My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Current Events => Topic started by: GHOST PROTOCOL on November 27, 2013, 10:22:19 PM

Title: Mga produktong tinangay sa mall saTacloban, ibinibenta na sa bangketa
Post by: GHOST PROTOCOL on November 27, 2013, 10:22:19 PM
Halos tatlong linggo matapos pwersahang pasukin ng looters ang isang mall sa Tacloban City, ibinibenta na sa mga bangketa ang mga ninakaw na produkto.

Ilan sa mga produkto, nakakabit pa ang price tag ng mall.

Aminado ang mga nagtitindang nakaw ang mga produkto.

"Kung wala ito pano kami mabubuhay.. Ang relief goods limang araw bago kami makakuha," ani Analina Garcia na isa sa mga tindera.

Ayon sa pulisya, hindi huhulihin ang mga nagtitinda ng nakaw na produkto dahil wala naman anilang nagsasampa ng reklamo.

Pero, bantay-sarado anila ang mga establisyemento upang hindi na maulit ang insidente ng looting. Report from Francis Faulve, ABS-CBN News

http://bcove.me/v6rpdpm1 (http://bcove.me/v6rpdpm1)
Title: Re: Mga produktong tinangay sa mall saTacloban, ibinibenta na sa bangketa
Post by: Itachi101 on November 27, 2013, 11:21:35 PM
making ends meet
or living on the edge na
kanya kanya ng diskarte
Title: Re: Mga produktong tinangay sa mall saTacloban, ibinibenta na sa bangketa
Post by: Prime™ on November 29, 2013, 05:42:19 AM
Hmm.. If it was a matter of life and death, I guess a man's got to do what a man's got to do.

It's hard to touch on this subject and not look like a mean person, but in my honest opinion, stealing is stealing. Based on this argument, are we also going to give holdappers and thieves a free pass just because they couldn't find other means?

Now if your children are hungry and you guys really do need it, of course go for it. Deal with the consequence later. As long as buhay kayo ng mga anak mo, it's what matters. Alam mo naman if talagang last resort mo nalang ito or you're just reasoning with yourself.

Pero based doon sa ibang nadinig ko may lootings na bago pa matapos yung ulan, are those people hungry already at the time? Tuwing may nahuhuling holdapper or snatcher, ano sagot? Wala lang po kasi kami makain.

It's human nature to always find justification for our actions, so I am not sure if lahat ba ng looters doon eh dapat abswelto because of what happened. I am sure meron jaan opportunists lang at nakikisawsaw sa trahedya, and meron din naman talagang sobra na ang desperation and this was their last option at yoon ang dapat intindihin.

There is no black and white here, no absolute right or wrong. So it's never absolutely okay to steal, or loot. It's wrong, I wish the government were able to give the support these people needed, so kung may mang loot man, more than likely these are due to nefarious reasons/urges and no longer real life and death survival instincts.

Di din kasi maiiwasan na may mga mapagsamantala lang talaga, and due to this rotten tomatoes, pati tuloy yung mga matitino naaapektuhan, and even real victims themselves are becoming targets. Sila mismo ninanakawan nung ibang walang magawa.

I don't know kung ano ang nanyari sa Japan, and I don't want to compare, but I've heard there was none of this nung manyari itong ganito, none on a massive scale at least. I find that very admirable, and tulong tulong parin sila amidst the tragedy.

I know, expecting altruistic values from those victims is quite a lot to ask, pero wag naman sana nakawan pati mga biktima na mismo.

I'm glad and happy that there is an outpouring of help from everywhere, I just hope hindi sila masyado ma turn off because of all these news and eventually yung talagang mga victims na nangangailangan ng tulong ang mag suffer.
Title: Re: Mga produktong tinangay sa mall saTacloban, ibinibenta na sa bangketa
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on November 29, 2013, 11:14:54 PM
yun iba di naman for survival ang ginawa sa looting incident eh

meron yun iba kumuha ng appliances at various stuff not really

necessary for survival ginamit lang yun incident para majustify

ang kalokohan nila.. okay sana kung mga pagkaen, damit and other

basic necessity ang kinuha nila pero hinde eh..

sent from abacus using babytalk 12000
Title: Re: Mga produktong tinangay sa mall saTacloban, ibinibenta na sa bangketa
Post by: GHOST PROTOCOL on November 30, 2013, 07:31:56 AM
eto ay base mismo sa tunay na karanasan ng pinsan ko at pamangkin ko na nakatira sa PALO leyte.

dalawang araw matapos ang bagyo. wala na silang makain. sira ang bahay. walang damit, pagkain at tubig. naisip nila ang pumunta ng tacloban para magbaka sakali na may relief goods doon at hindi lang makarating sa kanila kasi walang madaanan. nag desisyon sila na maglakad papuntang tacloban. inabot sila ng tatlong oras sa paglalakad. nakita nila ang damage sa paligid. mga patay. mga nanay na umiiyak. mga batang maliliit. pagdating nila sa tacloban nakita nila na pinapasok na nga ang gaisano. nakisama na rin sila sa looting. tig isa ang pinsan ko at pamangkin ko ng malaking maleta na puno ng pagkain gamot at gatas at ilang damit. habang pabalik sila sa palo, inaabutan nila ng pagkain at gatas ang mga  nanay na may maliliit na anak. pero never silang kumuha ng gamit na hindi nila kailangan. sa katunayan ng umuwi silang mag ama sa aming probinsya, payat, may ubo, at walang damit maliban sa suot suot nila galing sa gaisano. pero totoo na nakita nila ang mga tao na ang bitbit ay appliances. ultimo hanger daw hindi pinatawad.
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal