My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: AngBatangHamog on April 16, 2014, 05:04:24 AM

Title: Wedding Crasher, Birthday Crasher, Debut Crasher basta lahat ng may kainan!
Post by: AngBatangHamog on April 16, 2014, 05:04:24 AM
Sino dito ang may ganitong Trip Wedding Crasher, Birthday Crasher, Debut Crasher basta lahat ng may kainan, chibugan!??



Ito una kung expirience dati mag-isa lang ako nito hindi ko matandaan kung bakit nasa Cubao ako noon at kung saan ako galing, habang pagala-gala ako nung araw na iyon may nakita ako sa likod ng Smart Araneta coliseum Parking area. Di naman karamihang pila pero medyo nagkakagulo at may nag-aagawan at unahan. Kaya na curios ako kung ano meron doon at pinagmamasdan ko sila at naki-isyoso ako palapit. Yung mga tapos na pumila may mga dala ng Styrofoam Topperware at tubig. (Aba foodtripan ito ah.. ano kaya ang diskarte dito para makakuha? Hikhikhik! tinanong ko yung isang lalaki kung ano yun, sabi nya pagkain daw para sa mga "Hakot" (yung mga nanonood ng concert or nag prayer vigil ata yun) tsaka wala naman ticketing or tinatanong kapag binibigyan na at nagkakagulo naman nung oras na yun.. Wahahaha!) kaya pumila agad ako.. pagkabigay sakin, humirit pa ako dalawa kasama sa drayber. Aba tagumpay!!! Hikhikhik! 2 styrofoam tupperware nakuha ko kaya patay malisya at dali-dali akong lumayo at sumiksik sa mga sasakyan palayo. Tapos ayun pagbukas ko kanin at manok ang laman.. (ngiting tagumpay.. at takam na takam ako..) tinira ko sa di kalayuan dahil gutom narin ako ng oras na iyon. kaya sinabi sa sarili ko na "Hay naku kung sinuswerte ka nga naman oh!?.." Hahahaha! ang sarap pa ng saw-sawan.. parang gravy ng KFC.. Hahaha!

bukas naman yung wedding Crasher, birthday Crasher moment ko matutulog muna ako!
Title: Re: Wedding Crasher, Birthday Crasher, Debut Crasher basta lahat ng may kainan!
Post by: IORI™ on April 16, 2014, 05:12:39 AM
:)) ayos ka talaga utol fog! Meron pa para sa driver ha!! Haha!! Walang tawang tagumpay? Bwahahahahaha!!

mga tol!! mga ka PT!! tara na makigulo sa:

http://www.pinoycyberkada.com/index.php?topic=40265.0



Title: Re: Wedding Crasher, Birthday Crasher, Debut Crasher basta lahat ng may kainan!
Post by: AngBatangHamog on April 16, 2014, 05:26:56 AM
:)) ayos ka talaga utol fog! Meron pa para sa driver ha!! Haha!! Walang tawang tagumpay? Bwahahahahaha!!

mga tol!! mga ka PT!! tara na makigulo sa:

http://www.pinoycyberkada.com/index.php?topic=40265.0 (http://www.pinoycyberkada.com/index.php?topic=40265.0)

syempre foodtrip yun sayang naman baka makalusot.. wala naman masama kung susubukan.. Wahahahaha.. kaya ayun JACKPOT!!!
ganun na padali ko parati kasi bitin kapag isa lang, sa mga MALL kapag may mga Free taste tinitira ko rin minsan iniikot buong supermarket or kung saan meron. dalawa rin hinihingi ko, sasabihin ko sa isang kasama ko etc., kapag nagdududa "hahanap ng nakatayo at ngunguso ako ayun ohhh" kapag nandoon pa yung "ninguso ko, dadanan ko lang" pagkalayo lalantakan ko na.. Wahahaha.. minsan kapag maganda yung chicks ngingisi nalang ako sa malayo. Hahahaha..
Title: Re: Wedding Crasher, Birthday Crasher, Debut Crasher basta lahat ng may kainan!
Post by: IORI™ on April 16, 2014, 05:32:12 AM
Sarap mo pala kasama tol .. yun experience ko sa dubai papauwi na ako ng manila napadaan ako sa liquior store aba may free taste!! Ayun 3 palang natikman ko me tama na agad bwahahaha!!

Share ko na din yun story ko nuon grade 6 ako .. kapag may birthday party sa mga klassmates ko eh nag sasama pa ako ng mga ka tropa ko .. siguro mga 8 kami nuon susugod haha!! Ganun din sila kapag may bday party silang pupuntahan kasama lagi kami ..

mga tol!! mga ka PT!! tara na makigulo sa:

http://www.pinoycyberkada.com/index.php?topic=40265.0



Title: Re: Wedding Crasher, Birthday Crasher, Debut Crasher basta lahat ng may kainan!
Post by: AngBatangHamog on April 16, 2014, 05:43:07 AM
Sarap mo pala kasama tol .. yun experience ko sa dubai papauwi na ako ng manila napadaan ako sa liquior store aba may free taste!! Ayun 3 palang natikman ko me tama na agad bwahahaha!!

Share ko na din yun story ko nuon grade 6 ako .. kapag may birthday party sa mga klassmates ko eh nag sasama pa ako ng mga ka tropa ko .. siguro mga 8 kami nuon susugod haha!! Ganun din sila kapag may bday party silang pupuntahan kasama lagi kami ..

mga tol!! mga ka PT!! tara na makigulo sa:

http://www.pinoycyberkada.com/index.php?topic=40265.0 (http://www.pinoycyberkada.com/index.php?topic=40265.0)

Ayos yan alak ah at may tama.. meron din akong ganyang expirience pero pipinchugin lang natikman ko yung tanduay rum ata yun.. langya ang sama ng lasa.. Wahahaha..

Nice share IORI™ ang bata mo pa nyan ah.. Ang tawag dyan sa ginawa mo "Bitbit" ikaw ang inimbita tapos nagsama ka, tapos meron pa nyan yung inimbita mo nagsama pa. Nyahahaha..
Title: Re: Wedding Crasher, Birthday Crasher, Debut Crasher basta lahat ng may kainan!
Post by: Kurimasu on April 16, 2014, 08:46:49 AM
Natry ko na rin yan pero parang hindi wedding crasher ang dating mga tol. Kasi pinsan nung kaibigan ko yung kinasal, niyaya kami, sa table daw kami kakain hindi daw sa tabi tabi. At yun nga, nakatable nga kami nung kumain. Parang VIP ang dating. Yung mga food e yung mga dishes na para sa mga bisita. Busog sarap ang araw na yun. Maraming beses yun na nangyayari. Pinsan nga kaibigan, kapatid ng kaibigan, pamangkin, basta kamaganak nila, sasama ako para sa table kami kakain. At kung may kamaganak din ako na ikakasal, magbebertday, invited din sila.
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal