My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Travel and Leisure => Topic started by: roman_talavera on April 19, 2014, 09:56:44 PM
-
Hello everyone,
Meron kaming Business trip sa Amerika. Plano ko sana mag side trip sa LA,CA. Pwede nyo ba ako matulungan where to go and what to do sa LA, CA. Ano ano ba cheapest everything sa LA,CA at saan ito matatagpuan.
I plan to stay 2-3 days. I need your suggestions. Next month na kasi yun. Sana yung tipid pero sulit.
-
pare koy, ano ba gusto mong makita at mapasyalan dito sa LA sa konting panahon na meron ka? i've been living here for over 13 years na.
from white sand beaches to theme parks to outlet shopping (factory outlet ng ralph lauren, lacoste, nike and other branded names, etc, etc.) to hollywood e andito. kelan exactly mo ba balak pumunta? right now it's spring; in a few months e maguumpisa na ang summer. pag january/february kayo pupunta e may snow pa sa mga mountain resorts dito.
Post Merge: May 08, 2014, 08:13:41 AM
kung may kamag-anak kayo ditong matutuluyan malaki na agad ang matitipid mo. di ka na maghohotel. wala ka na ring problema sa sasakyan at may magpapasyal rin siguro seyo.
kung maghohotel ka murang-mura na ang US$70 a night. usually nasa mga US$100 pataas ang matinong hotel para sa mga nagbabakasyon, with free breakfast. kung may 2 to 3 days ka, usually disneyland resort at universal studios hollywood ang destinasyon ng mga turistang pinoy. if you want to know more just tell me.
-
partner salamat sa response. Sa sa makalawa na lipad ko, pero sa byernes pa naman ang dating ko sa LA, CA.
Balak ko puntahan yung tatlong theme parks. Disney, Studio at Six Flags. Nakabook na ko ng hotel, wala kasi akong kakilala dyan kaya solo lang ako lalakad.
Tanong ko na din, saan ba ko makakabili ng mga murang pasalubong malapit sa downtown? may mga tyangge din ba? tsaka mga murang tsokolate?
-
kung murang tsokolate ang hanap mo sa Walmart ka magpunta. dito namimili ng mga tsokolate ang karamihan ng mga pinoy para panlagay sa balikbayan box.
kung souvenir ang hanap mo, maraming mura sa mga lugar na maraming turista. tulad nga ng around disneyland, etc. alam kasi nila dinadayo ito ng souvenir hunters. hangat maaari wag mismo sa disneyland ka bibili at talagang mahal. may mga shops lang na malapit at nagkalat sa mga paligid ng theme parks. dun mura. pag nakakita ka ng 3 or 4 for $20 na mga t-shirt mura na yun. sa loob mismo ng disneyland siguro $20 isang t-shirt.
Post Merge: May 20, 2014, 02:36:09 AM
pamilya ba ang kasama mo o solo ka lang?
pag pamilya kayo magagastusan kang maigi sa pagkain. lalo na kung tayong mga pinoy e di makatagal ng walang kanin. ang mcdo dito walang kanin. kung marami kayo at tatagal kayo ng higit isang linggo dito hinde pwedeng araw-araw e sa resto kayo kakain. mas mabuting bumili kayo ng maliit na rice cooker at sa kwarto nyo kayo nalang kumain paminsan minsan para makamura. bili nalang kayo ng ulam at salu-salo kayo. advise lang yun.
-
Solo lang ako, side trip Lang kasi. Ano ba massuggest mo na pagakaing tipid para sakin? San madalas magkaroon ng clearance sale?
-
Solo lang ako, side trip Lang kasi. Ano ba massuggest mo na pagakaing tipid para sakin? San madalas magkaroon ng clearance sale?
pag sa pagkain humanap ka ng hotel na may kasama nang free breakfast para tanghalian at hapunan nalang ang aasikasuhin mo. sa pagkain mura na pag around $5 or below e may kanin at ulam ka na. try mo yung yoshinoya or kung anong chinese fast food na meron dyan. usually sa take out (or dito "to go") na chinese fast food mga $4.50 ang isang ulam at kanin tapos mga $6 naman ang dalawang ulam at kanin.
sa mga pasalubong, like i said walmart na ang pinakamura. punta ka pala sa TJ Maxx or sa Ross o sa Marshall's para sa mga clearance o discounted na magagarang damit na may tatak. da best sila sa clearance. enjoy sa pamamasyal pare koy.
-
fully covered na ni Sir Razorsharp ang details. pero last time na nagpunta ako doon, sa downtown ako naglibot from Chinatown, Japan town, Korea town, Santee, hanggang Staple Center, Nokia. magkakalapit lang naman kasi yun, not to mention, for $5 ride all you can na sa Metro, train and bus for the whole day.
-
yup - not to mention yung talagang puntahin ng mga turista dito, yung hollywood at beverly hills. may mga murang hop-on-hop-off tours na mga bus na pwede mong sakyan para malibot ang hollywood.
-
salamat sa mga impormasyon, nga pala, nakabalik na ko ng pinas.
Medyo sinagad ko na pasyal, napuntahan ko yung tatlong sikat na theme parks ng California. Disney, Universal Studio at Six Flags. ginamitan ko na lang ng Google ang mga direksyon kung pano puntahan. Bumili na lang ako ng Weeklypass ng Metro para mas makatipid, kaso nung pangatlong araw, nawala ko naman TAP card ko. hehe.. well, good or bad experience is still an experience.
Nakarating din ako Santa Monica Pier at Hollywood. Sa Downtown nakuha kong Hotel. Sa paglalakad lakad downtown (Fashion dist), natsambahan ko ang Santee Alley, parang Divisoria sa pinas, hindi na masama sa mga small gifts/pasalubong.
Anyway, maraming maraming salamat sa mga impormasyong binigay nyo.
Nakatatak na sa libro ko ang experience ko na yun.
-
glad u had fun pare koy. bilib ako seyo, nakaka-gala kang mag-isa lang sa ibat ibang lugar.
mga biyenan ko halos 15 years nang pabalik-balik dito sa states pero ala pa ring alam puntahang mag-isa kundi bahay at grocery lang.