My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: IORI™ on November 28, 2013, 03:38:23 AM

Title: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: IORI™ on November 28, 2013, 03:38:23 AM
paunawa po: this is a friendly debate .. please refrain from being rude .. may genaral rules po tayo sa PT na sinusunod .. respect all the member who will join this debate .. iwas pektus tayo mga kapatid ..

TOPIC: sino ba sa tingin nyo ang naging mabuting pangulo ng Pilipinas? si Marcos ba o yung mga sumunod na pangulo sa kanya hanggang sa panahon ngayon?
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Katorse on November 28, 2013, 07:52:28 AM
nyay wala p aqng muwang sa mundo nung panahon ni macoy  ;D ;D ;D
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: GHOST PROTOCOL on November 28, 2013, 08:25:58 AM
panahon ni marcos nagsimulang gumanda ang pilipinas at nakilala sa mundo. mga pagbababong social. naitayo ang PICC, folk arts theater, naging moderno ang maynila at marami pang naipatayong makabagong gusali ng mga panahong iyon. mababa pa ang cost of living kasi mababa pa ang presyo ng mga bilihin pero syempre maliit din ang sahod. nasimulang planuhin ang LRT at mga flyover. nasimulan ang plano sa malampaya mga dam, planta ng kuryente at kung ano ano pa. pero sa kabila ng mabilis na pag angat ng antas ng pamumuhay ay tikom din ang bibig ng mamamayan. hindi pwede ang basta basta nagsasalita kontra sa gobyerno. limitado ang FREEDOM of SPEECH. pwede kang damputin ng militar, PC at pulis kahit anong oras. pangkalahatan, limitado ang karapatang pantao.

sa panahon ngayon, umaapaw sa dami ang karapatang pantao. FREEDOM OF SPEECH. pwede mong murahin at kutyain ang presidente at kahit sinong nakaupo sa pwesto. sa sobrang luwag sa freedom of speech, naaantala ang mga proyekto. nananakaw ang pera ng bayan. madali na lang makalusot sa batas. naglipana ang mga MAKAKALIWA. imbis na umunlad ang bayan lalong lumulobog.

sa kabuuan. walang pagbabago. lahat ng gustong pumasok sa pulitika ay iisa ang hangarin, ang magkaroon ng kapangyarihan at makapag nakaw. WALA PA RING PAGBABAGO
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Kurimasu on November 28, 2013, 08:44:35 AM
According sa mga lolot lola ko, mga pinsan, mga kakilala, nanay at tatay ko, si Macoy ay naging isang magaling na presidente. Naging maganda ang pinas. Ang pinas ay naging malakas ang hukbong sandataan, maraming hospitals ang napagawa, at kung sakaling itinuloy ng mga gagong aquino ang nuclear power plant sa bataan, siguro d na tayo nagbabayad ng mahal na kuryente.

Sent From My Sharona Using Tapa King... /m/...

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Kent Afford on November 28, 2013, 08:04:34 PM
mas maganda noon isa lang namumuno ngayon ang dami na ang gulo pa.... mas dumarami ang corrupt at ang masakit nyan kaya pumapasok sa pulitika ang iba dahil walang trabaho.
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: bohica on November 28, 2013, 08:46:01 PM
(http://joseangelito-angeles.tripod.com/fm%20harvesting%20rice.jpg)

I will choose President Marcos over all the other presidents after him.

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: fayt on November 28, 2013, 08:52:03 PM
Marami nagsasabi mas organize nun panahon ni marcos at maraming umunlad at napatayong lugar..

though pinanganak na ako 1 year before mawala na ang regime marcos
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Itachi101 on November 29, 2013, 02:50:59 AM
sad to say marami daw nagbago sa positive side
ayon sa mga story  ng mga olders
yun lang kasi masyado daw naging creedy si marcos o si imelda daw
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: IORI™ on November 29, 2013, 03:26:33 AM
magaling si marcos ayon sa mga matatanda sa lugar namin .. halos lahat sila in favor kay marcos .. pero nung time ni marcos ayaw nila sa kanya dahil nga sa military strategies nya at strict sa kanyang pamumuno .. maraming namatay para maisulong daw ang freedom sa bansa .. marami syang naitulong sa mamamayang pilipino .. sa palagay ng marami .. ginamit ng opposition sa regimen marcos ang mga pilipino na alisin sya sa pwesto .. ginamit ang salitang "freedom" daw para gumanda ang pilipinas .. heto na ngayon tayo .. nasobrahan sa "freedom" kaliwat kanan ang nakawan .. mula sa pinaka mataas hanggang sa pinaka mababa .. kahit nabisto na .. taas parin ang noo ng mga taragis na yan .. sa pananaw ko .. mas gugustuhin ko siguro yung panahon ni marcos .. hindi garapal ang nakawan .. sa mga pangulong sumunod kay marcos .. wala akong makitang masasabi kong pinaunlad ang pilipinas .. inuna ang pamilya .. huling huli ang bayan ..
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on November 29, 2013, 09:07:40 PM
all people that i've met and talk about marcos..

here in luzon, visayas and even some people from mindanao..

almost said same thing.. that marcos is really good president..

but most of the people around him are so greedy that they influenced him

like his wife who just party almost all the time..

due to those people our country's prosperity went downhill

till today... and still down

sent from abacus using babytalk 12000
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Prime™ on December 04, 2013, 06:57:47 AM
Don't know much about Marcos' time, pero yes karamihan nga ng nadidinig ko mas mas maganda nga daw noon.

Marcos was no saint, I'm sure madami din siyang kalokohan, pero sa nagawa meron. People are still vilifying the man to this day. A default escape goat of every incompetent head of state since then.

Common sense, sino ba nakalaban niya? Wasn't it some of the biggest names in the media right now? So yearly they churn out Marcos did this, Marcos did that, we're heroes and you wouldn't enjoy all this if not for us.

I mean sure, dami problems noon, human rights abuses and whatnot, kelan ba na wala? How about the BS na nanyari fairly recently sa maguindanao? I find it hard to believe that stuff like that wouldn't have happened kung walang basbas nung ibang nasa itaas.

To be fair, if you ask me, the current administration is far better than the last. The last one, talagang baboy na baboy ang Pilipinas sa tindi ng corruption. Pero how come Marcos is still the default bad guy?

The thing that irks me is some people are running and winning on this old ace card that they were one of the ones who opposed him, wherein when the guy was strong and not so sickly they were licking his boots and just as guilty. Hypocritical nonsense.

I'm not saying Marcos is awesome and everything was fine and dandy when he was in office, pero definitely a massive propaganda is still going on to tarnish and make the man look bad specially to the younger generations. Why? Because a lot of them run on this platform, to paint themselves heroes and whatnot where in real life they are just as corrupt or even more so, the only difference is they didn't mess with the wrong people that Marcos did in and probably more so in his twilight.

There are no saints here, all I know is the Philippines was acting more like a banana republic since then. Officials ran on celebrity and sensation rather than on common sense and achievement.

And sadly to this day there is no end in sight to this nonsense.
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Dimmu Borgir on December 04, 2013, 03:31:35 PM
IMHO, kung di naging kurakot si Marcos, siya ang masasabi kong naging magaling na presidente. Remember, 20 years in power sya at ito ay nahahati sa ilang termino. Yung unang termino nya, yun na siguro yung glorious days of Philippines since dito sya nagpatupad ng mga pagbabago, mga imprastraktura, at kung anu ano pa na nakinabang kundiman nakapabago ng buhay ng mga pilipino.

Ang problema lang eh nung magdeklara sya ng martial law at di lang karapatan ng mga tao ang kinuha nya di kundi maging ang pera ng taumbayan. May mga nagsasabi na maganda daw ang martial law dahil nadisiplina tayo. Pero ang mga nagsasabi nito ay yung walang experience sa totoong martial law. Subukan kaya nyong tumira sa North Korea para malaman nyo kung maganda nga ang martial law.

Dahil sa korapsyon at kawalan ng kredibilidad ng rehimeng Marcos, simula nung 1984 ay nakaranas ang pilipinas ng negative economic growth.

At ng mapaalis sya, bilyong piso ang utang ng Pilipinas na hanggang ngayon eh binabayaran pa natin.

Ang sumunod na mga lider eh mga walang kakayahan o kundiman eh kurakot din.. Saan pa nga ba tayo patungo sa mga ganitong pinuno?

Minsan nakakatawa tayo, si erap convicted na kurakot, nung tumakbo, kung wala si noynoy, siya pa ang nanalo, Si marcos, pinagnakawan tayo ng bilyong piso, ginoglorify pa natin.

Naisip ko lang, kung di kaya tayo binaon ni marcos sa utang, nasaan kya tayo ngayon, pareho din ba kung sakali ng sitwasyon natin ngayon?

Wala namang perpektong presidente, mas ok pa rin sa akin si Noynoy at least may pagbabago tayo sa ilang bagay bagamat mahina talga sya sa pag handle ng mga situation, ang mahalaga di sya kurakot.

Kesa naman kay Gloria, FVR, Ramos na puro kurakot ang issue.. Kulang na lang eh ibenta ang mga pinoy para yumaman pa..

Naitanong ko lang, kung wala kaya tayong utang, siguro may apgbabago sa Pilipinas   
 
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: GHOST PROTOCOL on December 04, 2013, 09:03:48 PM

there is or should i say WAS a so called "conspiracy theory" behind the overlending or sobrang pag utang noong mga panahon ni marcos and the sudden vertical descent of Philippine economy during marcos' regime. kaduda duda kasi noong mga panahong iyon. bagsak ang economiya pero mataas ang kalidad ng edukasyon. matatag at malakas ang military. boom ang pagtatayo ng mga struktura sa kamaynilaan at ibang lalawigan. nag eexport tayo ng maraming produkto. dumami ang nag migrate sa hawaii, guam, palau at saipan at LA. umugong ang balita tungkol sa YAMASHITA treasure, at ng mapaalis si marcos sa pwesto, nakita ang napakaraming blue print ng mapa ng pilipinas regarding future projects.

ewan din lang. pero may plano noon si marcos na hindi natupad. at ang planong yun ang matagal nang inaasam ng maraming pilipino................ang maging bahagi ng amerika ang pilipinas. CONSPIRACY THEORY lang naman yan.
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Razz on December 04, 2013, 09:19:25 PM
Marcos will always be the best President that ever walked in the land of the Philippines.

Sent from my SGH-T999 using Tapatalk

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Dimmu Borgir on December 05, 2013, 08:56:10 AM
Way back in 1984, the Philippines suffered slow down of economic activities due to high price of oil. Ang karaniwang nating iniexport katulad ng asukal at coconut oil ay bumaba ang presyo sa pandaigdigang merkado. Ang turismo na isa sa pinagkukunan natin ay bumabang masyado dahil sa pagpatay kay Ninoy at mga kaguluhan laban sa gobyerno.

Walang pumapasok na negosyante dahil nga sa kaguluhan ng pulitika sa atin. At mga pandaigdigang bangko ay hindi na rin tayo pinapautang at higit sa lahat yung mga inutang ni MArcos nun na ginamit nya sa pagpapatayo ng mga impra straktura ay sinisimulan na tayong singilin.

Dahil dito nagsimulang magsara ang maraming kumpanya at nagkaroon ng malawakang kakulangan sa trabaho. Sinikap tayong iahon ni MArcos ngunit nabigo sya dahil sa kawalan ng tiwala at korapsyon sa kanyang pamumuno...

Negatibong ekonomiya. Bilyong Pisong utang.

Ito ang ipinamana sa atin ni Marcos. Wag tayong masilaw sa mga imprastrakturang ipinigawa nya dahil yun ay inutang nya na binabayaran pa natin hanggang ngayon.

Matalino nga si Apo dahil habang ibinubulsa nya ang pera ng taumbayan, utang naman ang ipinangpopondo nya sa kanyang mga proyekto. 
 
there is or should i say WAS a so called "conspiracy theory" behind the overlending or sobrang pag utang noong mga panahon ni marcos and the sudden vertical descent of Philippine economy during marcos' regime. kaduda duda kasi noong mga panahong iyon. bagsak ang economiya pero mataas ang kalidad ng edukasyon. matatag at malakas ang military. boom ang pagtatayo ng mga struktura sa kamaynilaan at ibang lalawigan. nag eexport tayo ng maraming produkto. dumami ang nag migrate sa hawaii, guam, palau at saipan at LA. umugong ang balita tungkol sa YAMASHITA treasure, at ng mapaalis si marcos sa pwesto, nakita ang napakaraming blue print ng mapa ng pilipinas regarding future projects.

ewan din lang. pero may plano noon si marcos na hindi natupad. at ang planong yun ang matagal nang inaasam ng maraming pilipino................ang maging bahagi ng amerika ang pilipinas. CONSPIRACY THEORY lang naman yan.
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Prime™ on December 05, 2013, 10:32:18 AM
^^

Whoa whoa whoa whoa, easy there slick. Did you just compare us with NK? A dirt poor backward backwater communist state where religion is prohibited, massive famine is an everyday occurrence and cannibalism isn't unheard of?

It was so bad the Chinese try to keep their cemeteries away from their borders due to fears of corpses being exhumed to be eaten?

Did you just compare Marcos' martial law with that?

And perhaps you could enlighten us, baka mas alam mo ito, admittedly my knowledge is limited pero when you say tumaas ang oil and it affected our GDP, how is that his fault? From the tone of your statement, sounds like your blaming the guy for all that.

About utang, isn't it usual practice for countries to have debt? Even the US and other G20 big shots have debts. What makes you think our country wouldn't have debt if it weren't for him? Clarify this one mate.

And weren't the Makati Business Club instrumental in many of this economic pressures to punish him and force him out of Malacañang? Care to touch on this?

You're painting this too extreme man. Hindi lang si Makoy ang makapangyarihan noon, obviously masisipa ba siya if that's the case? Sure he was the top dog in writing pero I'm more than positive that behind the scenes there are people that have the kind of clout and influence that could kick out an elected official.

More than likely there was a conspiracy IMHO. All the red flags of conspiracy are there. There's just too much details that do not add up. Most of what  I hear about is the incredibly simplistic Marcos bad, Cory good innuendos. Dude I take that as an insult to my intelligence.

The powers that be then are still the powers that be now.

There are no saints here, lahat I think may pagkakasala sa taong bayan. Nagkataon lang mas magaling ang PR department nung isa.

History is written by the victors ika nga.

GMA was an incompetent, corrupt to the bone joke of a president. Where were those heroes then? I call BS man.

Sarsuela lang lahat ito.
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: IORI™ on December 05, 2013, 11:59:19 AM
siguro dapat dagdagan ang termino ng presidente ng pilipinas .. 4 years is not enough .. and i think dapat sana wala din opposition .. nasasayang ang araw at pera ng tao kaka debate nila .. after nila mag debate kakain sila sa business luncheon .. ang mamahal ng pag kain ng mga taragis! panay nakawan pa .. bigyan ng kamay na kamao ang batas natin .. pero siguro mahirap parin mabago ang panis na systema .. kasi hindi lang naman presidente ngayon ang may impluwensha .. maging ang matataas na tao .. mga cojuanco at iba pa na kayang manipulahin ang bansa ..
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: fayt on December 05, 2013, 12:09:24 PM

mejo delikado madagdagan ng termino yun uupong presidente..

pano pag yun presidente nakaupo talamak sa kurakot at naiupo lang sya dahil sa popularity.. edi mas matagal sya magpapakasaya sa posisyon nya

saka kung mawawala ang opposition, sino na lang titingin sa irregularidad sa pamumuno ng isang presidente.. tama po kayo na nauubos ang time sa debate pero dun kasi nagkakaroon ng linaw o nabubusisi in detailed yun mga problem or loophole ng isang transaction or batas...
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Dimmu Borgir on December 05, 2013, 12:53:28 PM
If Marcos ay di nakick out sa pwesto, dyan siguro tayo patungo. Ordinary citizen bcome an easy target for military during those times. Abuses by military people is a common practice during that dayy specially in far flung provinces. Anytime pwede ka nilang patayin, just saying..

Big corporations are taken away by marcos and it's cronies. Anong magagawa mo sa Martial Law? Ikukulong ka pag di mo binigay ang negosyo mo.

Walang may kasalanan kung tumaas ang presyo. Di ko sinisisi si Apo dito, what im trying to say, if the government of Makoy have it's credibility and is not corrupt, siguro nakabawi tayo. Hindi lang naman issue ng langis ang nagpabagsak sa ekonomiya natin, isa lang yan sa factor..
 
Yes, its a common practice but did you ever think kung anong klaseng utang ang ginawa ni Makoy na kahit na yung magiging anak natin eh may utang nang babayaran? I have read some article na up to 2025 pa natin matatapos bayaran yung utang ni makoy.

Imagine 1B dollar ang utang ng pinas nung umupo si makoy tapos 28b dollar ang utang natin pag alis nya. If i remember it right, kay Makoy nagsimula yung batas na automatic naglalaan ng perang pambayad kahit pa konti na lang ang matirang resources para mapondohan yung basic services.. And according to PCGG, ibinulsa pa rin ni Apo ang ilan sa mga inutang natin..

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Dimmu Borgir on December 05, 2013, 01:01:24 PM
For me, yung pagbawas saka pagdagdag ng taon ay may pros and cons kaya ok na sa aking yung 6 years..

Ang gusto ko lang, i amend ang constitution tapos palitan yung ibang batas like yung qualification ng mga leaders natin na dapat may kakayahan sila, may pinag aralan, at may moral values para mamuno sa atin. Di yung current situation natin ngayon na basta may pera at nasa tamang idad, tatakbo na..

Second, pass the anti dynasty law..
Third, pass the FOI Bill.
4th, Scrap PDAP, DAP, etc.
5th, pass the anti epal bill..
6th death sentence for corrupt politicians..
 
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: GHOST PROTOCOL on December 05, 2013, 11:48:48 PM
ang pagpatay kay ninoy ang isa pa ring conspiracy theory. isang maling hakbang na lalong nagpasama sa kalagayan ng bansa.
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: IORI™ on March 08, 2014, 01:52:42 PM
Granting sa panahon ngayon si marcos ang naka upo .. ano sa tingin nyo ?? May napoles bang lalabas.? May senators bang kikickback sa mga pork barrels??

sent from ... ahmmm .. .. .. sorry I forgot .. :D

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Chrollo on March 23, 2014, 03:29:13 PM
IMHO, kung di naging kurakot si Marcos, siya ang masasabi kong naging magaling na presidente. Remember, 20 years in power sya at ito ay nahahati sa ilang termino. Yung unang termino nya, yun na siguro yung glorious days of Philippines since dito sya nagpatupad ng mga pagbabago, mga imprastraktura, at kung anu ano pa na nakinabang kundiman nakapabago ng buhay ng mga pilipino.

Ang problema lang eh nung magdeklara sya ng martial law at di lang karapatan ng mga tao ang kinuha nya di kundi maging ang pera ng taumbayan. May mga nagsasabi na maganda daw ang martial law dahil nadisiplina tayo. Pero ang mga nagsasabi nito ay yung walang experience sa totoong martial law. Subukan kaya nyong tumira sa North Korea para malaman nyo kung maganda nga ang martial law.

Dahil sa korapsyon at kawalan ng kredibilidad ng rehimeng Marcos, simula nung 1984 ay nakaranas ang pilipinas ng negative economic growth.

At ng mapaalis sya, bilyong piso ang utang ng Pilipinas na hanggang ngayon eh binabayaran pa natin.

Ang sumunod na mga lider eh mga walang kakayahan o kundiman eh kurakot din.. Saan pa nga ba tayo patungo sa mga ganitong pinuno?

Minsan nakakatawa tayo, si erap convicted na kurakot, nung tumakbo, kung wala si noynoy, siya pa ang nanalo, Si marcos, pinagnakawan tayo ng bilyong piso, ginoglorify pa natin.

Naisip ko lang, kung di kaya tayo binaon ni marcos sa utang, nasaan kya tayo ngayon, pareho din ba kung sakali ng sitwasyon natin ngayon?

Wala namang perpektong presidente, mas ok pa rin sa akin si Noynoy at least may pagbabago tayo sa ilang bagay bagamat mahina talga sya sa pag handle ng mga situation, ang mahalaga di sya kurakot.

Kesa naman kay Gloria, FVR, Ramos na puro kurakot ang issue.. Kulang na lang eh ibenta ang mga pinoy para yumaman pa..

Naitanong ko lang, kung wala kaya tayong utang, siguro may apgbabago sa Pilipinas   
 
 Mauunlad ang pilipinas nung unang term ni marcos, pero bumagsak na nung mga sumunod na taon.. Bakit ba marami ang nagsasabi na maraming mabuting nagawa si Marcos?.. Huwag nating kalimutan ang Martial law na hindi patas ang media, mapa T.V. Diyaryo at Radyo. Bawal ang balita na lumalaban at nagpapakita ng masama sa gobyerno..Patunay ang mga abduction ng mga journalist at UP activist noong Martial Law, bawal ang mag rally at sumalungat sa Gobyerno.

Lahat ng uri ng Media (T.V. Radio at Diyaryo) ay dapat maganda at positibo lalo patungkol sa Presidente at ang kanyang pamilya..
Ito tayo ngayon isang brain wash na henerasyon
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: GHOST PROTOCOL on March 24, 2014, 12:28:09 AM
Granting sa panahon ngayon si marcos ang naka upo .. ano sa tingin nyo ?? May napoles bang lalabas.? May senators bang kikickback sa mga pork barrels??

sent from ... ahmmm .. .. .. sorry I forgot .. :D

meron pa rin. hindi nga lang halata kasi walang magbubulgar dahil ipapapatay or ipapakulong agad.
ang siguradong wala ay mga rally, welga, protesta at lahat ng kontra sa gobyerno. kung sa panahon ngayon si marcos ang naka upo, hindi pwede  mag komento sa mga balita. hindi pwede itong mga ginagawa natin na sasagot na lang ng basta basta dahit tyak "MAGBIBISEKLETA KA MAGHAPON SA CAMP CRAME"

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: IORI™ on March 24, 2014, 01:57:08 AM

meron pa rin. hindi nga lang halata kasi walang magbubulgar dahil ipapapatay or ipapakulong agad.
ang siguradong wala ay mga rally, welga, protesta at lahat ng kontra sa gobyerno. kung sa panahon ngayon si marcos ang naka upo, hindi pwede  mag komento sa mga balita. hindi pwede itong mga ginagawa natin na sasagot na lang ng basta basta dahit tyak "MAGBIBISEKLETA KA MAGHAPON SA CAMP CRAME"

Haha ayos no? Parang mas gusto ko pa yan kesa ngayon .. hindi sana tayo nag hihirap mag trabaho sa labas ng ating bansa .. kayo ba mas pipiliin nyo ganitong gobyerno? Oo meeon tayong kalayaan .. sobra sobra pa nga eh kahit ipahiya mo ang pangulo sa media araw araw ok lang .. kaso panay din ang kurakot sa pinag hihirapan natin mga pilipino .. sila at ang kanilang mga kamag anak ang yumayaman .. biruin mo maraming pilipino nasa sariling bansa walang sariling lupa!? Kung mag karoon man ng katulad ng pag disiplina ni marcos ngayon .. susunod nalang ako maayos naman ang gobyerno kesa sa ngayon .. hanap buhay mo para sa pamilya iba nakikinabang .. imho ..

Sent from my Excite 450q using Tapatalk

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Dimmu Borgir on March 24, 2014, 03:20:17 PM
I can't imagine what u'r trying to say.

Try to look for this, situation of the Philippines bago  sya maupo at sitwasyon ng Pilipinas nung iniwan nya. Ano bang klase ang Pilipinas pag alis nya? Maunlad ba tayo? Marami bang trabaho? Maganda ba ang ekonomiya natin?

Sad to say , Crony Capitalism Policy of Marcos benefited lang ang kanyang mga cronies and close friends. They monopolize everything from sugar to coconut, one of our major export during those days. Binbili nila ito sa mga magsasaka sa presyong gusto nila at hindi sa presyo ng pandaigdigang merkado at ipinanagbibili naman sa mataas na presyo. at ang kita ay sa bulsa nila ito pumapasok..

Did you ever heard about Coco Levy Fund? Ito yung perang ginamit ni Danding para bumili ng shares sa SMC.. Ito ay pera ng mga magsasaka ng niyog na sapilitan nilang kinuha o kung tawagin ay "forced taxation" kapalit ng pangakong gagamitin ito para mapaunlad ang pagniniyog sa Pilipinas.. Pero ginamit lang ito sa pansariling interes..

Hindi lang yan, ang malalaking korporasyon ay kinuha din ng mga Marcos nung panahon ng Martial LAw at ipinamigay sa mga cronies..    Martial law is not intended para madisiplina tayo, ito ay intended para mapatahimik ang mga bumabatikos sa kanya at para magawa nya ang gusto nyang gawin ng walang bumabatikos sa kanya..

Did u ever have a clue kung gaano ka extravagant ang lifestyle ng mga Marcos using our money?

kaya lang naman ni Imelda Marcos nung panahon nya gumastos ng 2million US dollar sa loob ng isang araw sa kanyang shopping spree...
 
then today, many youths are idolizing this people..
tsk... tsk.. tsk..
 
Post by: Lord Nok Von Hauten on March 24, 2014, 03:33:03 PM

Dimmu, matanong lang kita ilang taon ka na ba ngaun? Skolar kaba ngaun ng UP or PUP?

Naitanong mo ba sa magulang mo kung anong klaseng pamilya ang marcos? Ang magulang mo ba ay ordinaryong tao na katulad namin? Buhay pa ba sila?

Sent from my Lenovo A3000-H using Tapatalk

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Dimmu Borgir on March 24, 2014, 04:33:15 PM
I'm not a scholar.

Isa akong anak ng magniniyog na nakabase sa probinsya.

Cocolevy is amounting to billion of pesos na galing sa dugo at pawis ng mga mahirap na magsasaka  na katulad namin.. 

Baka sabihin mo bakit kami magbibigay? Sasabihin ko sayo, military abuses during martial law is far from what u can imagined.. Isang mali mo lang, may paglalagyan ka esp. nasa probinsya ka..

Martial law is designed so that people will just follow mali man o tama ang pinapagawa sayo.. You have no right to complain at all..

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: IORI™ on March 24, 2014, 04:41:10 PM
Ibig ko sabihin sir dimmu if .. if magkaroon ng katulad ni marcos sa panahon ngayon .. the way he manage his duties and responsibilities bilang presidente .. kung paano mag disiplina .. yun ang mas gugustuhin ko ..

Shempre tao din sila na nasisilaw sa pera kaya nangurakot din sila pero marami silang nagawa kesa sa mga sumunod na presidente .. kasi paano makakagawa ng maayos ang presidente ngayon eh gahol sila sa oras? Ilang taon lang ba ang termino nila? Masasayang pa sa hearing na halos araw araw dyan nauubos ang oras at salapi ng tao .. mga project na di masulong dahil plano palang kinokontra na.. nasaan disiplina doon? Mangangampanya palang para sa pagka presidente katakot takot na pera mawawaldas .. halos di na mapansin ang mga problema ng filipino .. kapag nag karoon ng issues katulad ng kay vhong .. wala na .. aandar ang buwan uusod pagong ang dapat unahin .. nag papa apekto sa media .. nag papa apekto sa simbahan .. im not into what happen sa nakaraan .. doon ako saludo sa taong kayang dumisiplina sa nakakarami ..

Kaya if ever mag karoon ng presidente na may kamay na bakal doon ulit ako boboto .. (how about duterte) hik hik

Sent from my Excite 450q using Tapatalk

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Kurimasu on March 24, 2014, 04:46:03 PM
Kahit anong mangyari, kahit na anong nangyari, anong anong sasabihin nyo, kahit ano pa man ang sinabi nyo, kay Apo Marcos parin ako. May nakawan nga nuon, may nakikita ka naman na mga bagong nagagawang proyekto. Yun lang.
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Dimmu Borgir on March 24, 2014, 04:47:18 PM
that is the legacy of marcos..

politicians of today learned that even nangurakot ka pwede ka pa rin palang maging bayani paglipas ng panahon..

but if this politicos will be put in a firing squad once na napatunayang guilty sila sa korapsyon, then this country will be a better place for us..

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Troll Montero on March 24, 2014, 04:53:29 PM
para sa akin si Erap ang pinakagusto ko na presidente.. nung panahon niya kumikita ako ng maganda, hindi ko kinailangan na mag abroad...

di man ako nabuhay sa panahon ni Marcos, pero ayoko sa pamumuno niya.. walang freedom, maunlad nga ang pinas pero nararamdaman ba yun ng ordinaryong tao??? nakakapag enjoy ba sila sa buhay nila nung panahon ni marcos? nakakapag abroad ba ang mga pinoy na visa free nuong panahon ni macoy? paano ba nasasabi na maunlad tayo nung panahon niya? dahil sa mga gusali, tulay na pinatayo niya? o dahil ang dolyar nuon ay mababa pa? di ko kase alam hehe...

Nuong panahon ni Marcos napalaking pera ang inutang niya, nung panahon niya tayo ang may pinaka baon sa utang na bansa sa ASIA. Minana ng mga sumunod sa kanyang Presidente ang mga inutang ni Macoy, kaya hanggang ngayon tayong mga tax payer ang nagbabayad nun..

mas gusto ko ang pilipinas na malaya ang mga tao.. hindi hinihigpitan nang kung sino.

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Troll Montero on March 24, 2014, 05:00:43 PM
kung si Marcos ang Presidente natin ngayon, malamang kalaban na tayo ng buong mundo, para na tayong North Korea...
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: IORI™ on March 24, 2014, 05:09:00 PM
kung si Marcos ang Presidente natin ngayon, malamang kalaban na tayo ng buong mundo, para na tayong North Korea...

Haha sir TM ready na armas ni kuri!! haha!!

Sent from my Excite 450q using Tapatalk

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Dimmu Borgir on March 24, 2014, 05:09:11 PM
You are correct na may nagawa sya..

Pero u must know also na ito ay pinondohan ng utang na binabayaran pa natin hanggang ngayon..

And u must know also na ito ay isa rin sa source of income ni Makoy.. Maybe its IMF that cites na 30% sa mga inutang ni Makoy ang napunta sa bulsa nya..

It's a good example, the BNPP project that cost us 2.1 billion dollar na pinaniniwalaang kaya umabot sa ganun ang presyo ay dahil kay Marcos’s demand for huge kickback in order to accommodate Disini and other cronies and anyone na tumulong.

At ang masakit pa, di natin nagamit ang BNPP dahil sabi ng mga geologist eh unsafe yung location...

Kahit anong mangyari, kahit na anong nangyari, anong anong sasabihin nyo, kahit ano pa man ang sinabi nyo, kay Apo Marcos parin ako. May nakawan nga nuon, may nakikita ka naman na mga bagong nagagawang proyekto. Yun lang.
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Troll Montero on March 24, 2014, 05:29:19 PM
PROCLAMATION No. 1081         September 21, 1972

PROCLAIMING A STATE OF MARTIAL LAW IN THE PHILIPPINES

napakadaming namatay na pilipino dahil dito.. mga maling akusasyon, mga nagdusa ng walang kasalanan.. pinakamagulong batas sa kasaysayan ng pilipinas...

sige ihirit nyo pa na si Marcos ang Best President nyo ahihi..
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: IORI™ on March 24, 2014, 05:35:14 PM
Sino ba kasi nakinabang nung napa alis na sa pwesto si marcos? Natural yun mga nag patalsik sa kanya .. yung mga may ayaw sa kanya .. yung mga nag pasama sa kanya .. shempre di na nya kaya ipag tanggol ang sarili na overwhelm na sya ng kabilang partido kaya para mapalayas .. ginamit na ang tao .. mahirap na din pag usapan dahil masyado ng malalim ang problema na ito .. kung yung utang nya eh naipasa sa mga sumunod na pangulo bakit sa kanya ang sisi? Kung tutuusin kung walang kurap sa gobyerno sana bayad na yan nuon pa .. mayaman ang pilipinas .. kaya nga mahal na mahal sila ng mga politiko .. tomo pasa pasa ng trono sa mga ka anak .. kay napoles palang malaking pambawas utang na yun .. hik hik!!

Sent from my Excite 450q using Tapatalk

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: 2013rev2013 on March 25, 2014, 05:58:17 AM
base sa mga itinuro noon at nabasa sa mga libro, magaling at mautak talaga si marcos, sinasamba nga yata sila sa ilocos eh..
kasi umunlad bayan nya..
di masyado laganap ang corruption kasi sila lang at mga kampi sa kanya ang dapat magnakaw, di katulad ngayon ultimo alalay sa barangay corrupt na din..

lahat naman ng sobra masama, lalo na yung mga nakapaligid sa kanya, may mga nagsabi nga si imelda dahilan ng pagbagsak nya, nagkasakit pa sya ng malubha..

mga presidente naman pagkatapos nya, di rin natin masisisi, isang maybahay na naging presidente, dami pang problemang namana..

ironic lang kasi parang naulit sa anak, pagkatapos nang pagnanakaw sasaluhin ng aquino..

not saying ok na pinas ngayon, pero kay gma kasi harapan na syang nagnanakaw, nagsorry pa nga, wala naman magawa..

anyway...
magkano ba pinkamababang pamasahe inabutan nyo?  :peace: :peace: :peace:
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: GHOST PROTOCOL on March 25, 2014, 08:24:09 AM
ayaw nila sa panahon ni marcos pero reklamo naman sila ng reklamo sa lahat ng mga naging presidente pagkatapos ni marcos. lahat TINAWAG NA TUTA NG KANO. lahat pinag welgahan. may nag KUDETA pa nga at may mga NAKULONG pa. lahat ng mga nagaganap sa bansa ay isinisisi sa presidente. pati nga pagpapakamatay ng estudyante isinisi sa presidente. ultimo kawalan ng pang load kasalanan pa rin ng presidente. LAHAT NA LANG ISINISI sa presidente.
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Dimmu Borgir on March 25, 2014, 08:40:21 AM
I am not sure kung sino talaga ang nakinabang. The only thing I know is nagtulong tulong ang mga tao from all sectors of society para mapaalis sya. Cory, i believe have a good intention running this country but he is not competent enough to do it since she don't have anything except for a good heart & she is the widow of the late Benigno Aquino..

Good intention alone, cannot make this country a better place. You must have also the knowledge, skills, guts and everything to do it.. That's why even Cory have a good intention, hindi sya naging isang magandang ehemplo bilang lider..

And I believe na wala namng nagpasama kay Marcos lalo na at panahon ng Martial Law kung saan hawak nya sa leeg ang lahat kaya lang ang mga tao ay pagod na sa pang aabuso, kaya nagsimula na silang magkaisa at lumaban.

The Philippine debt is so huge na hindi ito ganun kadaling bayaran. If i remember it right, Marcos makes a law allotting some portion of our national budget para ipangbayad sa utang nya at sa mga interes nito kahit na i deprive ang mga tao sa basic services.. Means to say, priority ang utang kesa basic services.. Dito pa lang makikita mo na ang simula ng problema...

At itong utang na ito ang nagpaluhod sa Pilipinas. At sinong dapat sisihin sa mga bagay na ito?

Alangan namang ako.

Syempre kung sinong umutang, yun ang may kasalanan.. Pareho lang yang pag may umutot, alangan namang sisihin mo yung katabi nung umutot...

hihihihi...   

Sino ba kasi nakinabang nung napa alis na sa pwesto si marcos? Natural yun mga nag patalsik sa kanya .. yung mga may ayaw sa kanya .. yung mga nag pasama sa kanya .. shempre di na nya kaya ipag tanggol ang sarili na overwhelm na sya ng kabilang partido kaya para mapalayas .. ginamit na ang tao .. mahirap na din pag usapan dahil masyado ng malalim ang problema na ito .. kung yung utang nya eh naipasa sa mga sumunod na pangulo bakit sa kanya ang sisi? Kung tutuusin kung walang kurap sa gobyerno sana bayad na yan nuon pa .. mayaman ang pilipinas .. kaya nga mahal na mahal sila ng mga politiko .. tomo pasa pasa ng trono sa mga ka anak .. kay napoles palang malaking pambawas utang na yun .. hik hik!!

Sent from my Excite 450q using Tapatalk
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: IORI™ on March 25, 2014, 09:01:00 AM
Nyahaha kulet!! My point is wala na ang presidente .. patay na .. pinalitan ng isang babae na wala karanasan sa politika .. sino mag mamando? Yun mga nagpatalsik sa kanya .. yun mga naka abangers sa pera ng bayan .. kung baga dummy lang ang presidente .. may nag papatakbo na di nakikita pero umaani ng yaman .. responsibilidad ng presidente bayaran ang utang ng bayan .. eh bakit untill now di pa tapos samantalang nag kamal na sila ng pera .. yun isa nag "sorry" na .. yung nabisto ngayon nasa congress pa .. ibig lang sabihin may pera ang pilipinas .. sinisisi ang nakaraan para bulagin yung mga kalokohan nila ngaun .. ang husay nila db?
Ngayon kung ang pilipinas ay mag karoon ulit ng striktong pamamahala .. di ba dapat tayo matuwa? Hindi naman ibig sabihin ng stikto eh katulad na ng bansang norkor! Ang point ko disiplina sa pamahalaan at sa hustisya ng bansa .. ibalik ang death penalty .. walang kumpadre walang kamag anak .. nakapiring ang hustisya .. o deba san pa tayo nyan? Di na tayo mag aabroad nyan hikhik!!

Sent from my Excite 450q using Tapatalk

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Dimmu Borgir on March 25, 2014, 09:27:46 AM
yan nga ang legasiya ni Makoy. Pinakita nya kung paano madaling mauto ang mga Pilipino.. Si Makoy nga bilyong dolyar ang kinurakot, pero kinokunsidera parin para sa pambansang paglilibing. Hindi lang yan, pinapalakpakan pa...

sila pa kaya na barya barya lang lang ang mga kurakot ng mga sinasabi mo kumpara sa kanya.. kaya ganun na lang mangurakot ang mga pulitiko sa atin dahil inspired sila kay Makoy.. Masisisi mo ba sila?

Hindi ganun kadaling bayaran ang mga utang dahil nag iinteres pa rin at ang mga sumunod na lider eh nangutang din lalo na si COry dahil bangkarote ang gobyernong iniwan ni Makoy..

Kay makoy na utang na lang, up to 2025 pa natin mababayaran, sus ginoo..
 
Nyahaha kulet!! My point is wala na ang presidente .. patay na .. pinalitan ng isang babae na wala karanasan sa politika .. sino mag mamando? Yun mga nagpatalsik sa kanya .. yun mga naka abangers sa pera ng bayan .. kung baga dummy lang ang presidente .. may nag papatakbo na di nakikita pero umaani ng yaman .. responsibilidad ng presidente bayaran ang utang ng bayan .. eh bakit untill now di pa tapos samantalang nag kamal na sila ng pera .. yun isa nag "sorry" na .. yung nabisto ngayon nasa congress pa .. ibig lang sabihin may pera ang pilipinas .. sinisisi ang nakaraan para bulagin yung mga kalokohan nila ngaun .. ang husay nila db?
Ngayon kung ang pilipinas ay mag karoon ulit ng striktong pamamahala .. di ba dapat tayo matuwa? Hindi naman ibig sabihin ng stikto eh katulad na ng bansang norkor! Ang point ko disiplina sa pamahalaan at sa hustisya ng bansa .. ibalik ang death penalty .. walang kumpadre walang kamag anak .. nakapiring ang hustisya .. o deba san pa tayo nyan? Di na tayo mag aabroad nyan hikhik!!

Sent from my Excite 450q using Tapatalk
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Chrollo on March 25, 2014, 05:23:26 PM
Tama naman po si Sir Iori hindi dapat isisi lahat kay makoy ang pagbagsak ng pilipinas,
may pagkukulang din ang mga sumunod na pangulo, subalit hindi natin mapagkakaila na  naging tiwali ang pamunuan ni Marcos.. Ang point siguro ng ibang follower ni Apo ay wag siyang gawing Escape goat pag napag uusapan ang katiwalian at pagbagsak ng pilipinas
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: shane on April 06, 2014, 06:17:33 AM

IMHO, kung di naging kurakot si Marcos, siya ang masasabi kong naging magaling na presidente. Remember, 20 years in power sya at ito ay nahahati sa ilang termino. Yung unang termino nya, yun na siguro yung glorious days of Philippines since dito sya nagpatupad ng mga pagbabago, mga imprastraktura, at kung anu ano pa na nakinabang kundiman nakapabago ng buhay ng mga pilipino.

Ang problema lang eh nung magdeklara sya ng martial law at di lang karapatan ng mga tao ang kinuha nya di kundi maging ang pera ng taumbayan. May mga nagsasabi na maganda daw ang martial law dahil nadisiplina tayo. Pero ang mga nagsasabi nito ay yung walang experience sa totoong martial law. Subukan kaya nyong tumira sa North Korea para malaman nyo kung maganda nga ang martial law.

Dahil sa korapsyon at kawalan ng kredibilidad ng rehimeng Marcos, simula nung 1984 ay nakaranas ang pilipinas ng negative economic growth.

At ng mapaalis sya, bilyong piso ang utang ng Pilipinas na hanggang ngayon eh binabayaran pa natin.

Ang sumunod na mga lider eh mga walang kakayahan o kundiman eh kurakot din.. Saan pa nga ba tayo patungo sa mga ganitong pinuno?

Minsan nakakatawa tayo, si erap convicted na kurakot, nung tumakbo, kung wala si noynoy, siya pa ang nanalo, Si marcos, pinagnakawan tayo ng bilyong piso, ginoglorify pa natin.

Naisip ko lang, kung di kaya tayo binaon ni marcos sa utang, nasaan kya tayo ngayon, pareho din ba kung sakali ng sitwasyon natin ngayon?

Wala namang perpektong presidente, mas ok pa rin sa akin si Noynoy at least may pagbabago tayo sa ilang bagay bagamat mahina talga sya sa pag handle ng mga situation, ang mahalaga di sya kurakot.

Kesa naman kay Gloria, FVR, Ramos na puro kurakot ang issue.. Kulang na lang eh ibenta ang mga pinoy para yumaman pa..

Naitanong ko lang, kung wala kaya tayong utang, siguro may apgbabago sa Pilipinas   
 
Ang tanda mo na pala tol. Ano ang iginanda ng gobyerno ni noynoy? Sige nga bigyan mo ako ng isang bagay na iginanda ng noynoy regime. Sobrang mahal ng bilihin pero sobrang baba din suweldo. Saka paano ka nakakatiyak na hindi nagnanakaw si noynoy?

Sent from shane317,s shoes
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Dimmu Borgir on April 06, 2014, 09:10:50 AM
Yan ang hirap sa atin, akala mo ang pag asenso eh parang computer na isang click mo lang eh magbabago na lahat..

Walang magic ang presidente lalo na kung lugmok ang dinatnan nyang sitwasyon. Tingnan mo na lang ang Singapore at kung gaano katagal ang panahon nitong ginugol para maabot ang kalagayan nito ngayon.

Si  Lee Kuan Yew ay kasabayan lang ni Marcos na namuno pero ano ang kaibahan ng isang mabuting presidente sa kurakot na presidente.. Maunlad ang Singapore samantalang lugmok ang Pilipinas sa utang.

Isipin mo na lang, ano ang status ng Singapore nung umupo si Lee Kuan Yew bilang prime minister? napakaraming problema katulad ng mass unemployment, housing shortages and kakulangan sa lupa saka natural resources, racial tension saka kung anu ano pa.

Eh ang Pilipinas? Pangalawa lang naman tayo sa Japan nung umupo si Makoy..

Eh ano ang ginawa ni Lee Kuan Yew? Ginawa lang naman nya ang isang developing nation to first world status.

Eh si Makoy? Mula sa pangalawa, eh ginawa nya ang pilipinas na lubog sa utang at  bagsak ang ekonomiya nung pag alis nya..

At take note pa.. Sa kabila ng mga problema ng Singapore, pinautang pa rin nito ang pilipinas na aabot sa 8 bilyong dolyar..

Sa panahon ni Noynoy ay may mga pagbabago na economically, katunayan sa isang article sa Time Magazine ay nabanggit ito, (ito yung link)
   http://www.philstar.com/business/2014/03/13/1300480/philippines-new-group-top-emerging-economies (http://www.philstar.com/business/2014/03/13/1300480/philippines-new-group-top-emerging-economies)

pero katulad ng sinabi ko di ito kaagad mararamdaman lalo na ng ordinaryong Pilipino pero pag ang susunod at mga susunod pang lider ay may kaparehong vision at di kurakot na katulad ni Pinoy, makakakita ng pag asa ang Pilipinas lalo na kung makukulong ang 3 senador..
 
Ang tanda mo na pala tol. Ano ang iginanda ng gobyerno ni noynoy? Sige nga bigyan mo ako ng isang bagay na iginanda ng noynoy regime. Sobrang mahal ng bilihin pero sobrang baba din suweldo. Saka paano ka nakakatiyak na hindi nagnanakaw si noynoy?

Sent from shane317,s shoes
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: shane on April 06, 2014, 02:30:35 PM

Yan ang hirap sa atin, akala mo ang pag asenso eh parang computer na isang click mo lang eh magbabago na lahat..

Walang magic ang presidente lalo na kung lugmok ang dinatnan nyang sitwasyon. Tingnan mo na lang ang Singapore at kung gaano katagal ang panahon nitong ginugol para maabot ang kalagayan nito ngayon.

Si  Lee Kuan Yew ay kasabayan lang ni Marcos na namuno pero ano ang kaibahan ng isang mabuting presidente sa kurakot na presidente.. Maunlad ang Singapore samantalang lugmok ang Pilipinas sa utang.

Isipin mo na lang, ano ang status ng Singapore nung umupo si Lee Kuan Yew bilang prime minister? napakaraming problema katulad ng mass unemployment, housing shortages and kakulangan sa lupa saka natural resources, racial tension saka kung anu ano pa.

Eh ang Pilipinas? Pangalawa lang naman tayo sa Japan nung umupo si Makoy..

Eh ano ang ginawa ni Lee Kuan Yew? Ginawa lang naman nya ang isang developing nation to first world status.

Eh si Makoy? Mula sa pangalawa, eh ginawa nya ang pilipinas na lubog sa utang at  bagsak ang ekonomiya nung pag alis nya..

At take note pa.. Sa kabila ng mga problema ng Singapore, pinautang pa rin nito ang pilipinas na aabot sa 8 bilyong dolyar..

Sa panahon ni Noynoy ay may mga pagbabago na economically, katunayan sa isang article sa Time Magazine ay nabanggit ito, (ito yung link)
   http://www.philstar.com/business/2014/03/13/1300480/philippines-new-group-top-emerging-economies (http://www.philstar.com/business/2014/03/13/1300480/philippines-new-group-top-emerging-economies)

pero katulad ng sinabi ko di ito kaagad mararamdaman lalo na ng ordinaryong Pilipino pero pag ang susunod at mga susunod pang lider ay may kaparehong vision at di kurakot na katulad ni Pinoy, makakakita ng pag asa ang Pilipinas lalo na kung makukulong ang 3 senador..

Sabagay tama ka malaki ang pagbabago economically. 

Bumaba ang presyo ng basic needs. Kuryente, bigas, petrolyo, pamasahe, semento, bakal

Grabe ang sweldo ng karaniwang empleyado sobra- sobra sa kanilang pangangailangan.

Nabawasan ang nag- aabroad dahil sobrang dami ng trabaho ngayon.

Ang mga ofw bumaba ng 100% ang mga kailangang bayaran. Ganun din ang philhealth.

Nasasabi mo lang yan kasi lahat ng mababasa mo sa internet ay puro against kay Marcos.  Nakalagay sa occupation niya corrupt, dictator. What the hell, samantalang si cory saint

Marami siyang inapi at inagrabyado how about the hacienda luisita.  Bumabase ka sa mga nababasa mo at hindi sa nakikitang bunga.

Sent from shane317,s shoes
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Dimmu Borgir on April 06, 2014, 02:55:31 PM
Inapi at inagrabyado sa hacienda luisita? Sila lang ba ang nang api? Nasisingle out lang ang mga aquino kasi wala silang maibatong issue sa kanila kaya paulit ulit na lang..

Pero ano ba ang issue? CARP ba? it is a common knowledge na ang agrarian reform is a failed program by the government.. Kahit dito sa amin di ito nasunod..

Incompetent si Cory bilang lider  pero wala syang utang na dugo sa atin di katulad ng ibang pulitiko na halos ipagbili na tayo at ipangutang ang kinabukasan ng ating mga anak para lamang sa pansariling interes..

Note: Natawa naman ako sa bungang sinasabi mo. Matuwa pa pala ako na yung magiging apo ko eh magbabayad pa sa inutang ni MAkoy. Sabi sabi lang, 2025 pa daw natin mafufully paid yung inutang nya.. Susamaryusep ka inggo...

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: shane on April 06, 2014, 07:09:38 PM
ito napulot ko lang..The Philippine economy has been growing steadily for over 3 years, the stock market has had well over 60 record setting days since President Aquino took office, and housing and building is really growing. Sounds good, di ba? Not really. The unemployment rate has not changed in over 2 years, and the level of poverty has not changed in 7 years! What good is a growing economy if the people do not share in this new prosperity? Think about it, and while you do, ask yourself where the increased capital and revenue from this new prosperity is going? If it is not in the hands of the working class, who do you think has it?

 i'm not a Marcos loyalist and my father mismo ay nakaranas ng kalupitan ng mga militar noong panahong iyan. ngunit ang nais ko lang ipabatid dito ay wala ni isa mang presidente ang naging mabuti o naging maayos ang pamamahala.

Si PMarcos nandoon na tayo gumawa ng kung anong mga karumal- dumal na krimen "DAW" at umutang ng ganoong kalaking halaga na ilang bahagi noon ay "ibinulsa" niya ngunit mayroong hospitals, theaters, roads and bridges even yong LRT yata not so sure. noon ang kinatatakutan mo lang ay ang mga militar ngayon naglipana na ang masasamang loob. etc

then kay PCory, maraming recognition siyang natanggap, take note "siya" ngunit wala din namang nagawa. She made the Philippines more religious? She had the Philippines at a very bad condition. But i don’t really remember anything AQUINO did something special, except for the creation of the PCGG who were after the Marcos’s ill gotten wealth. the massive investigation for the Ninoy's murder (i wonder why this is not closed yet? do we have bantay-salakay?) Oh and the frequent brown-outs that messed up  business of ice buko, ice candy and ice cream store. I don’t remember she ever did continue any of the Marcos’s Projects. But we all have DEMOCRACY.

PRamos, tiger economy, philippines 2000, was good despite of asian economic crisis yata.  He was good with economy. I remember Philippines having so many development Projects.And we have the skyways! With lots of infrastructure and economic reforms during his term. I think he was a good president

ERAP.. “without the kamag-anak and kumpare and angat pinoy" theme of governance, well, he, he ewan

 PGMA. At some point the economy was good and moving up. I still remember Filipinos having jobs. I remember on the news that she did good of course, she is an economist. Numbers wise she may have the best results compare the other presidents, but just like Marcos Philippines was messed up towards the end of her term. Numbers of her score maybe good but her entire term was plague by so much “scams”, just like Marcos in terms of corruption.Ferdinand Marcos causing the country's downfall. During his term in office we hit our highest Debt-GDP Ratio of more than 90% (which is extremely bad) and our currency exchange rate plummeted by nearly 80% (really bad) during his term. Our GDP did improve during his term; but it was too little an improvement to cover for our massive debts and a falling peso.

On the other hand, During GMA's term, our GDP rose to around 170 Billion USD from a mere 71 Billion USD when she took over. She also managed to bring down our Debt-GDP Ratio to 44% from a high 63% when she first held office. She even managed to improve our exchange rate a little bit. It might be a stretch, but I believe that the economic windfall we are enjoying today may have started during GMA's time.

P-Noy may be riding a wave created by GMA.

Long term short:

1. Marcos created the problem.
2. Cory is persevering to fix everything but not enough.
3. FVR is trying to catch up but they are so far ahead.
4. Erap is erap.
5. GMA made the big jump but pulled by negative media.
6. Pinoy claims GMA's labor and raised up high by positive media.

Thats the story of our leaders ....... and Please don't listen to media, They are the One of the Top-Ten Prefessional Liers next to a Lawyer.

para sa akin nasasa atin ang susi ng pag- unlad ng bayan natin, puro tayo reklamo at kung sinu- sino na ang ating sinisisi. kailangan natin ng revolution at ang revolution na yan ay dapat magsimula sa ating sarili, sa bawat isang pilipino.
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Dimmu Borgir on April 06, 2014, 08:07:49 PM
wag kang umasa na ang isang presidente ay magpabago ng takbo ng buhay natin dahil kahit kelan di yun mangyayari.

magkakaroon tayo ng pag asa kung ang lider ngayon at ang mga susunod pa ay tunay na may malasakit na bayan katulad nga ng nabanggit ko. Para itong pangarap na kailangan mong pagsikapan na maabot. Hindi ito panaginip na sa isang iglap ay magbabago na ang lahat.

Kung economically ay nagsimula ito kay GMA, magandang balita na nagtuloy tuloy ito kay PNOY at sana sa mga susunod pang mga lider ay magtuloy tuloy rin ito..

Isa pang magandang hakbang kung maikukulong ang mga kurakot na pulitiko bagamat ito ay isang mahabang proseso dahil sa napakasalimuot na legal system dito sa atin, isang magandang tanawin na makikita mo ang katulad nila sa loob ng rehas na bakal..

PS. Nakalimutan mo yata ang kaliwa't kanang kurakot ni Ramos..

1. PEA-AMARI Manila Bay reclamation deal,

2. the conversion of the military base in Fort Bonifacio for private development,

3. the Centennial Expo project (nakapunta pa ako dito, ewan ko lang ngayon kung ok pa ito)   and the

4. Benpres-North Luzon Expressway .

 bilyong piso din ang binulsa ni tabako.. tsk tsk.. tsk..
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: IORI™ on April 06, 2014, 10:20:41 PM
Grabe diba? Tapos pag dating ng panahon sila pa rin ang bida .. may mga recognitions pa! Tama yun na ang media ay sinungaling! Kung may nag papatakbo ng pilipinas hindi ang presidente .. dummy lang ang mga yan .. sa maliit na panahon nilang pag sisilbi sa bayan eh talagang wala sila magagawa .. meron mag mamando sa mga yan ..

mga tol!! mga ka PT!! tara na makigulo sa:

http://www.pinoycyberkada.com/index.php?topic=40265.0

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Mark Yap T. on April 11, 2014, 10:09:43 AM
manila is way better during Marcos time :-)

(http://s18.postimg.org/yu51ene2h/10153787_10201992601246683_3849800190565111244_n.jpg)

(http://s18.postimg.org/f3ct8s4c9/10154901_10201992601926700_4658215863139106613_n.jpg)

(http://s18.postimg.org/olck8tq0p/10175038_10201992601686694_7293896691537534359_n.jpg)

(http://s18.postimg.org/rpn85m6t5/1511694_10201992601806697_4448862796752821529_n.jpg)

(http://s18.postimg.org/4mwp6g5bt/1511105_10201992601406687_724684251854622947_n.jpg)
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: 2013rev2013 on April 16, 2014, 07:28:33 AM
https://www.facebook.com/photo.php?v=1422899827966524 (https://www.facebook.com/photo.php?v=1422899827966524)

just wanna share this video..
sana ok lang kahit FB link..

Ang LIKE icon di lang ginawa para pang-decorasyon, pwede mo rin i-push yan!
LiKe LanG nG LiKe!

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: empiro on April 18, 2014, 12:26:17 AM
para sakin kay marcos kahit na hindi q naabutan ung panahon nia kase mas naging maganda ang pamamalakad nia kesa sa mga sumunod na pangulo
Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: birador on April 18, 2014, 01:20:01 AM
Marcos time but not yun mga huling years nya nun magdeteriorate health nya since dun nanamantala mga nakapalibot sa kanya since wala na syang control

Sent from Nokia 3210 using Tapatalk

Title: Re: [debate] panahon ni marcos or panahon ng mga sumunod kay marcos?
Post by: Kurimasu on May 21, 2014, 07:28:50 AM
Marcos parin. . . . . . . . . . . . . . . . . . .
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal