My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Current Events => Topic started by: rolper on July 22, 2013, 05:48:07 PM
-
(http://static.guim.co.uk/sys-images/Guardian/Pix/pictures/2010/12/14/1292321902179/Imelda-Marcos-007.jpg)
Imelda, Naospital Nang Madulas Sa Kamara
Written by Bombo Dennis Jamito Published in Top Stories Monday, 22 July 2013
(Update) Isinugod ngayong hapon sa Philippine Heart Center si dating first lady at Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos matapos ang pagkakadulas nito kanina.
Ayon sa source ng Bombo Radyo, bagama't maayos naman ang kalagayan ni Marcos, minabuti ng staff nitong patingnan na lamang siya sa pagamutan upang masuri.
Una rito, hindi na umano maganda ang pakiramdam ng kongresista bago pa man nagsimula ang sesyon.
Una nang napaulat na aksidenteng nadulas sa hagdan ng Kamara kaninang umaga lamang ang mambabatas.
Ayon sa source ng Bombo Radyo, agad namang naalalayan ng kanyang mga tauhan ang mambabatas matapos ang pangyayari.
Hindi pa nagpapalabas ng opisyal na pahayag ang tanggapan ni Marcos pagkatapos ng aksidente.
Sa pagbubukas ng sesyon ng 16th Congress kaninang umaga ay nakitang dumalo na rin ito sa pagpili ng mga lider ng Kamara.
Ang 84-anyos na si Mrs. Marcos ay muling naluklok sa puwesto matapos na unang mahalal noong 2010 bilang kinatawan ng Ilocos Norte.
Pero bago ito ang dating unang ginang ay naging kongresista rin ng first district ng Leyte noong taong 1995. -
*ni tongrisman -
***
-
wawa naman matanda na kasi, pero baka mabigat din ang gown ::)
-
wawa naman matanda na kasi, pero baka mabigat din ang gown ::)
hehehe puro alahas siguro kaya di naka balance mabuti
-
Karma! More to come I hope.
Sent from my iPhone using Tapatalk - now Free (http://tapatalk.com/m/)