My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: GoodnightGuy on July 17, 2013, 10:20:36 AM

Title: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: GoodnightGuy on July 17, 2013, 10:20:36 AM
nadukutan na ba kayo or naholdap habang nag cocommute? sa bus, taxi, jeep, etc.?

Share naman ng stories para na rin maging aware at maingat ang iba nating ka-PT habang nagcocommute.

Maraming beses na akong nadukutan ng cellphone (5 na ata), eto share ko isang story.

Matagal na nangyari ito mga 2003 pa ata. di ko pa alam yung laglag barya na MO and di ko alam kung may gumagawa pa rin nito ngayon.

11AM papunta ako ng office jeep lang along Buendia. Doon ako sa may estribo nakaupo yung right side ko exposed at sa bulsa ng pants ko nakalagay cellphone ko (love ko yung Nokia 6310 na yun). yung isang mama sa kabilang side kinausap ako, sabi pera ko ba yung nasa ilalim ng upuan ko. Syempre mangmang pa ko nun kaya napatingin ako, inunahan nya ako at kunwaring may pinulot at inabot saken yung piso. nagpasalamat pa nga ako. hahaha.

siguro after a few minutes, may isang pasahero (di nila kaano-ano) na bumaba. may isa pang mama sa kabilang side nagsabi check ko raw kung nasaken pa cellphone ko kasi parang nadukutan daw ako nung mamang bumaba. ayun wala na nga phone ko. pero di ako naniwala na yung mamang bumaba ang dumukot kasi ang layo nya saken. so di ako bumaba upang habulin yung tao. medyo nasira ko plano nila.

eto na ang masaya. syempre lalaki, ayaw patalo. una kong kinausap katabi ko na todo deny kahit sya lang may access sa side ko. since wala syang paglalagyan, agad kong tinanong katabi nya kung pwede kong makita yung loob ng bag nya.

ayun! nagalit mga kasamahan niya lalo na yung mamang nagcall ng attention ko. sabi ako na nga raw tinutulunan ako pa malakas mamintang. syempre logic ko, bat sya nagagalit eh di ko naman sya pinagbibintangan. nung pinilit kong kausapin yung katabi ng katabi ko, bumaba na lang ito para kunwari di nya kilala yung mga mama sa jeep.

hmm pano 'to. sa next intersection, dumungaw ako sa labas naghahanap ng mapsa. e meron. so nung paghinto ng jeep nagsimula ng bumaba ang grupo. lima pala sila. hahaha. yung isa binatukan pa ako pagbaba. nag-init ako, parang gusto kong sabihan na andumi dumi ng kamay tapos papahid nya saken. yung last na bumaba medyo brusko, ayun nasolid hook ako sa gilid ng mukha ko. medyo natulala ako at di na nakaganti.

pagpasok ko sa opisina, wala na akong phone, nabasag pa ngipin ko, may pasa pa ako sa mukha ko. ang masaklap dun, walang ginawa ang driver. meron isang pasahero na naawa saken pero walang magagawa kasi matandang babae eh. well at least may nakuha akong piso. :P

lesson learned: dahil sa experience na yan, pagsasakay ako ng jeep, laging pinipili ko pa rin yung mga dulo kung available pero walang valuables dun sa exposed side. or pipili ako ng katabi, usually babae or mga lolo/lola.
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: arthas™ on July 17, 2013, 10:37:51 AM
Yes. Twice na rin. The first one was last November 8, 2005 nung sinundo ko yung ex ko from school then nagcommute kami going to a resto. After kumain, commute ulit para hatid ko sya sa kanila then may sumakay na guy na isiniksik ang sarili nya sa tabi ko. Ako ay nakaupo sa dulo tabi mismo ng babaan. After awhile bumaba sya. Pag uwi ko I noticed parang wala na sa pocket ko yung phone ko. 6600 pa nun yung phone ko. I think that guy took advantage kasi nakaakbay ako sa ex ko which is nasa left side ko at yung guy ay nasa right side ko naman. My phone was in my right pocket. Di ako nakatulog that night. The next incident last year March 27th when I took a bus going home. Nakaupo naman ako sa two seater na bus at katabi ko yung officemate kong tropa ko nung college. Pagbaba nya may pumalit sa pwesto nya. Since kampante ako na di mawawala phone ko (which was a company asset na inassign lang sa kin) I put it on my right pocket and nakatingin ako sa labas ng bintana which is nasa left ko naman. Pagbaba ko I noticed wala na rin yung phone. Di na naman ako nakatulog that night. Pinalitan ko na lang yung ninakaw (HTC Radar) at bumili ako ng Nokia Lumia 820 as replacement.


Sent from my Mind using TapaThink
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: zzgundam on July 17, 2013, 11:17:28 AM
Yes. The thieves took a Nokia 5210 back in around 2003, when I was commuting from my alma mater to a certain mall in North Ave.
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: bohica on July 17, 2013, 12:51:29 PM
Wala pang kumukursunada sa akin. Pag ginawa nila to, para silang nagsawa na sa buhay nila.


Sent from my coffee maker
using Tapatalk
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: fayt on July 17, 2013, 01:05:02 PM
Wala pa naman so far... Kahit puro mass transport ang nasaksakyan ko. Siguro dahil sa vigilant sa paligid. Kapag sasakay ako ng train, yun dalawang kamay ko nasa bulsa at nalahawak sa cp ko na nasa bulsa din. Never ako naglalagay ng important cp sa bag dahil kasi ang pakiramdam kapag hindi mo feel ang phone mo sa katawan. Palagi lang sya sa bulsa. Maliban na lang kapag tinutukan kana.. dito wala na ako magagawa..

Sent from my Yahoo using Google

Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: backwithanotherone on August 20, 2013, 05:09:39 AM
Yep, I already experienced that, naholdap ako sa FX sa may welcome.. terrifying
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: EagleEye on August 21, 2013, 12:08:59 AM
Sa pulp summer slam dati. early 2000s pa. porket crowded tapos tulakan hindi ko naramdaman yung kamay na kumuha sa wallet ko sa likod ng pants ko
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: dennis magtulis on September 02, 2013, 02:27:34 PM

nadukutan ako nung early 200 yata un, 3310 yung phone ko galing pa naman sa UAe kaya arabic pa ung keypad nya,modus opearandi nila is yung estribo gang na pag me bumaba or sumakay ng bus,,gagawin nila since marami sila,,bigla silang tatayo na parang lilipat kunwari ng upuan,,pero during the commotion dun nangyayari ang pandurukot,,that time alam ko na dinudukutan ako pero di ako nakapalag since sobrang dami nila and mga mukhang di talaga magtitira ng ulam ang mga itsura,,pinag pasa DIyos ko na lang ika nga,that time kasi kasabay ko din yung mga sister ko along with my parents na me katandaan na rin ,,so useless kung papalag ako baka mapahamak pa kami lalo
simula nun marami akong naencounter na ganung modus and luckily di ako yung biktima
classic din ung sa jeep na tandem or tatlo sila,,tulad nung latest video na kumakalat , using their bag or jacket (style din to ng mga PT ninja naten.although boobs or legs ang pakay nila), ilang beses nako bumaba ng wala sa destinasyon pag nakakakita ako ng ganito


and ung latest nga is last week lang - medyo traumatic to kasi first time kong nakaencounter na me mga holdaper sa bus na nasakyan namin ,,and worst I'm with my wife that time , it took them only 2-3 mins ,but those were the longest 3 mins i had

around 11 pm un,we took the bus at shaw, south bound, hesitant pa nga kami sumakay dun since nasa gitna siya ng edsa....wala naman akong napansing kakaiba ,,medyo puno yung bus and maswerte lang kami na me space pa sa bandang gitna,,nasa likod banda nakaupo yung mga holdaper,,lahat ng mga gadgets namin ni wife nakatago sa paper bag na bitbit ko except for my phone since baka biglang tumawag yung sis niya na susunduin namin sa smx....paglagpas sa estrella , me overpass dun and medyo madilim biglang me pumarang isa ,then nadineg ko sa bandang likuran yung commotion,,so slowly kinuha ko kagad yung phone ko and inipit ko to between backrest and upuan, si wife naman nilagay yung bag niya sa ilalim ng upuan kasama nung paper bag na dala ko,,
ung naunang kumuha ng gamit me dalang ala RAmbo na balisong (kumikislap pa eto at sobrang haba talaga) and me target kagad siya which is yung nasa unahan ko,,,then second guy, w/ balisong din,,so ganun lage yung scenario,,bawat daan nila alam kagad nila kung sino yung kukuhanan nila,,maswerte ako kasi naitago ko kagad yung phone ko and medyo nakapambahay lang ako nun...then came the last guy na baril ang dala,,ang ginawa ko nun nilabas ko kagad yung wallet ko na Luis Biton,,na me lamang 150 pesos,,wala rin akaong dalang mga ID or cards nun,,sabi ko na lang bigay ko kagad pagtapat saken sakaleng ako ang mpalad na mapili niya,,pagtapat niya saken inumang ko kagad yung wallet ko kahit di pako tinutukan,,swerte naman at kumagat si manong sabay kuha ng wallet at lumipat sa ibang prospect,,,bale yung mga nasa aisle lang ung target nila,,kaya kahit panu pasalamat na rin ako dahil kung si wife ang tinutuklan diko alam gagawin ko,,mukha pa namang mayaman si wife...tingin ko mga amateur lang din to kasi I heard na merong holdaper na limas talaga lahat ,,buong bag mo kukunin nila..

malakas ang kutob ko na kasabwat yung driver at konduktor kasi after the incident di man lang sila nagtry na humanap ng pulis at magsumbong,,parang walang nangyari na diretso lang sila sa usual na pamamasada nila,,gusto ko sanang pumprontahin yung dlawa kaso pinigilan ako ni wife kasi baka daw me kasma pa yung mga gago sa bus

pabalik ng qc napilitan na kaming magtaxi sa trauma namin pareho, and guess what nadaanan namin yung bus sa bandang pasay rotonda
Byaheng UE Letre SM MOA siya  -ang color na ginamit niya is yung Sa precious Grace Transport ,pero nagtataka ako kasi yung nakalagay sa body ng bus is MANGIS transport but with the same color ng precious grace,,plate no. is TXT 650,,diko pa lang nacheck sa LTO if colorum tong bus na to,,yung tiket nila na gamit is Precious Grace din..SUNday night to,,walang masyadong traffic at walang masyadong pulis,,so I guess perfect timing para sa kanila

Ingat na lang Guys, ako kasi pagdiko na inabutan mrt ,,madlas ordinary bus lang ako,,mas safe yung feeling ko dito since maraming exit points unlike aircon buses,and im thinking din na commoners yung mga pasahero dito so di siya target ng mga holdaper,,maraming mandurukot sa ordinary ,,pero i know all their moves so mas pipiliin ko pa to kesa matutukan


Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: iceprince on September 02, 2013, 02:58:47 PM
Madaming beses na ding nadukutan...

Sa bus, hindi ko na naramdaman...binigay lang nga sa akin yung phone...

Nasa loob ng bag, pero nakuha pa din...hindi ko nga naramdaman basta may dumikit na lang sa akin na nakatayo...kunwari nasiksik...

After ilang minutes, naalala ko yung cp, ayun wala na pala...hahaha
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: Soujiro Seta on September 02, 2013, 11:01:05 PM
pwede ko din b i-share yun muntikan moments?hehe..naalala ko one tym pauwi ako ng bahay galing iskul..uhm pagkababa ko ng bus sa alabang from lawton,sskay pa kase aq ng isang jip..dun ako sumakay sa harapan..mei tumabi skn mukhang karpintero..

..nasa bahay na aq bgla tumatawa sister ko labas brief dw aq..sbe q hala sumabit ata ako sa jip..sbay nagulat aq nun nagbibihis na aq..pagkuha q sa wallet q hati sa gitna mei laslas din..tsktsk fail xa eh haha buti wala pera wallet q lage sa ibang bulsa nakalagay
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: witherwind on September 05, 2013, 08:54:24 AM
Never experienced while commuting.
Pero nadukutan na ako in front of Mang Inasal Cubao EDSA, just recently.

Good thing iniwan ko ATM card ko that day. :)
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: pandinox on September 08, 2013, 05:13:12 PM
nadukutan ako once sa mrt station
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: razorsharp on October 23, 2013, 05:10:55 AM
yes, nung mga 1st year college ako nun. nawala yung wallet ko sa bulsa ko sa likod. nasa siksikang bus ako nun pauwe galing UST. buti yung nakapulot eventually e mabait. nakita nya raw sa may banketa yung wallet, syempre wala na yung pera. dentista yung nakapulot so tinawagan ako.
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: Joakim112 on October 28, 2013, 10:45:27 PM
2 years pa lang ako dito sa manila and sa awang dyos, wala pa talaga.. Saan ba dito usually talamak ang mga ganyan?para maiwasan natin.

Sent from my ST18i using Tapatalk 2

Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: Parabola on October 28, 2013, 11:09:05 PM
Nadukutan na ako sa bus dati ng cellphone, bale di ko alam nangyari kasi sa sobrang pagod nakatulog ako sa bus pero ang pinagtataka ko sarap ng tulog ko kasi lumampas ako, malibay lang dapat at kundoktor pa gumising saken kasi nasa coastal na ako at ako nalang di pa bumababa, sakit ng ulo ko nun, baka may ipinaamoy pa sa akin na pampahimbing ng tulog, pagcheck ko sa cp ko nung bababa na ako wala na at laslas na yung bulsa ng bago kong maong. Mula nun di na talaga ako natutulog sa biyahe. Mga kamuntikan na sa jeep, laglag barya at kung anu ano pa pero alam ko kaagad na mandurukot sila basta gising ako, haha.
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: source on November 02, 2013, 06:05:22 PM
ingat mga ka pt madami nyan ngayon malapi na pasko ang mga masasamang loob dumadami... ingat na lang tayo
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: Itachi101 on November 03, 2013, 01:19:02 AM
dapat talaga doble ingat na lang tayo mga PT
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: LimitLess™ on November 03, 2013, 04:32:03 AM
Sa awa ng diyos hindi parin nangyayari saakin ito, kaya ingat talaga parati ..
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: IORI™ on November 03, 2013, 04:48:14 AM
yap na holdap ang sinasakyan kong jeep from cubao to recto .. 3 holdaper yun 2 may balisong at yung isa naman may hawak na baril .. bale nakuha sakin eh yung relo at belt bag ko ... timing mga holdaper kasi payday yung araw na yun .. ang masama .. ang ingat ingat ko sa cp (naka mute pa yun) pero natangay din kasama ng beltbag ko.. tapos yung jeep na yun puno na!! hinabol ko nung nag stop sya sa red light .. nakasabit ako nun oras na un tapos pinapasok ako ng driver may isa pa raw sa gitna .. and the rest is bangungot talaga!! kasi nakaka shock ang mga eksena .. thank God wala naman masama nangyari ..

ang payo ko lang mga kapatid sa oras na ganyan .. (hindi na kasi maiiwasan yan dahil na rin sa impluwensha ng droga at kahirapan) pag na holdap ka or na snatch or na dukutan ka ... ibigay mo nalang kesa masaktan ka or kung ano mang masama ang mangyari sayo .. buhay ang nakataya sa iyo .. bagay/pera lang yan .. mapapalitan ... kaya lagi mag ingat
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: Pulupot on November 08, 2013, 10:57:18 PM
naranasan ko na ring maholdap sa jeep din sa may SLEX patungong magallanes.coin purse lang nakuha nila kasi sa sobrang pagmamadali nila.Pero ang truma na maranasan mo parang abot hanggang dulo ng buhok mo ang kaba...di baril at balisong din ang mga holdaper...bumaba sila bandang mcdo o jabbi sa evangelista...hays...
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: sugunoy on November 15, 2013, 03:30:42 PM
Nadukutan na ako once sa ayala mrt nort bound. Siksikan talaga noon tpus nagulat ako nung yung mga sumisiksik hndi pumasok sa tren. Pagkapa ko ng cellphone ko, whoala! As in wala na.. Bagong bago pa naman yun.
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: nytrisco on November 23, 2013, 10:32:07 AM
MRT/LRT MO:

share ko lang, recently lang. Officemate ko papasok na siya ng MRT sa Ayala station, yung phone niya nasa bulsa ng jeans at may nakasabit na headphone. Nakapila ng maayos ang mga tao sa MRT nung papasok na siya ng tren hindi niya alam kung bakit biglang may sumingit both kaliwa at kanan niya, napasabi tuloy ung officemate ko "Brad may pila ayos kayo makasingit ah" tas biglang naputol ung music niya. AKala lang niya nahugot dahil siksikan. kaya hindi niya muna pinansin. Napansin niya ung sumingit na guy ay nakipag-aper dun sa guy na papalabas din sa Ayala station. Pagdating sa Buendia, dun pa lang niya napansin na wala na cp niya kasi hindi na niya makapa. at bumaba sa na sa Buendia station ung 2 sumiksik sa kanya.

Guys ingat na lang kayo sa mga sumisiksik sa tren, kasi ako muntik na rin mabiktima ng ganito. Nakipag away pa ako at nakipag balyahan dun sa sumiksik sa akin para lang wala sila makuha, dahil naramdaman ko na may kamay na sa baba ng belt ko na kunwari itutulak ka pero kumukuha lang sila ng tyempo.
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: toshka on November 23, 2013, 02:26:42 PM
Tsk tsk ingat po mga katambay lalo na ngayon malapit na ang pasko baka manenok ang bonus.

Masaklap talaga ang karanasang ito. Kaya ako mga mahahalagang id iniiwan ko na sa bahay minsan na akong naholdap at nakaka trauma talaga.

Sent from my GT-I8190 using Tapatalk 2

Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: Filgert on November 29, 2013, 02:42:43 PM
Sa awa ng Dyos ay hindi pa naman po ako nahoholdap o nadukutan successfully. Twice ako muntikan madukutan sa divisoria. Nung una, high school ako, kasama ko kaklase ko pauwi. Mga 1997 yun kaya hindi pa uso cellphone.Habang nagaabang kami ng jeep e nararamdaman kong unti unti bumibigat yung bag ko.So ang ginawa ko e bigla ko hinawakan yung dulo ng bag ko. At yung nga, nagkaholding hands pa kami ni manang na pilit me dinudukot sa bag ko. Sa kasamaang palad e puro basang tshirt at supporter lang ang makukuha nya kung sakali dun.Ang masaklap e may edad na si manang, tipong 60 na at may akay akay na tatlong bata na maliliit pa. Nasigawan ko na lang sa inis.

Second time naman e mga year 2004. Same area sa divisoria. May bigla akong naramdaman kamay sa pwet ko!Mandurukot pala ang walanghiya. Nagkamali ng susuotan ng kamay.Ang hilig ko kasi magsuot nun ng pantalon na halos mahubo na sa luwag.At yung paglingon ko e babae na naman ang nag attempt mandukot.

Kaya mga ka-PT, dagdag ingat tayo ngayon mga panahon na nalalapit ang pasko. Dagdag listo sa mga nangyayari sa paligid. Tama si sir IORI, kung naholdap kayo e ibigay nyo na lang. Wag na magtangka lumaban. Kikitain din naman natin ulit kung ano man ang nakuha nila satin.
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: Katorse on November 29, 2013, 03:06:40 PM
sa kasamaang palad ako ay suki ng holdaper.. apat na beses na hiningi ng holdaper cellphone ko at mabilis pa sa alas kwatro akong mg-taas ng kamay sabay "sandali lng kuya kuhanin ko lng cellphone ko iyo na" kesa nmn masaksak ang sakit kaya ng sugat.
Madalas nmn ngtetengkyu cla bago tumalikod.  ;D  ;D ;D
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: IORI™ on November 29, 2013, 03:28:39 PM
sa kasamaang palad ako ay suki ng holdaper.. apat na beses na hiningi ng holdaper cellphone ko at mabilis pa sa alas kwatro akong mg-taas ng kamay sabay "sandali lng kuya kuhanin ko lng cellphone ko iyo na" kesa nmn masaksak ang sakit kaya ng sugat.
Madalas nmn ngtetengkyu cla bago tumalikod.  ;D  ;D ;D

hahaha magagalang na pala sila ngaun .. kaya pala madalang na sinasalvage ngaun eh .. marunong na sila mag pasalamat hehe .. tama yan dre kesa buhay mo mawala ..
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: slideaway5 on December 10, 2013, 08:39:12 PM
gun point sa ust dapitan jeepney. no choice binigay ko nokia 3210 ko
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on December 10, 2013, 08:51:56 PM
i had my experiences.. but i got to defend myself

in such situation.. 1st one where someone came up from behind (http://i182.photobucket.com/albums/x229/blizzarah/onions/marah2.gif)

hold me up pointing a knife to my throat.. (http://i182.photobucket.com/albums/x229/blizzarah/onions/graa2.gif) but i get to grab his hand

and break his finger (http://i182.photobucket.com/albums/x229/blizzarah/onions/ciat2.gif) giving me the chance to grab his knife,

kick his leg to bring him down.. (http://i182.photobucket.com/albums/x229/blizzarah/onions/tonjok.gif) then i gave him another kick in the face

and i get to escape along with his knife.. (http://i182.photobucket.com/albums/x229/blizzarah/onions/marah3.gif)

sent from deepwell frog using insecured witch 3000
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: sugunoy on January 15, 2014, 10:11:20 PM
wow!!! napaka-astig naman ni miss Rai...
hahahha, siguro kung ako yun, malilito ako kung anong gagawin
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: angonpt on January 16, 2014, 12:07:28 AM
Ako muntik na. I was riding a jeep with my jacket and my big sports bag, going home. Tapos yung katabi ko, pa simple, may jacket din. He placed his hand under his jacket and nag lean forward. Na feel ko na lang na parang may nag tutug sa bag ko and I knew something was up. So tinaas ko yung jacket ko and naabutan ko yung kamay niya pabalik sa ibabaw ng tuhod niya. The front zipper of my bag was already open, pero wala naman siyang makukuha dun. Pumara siya agad and got off and that was that.
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: crashtest on February 24, 2014, 07:39:25 PM
sa dami ng loko ngayon kelangan talaga doble ingat lagi mga sir. bawal malingat.
:)

Sent from my LT26ii using Tapatalk


Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: ambo78 on March 15, 2014, 11:25:18 AM
ako twice na nadukutan dyan sa may luneta sa jeep papuntang mabini 2 tao sumiksik sa akin kabilaan nung pag baba pagkapa ko wala na wallet ko 30k panaman pang bayad ko sa truck namin aw yun bayad ako  >:(
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: IORI™ on March 19, 2014, 07:08:18 AM
May bagong modus yung mga hinayupak ah .. suka suka gang .. me susuka sa bibiktimahin nila sa jeep tas kunyari concern ang mga hayop pupunasan yun likod habang yung iba manghihingi ng tissue or panyo sa ibang pasahero .. so un attention ng lahat e nandon sa nasukahan .. di nila alam dinudukot na wallet or valuable items na makita nila .. sa cavite daw yan naireport .. husay talaga ng pinoy ..

