My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: cherdZ on March 31, 2014, 11:41:04 AM

Title: Last Day At Work
Post by: cherdZ on March 31, 2014, 11:41:04 AM
I will be renderring my last day later.
Been with the company for 5 yrs and 2 months.
Hindi ko din akalaing makaka 5 yrs ako.
Nene pa kong ituring nung natangap ako dun.
At ngayon, meron na kong sarili kong nene. Hehe..
Kahit pala buo na ang loob mong magresign, nakakalungkot pa din.
Ang dami kong naiisip na pwedeng gawin after ko magresign.
Yung makukuha kong retirement, pwede inegosyo.
Kaya lang... anong negosyo.
Pwede rin mag homebase na lang ako.
Pwede rin apply sa company na isang tumbling lang ang layo sa bahay namin.
Ahay...
Nakakalungkot talaga.
Hindi ko pa akalain na iiwan ko ang company na to ng may sama sa loob.
Dami kong mamimiss... :(


Sino dito ang nakakarelate saken? :'(







≠==========================


People leave managers not companies/ write the authors Marcus Buckingham and Curt Coffman. ‘So much money has been thrown at the challenge of keeping good people – in the form of better pay better perks and better training – when, In the end, turnover rs mostly a manager issue,” If you have a turnover problem, look first to your managers and supervisors. Beyond a
point an employee’s primary need has less to do with money, and more to do with how he’s treated and how valued he feels. Much of this depends directly on the immediate manager.

- David W. Richard

sent from Cherdie's phone.. ü

Title: Re: Last Day At Work
Post by: IORI™ on March 31, 2014, 01:29:00 PM
Mrs ko .. sure nakaka relate sayo yun .. gusto na nga mag abroad ulit eh .. mahirap ang buhay sa pinas .. mamimiss mo yun trabaho pati na ang life style mo nung nag ttrabaho kapa ..

mga tol!! mga ka PT!! tara na makigulo sa:

http://www.pinoycyberkada.com/index.php?topic=40265.0



Title: Re: Last Day At Work
Post by: Troll Montero on March 31, 2014, 01:40:23 PM
(http://listdose.com/wp-content/uploads/2013/07/3d-coffee-art-5.jpg)

ako nakaka relate dyan, nung lumipat din ako ng work, na miss ko mag coffee sa table ko sa dati kong office, yun lang naman ang bagay na hindi ko na ulit nagawa ahihi
Title: Re: Last Day At Work
Post by: Lord Nok Von Hauten on March 31, 2014, 02:02:25 PM
Ako relate na relate jn... Ako nga 15 yrs sa work ko sa saudi, walang promotion peeo may increase naman, kaya lang talo asar, buti na lang saudization natangal ako biglaan he he he. Marami akong na mis lalo na ung mag hapon na chat namin ng misis ko he he he halos araw araw. Ngaun balok ulit ako dito pero iba na pwesto ko, kaya lang di na maghapon chat ko sa misis ko, pt muna bago chat sa 24 hrs ha ha.

Sent from my Lenovo A3000-H using Tapatalk

Title: Re: Last Day At Work
Post by: eclient on April 17, 2014, 04:10:45 AM
Ako din nakaka-relate sa experience mo Madam. 4years ago nang lisanin ko ang pinapasukan 'kong kumpanya.

Kagaya mo, maraming taon din ang nailagi ko sa huli kong pinagtrabahuan, maraming masasayang bagay, ala-ala, karansan at mga kaibigan ang aking naiwanan. Naituring ko nadin itong pangalawa 'kong tahanan. Hanggang ngayon naiisip ko padin ang lugar na iyon, lalo na ang mga dati 'kong kasamahan.

Pero kahit gaano tayo kasaya, sadyang dadating tayo sa punto na 'kung saan kailangan natin sila lisanin para magpatuloy ang ating buhay, kasabay nyan ang pagtuklas sa mga panibagong karanasan na ating tatahakin para umunlad ang ating pamumuhay.

Ang tanging maibabahagi ko lang para sa'yo, ay kung ano man ang mga natutunan mo sa iyong kumpanya, gamitin mo sana ang mga iyon para paghusayin pa ang iyong sarili at talento. Ibahagi mo din ang iyong mga karanasan sa panibagong daan na iyon tatahakin.


Sent from DownUnder using Tapatalk
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal