My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Current Events => Topic started by: fayt on July 07, 2014, 01:46:14 PM

Title: HS student na nahulog umano sa hagdan habang nagse-selfie, inilibing na
Post by: fayt on July 07, 2014, 01:46:14 PM
(http://dzmm.abs-cbnnews.com/uploads/news2/3bc4d452b20e38b525cb377b38b0561f/3bc4d452b20e38b525cb377b38b0561f.jpg)

Inihatid na sa huling hantungan ang estudyante ng Rizal High School sa Pasig City na nasawi matapos umanong mahulog sa hagdan ng eskwelahan habang nagse-selfie.

Dumalo sa libing sa Barangay Bugaan sa Laurel, Batangas ang mga kaklase at mga guro ng 14-anyos na hindi pinangalanang mag-aaral.

Hindi pa rin makapaniwala ang pamilya ng estudyante na mahilo at mahulog sa hagdan dahil lamang sa pagse-selfie.

Pinalulutang naman ng ina ng biktima ang mga nakasaksi sa pangyayari lalo't duda ng pamilya ng biktima na naitulak ang estudyante.

Pinag-aaralan na rin ng pamilya ang kung itutuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa paaralan.

Sinasabing nakalabas mula sa klasrum ang mag-aaral kasama ang ilang kaibigan habang oras ng klase dahil wala ang kanilang guro.

Kinuwestyon din ng pamilya ang hindi pagtawag ng rescue team ng paaralan nang maganap ang aksidente.

Nagpaabot na ng mahigit P10,000 ayuda ang Rizal High School sa pamilya ng biktima. Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42
Title: Re: HS student na nahulog umano sa hagdan habang nagse-selfie, inilibing na
Post by: arthas™ on July 07, 2014, 01:50:34 PM
Also heard this last week. Ayan na nga ang di magandang dulot ng pagseselfie. Tsk! Tsk! Kawawa naman yung bata.


Sent from my Android using iOS
Title: Re: HS student na nahulog umano sa hagdan habang nagse-selfie, inilibing na
Post by: Cathrina on July 07, 2014, 03:00:44 PM
Naku ingat ingat den pala sa pagseselfie dapat tignan muna ang paligid kung nde ba dilikado bago magpose pose ..
Title: Re: HS student na nahulog umano sa hagdan habang nagse-selfie, inilibing na
Post by: jamesbond on July 07, 2014, 04:11:47 PM
^ tama ka naman po jan ms. sweet cat... ingat dapat talaga sa pag-selfie... di kaya foul play din yan? baka naitulak lang yan or what...haays... condolence sa family nya..


Sent from my 007 iPhone using Tapatalk
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal