My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => Entertainment Industry => Sports => Topic started by: tonistork on July 06, 2013, 04:15:57 PM

Title: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: tonistork on July 06, 2013, 04:15:57 PM
On-going na ang NCAA at UAAP kaya related ito sa subject at post ko mga ka-PT.

Magaling na basketball player nung college pero nung umakyat sa PBA naging bano na or naging under-achiever as a professional basketball player.

Sinong mga players naiisip nyo mga ka-PTing sports enthusiast?
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: tonistork on July 06, 2013, 04:19:34 PM
sample ko dito si Renren Ritualo, sya ang top gun dati ng La Salle sa UAAP pero nung naging pro na, naging journeyman na (palipat lipat team) at naging one-dimensional player na lang na pag kailangan ng quick three or instant offense eh saka lang pinapasok tuloy naging malamig na ang kamay sa opensa dahil di naman nabababad at di pa nag-iinit eh binabalik na sa bench.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: heyo_pineapple on July 06, 2013, 05:10:34 PM
James martinez, bono? (Adamson), pong escobal at yousef aljamal (sbc red lions), hmm sino pa ba? Haha

Sent from my HTC One X using Tapatalk 2

Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: tonistork on July 06, 2013, 05:30:02 PM
Oo nga si Ken Bono, nag-MVP pa ito sa UAAP.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: heyo_pineapple on July 06, 2013, 06:05:11 PM
Oo nga si Ken Bono, nag-MVP pa ito sa UAAP.
Pang pf-c kasi laro niya tapos considering his weight and height, sf lang siya pagdating sa pba kaya mahirap talaga makipagsabayan

Sent from my HTC One X using Tapatalk 2

Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: McLovin on July 07, 2013, 08:02:08 AM
ken bono, sam eman, rabbah al-husseini -di na umubra ang pagiging dominante niya sa UAAP
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: tonistork on July 07, 2013, 08:21:47 AM
ken bono, sam eman, rabbah al-husseini -di na umubra ang pagiging dominante niya sa UAAP

In fairness kay Rabeh Al-Hussani (UAAP Season 71 MVP at Season 72 Finals MVP), eh naging maganda naman rookie season nya sa PBA, naging ROY pa nga sya, averaging, 14.2 ppg; 6.9 rpg. Pero na following 2 seasons, palipat lipat na sya team at lagi pang nasa injury list kaya bumaba laro nya. But napunta na sya sa dating college coach nya sa UAAP na si Norman Black, hopefully bumalik ang bangis nya sa Talk N Text.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: dennis magtulis on July 10, 2013, 06:22:09 PM
Rabeh and baclao,,same school p naman sila and same batch..dami pa ,,research muna ako
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: tonistork on July 11, 2013, 09:16:23 AM
RICH ALVAREZ (naging UAAP MVP nung 2001) at WESLEY GONZALES (UAAP Co-Finals MVP nung 2002)

Parehong naging seldom-used bench player mga ito na parang di akma sa mga pedigree nila nung college pa sila. Pero in fairness naman, naging PBA ROY si Alvarez nung 2004-05 season.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: raisingsun on August 06, 2013, 10:24:56 PM
 how about Enrico Villanueva, kasama niya dati sina LA Tenorio at Larry Fonacier na naglalaro ngayon sa Gilas...

 8)
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: tonistork on August 09, 2013, 03:08:48 PM
how about Enrico Villanueva, kasama niya dati sina LA Tenorio at Larry Fonacier na naglalaro ngayon sa Gilas...

 8)

in fairness kay EV, magaling naman sya, may angas nga laro nya pero naging sunod-sunod injury nya tapos nalipat lipat pa sya ng team so kumbaga nawala momentum nya.

remember naging PBA Most Improved Player during 2004-05 season, 7-times PBA All-Star at naging Best Player of the Conference during 2005-06 Fiesta Conference over Kerby Raymundo (naalala nyo noon na may paiyak-iyak pa si Kerby dahil sa di nya pagwagi ng BPC award).
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: rage955 on August 09, 2013, 06:34:01 PM
RICH ALVAREZ (naging UAAP MVP nung 2001) at WESLEY GONZALES (UAAP Co-Finals MVP nung 2002)

Parehong naging seldom-used bench player mga ito na parang di akma sa mga pedigree nila nung college pa sila. Pero in fairness naman, naging PBA ROY si Alvarez nung 2004-05 season.
Agree. Lalo kay Rich Alvarez. Bakit kaya nawalan ng laro to? Pang PBA ang height,katawan,skill set nito. 3-4 ang laro,pero walang transition pagdating nya sa PBA. Siguro naapektuhan ng pagkawala ng shell. Pero sayang talaga.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: Filgert on August 09, 2013, 10:27:11 PM
Rich alvarez,ronald magtulis,calaguio.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: tonistork on August 10, 2013, 11:11:29 AM
kasama ba dito si sonny cabatu? hehe..

Definitely, naging overall No. 1 pick sa PBA Draft si Cabatu noong 1985 ng Shell team. Naging MVP pa nga sya sa PABL before mag-PBA sya. Tapos anong nangyari sa kanya?, naging journeyman center sya ng liga pero mas naging kilala naman sya ng basketball fans noong maglaro sya sa most popular ballclub na Ginebra San Miguel from 1991 to 1995.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: McLovin on August 11, 2013, 08:45:25 AM
anyone remembered jay mendoza and edwin asoro of NU? they are one the best center and 2 guard of UAAP in the mid 2000's i don't exactly remember the year they played pero di ko na sila nakita sa pro league hangang PBL lang sila
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: rage955 on August 12, 2013, 08:44:40 PM
anyone remembered jay mendoza and edwin asoro of NU? they are one the best center and 2 guard of UAAP in the mid 2000's i don't exactly remember the year they played pero di ko na sila nakita sa pro league hangang PBL lang sila
OT: Sir baka po Rey Mendoza? Yan yung kapartner ni edwin asoro nun sa NU eh. Anyway alam ko hangang PBL lang din sila. Sayang. Asoro is a good ofensive player,and rey mendoza was an Undersized big man. Walang backer siguro to sa PBA. Pulitika kasi dyan sa PBA eh,sayang ang talents.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: McLovin on August 13, 2013, 08:22:50 AM
OT: Sir baka po Rey Mendoza? Yan yung kapartner ni edwin asoro nun sa NU eh. Anyway alam ko hangang PBL lang din sila. Sayang. Asoro is a good ofensive player,and rey mendoza was an Undersized big man. Walang backer siguro to sa PBA. Pulitika kasi dyan sa PBA eh,sayang ang talents.
haha my bad rey pala hindi jay...... they also had a good shooter na si kokoy hermosisima last time ko siya nakita sa PBA D-league he has raw talents na kapag na develop ay parang jeff chan na maganda ang release niya ng bola at saka follow thru
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: Ozymandias on August 13, 2013, 10:56:12 AM
Si Gabby Espinas, nag dominate din sya nung PCU pa sya at nag MVP and ROY around 2004 ata. Pero pagdating sa PBA undersized Forward sya kaya naging role player bigla. Fit lang sya sa system ng Alaska kaya somehow naging effective bigla
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: tonistork on August 13, 2013, 12:43:39 PM
Si Gabby Espinas, nag dominate din sya nung PCU pa sya at nag MVP and ROY around 2004 ata. Pero pagdating sa PBA undersized Forward sya kaya naging role player bigla. Fit lang sya sa system ng Alaska kaya somehow naging effective bigla

agree din ako dito. naging team mate pa sila ni Jayson Castro nun, sila ang 1-2 punch ng PCU Dolphins during their college days. Pero ngayon, si Castro ay naging National Team player at Mythical 5 pa ng katatapos na FIBA Asia while Espinas, he became a journeyman but servicable power forward in the PBA.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: Baoinam on August 13, 2013, 04:14:05 PM
How about dickie bachmann assistant coach dati ni tim cone ng alaska. Dati sa La Salle superstar siya ng team back up lang niya si Zandro "Jun" Limpot. Pero nang pumasok sa PBA naging star player si Limpot si Bachmann bangko ng alaska noong panahon nila hawkins, Jonny A. at Jojo L. Kaya mas pinili na lang niya maging assistant coach.  :-\ :-\ :-\
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: rage955 on August 13, 2013, 09:12:07 PM
agree din ako dito. naging team mate pa sila ni Jayson Castro nun, sila ang 1-2 punch ng PCU Dolphins during their college days. Pero ngayon, si Castro ay naging National Team player at Mythical 5 pa ng katatapos na FIBA Asia while Espinas, he became a journeyman but servicable power forward in the PBA.
Espinas,Castro and Belga yun as far as i remember.

ON TOPIC
Nino Gelig(UST). Dati ka-tandem to ni Cyrus Baguio nung college days nila. Same skill set(mas athletic si cyrus,mas may shooting noon si gelig),pero now baguio is a more superior player to gelig.

Jimbo Aquino(SSC-R). Before the pinatubo trio era,baste was Jimbo's team. remember Ato Agustin's Baste won the ncaa championship,because of jimbo's stellar play. Correct me if I'm wrong,I know Jimbo was the finals MVP of that year. Pagdating nya sa PBA,ayun wala siyang magawa then no playing time pa.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: McLovin on August 14, 2013, 07:47:54 AM

si oreta diba UST din yun ka batch nila Gelig? sama mo rin si Borgie "mighty boy" Hermida sandali lang nka laro ng PBA ngayon nasa D-league nalang siya hehe
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: reborn on August 18, 2013, 08:50:47 AM
si chris tiu imbes na magpractice napupuyat kakataping/hosting sa events at pagiging bgy. Captain ata o kagawad?
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: tonistork on August 19, 2013, 10:42:11 AM
si chris tiu imbes na magpractice napupuyat kakataping/hosting sa events at pagiging bgy. Captain ata o kagawad?

Di pa natin mahusgahan si Chris Tiu sa ngayon at 1st year pa lang nya sa PBA. Pero sa tingin ko naman eh nasa radar sya lagi ng system at rotation ni coach Yeng.

At di naman sya ang main man ng Ateneo noong sya's nasa college, bale isa lang sya sa main player ng Ateneo pero dahil sya's naging team captain nun at very popular pa so tingin natin sya ang main man ng Blue Eagles.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: catchmeademon on August 19, 2013, 05:12:39 PM
Llagas from u.e. d nabigyan ng magandang break.wla n nga blita s knya
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: rage955 on August 19, 2013, 07:55:09 PM
Llagas from u.e. d nabigyan ng magandang break.wla n nga blita s knya
actually sir di lang si Pari Llagas ang di nabigyan ng break from a strong UE squad.
Marcy Arellano,James Martinez,Kelvin Gregorio,etc.
Si mark borboran,bonbon custodio na lang ang rotation guys from that era(Paul Lee wasn't a part of that era)
Di pa natin mahusgahan si Chris Tiu sa ngayon at 1st year pa lang nya sa PBA. Pero sa tingin ko naman eh nasa radar sya lagi ng system at rotation ni coach Yeng.

At di naman sya ang main man ng Ateneo noong sya's nasa college, bale isa lang sya sa main player ng Ateneo pero dahil sya's naging team captain nun at very popular pa so tingin natin sya ang main man ng Blue Eagles.
Tama sir. Good rotation guy si Tiu sa system ni Yeng. Pero sa stint nya sa ADMU,he started as a bench player for 2 years,nagleave ng one year(naging exchange student) then bumalik.
He was a main player on his 3rd until his last year. Pero sa tingin ko,naging captain siya dahil sa leadership nya,not based on his talent.

ON TOPIC:
Aljamal(SBC)-dominant college player,maganda skill set,pero di nabibigyan ng break sa pba(due to being undersized)
Escobal(SBC)-big point guard,maganda court vision pero di ko alam kung bakit hindi ito nagagamit sa PBA.
Mirza(UST)-Scorer nung college,maganda ang height at length. Pero missing in action sa PBA.

Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: Pinoymasterp on August 19, 2013, 11:01:13 PM
anak ni michael jordan hah haa
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: GinaCole on August 20, 2013, 01:04:02 AM
Gusto ko makita dito si Nico Salva. haha. still waiting for that.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: Ozymandias on August 20, 2013, 01:07:38 AM
Gusto ko makita dito si Nico Salva. haha. still waiting for that.

Hahah hater a. pero di naman magaling si Salva e. For me wla sya sa level nila Ray Parks Jr, RR Garcia, Romeo etc... Though okay na yung mid range jumper nya, nung pinapanood ko sya sa PBL, palagi siya na ba block e hahaha. Mas magaling sa kanya si Jazul kahit sa College Level e.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: tonistork on August 22, 2013, 07:53:55 PM
pag nagpro si Salva, he must redefine his game. Undersize sya sa 4, so magconvert sya as 3, pero dapat madevelop nya outside shooting nya (midrange or long jumper) at more foot speed para madepensahan nya mas mabibilis na small forwards ng liga.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: Ozymandias on August 22, 2013, 08:07:50 PM
pag nagpro si Salva, he must redefine his game. Undersize sya sa 4, so magconvert sya as 3, pero dapat madevelop nya outside shooting nya (midrange or long jumper) at more foot speed para madepensahan nya mas mabibilis na small forwards ng liga.

Ahhh sakit sa mata ng BLUE! haha
If you've watched his recent games sa PBL decent na yung jumper nya, okay na yung foot work nya, pero sa speed and 3s pwede pa nya maimprove, di naman sya high leaper kagaya nila Abueva. So pag dating sa Pro level, mukang role player sya for several years, til ma develop sya I think
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: krimson38 on August 22, 2013, 11:28:28 PM
Sayang talaga si Baclao, from being a former #1 pick, to not playing much with his new team Meralco. I know Baclao is limited offensively, but I would have thought that he would find minutes in somebody's rotation, like a Jervy Cruz.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: rage955 on August 22, 2013, 11:40:42 PM
Sayang talaga si Baclao, from being a former #1 pick, to not playing much with his new team Meralco. I know Baclao is limited offensively, but I would have thought that he would find minutes in somebody's rotation, like a Jervy Cruz.
I kinda think na baclao will be a bust. He's a great defender at college level,that's it.
Jervy was an undersized power forward,pero bruiser. Magagamit ng Pro-teams kasi maganda dumipensa,at may reliable mid range game. And hard working too.

On topic:
Jason Ballesteros(SSC-R,Smart Gilas Pilipinas)-Long,Athletic,Good defender. Even a member of Smart Gilas National Team.
But where is he now? Last time I checked,he was with Barako Bull(with coach Rajko). Sayang ang laki nito. He was as dominant as Ian Sangalang during his days at NCAA,a double-double machine plus defensive mentality(I think he won Defensive Player of the year). Pero now,he's nowhere to be found.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: Derek.Julia on August 23, 2013, 08:19:26 AM
Jervy Cruz nga. Pero kasi undersized e.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: Derek.Julia on August 23, 2013, 08:20:25 AM
Si Samigue Eman pa pala and Gabby Espinas. Sayang.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: Derek.Julia on August 23, 2013, 08:46:00 AM
Sayang din si Ogie Menor. Parang naging enforcer nalang sa PBA.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: McLovin on August 23, 2013, 08:48:25 AM
Ahhh sakit sa mata ng BLUE! haha
If you've watched his recent games sa PBL decent na yung jumper nya, okay na yung foot work nya, pero sa speed and 3s pwede pa nya maimprove, di naman sya high leaper kagaya nila Abueva. So pag dating sa Pro level, mukang role player sya for several years, til ma develop sya I think

maganda ang fundamentals ni salva footwork, shooting niya at passing kulang lang talaga ng tinatawag na "GULANG" ang laro niya pag natutu na siya nito he will be one of the leagues best
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: tonistork on August 26, 2013, 10:04:40 AM
sana mabigyan ng playing time ng Brgy. Ginebra si Rico Maierhofer, sayang naman at may talent naman ang ex-Green Archers na ito. Remember sya ang best inside option ng La Salle noon during his time sa UAAP.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: tonistork on October 29, 2013, 09:09:58 AM
Yancy de Ocampo.

mas matindi at matikas ito kaysa kay Ranidel during their collegiate years pero ano nangyari? Naging seldom-used big man na lang sya, huhugutin kung may dedepensahang malaki (i.e. Fajardo o kaya import) pero hanggang doon na lang unlike the younger brother na talagang naging birador ng team nya at nasama pa sa Smart-Gilas.
Title: Re: Magaling nung college, bano nung nag-pro
Post by: rage955 on November 02, 2013, 08:56:40 PM
Yancy de Ocampo.

mas matindi at matikas ito kaysa kay Ranidel during their collegiate years pero ano nangyari? Naging seldom-used big man na lang sya, huhugutin kung may dedepensahang malaki (i.e. Fajardo o kaya import) pero hanggang doon na lang unlike the younger brother na talagang naging birador ng team nya at nasama pa sa Smart-Gilas.
Magkaiba ang opinyon natin regarding sa De Ocampo brothers sir. College days,yes mas malakas si Yancy,pero college pa lang,i saw ranidel has more potential than his brother. Even Yancy said that(mga '04 ata yun or '06)
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal