My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: AngBatangHamog on April 25, 2014, 05:12:18 AM
-
Dadayo ako para sa INUMAN, kung nasaan ang INUMAN nandoon rin ako basta lahat ng may INUMAN naroroon ako kahit saan pa yan.
Naranasan nyo naba ito yung lagi kang nasa inuman ng alak, kahit inumang kanto, bar, birthday, debu, fiesta atbp. basta may painuman nandoon ka at "PRESENT parati!?" Tapos minsan dadayo kapa para maka-inom lang ng alak at makipag-imuman kasi alak na alak ka parati kung baga nagiging bisyo mo na ito o kaya libangan yung kahit na kakainom mo lang kahapon, hala sige inum ulit ngayon lak-lak lang.
(http://images.plurk.com/3125268_8d1f656963e3fd122a99860bef4e0698.jpg)
(http://t2.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcS_sH9FV97N1B1KECTRSsfx8OorxjmcsskGuGs2p1iwlEgvdM9J)
(http://i21.photobucket.com/albums/b272/corie127/alak.jpg)
(http://)
(http://)
-
aba tol fog malakas ka pala uminom ah.. hmmm... Ingat lang tol sa health at liver mo ang tatamaan nyan, as they say, health is wealth.. Drink moderately!
-
Sakin kasi tol, hindi ako dumadayo, ako kasi ang nagtatawag sa kanila at ako ang dinadayo nila. Especially pag kararating ko lang. Alam na kaagad pag nanjan ako. Minsan, sa mga kamag anak lang ako dumadayo pero syempre, nagdadala din ako ng maiinom.
-
aba tol fog malakas ka pala uminom ah.. hmmm... Ingat lang tol sa health at liver mo ang tatamaan nyan, as they say, health is wealth.. Drink moderately!
Oo malakas ako uminom brader jamesbond pero natigil na yun tatlong taon na nakalipas occasionally nalang ako ngayon hindi dahil nagkasakit o anumang dahilan. Parang nagsawa na ako kakainom, minsan ayoko na nga uminom ng madami foodtrip nalang.. Hahaha! pero hindi ako naninigarilyo, Marjane lang niyoyosi ko. :D
Pero ito ang hindi nawawala saakin yung kapag nakikipag-inuman laging nakasandal sa pader, at wala sa ambush position o alanganin kapag nagka-gulo basta yung kita ko sila lahat at paligid ko lalo na kapag dayo or dadayo lang sa inuman. :D
Sakin kasi tol, hindi ako dumadayo, ako kasi ang nagtatawag sa kanila at ako ang dinadayo nila. Especially pag kararating ko lang. Alam na kaagad pag nanjan ako. Minsan, sa mga kamag anak lang ako dumadayo pero syempre, nagdadala din ako ng maiinom.
Parang natural na minsan talaga kapag kakauwi mo lang talaga.. Matic na yan kapag binisita ka! Hehehe! ang masarap minsan aabutin pa ng umaga ang kasayahan lalo na kapag may video oke! nagastos lang kasi ako kapag may bebot kapag wala patak-patak! Hahaha!
-
dati madalas dumadayo ako,,pero sa ngayon mas ok sa bahay na lang ako sugurin ng sunog atay gang,,di na rin ako pinapayagan lumabas eh,,atleast pwede pakong magpaka bangag,,hehe
"umiinom ako hinde dahil sa alak kundi dahil sa kaharap"
-
Dati, ganyan ako. Lalo na nung nasa banda pa ako. ika nga, last man standing lagi ako. Muntik muntikan na din ang buhay ko ng dahil sa alak hehehe. Pero ngayon, 4 years na akong di nainom. Pati yosi, wala na din. Natanggal ko na sa sistema ko.
-
Nung hs ako 4th yr .. fiesta sa amin .. grabe ang inuman sa bahay .. kasama mga relatives at kapitbahay .. then dumating ka tropa namin dumayo kami sa kanila .. since kabataan ko pa kaya malakas pa resistensha after namin dun dumayo kami ulit sa isa pang ka tropa .. grabe yun ang first and last na wantosawa kong pag laklak ng alak!!
Sent from ... its time to get alive! its time to represent!