My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: razorsharp on July 09, 2014, 04:48:50 AM
-
hit na hit ang mga malls ngayon, mapa-weekend man o weekday laging puno ang mga malls. in contrast, halos langawin naman ang mga malls sa amerika at europa. di karamihan ang mga taong gumagala at tumatambay dito. madalas nga maaga pang nagsasara ang mga malls e pag weekend.
bakit sa tingin nyo patok na patok ang mga malls sa pilipinas? anong paborito nyong mall?
-
filipinos love bonding moments, close knit families eh so talagang gusto natin ang pasyal pasyal.... in malling, kung gusto natin ng colored, TRINOMA or ROBINSONS... and if you want black & white, SM SUPERMALLS yan.... thank you sir for a nice thread such as this...
Sent from my 007 iPhone using Tapatalk
-
sa america, nagpupunta ang mga tao sa malls para mamili, hindi para mamasyal. since mayroon nang online shopping doon na sila namimili, online window shopping din ang ginagawa nila para pagpunta nila sa store, alam na nila ang bibilhin nila. kung gusto man nila tumambay, sa park nila gusto pumunta.
-
dats troo.
madalas tambayan naming park na malapit sa bahay is yung park na tanaw na rin yung beach at yung lighthouse. pero namimiss ko na yung mga malls naten dyan sa pinas. buhay na buhay!
-
malamig kasi sa malls. at maraming chicks na pwede i-spot-an :)
paborito ko is powerplant at galleria :)
-
sa totoo lang magulo at maingay sa mall, bukod sa magastos na eh nakakapagod din naman...
-
Yung iba naman tumatambay lang talaga, lalo pag mainit ang panahon marami talagang pumupunta sa mall, kung minsan naman ginagawang meeting place ng mga katingerong estudyante.
-
Karamihang parokyano ng mall mga estudyante .. bulakbol, passtime at mga mag jowa dyan natambay hehe
sent via SGBS™ telecom
-
isa nga rin yun sa mga namimiss ko sa pinas... chill lang palagi kasi while abroad parang non-stop dapat ang utak para lang worth it every minute. Dito close ang malls on Sun at kung marami mang tao either students or mga retired na nagpapalamig lang sa mall during summertime at nagpapainit naman during wintertime
-
thats why we are filipinos dahil sa bonding/family time...
Mall ba, masarap pumunta cyempre sa MOA...but before MOA e
Megamall ang pinaka patok na mall...
-
siguro dahil mainit dito sa pilipinas kaya masgusto ng pinoy sa mall kaysa sa park...
nakalimutan ko kung kanino ko narinig na sa ibang bansa daw ay bumbuli ang gobyerno ng mga private land para tayuan ng parke. dito sa pinas pinagbibili ang parke
hahahaha
-
Nung sa Maynila kami nakatira ng family ko, madalas na pag weekends at gusto namin mamasyal ay sureball na sa mall ang punta namin. Yun kasi pinaka accessible and pinaka convenient kasi andun na lahat ng kailangan mo. Wala rin kasi masyadong ibang recreational venues na pwede puntahan at kung meron man, mahal naman ang magagasto pag dun pumunta.
Nung nagawi kami dito sa Davao City, hindi na laging mall ang puntahan namin dahil may mga malalapit na beaches and parks na hindi mo kailangan gumastos ng mahal.
-
tama ka dun ser monde. kaya dito din sa amin nilalangaw ang mga mall. pano anjan kasi ang mga white sand beaches tsaka parks kunsaan pwede kang mag ihaw-ihaw at picnic.
-
back in younger years, pumupunta kami ng mall to buy something.
during college years, pumupunta ng mall para tamang pampalamig at siyempre tumitingin ng mga pretty and sixy college girls. lalo na yun mga nakawhite uniforms na hapit or malinaw yun tela. hehehe
ngayon para makapagwindow shopping na lang at tumitingin pa rin ng mga naggagandahan at nagseseksihan mga dilag. :sipol:
-
parang si danielpadilla lang yan eh
neseye ne ang lehet
marami kasing pwedeng gawin sa mall
andun pa ung libreng aircon pag mainit sa bahay :))
-
Pampalipas oras at trapik din ang mga malls
-
Sa pinas tambay mga tao kasi masaya sila sama sama kmbaga tambayan ksi aircon. Sa america nman mga busy tao kng tambayan lng e madami pede puntahan.
-
yep, i'll take the beach anytime over the mall. lahat ng tsikas naka 2 piece pa, labas na halos ang lahat.
-
Convenience, I think.
My condo is near a mall and it's so intertwined with my life that I actually sometimes go there straight out of bed in the morning, without bathing. Hahaha!
But really, my laundry is there, my dentist is there, grocery, food, movies, even a repair shop for my car. Oh and a chapel where I hear mass every Saturday.
-
mall kase parang andun lahat ng kailangan mo at mapaglilibangan
Sent from my iMommy
-
SM... Rob... syempre normal na yan, masarap kasi mamasyal malamig.. but now mostly sa ATC ako at sa NUVALI.. :hilo:
-
sm sta.rosa pede na malapit lapit na smin at mejo malamig pa :)
toooooo much...
-
Anong mall ba sa pinas ang may pinakamaramimg floor?
-
masarap sa Rustan's... authentic and orig mga designer's.... talk about red flag... hehehe... ayos...
Sent from my 007 iPhone using Tapatalk
-
sindong ang alam ko mall na pinakamaraming floor is Mall of Floorida... pero kung pinakamalaking mall sa pinas is yung SM Mega Mall.. sa buong mundo Dubai Mall pero may itatayong Mall of the World sa Dubai din yun daw pinaka malaking Mall kapag nagawa na yun....
Sent from my iMommy
-
Hmmm mapuntahan nga yang Dubai Mall (^_~)...
Sent from my iPhone using Tapatalk
-
hmm. bihira lang kami mag-shopping sa mall. we go there to eat sa resto, drink coffee, and chat. need to relax sa weekend. puro kasi trabaho sa weekdays. :-)
-
Pumupunta lang ako sa mall pag may kasama. pero sandali lang. Naiinip kasi ako.
Sent from my mom's iPad using Tapatalk
-
patok yun kasi malamig, yun lang yon haha kung mainit dyan wala tatambay dyan ganyan talaga sa mga bansang tropikal :)
-
Dahil sa aircon.
Sent from my iPhone using Tapatalk
-
Tambay
-
madami din kasing resto sa mga malls kya pinupuntahan.pero ako gusto ko tumambay sa rob magnolia para mag scout ng mga chicks, iba gusto ko kainin eh. XD
-
ako mga SM at ROB malls lang kasi napa convenient ng transpo sa mga kagaya kong walang tsikot minsan napapa online shop nalang din ;D
-
madalas napunta lang ako sa mall pag sale or kaya may date heheh mahirap din kase tumambaya sa mall lalo na kung wala ka naman pera.. mapapagod lang mata mo pero wala din,, mata lang busog hahaha na try ko na din minsan mag online shopping sa Goods.ph heheh oks din naman kaso mejo costly un shipping pero exciting kase me mga online store na mura ang price kesa sa mall
-
well filipinos love to bond with their love ones, family, friends.. sa mga may pera they prefer malls, sa wala parks libre.. pero kanya kanyang trip lang yan eh.. for me robinson galleria sa ortigas, masmalapit sa bahay eh.. trip namin ng family ko na libutin lahat ng restaurant dun! :-X
-
sa wakas napuntahan ko din ang MOA nung umuwi ako sa pinas. sa dalawang punta ko dun siguro mga 30% palang ng MOA ang naikot ko.
-
Unang una sa lahat dahil sa klima... masyadong mainit ang klima sa pilipinas para tumambay sa mga parke. Pangalawa accessibility, parang all in one shop ang mall para sa mga gustong maaliw, may gameshops at sinehan at marami pang iba. Pangatlo kahit may mga magdedeny ay mas praktikal ito kumpara sa mga out of town, beach, at hotels na pwedeng maging weekend getaway.
-
bakit sa tingin nyo patok na patok ang mga malls sa pilipinas? anong paborito nyong mall?
a. Mainit sa Pilipinas. Mall = free aircon
b. Maulan din sa Pilipinas. Mall = free shelter
c. Relatively kakaunti lang ang tourist destination dito sa Manila. Mall = free tourist destination
d. "social animals" ang mga Pinoy, more so than other cultures. we're not like western cultures na mas malaki ang pagpapahalaga sa independence at individual achievements. Ang mga Pinoy, mas pinapahalagahan ang sense of belongingness, yung interactions with each other. Lagi silang nakikipag-kita sa mga tao. Mall = free meeting place
paborito kong malls? ayala malls. for some reason, mas maraming magagandang gumagala sa mga mall nila. sm malls ang next, kasi for some reason, parang mas magaganda yung mga salesladies nila.
-
no to mention matrapek sa maynila, malls = easily accessible to escape everything.
-
hmmnn sad to say malls lang ang pwede pasyalan dito sa riyadh
-
hmmnn sad to say malls lang ang pwede pasyalan dito sa riyadh
this makes me appreciate my surroundings more. pristine forests, mountains and white-sand beaches. kahit wala kang pera magliwaliw ka nalang. kaya sadly di masyado bumebenta ang mga indoor malls dito e hehe.
-
I agree with every in here, it just it depend what kind of mall.
-
anong mall sa tingin nyo ang may pinaka-magandang decor ngayong pasko.
-
hmnn, personally hindi ako mahilig maglalabas... siguro pag nayaya lang which is bihira mangyari..nde ren ako mahilig magshopping, at madali akong madisorient kapag maraming tao at maraming nakikita sa paligid, thus..mahihiluhin ako...
but very common na sa mga pinoy ang mag socialize..and the usual place ay ang mga malls...mahilig din kumain sa labas ang mga pinoy...kaya patok talaga sa atin ang mga malls sa ngayon...plus tama ang sabi ng iba na sa init ng klima sa pinas at mahal din naman ang magtravel ...pinaka mura at malapit na libangan na yang mga malls ...that's why marami talaga nagpupunta doon.
...pinakamalapit na dito sa akin yung mga malls sa Ortigas kaya dun lang madalas, SM Megamall, Robinson's Galleria and Rustan's sa Shangri-La Plaza.
-
Kasi mahilig gumastos ang mga pilipino. Kaya ayun, mall ang tambayan. :brucelee1:
-
Rob place manila
Sent from my SAMSUNG-SM-G900A using Tapatalk
-
Megamall for me kasi halos nandun na lahat ng mga usual ko binibili tapos dami pang selection ng kakainan after
-
i still remember nung unang nag-open itong megamall. this was waaay back in college. memories, memories.
-
Palipasan ng oras kahit walang bibilhin, tingin tingin lang. Lalo pag summer dami tao sa mall, malamig kasi hehe
Sent from my MHA-L29 using Tapatalk
-
moa is the best in terms of variety... only problem for me is the location... megamall wins in that part...
-
Ayala Mall Vertis North....
Pero pansin ko lahat yata ng Mall sa Pinas walang Toilet Bidet spray :(
Diba trade mark na ng Pinoy na nagwash up kahit tabo nga sa bahay diba pero bakit sa mga Mall dyan wala....
Sana sa susunod kasama to sa mga building requirement ng Mall...
kagaya ng mga Malls dito sa Dubai..... :peace:
-
Ayala Mall Vertis North....
Pero pansin ko lahat yata ng Mall sa Pinas walang Toilet Bidet spray :(
Diba trade mark na ng Pinoy na nagwash up kahit tabo nga sa bahay diba pero bakit sa mga Mall dyan wala....
Sana sa susunod kasama to sa mga building requirement ng Mall...
kagaya ng mga Malls dito sa Dubai..... :peace:
agree... it's not a requirement pa kasi sa building code natin when it comes to commercial rest rooms for establishments... siguro kung may mag sponsor ng bill papasa since it's consumer protection and sanitation...
-
lately , trip namin puntahan yung evia ok yung ambiance nakaka relax ::)