My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: Kurimasu on January 20, 2014, 09:35:51 AM
-
Medyo bumababa ngayon ang presyo ng gold kaya medyo nalulugi ang ilang mining companies. Sabagay, may by products naman sila hindi lang gold kaya dun sila bumabawi.
Pro mining ako. Kasi, lahat ng mga products na galing sa mining ay tinatangkilik ko. Dahil kung walang mining, ano kayang technology meron tayo. Sigurado walang gadgets, walang sasakyan, walang eroplano etc.
Matanong ko kayo mgakaPT, PRO ka ba o ANTI Mining? Bakit?
Sent From My Sharona Using Tapa King... /m/...
-
Pro mining at in general terms pro industrialization ako. Agrarian developments have failed throughout history.
-
Cguro sa panahon ngayun nasisira na ang mundo dahil sa mga walang humpay na pag mina at pagtroso .. masyadong malaki ang pangangailangan ng tao .. kulang na tayo sa natural resources .. dapat siguro sa Ibang planets na tau mag mina he he
.. peace bro ..
sent from ... ahmmm .. .. .. sorry I forgot .. :D
-
Pro mining ako kung - sa tamang pamamaraan gagawin. Tulad ng pag kakaroon dapat ng reforestry projects, legal na mining, at may intensyon sana na gamitin para sa sarli nating industriya.
- sa nang yayari kasi sa mining dito sa pilipinas, - nasisira ang kalikasan at itoy pinababayaan, ang mga kumpanya ng mining ay walang pakialam sa mga masasagasaan. - karamihan ay legal(or illegal man) nga pero, mga malalaking tao lang ang nagmamayari - mga bigatin kumbaga - mga untouchables - walang direktang pakinabang ang bansa natin dahil for export ang majority ng minerals, at pag bumalik sa atin as imports para gamitin sa productions, parang tayo pa ang bumili galing sa labas.
- siguro kung may kikitA man, ay ang mismong mining company at mga investors nito - usapang stocks na nila yan(personal interest). - yung mga trabahador naman ng mining kikita din pero para lang ito sa kanilang pagkain arawAraw, kumbaga pang sustain lang ng living, in short slavery.
Meron man good merits, pero sa ngaun, hindi ibig sabihin for the greater good ng bansa.
sent via pagong express
-
i agree with the other ka-PT's... should be done in proper way....
:-\ :-\ :-\ :-\ :-\ :-\
-
pro mining ako kung ang makikinabang eh tayo din pero kung makikinabang lang naman ay ibang bansa gaya ng nangyayari sa black sand mining... na tsina naman nakikinabang... eh wag na... kasi kapag ibang bansa nakikinabang wala silang pakialam sa maaring mangyari sa lugar na pinagmiminahan nila....
-
apat na taon din akong nagtrabaho sa isang minahan...from small scale to large scale kaya bias ako sa bagay na eto... "Pro Mining" ako...nyahaha..love your own job ika nga dba... Siguro panira ng kalikasan ang mining industry pero isipin natin marami ang nabubuhay sa pagmimina. ganito nalang "Yes to Responsible Mining" nalang tayo..hahahaha :suka3:
-
Tama ka Sis Somebody. Karamihan sa mga napuntahan kong Minahan, responsable naman. Rehabilitated naman majority ng mga areas wherein may earthmoving activities.
Sent From My Sharona Using Tapa King... /m/...
-
hahaha.. responsible mining ba yung last company ko ??? wag ko na lang ibuking :suka3: :suka3:
-
Baka Jr Company yan Sis... Mindanao area ba?
Sent From My Sharona Using Tapa King... /m/...
-
yebah mindanao area po.. pero nung bago ako umalis inayos naman nila yung waste nila kaya siguro Responsible Mining na sila ngayon :D
-
Depends. May tamang lugar for that, I am actually more pro nature, pero if nasa tamang lugar naman why not. Meron lang talagang exploitative scoundrels na dapat pag bawalan, they destroy everything on their path just to make the quick buck right now.
They don't think about the consequence na pwedeng manyari. I have no monetary interest in mining, kaya I do not feel the need to be loyal or shill for mining companies. As long as they follow the law (which some don't, last time I've heard on TV patrol) and the locals are not hurt and they do it in the most environmentally conscientious way they possible could, okay yan. We need raw materials, that's a fact.
-
ako din pro mining ako kasi sayang naman ang mga minerals na meron tayo kung hahayaan lang naten sa lupa ang mga yun.. basta sana lang wag abusuhin ang kalikasan hindi yung basta hukay tapos pag naubus na move on sa ibang lugar hukay nanaman..
-
ako din pro mining ako kasi sayang naman ang mga minerals na meron tayo kung hahayaan lang naten sa lupa ang mga yun.. basta sana lang wag abusuhin ang kalikasan hindi yung basta hukay tapos pag naubus na move on sa ibang lugar hukay nanaman..
Oo tama si idol misty.... Dapat talaga responsible mining din ang gawin.. Sundot-kalikot, hukay-baon...
Sent from my 007 iPhone using Tapatalk
-
I've been working with some known large scale Mining Companies sa Pilipinas. PMC, FRC, LCM, MMC, and they were all responsible miners. Most of the irresponsible miners naman eh yung small mining scale wherein hindi maayos ang disposal ng mga waste nila. Butas dito, butas duon. Kaya minsan, yung mga voids, hazard sa ibang tao. Minsan din, kaya andaming illegal mining sa pinas kasi, pinagbabawal o kayay hindi binibigyan ng permit kaya patago ang pagmimina at syempre, walang rahab...
-
Taga Cagayan Valley po ako. May minahan po ng black sand dito sa amin at nakikita ko po epekto nya sa mga mamayan dito ung pag mimina. Na feature na rin sa tv patrol ito. 5 barangays na nawala sa mapa. sa ganitong uri ng pag mimina ang against ako.