My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: pinagpalangkamay on October 17, 2013, 01:05:54 AM

Title: Taong Paasa at Pahabol...
Post by: pinagpalangkamay on October 17, 2013, 01:05:54 AM

Eto yung mga taong papaasahin ka hanggang kaya nila. Tapos kapag aalis ka na sa tabi nila, sasabihin nila lahat ng magagandang salita para maniwala ka at mag stay ka. Pero wala na talaga. Eto yung mga taong ayaw kang mawala pero hindi ka naman talaga kayang alagaan. Eto yung mga taong gusto palaging may naghahabol sa kanila. Kumbaga sa sasakyan ikaw yung nasa likod. Ikaw yung reserbang gulong niya. Alam ng drayber na andyan ka lang at magagamit ka niya sa oras na kailanganin ka niya. Sa oras na hindi na pwepwede yung isa. Ikaw naman yung ipapalit niya sa nasirang gulong niya. Parang sa relasyon lang din yan. Kapag hinayaan mo maging reserba ka. Siguradong masasaktan at masasaktan ka rin lang. Dapat alam mo na hindi dapat ganun ang trato sayo ang isang tao.

Never ka dapat maging option. Never ka dapat maging gulong sa buhay niya. Huwag mo hahayaang gawin kang reserba. Kung ayaw niya. Kumalas ka. Napakarami pa diyang iba na willing ibigay ang mga bagay na hinahanap mo sa kanya. Akala mo lang lagi mahirap sa una. Totoo yan. Pero kailangan mong tanggapin na hindi worth it sa isang katulad mo ang isang tao na gusto mo ng husto. Masasaktan ka lang promise. At higit sa lahat ma tataken for granted ka lang.
Title: Re: Taong Paasa at Pahabol...
Post by: gainax_jin on October 20, 2013, 01:07:01 AM
korek ka dyan...  parang sapatos din yan masakit pag di kasya sayo.. at mas masakit pag lalo mo pang pinilit.  :( :(
Title: Re: Taong Paasa at Pahabol...
Post by: fayt on November 06, 2013, 04:08:02 PM
well tama naman yan..

kaso paano kung yun tao na yun eh sya lang nagbibigay na kakaibang pakiramdam pag kasama mo sya. Dun mo lang nararamdaman sa tao na yun na hindi mo maramdaman sa iba..

ganun kasi kadalasan. minsan nalolock out na ang tao sa kanilang nararamdaman. naniniwala na there is only 1 girl na nakalaan sa kanila. at sa palagay nila yun tao na yun ang nakalaan sa kanila..

thats sad but mostly yan ang nanyayari...
Title: Re: Taong Paasa at Pahabol...
Post by: Itachi101 on November 29, 2013, 03:38:30 PM
kapag moving on never look back na
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal