My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Current Events => Topic started by: bohica on August 28, 2013, 10:12:35 AM

Title: Liham para kay Kagalang-galang na Lani Mercado, mula kay JP Zepeda
Post by: bohica on August 28, 2013, 10:12:35 AM
Kagalang-galang na Congresswoman Lani Mercado-Revilla,

Kamusta po ma'am? Napasulat po ako sa inyo kasi medyo NASUKA po ako sa reaksyon niyo sa pag-abolish ng pork barrel. Di ko po mapigilan, kahit si Ginang Janet Napoles po ang bida sa panahong ito, agaw atensyon po kayo! Ang sabi po niyo kasi, "Basta huwag lang manghihingi sa amin ang mga tao!" Tanong ko lang po, 'Ninang Ng Bayan' po ba kayo? O kayo po ba si Santa Claus? Pasko po ba at caroling season na? May pagka-HUNGHANG po kasi ang sinagot niyo.

Yung pork barrel po, ipinagkakatiwala iyon sa inyo para gamitin ng HUSTO sa KAPAKANAN ng taong bayan. Ngayon, nasangkot po ang asawa niyo sa isyu. Ang isyu po ay PANGUNGURAKOT. Ang isyu po ay patukoy sa INYONG MGA PULITIKO at ang biktima po naman ay ang mga constituents ninyo at lahat ng mamamayang Pilipino.

Wala po kayong responsibilidad na magbigay mula sa PINAGHIRAPAN ninyo (tulad nga ng nasabi ninyo). Ipang-shopping niyo na lang po iyon. Ang tungkulin niyo po lamang bukod sa paggawa ng batas ay BUONG-BUONG ILAAN sa serbisyong pampubliko ang BUWIS ng mamamayan. Na galing din po sa PINAGHIRAPAN nila. Ganoon lang po ka-simple, ma'am! Hindi po iyan hinihingi. Hindi rin po ibinibigay. Iyan ang dahilan kung bakit po kayo ihinalal sa posisyon ninyo.

Ngayon kung napatunayan pong hindi po talaga napupunta ang buwis ng tao sa dapat nitong kapuntahan, e nararapat na nga po sigurong ma-abolish ang pork barrel. At palitan ang lahat na bulok na sistema ng gobyerno. Kasama po sa sistemang yan ang TRAPO at BABOY na pulitiko. Kung nangyari po iyan, mapipilitan kayo ngayong bawiin ang sinabi niyo dahil sa kahit anong korte ng mundo kayo pumunta, mas mabuti na hong humingi kaysa MAGNAKAW.

Ngayon, kung gusto niyo pong magbigay galing sa bulsa niyo, e pag-iipunan ko po at ipatatayo ko kayo ng monumento. Nakakahiya naman po kasi kung hindi masuklian ang kabutihan ninyo.

Sukang-suka po sa inyo,
JP Zepeda
Overseas Filipino Worker-turned-Overseas Filipino Activist

P.S. Kung gusto niyo po ulit magpa-interview, pumunta po kayo sa Luneta ngayong Lunes, Agosto 26, 2013, 9am. Sigurado po akong marami pa pong may gustong magtanong sa inyo.
Title: Re: Liham para kay Kagalang-galang na Lani Mercado, mula kay JP Zepeda
Post by: karlkutu on August 28, 2013, 10:20:51 AM
sir, post natin ito sa fb. hehehehehe...
Title: Re: Liham para kay Kagalang-galang na Lani Mercado, mula kay JP Zepeda
Post by: Dimmu Borgir on August 28, 2013, 10:22:43 AM
nangangampanya pa lang ito eh napabalitang naghuhugas ito ng alcohol pagkatapos makipag kamay sa mga mahihirap na kababayan..

matapobre na, bobo pa.. tapos ibinoto pa..

saan na nga ba tayo papunta?

Title: Re: Liham para kay Kagalang-galang na Lani Mercado, mula kay JP Zepeda
Post by: ¿m☺ÿ on August 28, 2013, 02:42:17 PM
Agree ako kay JP Zepeda....
Hirap sa mga politiko kapag nangangampanya laging sinasabi na gusto nilang paglingkuran ang mamamayan tapos kapag naka-upo akala mo diety na mahirap maabot.... I'm a peace loving individual pero yung sinabi niya sa interview is not really tolerable kasi lumalabas parang utang na loob ng taong bayan na tulungan sila ni Congresswoman Lani Mercado eh galing din naman pala sa mga tao ang ibinibigay niya.....

+karma sa iyo bro... thanks for sharing
Title: Re: Liham para kay Kagalang-galang na Lani Mercado, mula kay JP Zepeda
Post by: fayt on August 28, 2013, 04:45:44 PM
 :-X :-X :-X

ayos na letter yan.. maganda kung gawin tarpaulin/banner at ilagay sa gate ng kongreso..  ;D
Title: Re: Liham para kay Kagalang-galang na Lani Mercado, mula kay JP Zepeda
Post by: Zurca on August 28, 2013, 05:06:54 PM
nice post sir, dapat tinanggal na yung kagalang-galang tsk. teka nabalita ba sa tv yung interview/statement ni ms lani mercado? parang hindi ko ata nabalitaan sa tv yun.
Title: Re: Liham para kay Kagalang-galang na Lani Mercado, mula kay JP Zepeda
Post by: lalakesop on August 28, 2013, 05:16:23 PM
nice one jp, serves her right
Title: Re: Liham para kay Kagalang-galang na Lani Mercado, mula kay JP Zepeda
Post by: honeysuckle on August 29, 2013, 12:40:35 AM
Nice article sir Imoy and credit to Mr Zepeda.

Glad to know na nag-react sila at biglang hugas-kamay ang iba sa mga kasabwat ni Napoles at isa na dito ang angkan nga mga masswapang na taga Cavite, ang mga Revilla. D ka na magtataka sa gawain ng mga magnanakaw. Ako bilang nakatira sa nasasakupan ng mga BABOY na yan, eh laging stress sa pag ko-commute! Bat hindi nila nagawan ng paraan para mapabilis ang road widening along aguinaldo h-way o d kaya naman isang napakaayos na fly-over mula sa Imus hanggang coastal road??? Ilang dekada na siguro ang lumipas at hanggang ngayon ay d maayos-ayos ang daan na yan. Mag-artista na lang kayo!!! Bwiset!!!


Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: Re: Liham para kay Kagalang-galang na Lani Mercado, mula kay JP Zepeda
Post by: Ungas123 on August 29, 2013, 10:21:41 AM
Bwiset talaga yang mga revilla


Sent from my iPhone using Tapatalk - now Free (http://tapatalk.com/m/)
Title: Re: Liham para kay Kagalang-galang na Lani Mercado, mula kay JP Zepeda
Post by: Asiong Salonga on September 22, 2013, 03:42:37 PM
wag na kasi pabotohin ang mangmang. mananatiling mangmang ang mga tao sa pilipinas kapag hiahayaang bumoto ang mga mangmang. tulad niyan ni lani kapal moks. kung may utak ang boboto sigurado mazezero to tsaka asawa niya. hindi nga mga graduate ang mga ito eh
Title: Re: Liham para kay Kagalang-galang na Lani Mercado, mula kay JP Zepeda
Post by: dell19 on September 22, 2013, 06:41:29 PM
palagi po sila namimili ng boto pag election para sure na ang panalo
Title: Re: Liham para kay Kagalang-galang na Lani Mercado, mula kay JP Zepeda
Post by: bonehead on September 22, 2013, 09:22:21 PM
Iban  dapat sa cavite yang mga anak ng teteng na yan! Mga  mandarambong!


Pasensya na sa comment ko pero taga-CAVITE rin ako
Title: Re: Liham para kay Kagalang-galang na Lani Mercado, mula kay JP Zepeda
Post by: tonistork on September 22, 2013, 10:02:25 PM
tapos may balak pang mag-presidente o bise presidente ang asawa nito. . . anak ng teteng naman. >:(
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal