My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: Troll Montero on July 17, 2014, 04:57:23 PM
-
Sample ng pamahiin...
tungkol sa patay
bawal maghatid sa labas ng mga dumalaw sa burol
pagkatapos mong dumalaw sa isang burol, magpagpag ka muna. tumambay ka muna sa ibang lugar bago umuwi ng bahay, para hindi mo rin maiuwi ang kaluluwa ng namatay o ng iba pa.
tungkol sa pag-aasawa
bawal kumanta habang nagluluto. sinumang kumanta habang nagluluto ay hindi na makapag-aasawa.
bawal umalis sa hapag kainan nang hindi pa tapos kumain ang lahat. kapag may umalis at hindi pa tapos kumain ang lahat, sinumang wala pang asawa ay hindi na mapag-aasawa pa kailanman.
tungkol sa bantang may masamang mangyayari o aksidenteng magaganap o kamatayan...
kapag napabahing sa hagdan bago bumaba ng bahay, huwag nang tumuloy.
bawal umalis sa hapag kainan nang hindi pa tapos ang lahat. kung hindi maiiwasan, paikutin ang mga pinggan ng lahat ng hindi pa tapos kumain upang makaiwas sa aksidenteng nagbabadya.
bawal maggupit ng kuko kapag gabi na.
kapag napanaginipan mong binubunutan o nabubunutan ka ng ngipin, may mamamatay kang kamag-anak. kailangan mong ikagat ito (ang mga ngipin) sa anumang puno upang hindi maganap ang kamatayan at malipat dito ang banta ng kamalasan.
Ako hindi na naniniwala dyan, kayo ba naniniwala pa sa makalumang pamahiin na wala naman basihan? Yan ang isa sa kultura nating mga pinoy ang maniwala sa pamahiin..
-
(http://img.tapatalk.com/d/14/07/17/geru5u7e.jpg)
Sent from my iPhone using Tapatalk
-
"ang hindi marunong lumingon ng kaliwat-kanan ay hindi makakarating ng buhay sa kabilang kalsada".
o sino ang di naniniwala dito...
-
Para sa akin...di naman sa naniniwala ako sa pamahiin...pero kung di naman hassle na sundin o iwasan na lang gawin ang isang bagay bat hindi...wala naman mawawala.
-
Minsan parang ayaw ko mniwala minsan nmn wala din mawawala pag sinunod natin. :)
Sent from my iPhone using Tapatalk
-
depende sa pamahiin. pero sabi nga ng iba, wala naman mawawala at masama kung susunod di ba.
-
opo tama kayo na wala naman masama kung susunod ka sa pamahiin kaso parang nagiging kagawian na nalang natin sumunod sa pamahiin which is for me wrong hehe...
-
noong una kasing panahon(una talaga :)) ) may mga experience ang mga matatanda na pwede sabihin na aksidente nangyari dahil sa hindi sila nakinig sa pamahiin na yan, so inaply ng mga matatanda sa mga anak, ng anak sa mga anak and so on... now kung ikaw ay nakatira o napatira sa mga baryo, im sure mapapaniwala ka nila dyan...
sa akin ok lang maniwala, like ikot plato bago tumayo... ikot lang naman e, napakabilis non, so nagawa mo yun at hindi ka naaksidente.. now hindi mo yun ginawa at naaksidente ka(nagkataon lang naman) anu mangyayari MASISISI KA PA :)) :)) :)) .
the bottom line is pwede mangyari/totoo or hindi.... amf ang haba ng sinabi ko may sense ba :brucelee1:
-
Actually na mana natin yan sa mga dayuhan lalong lalo na sa ating mga oldies then nakagawian na until now but for me wala skn ang pamahiin i dont believe it (^_~)
Sent from my iPhone using Tapatalk
-
Para sa akin...di naman sa naniniwala ako sa pamahiin...pero kung di naman hassle na sundin o iwasan na lang gawin ang isang bagay bat hindi...wala naman mawawala.
This. For me if pwede naman iwasan yung mga bawal and wala naman mawawala then why not. I have friends who have these pamahiins and if I am a guest and they were explicit about some superstition, I make a conscious decision to observe it as a sign of respect for my hosts.
There are also placebos and self-fulfilling prophecies diba. If they think something is lucky or unlucky, I don't see any compelling reason why not just observe it if hindi naman ako mahihirapan.
Don't walk under a ladder? Sure that's easy, I walk around it, as long as it wouldn't take me more than a few steps to do. Wag mag walis ng gabi? As long as hindi bubog yan, sure I can wait. Wag mag gupit ng kuko sa gabi? Fantastic, bukas nalang after I take a shower.
Things like that na hindi naman ako mahirapan, then sure no problem.
Like a wise man had once said, I am not Superstitious, just a little stitious. -Michael Scott.
-
Wala naman sigurong masama kung hindi ka maniniwala
Sent from my iPhone using Tapatalk
-
^ tama parati kasing sinasabi na walang masama kung maniniwala ka pero in contrast pwede ring sabihin na walang masama kung hindi ka maniniwala.. :suka3:
-
may kasabihan po tayo.. Ang kagandahan ay nagsisimula sa titik "K"! :)) :)) :))
Post Merge: February 13, 2015, 12:47:26 AM
isa pa pong kasabihan..
Ang batang lumaki sa sinturon,
Hindi na lalaki ng mahinahon..
Hindi na lalaki..
Hindi na lalaki..
Pagkat gulping gulpi! :'(