ganito na ba talaga sa atin...
pagpinaghirapan mo ang perang pinagtrabahuhan mo, sa larangan ng sports o ano man, ihohold nila kahit alam nila kung saan galing, bugbog ang inabot ng tao tapos hohold lang nila....
kung si PACMAN ginanito, what more tayong mga maliliit kung gugustuhin nila...
it's more fun in the philippines
Kaya wag nating sisihin ang BIR. Bagkus ay maging leksiyon sa lahat ang pangyayaring ito.
Sent from my Nokia 3210 using TypemoTapako
kailangan pa bang i-publish ng BIR sa media ang mga taong inaakusahan nilang hindi nagbabayad ng tamang buwis. marami na rin akong nabalitaang celebrity na inakusahang hindi nagbabayad ng tamang buwis. eh sa palagay ko naman, ang mga taong walang alam o kakaunti lang ang alam sa taxation ay gumagamit ng accountant para asikasuhin ang kanilang responsibilidad lalo na ang pinag uusapan ay hindi lang libong salapi.
Confidential ang mga assessment ng BIR.
Hindi ito ipinamamalita dahil nga merong "due process". Ang sinuman na mapadalhan ng assessment ay binibigyan ng sapat na panahon para sagutin ang katanungan ng BIR.
3 beses ka nila padadalhan ng sulat. Kaya meron ka ding 3 pagkakataon na itama ang records ng BIR sa pamamagitan ng pagsumite ng mga dokumento na magpapasinungaling sa kanilang assessment.
Kapag hindi mo sinagot ang mga sulat ng BIR, magiging pinal ang kanilang assessment.
Ang pagkakamali ni Pacman, hindi pinansin ang mga assessment na pinadala ng BIR. Ang kampo mismo ni Pacman ang unang nag-complain sa media ng maging final ang assessment.
Hindi pa rin gumawa ng hakbang para i-apela ang final assessment kaya ang next step ay garnishment.
Sa nagtatanong kung saan mapupunta ang nakolektang buwis, labas na ito sa kaso ni Pacman. Ibang isyu na po iyon na dapat din natin bantayan bilang taumbayan pero hindi iyon dapat maging hadlang para magbayad ng tamang buwis ang lahat ng taong may kinita.
Simple lamang ang mga katanungan dito:
1. Nagbayad ba ng tamang buwis si Pacman na angkop sa lahat ng mga kinita nya?
2. Nagsumite ba sya ng kumpletong dokumento na magpapatunay na nagbayad sya ng tamang buwis?
3. May dalawang laban sya noong 2009, kay Ricky Hatton at Miguel Cotto. Marami din syang mga endorsements. Bakit Php 50,000,000 lang ang nakadeklarang kinita nya noong 2009?
Paying taxes to a corrupt government makes one a contributor to its corruption... ano sa tingin nyo mga babidee.?
Governments, per se, are not corrupt. It is the people running the government who are capable of corruption.
It is the people who are electing known corrupt politicians into government positions.
The corrupt government officials, in turn, appoint their people into positions of influence.
Solution?
Wag ibenta ang boto. Kung alam nang corrupt ang pulitiko, wag nang iboto.
At bantayan ang kaban ng bayan. Kung kuwestiyonable ang mga proyekto, magsumbong at isuplong ang mga taong sangkot dito.
Pag hindi tayo nagbayad ng buwis, kapwa nating taumbayan ang magdudusa.
People vs. System na argument, however if the system itself allows the corruption of such officials in the system then would it not also mean na corrupt rin ang systema kasi hindi ito built against corruption?