My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: broski045 on January 20, 2014, 06:47:30 PM
-
So kung magkakaroon ko ng special power na base sa apoy, alin dito ang pipiliin mo at bakit?
Fire Protection: hindi ka na maaapektohan ng sobrang init unless gusto mo *wink*. (So di ka masusunog, masusunburn, mapapaso, o ano pa mang epekto ng sobrang init.)
Fire Creation: Ayos, may unli fire ka nang pwedeng palabasin sa kahit saan basta nakikita mo. Oo, masasaktan ka pag nasilaban at hindi mo mapapagalaw yung apoy.
Fire Control: Ayun, oh, mapapagalaw mo na ang apoy papunta kahit saan, basta hindi ito mamamatay (so wag mo itry sa tubig ang normal fire). Pag walang apoy? Malas.
Heart on Fire: Apoy ng damdamin, ika nga. Kahit sino pwede mong mapagalit o mapainlab sa kahit na sino o ano. Isang tao lang pwede mong gamitan at a time, so mahirap pa rin yang plano mong mob riot or insurrection.
Fire Transformation: Eto na, taong apoy ka na, at nakakalakad at takbo (wag langoy pre) na rin syempre. Astig! Hindi ka masusunog pero potek masakit pa rin ito, promise. Bawal mo palakihin ang apoy mo, pero pag may mga sugat, bali, o sakit ka sa normal mong anyo, pwede kang magamot pag may nahawakan ka pang ibang apoy.
Fire Detection: Pag may usok daw, may sunog. Sa iyo, pag may sunog, may sunog. May seventh sense ka na, dahil alam mo kung saan eksakto may apoy (at gaano kalala) basta sa parehong isla mo. Pag nasa Fire Dept ka, aba, wala ng kailangang maghotline!
-
Heart on fire, ika nga ng globe unlimited possibilities haha,
-
Fire Control. Tapos magdadala na lang ako palagi ng lighter hehe. Parang si Pyro lang ng Marvel comics.
-
Fire creation... Tapos magbibusiness ako ng fire for sale o kaya gawa ako ng lugar kung saan pwede magluto mga tao sa mababang halaga. Pag may ipon na, pagawa ako ng power plant powered by fire kung saan nakakapaggenerate ng kuryente na kayang pailawin ang buong pilipinas at syempre mas mababa ang bayad kesa meralco. Hmmmm..
Sent From My Sharona Using Tapa King... /m/...
-
Fire creation... Tapos magbibusiness ako ng fire for sale o kaya gawa ako ng lugar kung saan pwede magluto mga tao sa mababang halaga. Pag may ipon na, pagawa ako ng power plant powered by fire kung saan nakakapaggenerate ng kuryente na kayang pailawin ang buong pilipinas at syempre mas mababa ang bayad kesa meralco. Hmmmm..
Sent From My Sharona Using Tapa King... /m/...
Hehe, wais ng ganitong style. May feeling akong after a while, mga big time businesses, syndicates, at government na ang pupunta sa iyo pag ganyan. Sana lang peaceful! :-\
-
Hehe, wais ng ganitong style. May feeling akong after a while, mga big time businesses, syndicates, at government na ang pupunta sa iyo pag ganyan. Sana lang peaceful! :-
Madali lang yan. Kung lulusubin ako ng mga katulad ng sinabi mo sa taas, mananawagan ako sa mga ka PT natin na pumili ng Fire Protection, Fire Control at Fire Transformation at sila ang gagawin kong security. Ewan ko lang kung kaya kaming lusubin ng mga yan. Hehehehehe
Sent From My Sharona Using Tapa King... /m/...
-
Fire Creation, mukhang malaking solusyon yan sa ekonomiya. Magpupundar ako ng pera, simulan ko magproduce ng apoy para sa pagluluto para bumaba ang presyo ng LPG. Palaguin ko tapos pagawa ako ng malaking container/storage ng apoy, pwede ring gawing source ng energy yan para mura na rin ang kuryente at hindi na masyadong kukuha ang tao ng fossil fuel.
At sa malaking pera kong malilikom hahanapin ko yung ibang category mo. More likely uunahin ko ang fire control for safety and better quality.
At kung hindi pa rin ako mag-enjoy sa buhay, kuha akong scientists for a better suggestion. Baka pwedeng lusawin natin ang yelo sa ibang planeta para magkaroon ng tubig at para tirahan. Solusyon na rin sa lumalaking populasyon.
-
Heart on Fire. Haha. Mga crush ko at pangarap na celebrity. Yari kayo saken. :-\
-
Mukhang ok yung heart of fire pro fire protection ako hehehe. Mas safe hahahaha. Takot akos a heart of fire. Bka magalit si lord. Free will ika nga :D .
-
Ok na ko sa fire control hehehe
Sent from my mom's ipad using Tapatalk
-
for me fire control because with this you can be protected from fire, you can create fire & transform the fire, this is one of the ability of a person with telekenesis its called Pyrokinesis. in regards to heart of fire & detect fire, its one of the ability a preson with telepathy.
-
Fire Control. It's easy to produce fire. Heck, even a phone can be wired to produce fire. haha.
-
Heart on fire nalang siguro hehehe ayus un !! ;) ;) ;) ;) ;) :suka3: :peace:
-
heart on fire... mas madali gawin lahat if you have passion...