Sent from my Excite 450q using Tapatalk

Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: weep on March 25, 2014, 04:31:41 AM
Twice na ako nadukutan, yung una cellphone, pagbaba ko ng jeep wala na. Tas yung sunod naman yung programmable calculator ko.
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: hyperactivebastard on March 29, 2014, 05:22:54 PM
kapag sa Pinas talaga nakatira, ang ordinaryong mamamayang Pinoy na nag co-commute araw araw, mararanasan talaga ma holdap at least once sa buhay nila. parte na ng lansangan ng Pinas ang holdapan.
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: AwtsUu1996 on April 18, 2014, 11:27:21 PM
oo kaso calculator lang ung nkuha xD kasi nakalagay sa parang lalagyan ng cp ung calcu ko tapus pag baba nmin ng lrt napansin ko nakabukas n pla bag ko tas wala na  ung calculator :((
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: Koya Erzz on May 17, 2014, 11:07:34 AM
ako dati, nadukutan.
may style sila eh.
pang distract yung isa.. kunyari yung isa sa malapit sa baba.
nag susuka suka.
talagang mapapatingin mga pasahero sa kanya..
ako naman talaga todo tingin din at naawa. kasi mukang kawawa.
ayun. nawala cellphone ko. 3 ata sa mga pasahero ang nawalan din.
mga apat sila sa isang jeep. kainis.
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: Parabola on May 18, 2014, 03:31:24 PM
Nakapagshare na po ako dito, paalala lang po sa mahilig magtext habang naglalakad at dun na din sa mga walang ingat magdala ng handbag/ shoulder bag, ingat ingat na kayo. Madami ngayon mga nakamotor na nanghahablot nalang bigla ng cp at bag sa daan, maski sa ayala makati na madaming bantay madami na ding kaso ng nahablutan.
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: crashtest on July 04, 2014, 10:42:07 PM
So far hindi pa naman. lagi lang sana tayo maging alert lalo na sa mga umaali-aligid sa tabi natin.

Sent from my LT26ii using Tapatalk
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: hedonisticdude on July 17, 2014, 11:09:11 PM
Ako po oo..
Sa may Marikina Bayan..
namimili ako ng DVDs dun sa malapit sa may stoplight, habang busy ako sa pagtingin ko sa mga title ng DVD,  pina-testing ko ung napili ko..

Hindi ko alam bakit hindi ko napansin nun time na yun
pero masyadong maboka ung nagbebenta, nagkaka-mali mali pa siya ng pinipili dun sa scenes na gusto ko makita sa DVD.. to the point na tumagal kami sa pag-view ng mga episodes..

Nun magbabayad na ako, napansin ko wala na ung coin purse ko sa bag (nasa side pouch lang nun bag ko) at ganun din ung phone ko..
Nun tinanong ko ung nagbebenta sabi nia wala naman daw siyang nakita..
Umalis ako para magtingin baka nalaglag lang.. pero nun bumalik ako
wala na ung nagbebenta, iba na ung pumalit sa kanya. "kumain" lang daw..

Eh samantalang mga 15 seconds lang ako nawala dahil binalikan ko lang ung dinaanan ko..


Kaya advice lang sa inyo, ingat po kayo pag bumibili ng
DVD, kasabwat pala ung iba jan.. lalansihin kayo nung nagbebenta at papatagalin para hindi nio mapansin na dinudukutan na pala kayo
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: oral_mine on July 24, 2014, 01:13:40 AM
ilan beses na rin nadukutan..

unang beses sa bus galing ue letre papuntang sm north.. nakatulog aq sa byahe (kktpos lang halos mag jugjug) may bgla tumabi sken at ginising ako.. pinausod aq.. d ko na namalayan na nadukutan n aq.. oag gising ko wla na cp ko..

pangalawa sa commonwealth.. pasakay ako nang jeep.. nabuksan pla bag ko.. aun natanggay cp ar pera ko.. hahaha..

Sent from my Lenovo A706_ROW using Tapatalk 2

Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: solidrock on July 26, 2014, 11:39:41 AM
sa taxi, white taxi sa naia term 3..hayz.. worst experience ko sa manila..
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: izzo_mack on October 19, 2014, 05:08:15 PM
Nadukutan habang naglalakad sa nova bayan


Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: femlickerz on October 19, 2014, 10:15:18 PM
Hindi pa naman,, at sana huwag mangyari na akoy madukutan C:-)

sent from tapatalk

Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: feelthepain on November 30, 2014, 11:56:07 PM
Dyan sa cubao chaka sa kamuning. Diskarte ng mga mandurukot sa bus e iipitin ka pag bababa ka na. Ive learned the lesson a hardway. Kaya ngayon nilalagay ko na sa bag cp ko at di sa bulsa lang
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: dhie221 on January 29, 2015, 11:06:00 AM
dun sa may taft avenue pag nakasakay ka ng jeep lalo na pag traffic at nagtetext ka,, bigla nalang may hahablot ng cp mo sa bintana,, nabiktima ako niyan di ko na hinabol mahirap na
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: fre_jo on January 29, 2015, 11:24:36 AM
ako muntikan palang nun, sa makati pauwi galing work.. pagsakay ko sa bus e siksikan nasa hagdan palang ako pataas, aba me pasimpleng kumukuha ng celfon sa bulsa ko.. sa inis ko di ako makataas sinuntok suntok ko kamay nya.. ayun nasaktan, nabalian ata ng mga ugat hahaha  ;D  pasalamat sya di ko nakuha pardible ko sa bag kundi duguan sya hahaha   :))
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: Cathrina on February 03, 2015, 03:19:27 PM
One time When i went to misamis occidental  yong relo ko na rado some guy grabbed it then he run away,sumigaw ako tas yong kumuha biglang nawala then sinabihan kami ng mga tao duon na mahirap habulin pag ganun kasi dilikado,,umiyak nalang ako kasi regalo yon sa birthday ko galing ng dad may sentimental value..
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: backpfeifengesicht on February 10, 2015, 07:59:33 AM
Dami na beses. Lalo na sa MRT pag rush hour. :(
Title: Re: Naholdap o nadukutan na ba kayo while commuting?
Post by: uglymanoncampus on February 11, 2015, 09:05:49 AM
i have experienced holdap sa jeep but that did not went well for the holdapers.. here's what happen.. nag jeep kami ng brod ko going to baclaran from harizon plaza. madaling araw na galing kam isa rowing. pagdating sa buendia may nagdeclared ng holdap 3 sila, isa likod ng driver, isa sa gitna, isa kanapuwesto malapit sa pintuan kung saan kami nakapuwesto ng brod ko, actually katabi ko yun holdaper tapos nakapat ko brod ko. may mga baril sila. karamihan ng pasahero lalake, konti lang babae. yung holdaper ng katabi ko may hawak rin na baril pero tinatakpan niya ng jacket. napansin ko na di tutuong baril hawak niya, kasi nga naman kung tutuo yan bakit mo pa itatago. sinenyasan ko yun brod ko, sabi ko hahawakan ko yun hawak ng holdaper tapos siya na bahala sa holdaper, which na get naman ng brod ko. hinawakan ko sa kamay yung holdaper at tinutok ko pataas yung kamay niya para sa taas nakatutuk yung hawak niya, para kung sakaling tutoo dun pataas ang putok  :)) :))  tapos yung brod ko binigyan siya ng straight na suntok sa mukha. nabitawan nung holdaper yung hawak niya tapos binigyan pa ng isang upper cut ng brod ko. after nun nagkagulo sa loob ng jeep kasi yung ibang lalake pumalag na din. that time yung mga holdapers pala wala talagang mga gamit. puro peke lang pala hawak na baril tapos ang nakakatawa pa, yung holdaper na nasa tabi ko kahoy lang ang hawak kaya pala tinatakpan niya ng jacket. nung nasa police station na kami para sa report, nagpapasalamat samin yun ibang pasahero kasi kung di daw kami pumalag di rin daw sila papalag. kung baga lakasan na lang ng loob. hehehe yun lang  :))  :))  :))  :))
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal