My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: Mark Yap T. on December 04, 2013, 01:33:24 AM
-
Kamusta ka ?? balita ko masaya ka na! balita ko may iba ka na. Masaya ka ba?? Sana!!
Ako? eto, patuloy na lumalaban, patuloy kong tinuturuan ang puso kong kalimutan ka. Kalimutan ang babaeng
minahal ko ng lubusan. Kalimutan lahat ng ating mga pinagsamahan.
Siguro iniisip mo bitter ako! ang sagot d'yan?? OO
ako na siguro ang pinaka bitter na tao sa mundo. Hindi ko kasi matanggap ehh, hindi ko matanggap na ako ang dahilan kung bakit ka lumisan, ako ang dahilan kung bakit pagmamahalan nati'y nawakasan. Ako ang dahilan, pero bakit ako ang parang napag-iwanan.??
Kung naging mas kuntento lang ako, kung.. hindi sana ako naghanap ng bago.. e dii sana tayo pa! hindi sana ako puro sana.
Alam kong mali ang ginawa ko, sana mapatawad mo ako.. mali kung sasabihin ko na hindi ko sinadya!, dahil lahat ng mga pangyayaring naging sanhii ng pag hihiwalay natin ay ginusto kong mang-yari. Hinayaan kong masira ang kung anong meron tayong dalawa, hinayaan kong ma involve ako ng isang babaeng hindi ko akalaing sisira ng matagal na panahon nating pagsasama.
Tama nga sila, hindi ko dapat pinapasok ang isang bagay na hindi ko kayang lusutan, hindi ako dapat sumugal!!. Hindi ako dapat nagpakahangal. hindi ko sana isinugal ang relasyon natin para lang sa isang babaeng hindi ko naman lubos na kilala, kung sana'y naging matatag ako.. :(
Hindi dapat ako naghangad ng mas hihigit pa sayo! isang malaking kamalian ang umasang may hihigit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay sakin. Naalala ko tuloy yung sabi mo dati, "ang relasyong nagsimula sa mali!! kailanman hindi magiging tama!"
Sana nalaman ko noon pa, na ikaw lang talaga ang mahal ko, na ikaw lang talaga ang gusto ng puso ko.. hindi sana ako nag durusa, hindi sana ako nag-iisa.. hindi SANA AKO puro SANA!!
-
aw yun lang.. dun pumapasok ang katagang "sa Huli ang Pagsisisi".. Sayang talaga.. nahanap muna sana ang diamond pero pinagpalit mo lang sa bato na walang halaga..Learn from the experience na lang ser para sa susunod na relationship na papasukan mo.. Mahirap man tanggapin na wala na sya sa buhay mo pero Life Goes ON... at malay mo at the end of this road dun mo mahahanap ang taong tinadhana ni Lord sayo... Whatever happens, it happens for a reason.. mga common na kataga lang na alam natin lahat...
-
dito tayo pumasok sa usapang what ''IF''
-
Dapat kasi kontento kana sa kung anung meron ka..
-
hmmm.. ouch nman ito :'( ano ba yan.. bakit ba nababasa ko story ngayon e ang lulungkot.. hayss.. dapat kc once nakita mo na ung right girl, un na un, wag na pong mag expect/maghanap pa na may mas hihigit pa sa kanya.. sa huli magkakamali ka lang at pagsisisihan.. pero anjan na po yan.. learn from your mistakes then if the right one comes along, mahalin mo po sya gaya ng pagmamahal nya sa yo o higitan mo pa po..
ingatan mo ung taong laging anjan para sayo, laging nag-iisip, laging nagmamahal, laging nag-aalala.. kasi pag yan nawala, mahirap na, malaki ang mundo para hanapin ang nagiisa..