My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Current Events => Topic started by: fayt on January 18, 2014, 08:10:12 PM

Title: Fun topic muna
Post by: fayt on January 18, 2014, 08:10:12 PM
Lalaking naghahanap ng bulalo soup sa panaderya, nagwala nang bigyan ng cup noodles na bulalo flavor


Nauwi sa kaguluhan ang pagnanasa ng isang lalaking kostumer na makahigop ng mainit na sabaw ng bulalo at masupsop ang buto nito. Ngunit dahil sa panaderya niya inorder ang bulalo, cup noodles na bulalo flavor ang nakuha niya.

Sa ulat ni Katrina Son sa GMA News TV's QRT nitong Biyernes, ipinakita ang video na nakikipagsuntukan ang lalaking kostumer sa tauhan naman ng panaderya sa Pedro Gil sa Maynila.

Tila ayaw magpaawat ng lalaki sa pagwawala kahit pa inaawat na siya ng ilang kalalakihan hanggang sa dumating na ang mga kagawad ng barangay.

Kwento ng babaeng tindera, sinabi niya sa lalaking kostumer na tinapay ang kanilang itinitinda nila sa panaderya.

Dagdag pa ng tindera, ang lalaki rin umano ang umorder ng bulalo flavored noodles pero nang maibigay na ito ay tunay na bulalo soup na may buto na raw ang hinahanap nito.

Nang paliwanagan ang lalaki tungkol sa kaniyang inorder, iginiit nito na, "Ang gusto ko lang malaman ang order ko ay bulalo, bakit ako bibinigyan ng cup noodles? Bakit ko babayaran yung cup noodles."

Paliwanag pa niya sa kaniyang kausap, "Pare ang bulalo mga buto-buto, may laman, sinusupsop ang bulalo pare, ang cup noodles... noodles, noodles, pare."

Isinama muna ng barangay ang lalaki sa barangay hall para pagpahingahin at saka umano aalamin kung mayroon nais magsampa ng reklamo laban dito. -- FRJ, GMA News   :)) :)) :))

http://www.youtube.com/watch?v=2L8gzAasxCw# (http://www.youtube.com/watch?v=2L8gzAasxCw#)

source: gmanews.com
Title: Re: Fun topic muna
Post by: caligula on January 18, 2014, 08:54:01 PM
Kinain ba muna niya yung cup noodles bago sya magreklamo?

We will never run out of morons in the Phil. We need to find a way to export this since this is our national treasure.
Title: Re: Fun topic muna
Post by: IORI™ on February 05, 2014, 06:08:29 AM
Adik amp haha!

sent from ... ahmmm .. .. .. sorry I forgot .. :D

Title: Re: Fun topic muna
Post by: Tonying Bayawak on February 05, 2014, 07:51:53 AM
We need to find a way to export this since this is our national treasure.

Yep, he's a treasure. Ibaon na yan sa lupa! Hahaha

Natawa ako dun sa reenactment nya "sinusupsop!" XD
Title: Re: Fun topic muna
Post by: IORI™ on February 20, 2014, 05:22:29 AM
Naalala ko yun trending sa vhong deniece issue ... si bulalord pala bida dito tahaha!!!

sent from ... ahmmm .. .. .. sorry I forgot .. :D

Title: Re: Fun topic muna
Post by: crashtest on February 24, 2014, 02:23:51 PM

babaw ng kaligayahan haha. this guy's happy now.
:)

Sent from my LT26ii using Tapatalk


Title: Re: Fun topic muna
Post by: razorsharp on February 28, 2014, 01:48:19 AM
a gusto nya may sinusupsop daw sya .. .. ..
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal