My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: pinagpalangkamay on October 22, 2013, 01:17:39 AM
-
kung may tao mang hindi umayon sa gusto mo at hindi naging kayo o kaya naman eh hindi nag workout ang relasyon na meron kayo. Be thankful na lang. Dahil sigurado akong may purpose yung heartbreak niyo na yan. Minsan magugulat ka na magpapasalamat ka pa sa maykapal dahil sa bagong tao mo na makikilala.
Naniniwala ako na kapag nawala ang isang tao sayo. Mas marami ang ipapalit. Kumbaga, sila yung kurtina na nakaharang sa bukas na bintana. Once nawala yung kurtina na yun makikita mo na posible palang sumilip sa bintana na iniwan nila.
Minsan napapasabi rin ako na buti na lang naging ganun ang nangyari. Yun bang nawala yung tao na yun agad kung sakaling hindi rin naman siya mag tatagal. Kasi sayang yung chance na makakilala ng bago. Pero hindi ba’t nakakatuwa din naman na handa tayong mag settle sa taong yun dahil masaya na tayo sa kanila? Kumbaga yung bagong tao, blessing yun kapag nasaktan ka ng husto. Yun bang, mawala man yung taong gusto mo. May bagong taong papalit na hindi ka na papabayaan :)
Karma naman po diyan :-\
-
may point ka po dun.. everything happens for a reason ika nga.. i do believe the right one will come at the right time at the place.. :D
-
Basta pagnagmamahal ka ibigay mo lahat..
-
Mahirap magpayo sa taong umiibig ng lubos.