Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => Body Talks => Foods, Gourmet & Drinks => Topic started by: IORI™ on November 22, 2013, 12:20:35 AM
Title: anong ulam dito ang nasubukan nyo?
Post by: IORI™ on November 22, 2013, 12:20:35 AM
mga kapatid .. natisod ko lang tong question na to sa FB .. halos lahat naman tayo nung kabataan maraming nasubukang ulam eh .. hehe kung meron pa kayo nasubukan beside dito .. ano yun?? share nyo mga ka PT!!
(http://i39.tinypic.com/j8cr4z.jpg)
Title: Re: anong ulam dito ang nasubukan nyo?
Post by: arthas™ on November 22, 2013, 12:23:55 AM
Milo bro ok din ulamin. Natry ko nung may milk chocolate pa ko sa labi.
Sent from my Android using iOS
Title: Re: anong ulam dito ang nasubukan nyo?
Post by: IORI™ on November 22, 2013, 01:00:38 AM
natatandaan ko nuon bata pa ako ... pag wala kaming ulam yung kape nilalabay ng nanay ko sa kanin ... then naaalala ko nakakita ako ng gatas yung condense milk ginawa kong palaman at inuulam ko na din haha!! sarap naman eh .. ::)
Title: Re: anong ulam dito ang nasubukan nyo?
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on November 22, 2013, 08:57:08 PM
halos nasubukan ko na lahat yan poh
except lang yung kape..
sent from abacus using babytalk 12000
Title: Re: anong ulam dito ang nasubukan nyo?
Post by: misty on November 22, 2013, 09:02:59 PM
na try ko lahat maliban sa tubig at asin tska bagoong.. ayoko kasi ng bagoong eh mula pa nung bata ako.. matika dati favorite ko lalo na yung pinag prituhan ng ham na pang pasko okaya mantika ng bacon.. haha
Title: Re: anong ulam dito ang nasubukan nyo?
Post by: crashtest on February 24, 2014, 12:27:10 AM
Milo yata naulam ko nung bata ako hahaha! :)
Sent from my LT26ii using Tapatalk
Title: Re: anong ulam dito ang nasubukan nyo?
Post by: mr_goblin on July 01, 2014, 09:59:23 AM
bagoong at mantika. wala kami pera ng mga barkada ko nun naubos pinang inom. sobrang gutom namin kaya pinatos na namin.
"The Road of Excess leads to the Palace of Wisdom" - William Blake
Title: Re: anong ulam dito ang nasubukan nyo?
Post by: bonehead on July 01, 2014, 10:19:52 AM
bagoong kapag meron... sarap nyan
sabaw-kape kahit naman hanggang ngayon lalo na sa sinangag at tuyo
Title: Re: anong ulam dito ang nasubukan nyo?
Post by: Kurimasu on July 01, 2014, 10:27:30 AM
All of the above tol IORI. . . . . . . . . . . .
Title: Re: anong ulam dito ang nasubukan nyo?
Post by: crashtest on July 02, 2014, 01:55:55 AM
Bagoong at Mantika. panalo! :)
Sent from my LT26ii using Tapatalk
Title: Re: anong ulam dito ang nasubukan nyo?
Post by: IORI™ on July 02, 2014, 02:14:40 AM
Na try nyo naba ang kropek? Walang wala na eh hikhik .. masarap naman eh .. isa pa yung taba ng baka na ginagawang chicharon na nilalako sa daan .. yummy!!
sent via bulalo country club
Title: Re: anong ulam dito ang nasubukan nyo?
Post by: Kurimasu on July 02, 2014, 02:08:49 PM
Kung kropek tol, parang lechong kawali na ang katumbas nyan. Natry mo na ba yung corn bits? Hehehehe. Ganito talaga ang anak mahirap. Mahirap pero masaya. . .
Title: Re: anong ulam dito ang nasubukan nyo?
Post by: polgas88 on July 06, 2014, 02:11:15 PM
Na try ko yun mantika na ginamit sa pamprito ng tocino or karne ,pati toyo. Maganda rin pala kung laki ka sa hirap, hindi ka mahihirapan sa ulam. Hehehe,