My Board
Academics => Legal Department => Topic started by: phil_13 on November 07, 2013, 12:08:46 PM
-
Hi!
Mga Sir, Any help.
Bumili kasi kmi ng lupa, and happened na ung deed of absolute sale is signed by a deceased owners. and matagal na pong patay ung mag asawang may ari, last nov. 4 lng po gnawa ung Deed of abs. sale. forge po ung pirma, ang sabi po ng manager sa assesors office. wala naman daw po magiging problema kung wlang mag hahabol sa lupa, ang concern ko po ay panu po ang mga circumstances nun?
-
Hi!
Mga Sir, Any help.
Bumili kasi kmi ng lupa, and happened na ung deed of absolute sale is signed by a deceased owners. and matagal na pong patay ung mag asawang may ari, last nov. 4 lng po gnawa ung Deed of abs. sale. forge po ung pirma, ang sabi po ng manager sa assesors office. wala naman daw po magiging problema kung wlang mag hahabol sa lupa, ang concern ko po ay panu po ang mga circumstances nun?
Tama ang assessor, although the law prescribes a great caution and vehement disgust sa forged sale ng lupa you can still ARGUE for prescription or laches.
-
paano po kung may naghabol e.g. yung ibang kapatid ng nagbenta ng lupa?
can we still use the forge document as our evidence of sold property?
at isa pa po..
young isa pa po kasi na lote na kasama dun sa divided na lupa..which is matagal ng nabili pero hindi pa rin naibibigay ung titulo at nag pagawa na po kmi ng titulo sa mismong geodetic engr na sumukat ng lupa kaya lang po nagpagawa po ulit ng bagong deed of ans. sale para dun ang problema iba na po ung price na inilagay dun.. at parehas din pong pi-norge ung mga pirma..anu po ba pwedeng mangyari kapag ganun? ???
salamat po sa sagot.
-
paano po kung may naghabol e.g. yung ibang kapatid ng nagbenta ng lupa?
can we still use the forge document as our evidence of sold property?
at isa pa po..
young isa pa po kasi na lote na kasama dun sa divided na lupa..which is matagal ng nabili pero hindi pa rin naibibigay ung titulo at nag pagawa na po kmi ng titulo sa mismong geodetic engr na sumukat ng lupa kaya lang po nagpagawa po ulit ng bagong deed of ans. sale para dun ang problema iba na po ung price na inilagay dun.. at parehas din pong pi-norge ung mga pirma..anu po ba pwedeng mangyari kapag ganun? ???
salamat po sa sagot.
Like I said, the defense that you can avail of is prescription or laches pero kahit na yun may pektus parin kasi in the interest of justice eh.
anong nagpagawa ng titulo? site in detail please.
-
Ganito po kasi ang nangyari..
nakabili po kasi kami ng lupa last nov. 2 po..at iyong lupa na iyon ay sub divided lang. at napagkasunduan po na kami na raw po ang magpapagawa ng titulo.
dahil ang mother title po ng lupa na hinati ay nasa pangangalaga ng geodetic engr na mismong sumukat ng lupa.
At iyong engr. na iyon ay sya na rin po mismo ang gumawa ng deed of abs. sale last nov. 4.
Ang lupa po na binili namin ay dalawang lote bawat lote po ay 625 sq.mtr.
at ang titulo ng bawat lote ay hindi pa naibibigay ng engr dun sa dating may ari puro deed of sale lang po ang pinanghahawakan nila.
kinausap po namin ang engr na un upang sa kanya na po namin ipasalin sa ilalim ng pangalan ng aking ina ang nasabing lupa.
nung una po bago pa namin bilihin ang lupa sinabi po ng engr na 20k ang gagastusin sa pagpapagawa ng titulo. sumang ayon po kmi dhil sa sinabi nyang iyon. ngunit ng nabili na namin at magpapagawa na kmi ng titulo ay 4ok na ang sisingilin dahil daw sa dalawang lote po iyon. subalit sa iisang lote na po nmn ipinasukat iyon para isang titulo na lang ang gagawin.
ipinaliwanag po namin iyon ngunit sabi ng engr na ganun pa rin ang presyo ;D.
HINDI PO BA MASYADONG MAHAL ANG SINGIL NG ENGR? ???AT PANU PO BA KMI MAKAKASIGURADO NA LEHITIMO ANG TITULONG IBIBIGAY SA AMIN? ???
-
Sinabi mo na ang geodetic engineer ang gumawa ng titulo. Ang alam ko ang magbibigay ng titulo ay isang government office, hindi isang pribadong tao.
Asahan mo na mayroong maghahabol. Mapapalaki ang gastos mo. Maari pang umabot ng maraming taon kung magsampa ng kaso sa korte.
Forged ang signature sa deed of absolute sale. Iligal yun at baka pati ikaw ay makasuhan. Parang nakaw na pag-aari. Ayon sa anti-fencing law, pati ang buyer ay pwedeng kasuhan.
Pati BIR ay pwede kang habulin.
Kapag namatay ang may-ari ng lupa, dapat dumaan sa legal proceedings ang transfer ng titulo mula sa mga namatay papunta sa mga magmamana. Depende ito kung may last will and testament o wala. At dapat itong matapos sa loob ng 6 months.
Ang inheritance and transfer tax within 6 months ay 20%. Kapag lumampas ng 6 months, meron penalty. Kapag may fraud, na katulad ng naging transaction ninyo, may additional penalty na at least 50%.
Sa aking palagay, kaya na-forge ang signature ay dahil ayaw nilang magbayad ng penalties and additional taxes.
Kapag hindi ka gumawa ng hakbang para maprotektahan ang sariling interes, malamang lalaki pa ang gastos ninyo.
Pagdating sa bilihan ng real estate properties, huwag gumawa ng short-cut. Idaan sa tamang paraan. Ang iniisip na pagtitipid ay karaniwang pupunta sa mas Malaking gastos at sakit ng ulo.
Magkonsulta ka sa isang abogado.
Good luck sa iyo.
Sent from my Nokia 5110 using Tapatalk (http://tapatalk.com/m?id=1)
-
ang paggamit ng forged documents ay is criminal offense...so maghintay ka ng panahon madiskubre ang ginawa mo, dahil pananagutin ka ng batas...aang pagbili ng lupa sa mga namatay ay me kaakibat na settlement of estate at ito ay ipinalalathala sa dyaryo...ingat sa ginagawa, kumuha ng abugado....
-
Technically, yung binili mo eh papel lang na hawak mo. Ang pwede lang na magbenta ng lupa na yun eh yung may-ari (alam ko, patay na) o yung mga heirs nila. Yung geodetic engineer eh hindi naman "owner" o may "interest" sa lupa, kaya wala syang karapatan mag dispose nun. Kung walang maghahabol, oo pwede na mapunta sa inyo sa ngayon yung lupa. Pero once na meron na, mahirap ang laban mo. Ang "laches" ay papasok lang pag alam na ng mga heirs na may nagbenta ng lupa at wala silang ginawa ng matagal na panahon (case to case basis yung kailangan na length of time). Di rin pwede ang prescription dahil kung naka torrens title na yan (may mother title na diba? i'm assuming na torrens title ito).
-
I am still of the opinion na pwede mo parin itong iargue at gawing defense ang laches at prescription to this matter. Here is my theory:
1. Granting that the land is covered under a torrens title still you can still argue provided that you can prove na wala kang knowledge sa forgery na nangyari at di mo alam na patay na pala ang original owner at nakita mong in possession of the certificate of torrens title ang geodetic engineer since ang deed of absolute sale ay forged ibig sabihin the geodetic engineer (na sinasabing nagforge ng pirma ng owner) here is not signing by his own capacity but by virtue of his capacity as the owner making it appear na ito ay signed ng owner ng lupa and since nasa kanya ang possession ng certificate of torrens title there is a presumption na he is an agent ng owner ng the property. Applying the mirror doctrine, one is not required to make further investigation beyond what is written in the face of the title and since nasa kanya ang torrens title at wala kang kinalaman sa forgery eh pwedeng maapply ito.
2. Laches and prescription are very flexible concepts di lang ito limited with regard sa knowledge ng heirs at wala silang ginawa o dahil nakatorrens title ito, pwede rin itong maapply in the interest of justice. Pwede rin namang ma apply ang prescription with regards to the number of years within which one is entitled to bring an action.
The only prescription na protected ng torrens title eh yung adverse possession.
Pero of course, may counter ang lahat ng to.
-
bakit ka bibili ng duvious ang deed of sale? Para walang sakit nt ulo, dumaan sa tamang proseso. Kung patay na ang may titulo, dapat yung mga tagapagmana ang magbenta. Mahabang proseso pero panatag ang loob mo.
Sent from my GT-S7562 using Tapatalk
-
Anong authority ng eng'r para magbenta ng lupa? Kng wala syang spa, that is another question. Talagang kelangan mong kumunsulta sa atty para malaman mo kung anong mga remedies ang pwede mong magawa lalo at bogus - saan man natin tingnan ay wala akong makitang batayan na lehitimo- ang bentahan na yan.
Sent from my GT-S7562 using Tapatalk
-
bakit ka bibili ng duvious ang deed of sale? Para walang sakit nt ulo, dumaan sa tamang proseso. Kung patay na ang may titulo, dapat yung mga tagapagmana ang magbenta. Mahabang proseso pero panatag ang loob mo.
Sent from my GT-S7562 using Tapatalk
Oo nga dapat ganun nga kaso wala na tayong magagawa eh the deed is done kaya nga TS is asking for opinions right now to protect whatever rights granted to him and to preserve justice and equity on his part kung ganyan lang ang pag-iisip ng lahat ng tao eh wala nang korte at abogado sa mundo kaso nga lang tol imposible ang senaryong ito dahil conflict will never disappear due to several circumstances.
-
Find the legal heirs of the deceased lot owners and ask them to sign a waiver/quitclaim. Kung hihingi ng pera at kaya naman, eh, bigyan mo na.
-
Puntahan niyo po sa Register of Deeds na nakakasakop kung saan naroon ang nabili niyong lupa at itanong ang status para malaman mo kung bogus o tunay ang mga pinagsasabi sayo ng surveyor (geodetic engr). Baka mamya may nakabili na at naka record na pala sa ROD.
Tama si dupax, kung sakaling "ok" pa at wala pang nakakabili or hindi pa naka prenda yan, hanapin mo ang mga legal heirs at kausapin at ipaliwanag ang mga nangyari. Kung pumayag sila, well and good, kung di sila papayag, wala kang magagawa.
Ang recourse mo ay kasuhan si geodetic engr., estafa at falsification.
Ingat ingat din pag may time, pag usaping lupa, register of deeds kaagad ang tungo bago magbigay ng pera para makasigurado.
-
hi mga sir,
Tanong lang po,
possible po ba na ang isang lupa/titulo ay maipangalan sa dalawang tao na hindi magka-anoano/relative?
salamat sa kasagutan mga sir.
-
yes.. particularly if the land was gained through inheritance and that the person who made the deed decided to give it to a friend and a kin... for what reason, that is up to the owner...
-
Mga sir paano naman kung bibilhin mo ang lupa sa anak ng namatay na nkapangalan ang lupa. Ok na ba na SPA lang na nagsasaad na pwedeng ibenta ng isang tao lang at pirmado ng mga kapatid nya? Salamat sir
-
based on my experience, you need more than just a SPA for the transaction to pull through... also, be wary of the taxes that needs to be settled...
-
mahirap po baka kase maghabol Yung mga anak ng may arise ng lupa, punta po kayo sa LRA
-
Mga sir, me nabili po akong lupa sa probinsya. Ang may-ari ay tax declaration lang ang documents at plano ang hawak. In short, wala pang title ang lupa. Tinanong ko ang notary public kung saan kami nagpa-notaryo ng deed of sale kung meron ba magiging problema considering wla title ang lupa. Ang sabi nya ay Ok lang daw yon as long as meron updated tax declaration ang seller. Actually, apat kaming bumili ng lupa at meron na kanya-kanyang sukat. Ang tanong ko now ay paano ko papatituluhan ang lupang nabili ko. Ano mga procedure na dapat kung gawin. Meron ba mga offices na naglalakad ng mga land titles.