My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Current Events => Topic started by: ¿m☺ÿ on July 29, 2013, 03:12:04 PM

Title: Lahat bawal sa Davao City
Post by: ¿m☺ÿ on July 29, 2013, 03:12:04 PM
(https://fbcdn-sphotos-a-a.akamaihd.net/hphotos-ak-ash3/1014017_527088584026092_1201935227_n.jpg)
Lahat bawal sa Davao City...

ANO pa ba ang hindi bawal sa Davao City? Kalalapag pa lang ng eroplano sa Davao International Airport ay agad-agad mag-aanunsyo ang flight attendant na mahigpit na pinagbabawal ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar dito sa Davao City.

Ang smoking ban ay isa lang sa mga pinagbabawal na tagumpay namang naipatupad dito sa siyudad sa may timog Mindanao. Higit 13 taon na ring umiiral ang smoking ban na nitong Hunyo lang ay pinalawak pa sa pamamagitan ng panibagong ordinance na nagsasakop ng mas mahigpit na mga provisions at maging ng sanctions.

Isa pang kinaguguluhang ipinagbabawal dito ay ang pag-inom na nakasaad sa amended na existing liquor ban dito simula sa Agosto 1.

Mas maaga nang ipinapatupad ang paghinto ng pagbenta ng mga inumin dito katulad ng beer, wine o anu mang liquor na kung dati ay magsisimula ang liquor ban ng 2:00 a.m., ngayon ay 1:00 a.m.

Maraming umangal sa pinaagang simula ng liquor ban katulad ng mga bars at mga ibang establishments na nagbebenta ng inumin. Lugi raw sila. Ngunit umiral pa rin ang unanimous resolution ng Sangguniang Panglungsod nang pinasa nito ang amendments ng liquor ban nitong nagdaang Miyerkules lang.

Ayon kay Mayor Rodrigo Duterte kailangang agahan ang simula ng liquor ban upang maiwasang mapainom ang mga kabataan na pawang mga estudyante pa nga. Kawawa nga naman ang mga magulang ng mga kabataang ito na ang akala ay matinong nag-aaral ang kanilang mga anak ngunit sa inuman pala ang bagsak.

Ngunit may kabutihan namang naidudulot ang mga pagbabawal na ginagawa rito sa Davao City.

Katulad na lang ng ban on the sale, possession and use of firecrackers and pyrotechnic materials hindi lamang tuwing Chistmas o New Year’s eve ay nagresulta sa zero-injury sa mga ospital rito na may 13 taon na ngayon.

Tahimik ang mga emergency rooms ng mga ospital dito sa Davao City tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon hindi kagaya sa Metro Manila at iba pang lugar na kung saan pangkaraniwan nang nakikita ang mga sugatan na minsan ay putol ang mga kamay dahil sa paputok.

Hindi maiwasang sasabihin ng karamihan na killjoy ang mga tao rito sa Davao City. Killjoy na kung killjoy. Basta’t para sa kabutihan ng mga mamamayan, bahala na kung patayin ang kaligayahan ng iilan kung ang kabutihan naman ng karamihan ang mamayani ay OK na OK lang.

credit to source
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: arthas™ on July 29, 2013, 03:24:52 PM
I'm proud on how Duterte lead the city. Ganyan dapat, ang salitang kill joy ay dapat isantabi at wag ihanay sa pagpapatupad ng batas. Nice post sir imoy. +k sa yo dito.
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: ¿m☺ÿ on July 31, 2013, 03:46:21 PM
agree ako sa sinabi mo sir joe
thanks sa karma
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: VigilanteSpy on July 31, 2013, 04:51:05 PM
So proud to be a Davaoeno. Nice post ts
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: zzgundam on July 31, 2013, 04:52:34 PM
When I last visited Davao back in 2009, I found it to be very peaceful and safe. I could walk around the city at 12 midnight or later with no fear of getting mugged. This is discipline. Kudos to Mayor Duterte and team.
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: LimitLess™ on July 31, 2013, 05:38:32 PM
Ok pala si Mayor Duterte .. Sana ganyan din mga mayor samin sa maynila ..  ::)
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: ¿m☺ÿ on August 01, 2013, 05:49:13 PM
sana lahat ng mayor sa mga lungsod eh tulad ni mayor duterte....
walang inaatrasan... thumbs up talaga ako sa davao
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: Prime™ on August 01, 2013, 06:12:00 PM
Agreed. I like his style.

I would like to see Davao per recommendation of my friends here. Maganda daw talaga jan and safe.
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: VigilanteSpy on August 02, 2013, 12:24:21 PM
Safe talaga sa Davao although meron pa rin talagang nakakalusot paminsan-minsan na mga krimen.  Pero saludo ako sa mga pulis dito sa davao, ang bilis ma-solve ng krimen.
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: fayt on August 02, 2013, 12:29:45 PM
ganyan talaga kataas ang safety level dyan sa davao under ni duterte.. peace and order talaga ang pinapatupad.. kaya isa sya sa magagaling na local mayor dito sa pilipinas
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: saranghandagu on August 04, 2013, 03:17:33 AM
Kung Mayor yan ng Manila, sigurado walang skwater, walang madumi, walang krimen. Sayang.
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: warfreak13 on August 04, 2013, 04:06:42 AM
Magaling lang syang mag implement ng Laws....

Kung ganyan din sana sa Buong Metro Manila na iimpose ang mga Laws natin sa tingin ko gaganda at tatahimik at magiging safe din ang metro Manila.... 8)
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: pootek on August 08, 2013, 10:33:43 PM
Grabe tlga sila mag implement ng rules...

Sorry na lang sa lalabag sa batas. I heard delikado jaan ang mga pusher, holdupers and the likes.

Sent from my MyPhone A888 Duo

Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: fayt on August 08, 2013, 10:35:20 PM
Grabe tlga sila mag implement ng rules...

Sorry na lang sa lalabag sa batas. I heard delikado jaan ang mga pusher, holdupers and the likes.

Sent from my MyPhone A888 Duo
Tama sir.. may kinalalagyan ang kawatan dyan sa davao

Sent from my Yahoo using Google

Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: pootek on August 08, 2013, 10:35:59 PM
Ung sarah duterte mayor ba sya.?

Wifey here

Sent from my MyPhone A888 Duo

Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: fayt on August 08, 2013, 10:37:34 PM
Ung sarah duterte mayor ba sya.?

Wifey here

Sent from my MyPhone A888 Duo

Dati sya mayor nun natapos ang termino ng ama nya. Ngayon ang ama nya uli na si rodrigo duterte ang mayor uli

Sent from my Yahoo using Google

Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: zkhiel on August 08, 2013, 11:04:12 PM
Dati sya mayor nun natapos ang termino ng ama nya. Ngayon ang ama nya uli na si rodrigo duterte ang mayor uli

Sent from my Yahoo using Google





political dynasty pla talaga to pero oks lang tuloy tuloy naman yung magagandang magagawa kahit may effect ito sa ilan nating kababayan
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: angelmassacre on August 11, 2013, 05:40:30 PM
masyadong brutal ang mga Duterte? hahahahaha
Eh may disiplina nga sa davao eh, at hindi masama yun.

eto taste the duterte finger!

(http://t3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQJr5vQ3-OLpt2CrjmpE6gAHiCK0_rgeEhFHG0lh-lnDT96EU_S)
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: theshepherd on August 11, 2013, 05:43:48 PM
Ayuz! Brutal kasi sa katigasan ng ulo ang majority ng mga pinoys. Kaya kelangan ng brutal ways to discipline.

Peace out!

Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: ¿m☺ÿ on August 11, 2013, 05:44:00 PM
kung ayos naman ang legacy, para akin kahit political dynasty ok lang...
 :-\ :-\
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: fayt on August 11, 2013, 05:48:01 PM
Agree ako kay sir shepherd. Paspasin na ang dapat gawin para madisiplina ang pinoy...

So ibig sabihin ba na eto ang magandang example ng political dynasty?

Sent from my Yahoo using Google

Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: theshepherd on August 11, 2013, 06:17:31 PM
Pwede nga nating masabi na maganda ang results ng dynasty ng mga Duterte, master ninja boss fayt.

Peace out!

Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: fayt on August 11, 2013, 06:45:46 PM
Pwede nga nating masabi na maganda ang results ng dynasty ng mga Duterte, master ninja boss fayt.

Peace out!

Waaaaahhhh may master ninja rin... Kala ko lusot na ako dito nyan hehehe..

I see sir.. maganda naman talaga ang result lalo na sa peace and order dyan sa davao.

Sent from my Yahoo using Google

Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: johnli on August 14, 2013, 12:20:53 AM
dapat lahat ng leaders natin pareho sa kanya, yung may political will,. walang kinakampihan,.
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: monde8 on August 14, 2013, 03:45:51 AM
Good job talaga si Mayor Duterte. Hindi naman talaga dapat na laging pinakikinggan kung ano gusto ng mga tao. Kaya nga may mga hinahalal tayo para mamuno satin eh. They are there to see beyond what our eyes can see.

Parang sa opisina lang na may mga bisor at mga manager para hindi uubra na kung anong diskarte gustong gawin ng mga empleyado eh pwede lahat.

The end result naman ng mga pagbabawal sa Davao City ay its a very safe place to be in. As someone working sa graveyard shift, nung nasa Maynila ako lagi akong kailangang mukhang astig at alisto sa paligid ko dahil sangkatutak ang experiences ko sa mga masasamang loob lalo sa mga jeep at bus. Dito sa Davao City never pa ko nakaramdam ng threat sa mga nakakasakay ko sa jeep pag pumapasok ako sa opisina.
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: saranghandagu on August 14, 2013, 07:28:57 PM
Unfortunately, Filipinos value FREEDOM rather than ORDER.

And after a couple of minutes of FREEDOM, they complain that there is no ORDER.

Un-phucking-believable.
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: fayt on August 14, 2013, 08:41:15 PM
Unfortunately, Filipinos value FREEDOM rather than ORDER.

And after a couple of minutes of FREEDOM, they complain that there is no ORDER.

Un-phucking-believable.


Indeed... Irony isnt?

Sent from my Yahoo using Google

Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: jatet on August 20, 2013, 06:51:03 AM
I believe at this point, Filipinos need leaders like Duterte. Wala talagang disiplina ang karamihan sa atin. Until we become cultured and disciplined, leaders like him are necessary.
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: trafficjam on August 20, 2013, 11:38:29 AM
wahaha siga kasi si duterte e. although pabor ako sa mga shoot to kill sa mga adik
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: Ozymandias on August 20, 2013, 01:39:06 PM
Seems okay yung naman yung implementation pero pag dyan ako nakatira, feeling mo nasasakal ka sa mga batas na pinatupad. Though I don't smoke anymore, yung liquor ban lalo na sa mga bar e medyo masakit nga sa ulo, kasi it's a business din. I've been to some other countries, kahit walang liquor ban e ang ayos, malinis, at safe pa din. Walang guard sa mga malls. Discipline lang talaga, yung mga pasaway e binibigyan nila ng Public shame, mostly tine televise nila agad para makilala. Pag may nanakawan or may gulo, battalion ng mga police agad yung darating. Awesome e
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: jatet on August 20, 2013, 08:01:23 PM
Seems okay yung naman yung implementation pero pag dyan ako nakatira, feeling mo nasasakal ka sa mga batas na pinatupad. Though I don't smoke anymore, yung liquor ban lalo na sa mga bar e medyo masakit nga sa ulo, kasi it's a business din. I've been to some other countries, kahit walang liquor ban e ang ayos, malinis, at safe pa din. Walang guard sa mga malls. Discipline lang talaga, yung mga pasaway e binibigyan nila ng Public shame, mostly tine televise nila agad para makilala. Pag may nanakawan or may gulo, battalion ng mga police agad yung darating. Awesome e

How I wish ganito din sa lugar namin. Siguro walang maglalakas loob ng gumawa ng krimen.
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: jboyzxxx on August 21, 2013, 02:17:30 PM
galing talaga ng davao.. i know one day mas gaganda pa ung lugar nila bcoz of this.. cheeeers!!
Title: Re: Lahat bawal sa Davao City
Post by: Ozymandias on August 21, 2013, 02:22:28 PM
How I wish ganito din sa lugar namin. Siguro walang maglalakas loob ng gumawa ng krimen.

Taga saan ka pre? Oo pag nakapunta ka sa ibang bansa like Singapore, New Zealand or sa England iba yung disiplina ng mga tao. Kahit wlang smoking or liquor ban iba yung respeto nila sa Law. Dito bastusan e  palibhasa binabalewala yung mga fine at madaling lusutan mga police :-\
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal