My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => PinoyTambay/Shoutbox LiFe => PT Worldwide => Topic started by: aster on June 23, 2014, 12:08:00 AM

Title: tanong para sa OFW
Post by: aster on June 23, 2014, 12:08:00 AM
May tanong po ako sa mga OFW nating kababayan, lalo na po sa mga kalalakihan...

pag umuuwi ba kayo ng pinas, (at may nakasix kayong ibang babae habang nakadestino) nagpapacheck up ba muna kayo bago sumiping kay misis?

Kung hindi po, pano kayo nakasisiguro na hindi kayo nahawaan at hindi mo mahahawaan si misis?  (ang condom po kasi ay hindi proteksyon sa HIV, at may mga std na nakukuha thru oral six).
Ano pong proteksyon ang ginagamit nyo?

Kung oo po, saan po kayo madalas magpacheck up?
Dito po ba sa Pinas o sa pinanggalingan nyong bansa?
Mas mae-encourage ba kayong magpatest kung kayo mismo ang pupuntahan sa hotel kung nasaan kayo?

Nagsusurvey po kasi kami. Pinaplano po kasi naming magbigay ng 10% discount for check up and testing sa lahat ng OFW, basta may proof ng pagka OFW at kakarating lang ng pinas. Makakatulong po ba ito sa inyo? at makakatulong ba ito na hindi mahawaan ang misis?

Sa paanong paraan pa po ba kami makakatulong para mag-improve ang sixual health ng mga OFW? Tumataas na po kasi talaga ang bilang ng mga STD cases ng OFW sa Pinas. At kahit sa hindi OFW, napakabilis na ng pagkalat ng HIV. at nakakabahala na ang iba ay parang hindi nag aalala kung may std sila o wala kahit nakikipagsix sila sa mga six worker sa ibang bansa...

Meron po ba kayong suggestions? Pag-aaralan po namin kung papano namin matutugunan ang inyong pangangailangan.

Sana po ay masagot ninyo ang mga tanong namin. maraming salamat po!
Title: Re: tanong para sa OFW
Post by: razorsharp on August 12, 2014, 02:53:08 PM
maganda magpa-check up bago dumating sa pilipinas.

pagdating sa pilipinas kasi syempre kainitan nyo ng misis mo nyan kaya baka wala ka nang oras magpa check up. tapos kung di mo naman pa tinabihan si misis sa unang gabi at balak mo munang magpa-check up, nakow laking duda  na ng misis mo nyan.
Title: Re: tanong para sa OFW
Post by: spidey on August 12, 2014, 03:11:48 PM
ya agree ako dyan mas ok mag pa check kung san ka galing dlikado yan lalu na kung ang dinale mo hindi mo kilala... masyadong delikado yan para sa asawa mo
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal