My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: touch go on May 21, 2014, 05:40:49 PM
-
sa buhay may asawa may mga dahilan ng pag aaway., isa sa mga dahilan ng pag aaway ay ang mga magulang/byenan.
kadalasan nito ay ang hindi makasundo ng ina ang asawang babae o kaya naman eh may ugaling hindi nagugustuhan ng ina sa ating napangasawa.
(http://i57.tinypic.com/29d7lhz.jpg)
kung dumating sa puntong papipiliin ka.,
sino ang pipiliin mo? MAGULANG O ASAWA...... at bakit?
-
Pepe Pimentel is that you???
Well sa tanong mo brader pipiliin ko asawa ko... kase normal lang naman sa ina ng lalake na hindi makasundo ang asawa nila. Siguro dahil ang nanay ng lalake ang nag alaga at nagpalaki sa kanya tapos biglang may mag aalaga ng ibang babae. I will support my wife all the way, pero hindi yung tipong aawayin ko nanay ko, ipapaintindi ko sa kanya bakit ganuon si nanay ko sa kanya...

ok. naiintindihan kita tol., isa kang mabuting asawa..... pero papaano kung hindi maintindihan ng asawa mo at sabihin nyang "mamili ka sa amin" anu ang paraan na gagawin mo?
-
Tol TG, bago ka humantong sa oras na talagang kailangan ng mamili, ayusin mo muna lahat ng gusot. Pero kung di na talaga maayos pa, pilian time na.
Para sakin, ang pipiliin ko ay ang asawa ko. Bakit? Dahil sya ang kasama mong bumuo ng pamilya. Na nuong ikinasal kayo ay nangako kayo sa isat isa na Till Death Do Us Apart. Dahil sya ang kaagapay mo sa buhay, even you're up or down.
Pinakamagandang gawin mo jan tol ay bumukod kayo? Nakabukod na ba kayo Tol? Isa pa, kausapin mo magulang mo, at kakausapin din ng asawa mo ang magulang nya na wag na silang makialam kasi may sarili na kayong pamilya. Kung kailangan nila ng tulong, tutulong na lang kayo kung merong maitutulong.
Yun lang masasabi ko tol. Wala ng iba. Piliin mo yung asawa mo.
-
bago ko ipagpatuloy., nais ko lamang pong linawin na ito ay hindi hango sa tunay na buhay.,
Tol TG, bago ka humantong sa oras na talagang kailangan ng mamili, ayusin mo muna lahat ng gusot. Pero kung di na talaga maayos pa, pilian time na.
Para sakin, ang pipiliin ko ay ang asawa ko. Bakit? Dahil sya ang kasama mong bumuo ng pamilya. Na nuong ikinasal kayo ay nangako kayo sa isat isa na Till Death Do Us Apart. Dahil sya ang kaagapay mo sa buhay, even you're up or down.
Pinakamagandang gawin mo jan tol ay bumukod kayo? Nakabukod na ba kayo Tol? Isa pa, kausapin mo magulang mo, at kakausapin din ng asawa mo ang magulang nya na wag na silang makialam kasi may sarili na kayong pamilya. Kung kailangan nila ng tulong, tutulong na lang kayo kung merong maitutulong.
Yun lang masasabi ko tol. Wala ng iba. Piliin mo yung asawa mo.
kaw talaga tol., well +1 like sayo.,
lahat naman siguro ang nais ay humantong sa maayos na usapan at maayos na solusyon.... minsan kahit nakabukod ay ganun din ang mga pangyayari na pilit silang pinaglalayo ng kanilang mga magulang sa hindi mawaring dahilan.....
-
well ito ay isang TIP para sa mag aasawa palang.. Sa gabi ng kasal nyo sampalin nyo agad ng malakas ang asawa mo, sabay sabi nang "hindi ka pa nagkakamali may tama ka na, kaya mag ingat ka"...
Sa tanong mo brader TG, kung papamiliin ako ng asawa ko aba, tatampalin ko yan... hahanap nalang ako ng iba.. di ba may kasabihan na kung mahal ka ng taong mahal mo, dapat lahat ng taong mahal mo mamahalin din niya...
-
Tol, kung kahit na nakabukod na kayo e nakikialam parin sila, heto na ang sinasabing WAR!!!! Ito na yung panahon na awayin mo na magulang mo dahil nangingialam na sila. May kilala akong ganyan tol, kaibigan ko. Mayaman yung babae. Pero nabuntis ng kaibigan ko yung babae. Nagpakasal sila pero yung part ng babae ay hindi nag-appear dahil against sila. Dumaan ang maraming taon, nagkaanak sila pero silang dalawa lang nagtaguyod sa buhay at anak nila. Di sila nagpatulong kanino man.
Ngayon, medyo nagbago ang ihip hangin, natalo ang mga magulang ng babae, at tinanggap din ang pangyayari. Swerte nga ng kaibigan ko. Nakadali ng isang mayaman. Bwahahahahahha. . . .
-
nyahaha biglang bumaligtad si brader TM., but you have a point . . . . . .
-
My wife. Why?
Because parents are naturally overprotective (in most cases, NOT all).
They don't want to let go of their beloved kid.
This was the case with me. They didn't want to let me go. But after I married my wife, they slowly started to understand my choice. Now they completely support our marriage.
-
Depende rin sa sitwasyon. Kung sino ang tama, yun ang kakampihan ko and kung sino naman ang mali, hindi ko siya kokonsentihin.
Based on personal experience ay just a few months ago ay nagkaron kami ng erpat ko ng di pagkakaunawaan dahil hindi niya nagustuhan ang isang fb post ni misis dahil tamang hinala siya na mga kamag anak sa puder namin ang sinasabihan ni misis sa status niya na mga taong may masabi lang. Well totoo naman na minsan epal kasi talaga sa fb mga utol ni erpat kaya siguro siya tamang hinala. Pero alam ko naman na hindi ganun kababaw si misis para bastusin mga kamag anak ko at nung sinabi niya kung para kanino talaga na yun na para sa isa niyang friend, sureball ako na si erpat talaga ang mali dahil tamang hinala nga siya and hello, makialam daw ba sa fb posts at magdikta kung ano ang magandang ipost at hindi. Ayun talagang away kami ni erpat and bandang huli siya ang nagpakumbaba na nag sorry sa kamalian niya. Yung disagreement namin came to a point na talagang hindi na muna kami maguusap at magpapakialamanan. Nung single ako ay never kami nagaway na ganun ni erpat.
On the other hand, kung alam ko naman na si misis ang may mali at talagang mga kamag anak ko pinapatamaan niya and tama ang hinala ni erpat, si misis naman ang pagsasabihan ko.
-
I agree with pareng monde. Depende din yan sa situation. It's my duty to protect my wife, pero as a son alam ko din na dapat kong galangin ang magulang ko.
If my parents were wrong, they will hear from me, and that also goes with my wife. If pareho silang mali and ayaw nila makinig, I guess iwanan ko muna sila pareho until matauhan.
I'm not blind, and can't force myself to be blind. If alam kong may mali, mahirap yata sakin na konsentihin yoon. I will not have a discussion with my parents or with my wife ng nakikita nila. I will do so I private, dahil ayaw kong namamahiya, pero they will get a piece of my mind if they are both in the wrong.
In a relationship you have the bring out the best in each other, now if may masamang ugali ang partner mo and hindi mo nai-correct, after sometime it will comeback and bite you in the butt. You have to say what you mean to say right from the get go, para malinaw and happy happy joy joy.
-
agree to sir monde8 and sir prime......
bawat asawa at magulang alam natin ang kanilang mga ugali., may panahon na minsan imprimitida lang ang ating asawa at minsan ay mahadera ang ating magulang....
sa bawat sitwasyon kailangan malaman muna kung sino ang tama at nagsasabi ng katotohanan.... kung mali si parents ko syempre i will protect my wife lalo na at alam ko ang ugali nya., at kakausapin ko naman ng maayos ang parents ko na magkasundo sila....
pero kung sa sitwasyon na alam kong nasa tama ang parents ko., at alam kong maldita talaga ang asawa ko., aba dapat lang na nasa panig ako ng magulang ko..... minsan kasi kahit alam na nung asawa babae na mali sya eh yun pa ang may ganang magalit at papipiliin ka pa., para bang nananakot.....
at kung sa point na papiliin ako ng asawa ko between her and my parents..... napakasimple.... pipiliin ko ang parents ko lalo na kung alam kong nasa tama ang parents ko., eto pa ang maaring banggitin ko sa kanya
" ang asawa kayang palitan kahit ilan at kahit kailan! ngunit ang nag iisang magulang lalo na ang INA kahit anung gawin di yan kayang palitan dahil mag mula sa sinapupunan palang hanggang sa pag laki sila ang kumalinga at nag alaga satin"
bawat isa satin ay may kanya kanyang pananaw at paraan sa buhay...
so you are all deserve for +1 like., kudos mga kapatid
-
asawa palagi kong sasamahan. Pero sa kung sino ang tama sa kanilang 2 syempre ako yun parang judge na magsasabi kung sino ang mali. Even magkamali si misis, itatama ko sya syempre role ko yun as Husband and same goes para naman sa magulang ko dahil yun naman ang role ko as their son.
but at the end of the day... asawa ko pa rin ang makakasama ko pang habang buhay...

nice answer tol fayt.... pero i think applicable lang to sa mga asawang babae na marunong umunawa at marunong tumanggap ng pagkakamali..... paano kung nakatagpo ka nang sobrang tigas ng puso as in napaka maldita..... then to the point na papiliin ka nya., sya or ang magulang mo?.... ano ang gagawin mo?
-
For me kung papipiliin ako ill choose my wife .. its not because hindi ko mahal magulang ko .. its bec sya na ang pamilya ko ngayun .. may anak kami na dapat mag katuwang sa pag gabay .. pero sa pag mamahal .. una ang nanay .. dahil sila ang nag bigay buhay at nag tiis sa atin para lumaki tayo sa tamang buhay na tinatamasa natin ngayon .. mag kaiba kasi ang pag mamahal sa asawa at sa magulang ... hindi mo pwedeng sabihin na ah mas lamang yung isa .. its a very different situation .. nothing compares to both of them ..
Sent from ... my nose bleed ..

hmmm., parang nakikita ko na isang kang mabuting asawa at isang mabait na anak.......
sa totoo lang napaka hirap na sitwasyon ang pumili., hanggat maaari ang gusto natin ay magkasundo at magmahalan...... pero may mga bagay talaga na hindi natin inaasahan na mangyayari pala......
at maaaring karamihan sa mga sumagot dito ay hindi yan ang mismong gagawin nila kung sakaling mangyari ang ganitong sitwasyon..... dahil unang una sa lahat meron tayong tinatawag na initial reaction.,

Tama ka utol TG .. meron tayong initial reaction like bigla ka magalit sa dalawa or other things na magagawa mo .. pero ngayon as a reader ng topic na ito .. halos magaganda ang mga opinion ng mga members so its up to us kung susundin ba natin ang mga ito or meron pa tayo magagawa na iba bukod sa nabasa ..

very well said tol IORI. . . . . . . . . . .
-
May kasabihan na ang asawa daw napapalitan pero ang magulang hindi.....pero sa batas ng tao at sa batas ng Diyos kung kasal ka na hindi pwedeng iwan asawa ng walang tamang dahilan....
By experience at base sa mga kakilala ko, ang madalas na pinagmumulan ng ganitong pagpili eh kapag masyadong kinakampihan ng asawa ang magulang niya or napapabayaan ng asawa ang kanyang asawa....at nangyayari ito kung ang mag-asawa ay walang sariling tirahan, ibig sabihin nakikipisan sa mga magulang.
Bilang asawa, hindi pwedeng piliin ang magulang kasi kahit anong gawin natin magulang pa rin natin sila so walang walang makakapagalis nito sa atin, karapatan ng asawa natin na magdemand ng ating atensiyon, kasi napapabayaan natin sila emotionally ang madalas na dahilan.
Kaya nga ang pag-aasawa eh di tulad ng kaning isinubo na pwedeng iluwa kapag napaso ka kasi maliban sa magtaksil ang asawa mo, hindi mo siya pwedeng isantabi. Kung papiliin ka ng asawa mo, kailangang sa kanya ka sumama kasi pangako mo iyon noong ikinakasal kayo..sa hirap at ginhawa...maliban na nga lamang kung may problema na sa isip ang asawa mo dapat mo siyang ipagamot...kaya nga kung ayaw ng isang tao na magkaproblema sa asawa niya, huwag siyang mag-asawa kasi given na yun.....ngayon kung hindi makatiis, then deal with it...pinili mo iyon..kailangan mong panindigan

+1 like sayo., mukang aral ka sa batas ng diyos..... tama po ang lahat ng sinabi mo sir.,
meron lamang po akong gustong idagdag., kung sa batas ng diyos ay sinabi na ang pinagsama ng diyos ay wag papaghiwalayin ninoman., "maliban na lamang kung hindi na talaga magkasundo" ngunit may tagubilin na manatiling walang asawa ibig sabihin wag mag aasawang muli..... kindly correct me if im wrong.,