My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: somebody on June 24, 2014, 11:39:17 AM

Title: After Break-up
Post by: somebody on June 24, 2014, 11:39:17 AM
At 1st stage, napakahirap.

Para kang mababaliw sa lungkot. You feel you’re the saddest and loneliest person in the world. Hinahanap-hanap¬ mo mga text n’ya. Ang mga tawag n’ya. May times na nangangati na kamay mo para idial na ang number nya. Di ka makpagconcentra¬te sa mga ginagawa mo. Hinahanap mo lagi ang presensya n’ya. Parang kulang ang araw mo at pagkatao mo dahil wala na s’ya sa buhay mo. May times din na bigla na lang papatak ang luha mo. Umaasa kapa rin na sana magkabalikan pa kayo.

Then the 2nd stage. Diversion.

Dahil dito, maghahanap ka ng mapaglibangan. Kahit ano. Basta mawala lang siya sa utak mo. Maglilinis ka ng bahay. Manunuod ng sangkatutak na DVD. Mamamasyal sa SM at uubusin ang ipon. Sa mga times ding ganito, lalakas ang pagkain mo. Magoovertime ka ng doble sa work mo para paguwi, tulog ka na agad. Maglalaba ka  ng todo, pati panty ng lola mo at kulang na lang pati damit ng kapitbahay mo, idadamay mo. Pero kahit ganito, para pa rin s’yang lintang sumisingit sa ulo mo.

3rd stage. Acceptance.

After few months or weeks, finally, yung paglilibang mo sa sarili mo, nagbunga. May araw na di mo na s’ya naiisip. Pero may times din na naiisip mo rin s’ya. Lalo na pag nakikita mo name n’ya sa facebook. Or napunta ka sa mga paborito n’yong pasyalan. Pero magiging proud ka sa sarili mo . Dahil yung sakit, ‘di na gaano. Para na lang s’yang kagat ng langgam.

And 4th stage. You really moved on na.

Pag naiisip mo s’ya, you will laugh at your own stupidity. Pag tinitingnan mo mga pictures n’ya, magtataka ka pa sa sarili mo at sasabihing, ano ba nakita ko rito, nainlove pala ako dati rito! Tapos mtatawa ka na lang. And this time, you’re ready to fall in love, again



credits to the original otor.. i forgot the name :'(
sorry tagal na kasi nakasave yan sa blog ko..
Title: Re: After Break-up
Post by: Troll Montero on June 29, 2014, 03:27:51 PM
Alam mo ba kung paano babangon sa sakit?
Ligo lang saglit, ka­limutan ang pait
Mag-ayos ulit
Pag andiyan si ex, ngitian nang malupit
Lakad palapit, sabay bulong
“Nakahanap na ako ng kapalit, katangahan na lang pag naging tayo pa ulit!”
Title: Re: After Break-up
Post by: toshka on June 29, 2014, 03:34:47 PM
Nice share @somebody ngayon ko lang nabasa. Pero tama kelangan nga magmoveon para enjoy lang sa buhay. Mahirap ang madami bitterness na dala.

@Troll Montero
Taray naman nun pero yan yung masarap ipagmalaki yung alam sa sarili na nakamove on na kesa keeping the past. Salamat sa share ser.

Dati hirap ako sa pagmove on. Pero as time goes mas nakilala ko sarili ko and i get to appreciate more the special person i have now. simply because the past doesn't matter anymore.
Title: Re: After Break-up
Post by: somebody on June 29, 2014, 03:44:58 PM
hahaha..thanks for that ser troll..break na ba kau? lolx :peace:

@toshka sis.. thanks for dropping by..hugsssss
Title: Re: After Break-up
Post by: lovemarie on June 29, 2014, 03:59:27 PM
Awww..mars epektib ba itech? Bat hindi mo yan ni share sa akin dati hahaha!

Thanks for this mars muahh!
Title: Re: After Break-up
Post by: Troll Montero on June 29, 2014, 04:06:09 PM
sabi din ng kapitbahay ko kapag daw nakapag move on ka na malalaman mo yan, kapag tumatawa ka na sa corny na joke ng iba...


T: Anong lungsod ang kasunod ng Kuala Lumpur?
S: Kuala Lum-five

yun ohhh ntawa siya lol...
Title: Re: After Break-up
Post by: somebody on June 29, 2014, 04:08:32 PM
mars ngayon ko lang nabungkal sa lupa kasi yan..hahahaha..

btw salamat sa pagdaan mars..hugssss
Title: Re: After Break-up
Post by: jamesbond on October 14, 2014, 12:59:55 AM

Alam mo ba kung paano babangon sa sakit?
Ligo lang saglit, ka­limutan ang pait
Mag-ayos ulit
Pag andiyan si ex, ngitian nang malupit
Lakad palapit, sabay bulong
“Nakahanap na ako ng kapalit, katangahan na lang pag naging tayo pa ulit!”

hahaha... ayos ka talaga brader.... ibang  klase mga banat mo.... hmmm... after break up? cguro focus more on work, make yourself busy na lang...
Title: Re: After Break-up
Post by: fayt on October 24, 2014, 11:00:43 PM
mag isip na joke sa kanya...

maging clown sya sa paningin mo at iwasan mag stalk sa fb...  ;D
Title: Re: After Break-up
Post by: ladyvirus01 on October 24, 2014, 11:23:14 PM
(http://tapatalk.imageshack.com/v2/14/10/24/1f1b8e03b93539722e05d265494dfd4a.jpg)


Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: After Break-up
Post by: ladyvirus01 on October 30, 2014, 02:19:13 AM
Beelat..... :)) joke!


Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: Re: After Break-up
Post by: chinkeebabe on November 19, 2014, 07:40:56 PM
after break up and separation... i would say... I M BETTER, STRONGER, WISER NOW.... ika nga sa movie ni Sarah Version 10.1200000 hahahaha! :))
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal