dito sa US may mga pumupuslit ding nagpapa-sabong. usually mga mexicans saka mga pinoy kase parang mga pinoy din ang mga mexicans pagdating sa sabong e. pero ayun madalas may mga raid ang federal agents sa mga ganyan.
-
Well Sir... Most bloodlines nowadays.. Were crossbreeds from imported fowls at ang breeder ay Americans...
Ever heard of Black Hatch from Richard Bates? That's his famous game fowl bloodline...enhanced lalo sa ngayon sa dami ng supplements ...
Yep, mga mexicans and other latin countries laganap ang game fowls dyan... But hindi na rin pahuhuli ang mga Filippino breeders ngayon.
I read somewhere... Not sure though kung kay Nene Araneta or Biboy Enriquez... Babae ang taga tari nya... Hehe!
... Mas mahigpit at safe siguro kami magtari kesa mga lalaking taga tari ano po..?
Hmnn...
-
nyeh-hehe, sensya na ms. schy halos wala akong alam sa mga manok e. ang alam ko lang sa manok regular or extra crispy :P.
-
Sir Razor,
You could look it up sa Youtube... Maraming interviews doon sa mga breeders... Very informative and they also give tips and guidelines sa pag aalaga... Including important details about the charcteristics of each bloodlines .
-
Gusto ko itong pasukan kaso alam kong madali ako maadik sa sugal kaya pinapanood ko na lang mga katropa ko.
-
River Ridge,
I believe that it requires a lot of discipline pagdating sa sugal... ;) we all must know our limits... Okay lang gawing hanap buhay at libangan... Pero kapag sugal.... Disiplina sa sarili kailangan dyan.
-
Nagsasabong din ako pag nasa pinas. Hackfights lang kasi wala akong pera para mag-derby. :))
I tend to bet on the dehado kasi tinatamad ako magtawag. Napapapusta din sa lyamado pag meron akong kristo. ;D