My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: monde8 on July 27, 2013, 03:51:45 AM

Title: Usapang Cool Off
Post by: monde8 on July 27, 2013, 03:51:45 AM
Mga ka PT na experience niyo na ba ang ganitong systema sa isang relasyon kung saan may cool off cool off factor na nalalaman?

Kung na experience niyo na, ano dinulot nito?

Kung hindi niyo pa na experience, ano opinion niyo tungkol dito?

Ikaw [you], ano say mo sa cool off?
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: ¿m☺ÿ on July 27, 2013, 03:30:02 PM
nice topic sir Monde... +karma sa iyo
Cool off para sa akin ay maganda at hindi magandang naidudulot.
 
Maganda lalo na kapag may misunderstanding at kailangan ng both sides ng time and space para pag-isipan yung mga events and try to get resolve before talking to each other...kasi sa panahong ito maki-clear ang bawat pangyayari.

Hindi maganda kung ang pagkakaunawa ng isa is makitid, which means its a way to find someone else... or find comfort sa ibang tao... which is not really the meaning of cool off

Cool off means removing the heat, it maybe from the argument bago ma-out of control, clearing the minds from the events na maaring nag-cause ng confusion sa relationship, guilt, jelousy, or anything that may be a treat to destroy a relationship... its not break-up.
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: johnli on August 04, 2013, 01:16:51 PM
hmmm cool off? no need of cool off,.kasi 1 step na yun for break up,. pwede naman pag usapan o pag isipan ang mga bagay bagay na walang cool off,. kasi pag mahal mo tlaga ang isang tao willing ka mag sacrifice at mag compromise ng feelings mo, saka mag extend ng iyong patience,. para sa akin,.i would rather have break up than cool off, kasi mahirap mag adjust muli,.

pru sa ibang banda eh, i respect naman people who prefer that way,. 
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: trafficjam on August 20, 2013, 08:25:01 AM
para sakin ang cool off, ay nauuwi sa break up. isipin mo, pwede ka mambabae, sya naman pwede manglalake. walang patutunguhan yan.
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: jabar12 on August 20, 2013, 08:39:52 AM
depende naman sa inyo paano ihandle ang cool off. pero mas maganda pa rin talaga kung naguusap.
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: jatet on August 20, 2013, 12:11:07 PM
Ok sakin cool-off. Time away from each other para makapag-isip din. Effective para sakin.
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: tulisan2013 on August 20, 2013, 03:49:33 PM
cool off is like break ups.. i never was into cool off break kung break kasi dun din ang tuloy nun if ever man.. just my opinion...
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: arthas™ on August 20, 2013, 03:59:52 PM
i agree with all the comments above. may point si sir imoy especially when both need some space para makapag isip muna. however, ang ginagawa kasi ng iba is tinutuloy na nila sa breakup. ang iba rin kasi kapag sinabi na cool off muna, e iba ang dating. they see it as a sign na sometime soon e they have to separate ways. depende sa dahilan ng cool off yan. pwede kasing naguguluhan ang isa like nafall sya sa iba pero ayaw pa rin nya iwanan ang current partner nya. cooloff may help if matured na ang makikipagcooloff. pero minsan sa kababawan lang din kasi to.


Sent from my Mind using Mental Telepathy
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: jatet on August 20, 2013, 08:08:09 PM
Ok lang yun kung matuloy sa breakup. Basta before mag cool off, napagusapan niyo na yung mga possibilities na pwedeng mangyari.
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: Erickson on August 21, 2013, 10:13:40 AM
kalokohan lang ung cool of cool off.. ;D
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: Parabola on August 21, 2013, 10:33:45 AM
kalokohan lang ung cool of cool off.. ;D
tsong panu mo naman nasabing kalokohan lang parang bitin comment mo eh. :)
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: angelmassacre on August 22, 2013, 02:21:24 PM
Ewan ko, para ba saan ang cool off? parang maiihintulad ito sa purgatorio. a grey area kung saan kayo pa pero parang ayaw nyo na. parang wala ka sa langit, wala ka rin sa impyerno. parang probationary ka kung sa trabaho.

sino ba ang palaging gumagamit ng cool off? diba kadalasan ginagamit lang to ng mga taong astronaut? (I NEED SPACE!)
bakit kailangan mo ng space? space para sa sarili mo? talaga ba? or space para sa mga sidelines mo? hihi 

mga tanong ng konsyensya lang naman yan.

kasi naniniwala naman ako na 2-way ang isang relationship. kung masaya, dapat dalawa kayo ang naka smile (huwag kang mag smile ng katulad ng retard sa mcdo mauupakan ka nyan, hindi bagay sayo), kung may problema dapat dalawa din kayo ang mag resolba. kung ayaw nyo na, totohanin na lang sana yung na ayaw talaga, hindi yung magpapapigil ka pa.

siguro mas mainam na sabihing time out muna, hindi cool off, time out kasi sasabog na utak mo sa kakaisip ng problema mo,  kung bakit lagi kang galit, bakit hindi mo siya maintindihan. blah blah blah.

may kasabihan  nga tayo "Huwag na huwag mong bibitawan ang isang bagay na hindi mo kayang makita na hinahawakan ng iba."

Make up your mind.
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: Marcus on August 25, 2013, 11:57:48 AM
Cool off is preparation for breakups, usually ang mga linya dito....i need space, hanapin ko muna yung sarili at priorities, ..para ma miss natin ang isat isa hehe,
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: Bolgas on September 16, 2013, 04:43:39 AM
cool off means ayaw na ng kapareha gusto ng space bakit di na lang mag break kaagad para kung para kayo sa isat isa kayo talaga pa cool off cool off pa gusto lang makipag break hehehe
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: fayt on September 16, 2013, 05:23:58 AM
If the emotions on both party is too high.

Sent from my Yahoo using Google

Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: xmen123 on September 18, 2013, 12:59:21 AM
sa tingin ko lahat ng relationship dapat may cool off dahil kung minsan hindi mo talaga maiiwasan na magkalayo ang mga damdamin ninyo pero sa tingin ko hindi to yung dapat na talagang hiwalayan kasi minsan nasasyang yung relasyon nyo dahil hindi na kayo magkakabalikan..

dapat siguro yung simpleng distansya lang ok na..
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: witherwind on September 18, 2013, 08:18:16 AM
Cool off is like saying break-up.
Space is like saying you wanted to be independent.
If one person is independent there's no need for a pair.

At least iyan ang dating sakin.
While it's true na hindi ko pa yan naranasan, I always have the slightest inkling on what it is about.
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: xkatrina on October 15, 2013, 01:50:44 AM
pag nakikita/naririnig ko sa salitang "cool off", medyo natatawa na lang ako. nung bata pa ako, madalas ako nyan nakikipag-cool off sa bf ko kase parang wala lang, 'cool' eh. uso kasi yan sa mga kabataan noon, parang ewan ko ba, iba ang dating kesa sa break-up. pero nung tumanda na ako, parang naisip ko, para saan ba yang cool off na yan? hiwalay kung hiwalay, bati kung bati. ganun lang dapat hehe.

pero salamat dahil madalas cool off lang kami lage ng bf ko dati kaya eto pa rin kami ngayon, mas masaya na kami kesa dati at going strong! :]
Title: Re: Usapang Cool Off
Post by: cloe on October 17, 2013, 12:00:32 AM
i don't believe in such things as cool-off. it's either make up or break up :)
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal