My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: Choke on September 25, 2013, 01:57:32 PM

Title: Ilang date
Post by: Choke on September 25, 2013, 01:57:32 PM
Ilang dates ba usually bago niyo malaman na ayaw niyo sa isang tao?

Sa akin kasi 1 lunchout (na si girl ang nagyaya) at nasundan ng isang date na nagyaya ako. Tapos mukhang ayaw na ni girl.

Bago pa ung lunchout at date napansin ko ng di na nagrereply si girl o nasasagot ung phone nya kapag tumatawag ako. Kaya nagulat ako na nagyaya siya.

Nung una naman ay ang bilis niya magreply sa text at basta tumawag ako sinasagot, may pagkakataon pa na siya ang tumawag kasi di ako nakakapagparamdam.

1st week pa ng september ung date namin, ang last namin paguusap ay last week pa. Naabutan ko siya sa fb sabi ko kamusta at di na siya nagparamdam simula nung date. Busy lang daw at sabihan niya ako kapag labas kami minsan.

Need opinyon at payo po

Note: Di naman ako natawag araw araw, every other day ung text at twice a week ung tawag nung unang mga linggo na magkakilala kami.

Edit: ok naman ung date namin pero hindi ako nag the moves, bukod sa hinawakan ko ung ulo niya kasi nauntog, eh pinisil ko ung kamay niya bago siya sumakay pauwe. nung lunchout ilang beses siya nagtanong kung nagenjoy ba daw ako, nung date nagsabi din siya ng "nagenjoy ka ba? ako lang ata nagenjoy eh"
Title: Re: Ilang dates
Post by: arthas™ on September 25, 2013, 02:08:30 PM
good thread. ang babae mahirap basahin. minsan ang pagaassume mo ang mismong papatay sa yo in a way na akala mo is nagbibigay motibo sya porket sumama syang makipagdate sa yo. just be yourself and hayaan lang. may thread ako before dito na broken momentum and it seems may similarity sya sa point nito pero mas malala yata yun sa palagay ko. anyway sa ganitong sitwasyon mabuti nang wag mag expect. ang magiging ending nito ay posibleng mauwi sa friendzone. just don't build your world around her. date is just a situation wherein she's trying to figure out what she really feels for you. been in the same situation dati pero di ko na inintindi kung ano magiging ending. i just stopped. kapag hinanap ka nya it means may something. pero pag wala nang paramdam e alam na. being busy is a safe excuse. +karma for your topic.

Sent from my Android using iOS
Title: Re: Ilang dates
Post by: Choke on September 25, 2013, 02:13:36 PM
Siya ang nag approach sa akin at humihingi ng number ko, di ko binigay at ngumiti lang. Pero kinuha ko din pagtagal tagal.

Nagulat siya kasi ang tagal nun tapos sinabi din na crush daw niya ako.
Title: Re: Ilang dates
Post by: arthas™ on September 25, 2013, 02:26:30 PM
Hmmm di kaya may ibang nanliligaw sa kanya? Na posible nyang sinagot na? Nanligaw ka ba? Pwede rin kasing nag aantay lang si babae ng next action mo after the dates. Baka nageexpect syang liligawan mo?

Sent from my Android using iOS
Title: Re: Ilang dates
Post by: Choke on September 25, 2013, 02:40:15 PM
Magulo kasi sitwasyon namin, nung nagkakilala kasi kami may nililigawan pa ako pero malabo na. Sinabi ko yun sa kanya kasi todo paramdam siya talaga.

Ok lang daw, kahit tulungan niya pa ako dumiskarte dun sa other girl tapos. Kahit friends daw muna kami.

Pagkatapos ng ilang linggo natauhan din ako kasi bakit ako maghahabol kung mukhang ayaw naman nung other girl at eto siya na willing. Sinabihan ko siya na kung pwede ko ba siya makilala bilang higit pa sa kaibigan at sinabi ko din na ung yaya ko ay date.
Title: Re: Ilang dates
Post by: arthas™ on September 25, 2013, 02:50:37 PM
Hmmm maybe she needs some space? Antay tayo ng ibang magcocomment tol. Maybe the others have more experiences to share. Ako kasi limited lang. Would be great if some PT girls out there share their thoughts on this situation.

Sent from my Android using iOS
Title: Re: Ilang dates
Post by: Choke on September 25, 2013, 02:58:12 PM
Haha.. Yan din naisip ko eh, baka space lang. Hindi pa din naman kasi kami at getting to know part pa lang.
Title: Re: Ilang dates
Post by: fayt on September 25, 2013, 03:00:19 PM
dates?

mostly or in general.. kapag nag go na ng second date.. may chance na 90% na may gusto sayo ng kapartner mo....
Title: Re: Ilang dates
Post by: arthas™ on September 25, 2013, 03:04:17 PM

dates?

mostly or in general.. kapag nag go na ng second date.. may chance na 90% na may gusto sayo ng kapartner mo....

90%? Based ba yan sa experience mo tol? I think not all women are easy to get. May mga pahirap e hehehe turuan mo kami ng damoves mo na mapapaeasy ang hard to get. ;)

Sent from my Android using iOS
Title: Re: Ilang dates
Post by: fayt on September 25, 2013, 03:13:11 PM
90%? Based ba yan sa experience mo tol? I think not all women are easy to get. May mga pahirap e hehehe turuan mo kami ng damoves mo na mapapaeasy ang hard to get. ;)

Sent from my Android using iOS

hindi naman easy to get agad yun... kasi bago pa magkaroon ng second date.. rest assured na yun feelings ng babae sayo at may gusto ka na rin nun....
Title: Re: Ilang date
Post by: Choke on September 25, 2013, 03:15:19 PM
dates?

mostly or in general.. kapag nag go na ng second date.. may chance na 90% na may gusto sayo ng kapartner mo....

Nakalimutan ko sabihin.. Baka hindi pa siya sigurado kasi ang dalas niya tanungin sa akin ung last girl na niligawan ko.

Tapos hindi din ganun kalinaw mga sagot ko nung una, akala niya siguro rebound lang ang labas niya.

Pero nilinaw ko na din yun after nung date. Tsk. Slow ko kasi dapat nung date talaga sinabi ko na agad
Title: Re: Ilang dates
Post by: ¿m☺ÿ on September 25, 2013, 03:23:42 PM
yap, i think feeling ni girl eh ginagawa mo siyang panakip butas or nagti-take advantage ka, although alam ko na hindi iyon ang intention mo kasi sabi mo nga hindi ka madalas magtext or tumawag and maybe this is also one reason kaya nahihirapan ka na basahin siya.... i mean, if you are really interested siguro, you need more effort to prove it...malinaw pa kasi sa tubig na may gusto sa iyo si girl eh.

If i'm in your situation, i'll focus more on her kasi i think she deserves your attention. Mahirap maghanap ng taong mamahalin but mas mahirap maghanap ng taong magmamahal hindi kasi yun basta na lang bumabagsak sa lupa para masalo natin pero kung mangyari yun, you're one of the luckiest guy to ever found it. Good luck bro.
Title: Re: Ilang dates
Post by: Choke on September 25, 2013, 03:31:18 PM

Hindi na ako madalas tumawag at magtext kasi hindi na nga siya nagre-response o sinasagot.

Nahihirapan ako basahin siya kasi napaka energetic niya nung lumabas kami at nag date. Pero walang text or tawag pagkatapos

Pero mali ko din nga, di ko nalinaw sa kanya na naka move-on na ako sa previous girl. Sinabi pa nga niya na. 'Ang ganda kasi ng girl mo dati eh'. Ayun natulala ako at di nakasagot, pasakay na siya nun.

Pero nilinaw ko na din sa text, pero uulitin ko ulit yun kung sakaling magkita pa kami
Title: Re: Ilang date
Post by: arthas™ on September 25, 2013, 03:45:45 PM

Hindi na ako madalas tumawag at magtext kasi hindi na nga siya nagre-response o sinasagot.

Nahihirapan ako basahin siya kasi napaka energetic niya nung lumabas kami at nag date. Pero walang text or tawag pagkatapos

Pero mali ko din nga, di ko nalinaw sa kanya na naka move-on na ako sa previous girl. Sinabi pa nga niya na. 'Ang ganda kasi ng girl mo dati eh'. Ayun natulala ako at di nakasagot, pasakay na siya nun.

Pero nilinaw ko na din sa text, pero uulitin ko ulit yun kung sakaling magkita pa kami

Ang babae sensitive sa ganyang mga bagay. Parang ang dating ay nagdate kayo then may ibang babae kang niligawan before. May impact siguro ang bagay na yan. Be sincere. Show her na gusto mo syang ipursue.

Sent from my Android using iOS
Title: Re: Ilang date
Post by: ¿m☺ÿ on September 25, 2013, 03:47:22 PM
oops sorry i just used the example for the effort thing, what i really want to say is that if you are really interested, why not go find her, i mean, why not go to her home or work.... nasubukan mo na ba siyang ihatid sa kanila? if yes, then it's much more easier, baka hinihintay ka lang niyang magmake ng move.
I'm not saying for you to rush things, but why wait sa next time na magkita kayo? Bakit hindi mo siya puntahan sa kanyang work or home and say what you want to say? Text or chat is a good communication pero it's a plus factor kung sasabihin mo sa kanya ng harapan, it will be more truthful kung ganito ang gagawin mo. I just remember what my previous gf said to me,"Ang guy daw na matiyaga sa panliligaw kahit hindi gusto ng babae eh nagugustuhan din, kesa doon sa taong gusto niya na wala namang ginagawang effort para ligawan siya". You have all the chances you need my friend, kung talagang interested ka sa kanya.... don't waste it.
Title: Ilang date
Post by: arthas™ on September 25, 2013, 03:51:41 PM

very well said tol imoy. this is what i mean. naexplain nang maayos. puntahan mo sa work or house. plus pogi points yan kasi it means sincere and interested ka sa kanya and dapat buo ang loob mong ipursue sya. learn to take all risks and it will pay off soon.

Sent from my Android using iOS
Title: Re: Ilang date
Post by: Choke on September 25, 2013, 04:10:40 PM
oops sorry i just used the example for the effort thing, what i really want to say is that if you are really interested, why not go find her, i mean, why not go to her home or work.... nasubukan mo na ba siyang ihatid sa kanila? if yes, then it's much more easier, baka hinihintay ka lang niyang magmake ng move.
I'm not saying for you to rush things, but why wait sa next time na magkita kayo? Bakit hindi mo siya puntahan sa kanyang work or home and say what you want to say? Text or chat is a good communication pero it's a plus factor kung sasabihin mo sa kanya ng harapan, it will be more truthful kung ganito ang gagawin mo. I just remember what my previous gf said to me,"Ang guy daw na matiyaga sa panliligaw kahit hindi gusto ng babae eh nagugustuhan din, kesa doon sa taong gusto niya na wala namang ginagawang effort para ligawan siya". You have all the chances you need my friend, kung talagang interested ka sa kanya.... don't waste it.
Tinitext ko pa din siya ng mga greetings kahit nga hindi na siya nagrereply, para mapakita ko na gusto ko siya siyempre.

2 weeks ago yun last kami nagkita. At simula nun hindi siya nagrereply sa text o tawag. Naabutan kong online sabi ko kamusta at di na siya nagparamdam, ayun busy nga daw siya pero sabihan daw niya ako kapag ok na.

Niyaya ko din na makilala ung mga kaibigan ko kasi birthday pero ayun may pupuntahan din siya na celebration kaya hindi din pwede.

Hindi ba weird yun? Puntahan na lang bigla sa bahay kahit di pa niya ako pinapapunta dun. Parang stalker ang labas, sorry noob lang
Title: Re: Ilang date
Post by: arthas™ on September 25, 2013, 04:15:02 PM
Hmmm not necessarily sa bahay. Kung close na close kayo applicable yan pero sa ganyang situation sa office nya siguro. Tell her na nasa labas ka and will wait for her na lumabas. Bring her flowers. Being sweet is not bad but a plus point din samahan mo ng sincerity.

Sent from my Android using iOS
Title: Re: Ilang date
Post by: Choke on September 25, 2013, 04:16:59 PM
Hmmm not necessarily sa bahay. Kung close na close kayo applicable yan pero sa ganyang situation sa office nya siguro. Tell her na nasa labas ka and will wait for her na lumabas. Bring her flowers. Being sweet is not bad but a plus point din samahan mo ng sincerity.
Nakalimutan ko sabihin.. Wala siyang work ngayon, kaya ayun sa bahay lang siya.
Title: Re: Ilang date
Post by: arthas™ on September 25, 2013, 04:23:24 PM

Nakalimutan ko sabihin.. Wala siyang work ngayon, kaya ayun sa bahay lang siya.

How about tell her, kung di nasagot ang call, text her na you want to meet her cause you want to tell her something. That you could not find peace of mind until you say that to her. From here she will begin to think, however pwede nyang ihirit why don't just say it here sa text. Kapag ganun puntahan mo na. Tell her nasa labas ka ng house nila. As what I've mentioned awhile ago, bring her flowers. Di ka naman stalker kasi you've known each other na. Basta maging totoo ka lang. Kung gusto mo napakaraming paraan.

Sent from my Android using iOS
Title: Re: Ilang date
Post by: arthas™ on September 25, 2013, 04:34:11 PM
By the way ang aming mga comments ay opinion lamang. Ang mahalaga at the end of the day masasabi mong masaya ka. Be confident but not too much. Do what you think satisfies you para wala nang what ifs. Remember na ang pagsisisi ay laging nasa huli. Consider time as a precious thing. Take or leave any advice basta ang amin lamang ay kung paano namin nakikita ang sitwasyon. Limited man ako sa experience but I'm confident with my mindset on such things. Listen lang sa iba pang mga advice na darating dito sa thread mo. You may get more ideas that could help you.

Sent from my Android using iOS
Title: Re: Ilang date
Post by: ¿m☺ÿ on September 25, 2013, 06:03:31 PM
Quote from: Choke
Tinitext ko pa din siya ng mga greetings kahit nga hindi na siya nagrereply, para mapakita ko na gusto ko siya siyempre.

2 weeks ago yun last kami nagkita. At simula nun hindi siya nagrereply sa text o tawag. Naabutan kong online sabi ko kamusta at di na siya nagparamdam, ayun busy nga daw siya pero sabihan daw niya ako kapag ok na.

Niyaya ko din na makilala ung mga kaibigan ko kasi birthday pero ayun may pupuntahan din siya na celebration kaya hindi din pwede.

Hindi ba weird yun? Puntahan na lang bigla sa bahay kahit di pa niya ako pinapapunta dun. Parang stalker ang labas, sorry noob lang

Nope, hindi yun weird bro... ang tawag doon noong araw, pag-akyat ng ligaw. I've tried that many times noong kabataan ko, and it brings good results hindi lang sa nililigawan ko, pati na rin doon sa mga magulang niya. Kahit madalas eh nagkakaligaw-ligaw ako but it worths the effort.

side note: tama si bro Arthas, we can only suggest but still ikaw pa rin ang masusunod bro.
Title: Re: Ilang date
Post by: arthas™ on September 25, 2013, 09:31:52 PM

Nope, hindi yun weird bro... ang tawag doon noong araw, pag-akyat ng ligaw. I've tried that many times noong kabataan ko, and it brings good results hindi lang sa nililigawan ko, pati na rin doon sa mga magulang niya. Kahit madalas eh nagkakaligaw-ligaw ako but it worths the effort.

side note: tama si bro Arthas, we can only suggest but still ikaw pa rin ang masusunod bro.

Tol imoy is right. Go ahead bro you can do it. Take it from tol imoy. Follow your own instincts. Mga simpleng advice lang from us based on experiences and points of view. Ang mahalaga at the end of the day e masasabi mong masaya ka at walang regrets.

Sent from my Android using iOS
Title: Re: Ilang date
Post by: Choke on September 26, 2013, 03:14:08 PM
Ilang dates ba usually bago niyo malaman na ayaw niyo sa isang tao?

ok naman ung date namin pero hindi ako nag the moves, bukod sa hinawakan ko ung ulo niya kasi nauntog, eh pinisil ko ung kamay niya bago siya sumakay pauwe. nung lunchout ilang beses siya nagtanong kung nagenjoy ba daw ako, nung date nagsabi din siya ng "nagenjoy ka ba? ako lang ata nagenjoy eh"

Pero medyo magulo din kasi nung umpisa, nagpaparamdam si girl ng todo. Hiningi ung number ko and sabi crush daw niya ako. Pero may gusto akong ibang girl nun pero malabo naman at kinuwento ko sakanya na pinupursue ko pa.

ilang linggo ng walang reply si girl, di din sinasagot ung mga tawag. pero syempre di naman ako todo kulit.

Ano sa tingin niyo? Lalo na ung mga female members, give space muna diba?
Title: Re: Ilang date
Post by: Troll Montero on January 29, 2014, 03:41:54 PM
 :-X isang date lang alam ko na kung ayaw ko sa babae or hindi..  :D
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal