My Board

Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Topic started by: xxxchoholic Rai ♥ on July 04, 2013, 12:44:48 AM

Title: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on July 04, 2013, 12:44:48 AM
share niyo naman yun mga fondest memories niyo

about your childhood, mga kalokohan, experiences and what so ever

na ginawa niyo noong bata pa kayo..

sent from hell's hotline using Taktetalk 9000
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: dere'k ™ on July 04, 2013, 01:16:32 AM
nung highschool ako, birthday ko nuon, first time ko mag inom, 1st year highschool po... nag inuman kaming mag kakaklase sa likod ng school, eh may bakanteng lote duon tas mayroong kubo na naka lagay, (kubo siya na ready made po, yung nabibili) so hayun, dun kami pumwesto, magkakaklase, may mga kasama kaming mga babae din, nung malasing kami, ewan ko ba bakit napag tripan naming sunugin yung kubo which is bagong bili lang yata, kasi bago pa eh... so hayun, sinunog namin tas saka kami umalis...

kinabukasan, pinapatawag kami sa office ng principal, pag dating namin dun nadun yung may ari ng kubo kasama yung isang kaklase namin na uminom tas hawak nung may ari yung id, may naiwan palang id duon sa place kaya na trace yung klasmate ko tas sinabi lahat ng involve... ang sama lang ako ang nadikdik kasi b day ko daw yun at ako ang may pakana ng lahat.

bugbog sarado ako kay erpat nyahaha.. hindi ko makalimutan yun.. lol
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: sevendust on July 04, 2013, 02:23:11 AM
yung naglalaro kami ng basketball ng best friend ko na kapitbahay ko na ka-bday ko rin, gumawa kami ng maliit na ring para sa maliit na bola, ganado siyang maglaro kasi nandun si janice na crush niya na nagtitinda ng babana cue.. wala kaming damit naka-shorts lang kami na pang basketball, ang ginawa ko nung mag jump shot na siya bigla kong binaba yung shorts niya kasali brief kaya ayun kumakaway si junior niya.. si janice pa yung nahiya sa nakita niya... tawanan lang kami...  ;D
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: mikul8 on July 04, 2013, 05:50:53 AM
well lets start, bata pa ako nuon mga 3 years old cguro, cnabihan ako ng tatay ko na kpag may narinig ako sasakyan tumabi lng daw ako at intayin makadaan un kc d nya ako maihahatid sa school, so ayun nga naglakad ako at nakarinig ng sasakyan, gnwa ko umupo sa isang tabi at pumikit then nramdaman ko nlng na prang my kakaiba sa umiyak daw ako, ayun nalaman nung driver ng buldozer na muntik na nya ako makaladkad, bute nlang daw at nakaiyak ako, then after that a few months later sa sobrang hilig ko date sa basketball gnwan ako ng sarili kong ring malapit sa tungtungan ng manok na panabong, naglalaro ako that time ng maisipan kong umakyat at magdunk dun sa ring, then may pako pala na nakausli dun, so nangyare napunit ung balat sa braso ko, ni walang dugo lumabas pero kita mo laman at buto dun sa muscle area, naalala ko nun sinugod ako sa ospital ehh walang anistisya at 5 nurses ang ngtulong tulong hawakan ako, dinuraan ko pa nun ung doctor kc nga sobrang sakit, then after that insident the most worst na naranasan ko, turning grade 3 ako nun at kakadating lng ng nanay ko galing abroad, so bakasyon kame sa mga tita ko sa sta rosa, dun sa village nila ehh hills pa un, then naglalaro kme magpipinsan then naisipan ko magbike dun sa hills pababa, ang katangahan ko pinikit ko n nmn ung mata ko at wala pala preno ung bike sa sobrang bilis ko napabanga ako sa pader at ncra ung ilong ko, dinala ko nun sa Jose Rizal Hospital ata un den dun nako inoperahan.. grabe ung mga memories ko at bute buhay na buhay pa ako ngaun, counting 6 out of 9 Lives na nagagamit ko..
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: Ozone on July 04, 2013, 06:47:54 AM
Game N Watch pa ang usong video game nun. Pero street games pa ang laro namin noon. tulad ng Moro-moro, Tumbang Preso, Piko, Putbol, Taguan, Mataya-taya Sipa at iba pa, Pero ang lagi kong naaalala  yung minsang naglaro kami ng Patintero. bigla na lang akong pinalo sa braso ng isang kalaro, dahil nang mataya ko siya, sa boobs ko daw siya natamaan.
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: dennis magtulis on July 04, 2013, 03:10:22 PM
thanks for the thread TS,,brings back a lot of memories
ibang iba kasi pag sa probinsya ka lumaki,,halos lahat ng laruan namin nun improvised and isa lang yata sa kalaro ko ang can afford na makabili ng game and watch hanggang family computer,,so most of the times talaga sa labas ng bahay ang hang out ng tropa..

magaling ako nun sa jolens at games that involved rubber bands,sa sobrang dami ng collections ko naisipan ko na ibenta sa mga kalaro ko,,tapos tatalunin ko ulet sila,,ayun me extra baon ako lage,,hehe

eto pag naalala ko talaga kahit pag magkita kita ulet kami ng mga kalaro ko ROFL kami lage,,,
grade 3 pa lang ako nun tuli nako so marami sa kalaro ko ang supot pa,,summer vacation came and handa na silang magpatuli nun( de-pokpok sa albularyo),,so yung isang mokong nakaisip ng magandang idea para daw matampos (lumabas yung ulo) eh kelngan daw nilang isaksak mga T-T- nila sa puno ng saging,,sina eng eng naman nagsunuran,,kaya yun apat sila na sabay sabay tinira ang pobreng puno ng saging..kung uso na ang camphone nun siguradong scandal to..

after few hours na nakaraos sila sa saging,,medyo nagkaroon ng komosyon sa looban kasi yung isang nanay ng tropa ko namomroblema dahil yung anak daw niya di makaihi dahil puro daw dagta ng saging ung manoy niya,,then I checked lahat ng salarin at nalaman ko na ganun lahat probema nila,buti na lang nakuha sa langis ng niyog  ;D
nagkaroon pa naman kami ng kasunduan nun na walang makakaalam sa ginawa nila,, ;D

Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: tonistork on July 04, 2013, 03:22:31 PM
nung elementary pagkabilugan ng buwan kasama mga barkada at kapitbahay na mga bata rin, laro ng taguan o kaya patintero.

nung highschool na, kabilugan pa rin ng buwan, nagkakantahan sa kanto na may gitara tapos maninirador ng manok sa mga puno, presto may arrozcaldo ng mainit init. ;D
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on July 07, 2013, 01:35:36 PM
salamat sa mga sagot niyo poh

keep on sharing pah, sariwain natin ang kabataan natin

ang naalala ko naman sa akin eh noon sa mountains,

nalalaro kami ng bahay bahayan ng mga kababata ko

as in gumawa kami ng kubo kubo na maliit using mga materials

like kawayan as flooring, flywood na pang pader at yero para sa bubong

we made it for 3 days hihi maghapong labor lol nagmartilyo ako pumutol ng kahoy

at kung ano ano pa, then later sa miryenda, ambag kami ng kung ano ano

nagdadala kami kaldero at naluluto ng kung ano ano doon

like noodles, kamote na hinukay namin, oatmeal, champurado

at sosyal may coke pa kami pang hugas ng kamay lol hahaha

sent from hell's hotline using Taktetalk 9000
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: ¿m☺ÿ on July 08, 2013, 05:26:58 PM
naalala ko pa noong elementary pa ako.....nagbakasyon kami sa Cuyambay, Tanay, Rizal sa lugar ng lolo ko....eh mahigpit ang lolo ko at lagi kaming pinapatulog ng tanghali at pero tatakas kami at pupunta kami sa gulod na may malaking kweba.....minsan nahuli kami ni Lolo....takbuhan kaming magpipinsan hindi namin alam kung papaano kaming nakatawid ng ilog ng hindi nababasa ang paa....pero pagdating sa bahay....palo pa rin sa pwet....hehehe....
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: pilyo_ng_china on July 28, 2013, 12:42:22 PM
Meron ako childhood sweetheart _ uso ang " sweet dance " noon , at ayun ang time para maka hawak sa kamay at baywang ...

After 2 decades and with the help of fb _ recently lang na add ko sya and we started talking .

Nxt mnth _ uuwi ako ng pinas _ magkikita kami

#looking4ward#4#another#memorablemoment#
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: payazoxiii on July 29, 2013, 12:00:31 AM
memorable sakin ung xempre mga escapades ko nung bata ung pglalaro sa ulan ng walang saplot heehee batang kalye ako e tapos ung me dala ka n goma ng gulong ng bike at me patpat k n hawak pagugulungin mu un pababa hayss memories ^_^
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: ladyvirus01 on July 29, 2013, 12:13:04 PM
i want to share din po since tag ulan naalala ko nun bata pa ako niyaya ako ng pinsan ko maligo sa ulan pero ang gusto niya sa bukid kami para daw manghuli ng palaka, hindi niya alam takot ako sa palaka hindi ko yun pinaalam sa knya, in short nasa bukid na kami eh medyo matubig na yung lupa kasi malakas ang ulan at matagal so yun, ngtatakbo,tuwang tuwa ako kasi sa manila hindi ako nakakligo sa bukid at diko naranasan mga ganun bagay, then yung pinsan ko ngyaya na manghuli na ng palaka.... ito na ang moment, diko alam kng paano manghuli mga pinsan ko ng eenjoy na sila sa paghuhuli ako nanginginig na kasi takot talaga ako sa palaka hahahaha ginawa pinanood ko muna sila kng paano sila manghuli sabi ko ay madali lang pala , kaya akoy ngmagaling time na dadakmain ko yung palaka naku ngsisigaw talaga ako kasi diko mahawakan sticky at yukies talaga hinabol ko siya, until nakahanap ako ng tiyempo dadakmain ko na ng biglang lumundang sa sa ulo ko at ang nadakma ko isang pupu waaaaaaaaaaa hindi sa palaka ako nagulat at ng iiyak kundi sa nadakma kong pupu diko nga namalayan yung palaka nasa ulo ko pa rin, ngkasakit ako kinabukasan na ubaot ng isang linggo pinagalitan nila ang pinsan ko sabi ko kagustohan ko rin maligo sa ulan, yun na po ang karanasan ko noon bata pa ako hehehe thank you
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: Marcus on August 25, 2013, 01:16:17 PM
80's era soundtrack yung head over heels ng tears for fears, tapos manood ka ng bagets o ninja kids
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: xxxchoholic Rai ♥ on September 24, 2013, 10:36:43 PM
uhm meron pa poh bang gustong magshare dito?

kahit simpleng childhood memories niyo lang

sent from Tamagotchi using Taktetalk 9000
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: kyris on September 25, 2013, 06:22:52 PM
birthday ko nung 1st year highschool pa ako.. nag yaya ako mag pool party kaso 3 lng pumunta.. sad pa ako nung una.. pero pag doon na kami sa pool, lahat ng kalokohan, like inuman ginawa namin,, ang saya ng panahon na yun..
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: Itachi101 on September 28, 2013, 02:38:48 PM
haha
yung natapos ko yung resident 1 and 2 sa playstation ng walang patay
pati na rin yung metal gear solid 1 sa stealth mode
lookin back the glory days
 :) :) :) ang babaw :P
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: radicalerror on October 03, 2013, 01:41:33 AM
nung highschool palagi kami nag babasketball sa 3rd floor ng bahay ng kaklase ko... super mayaman kasi hahaha kumukuha lng kami ng kahit anong pagkain sa pantry at nakikitulog pa at nakikinood ng movie.. naalala ko pa nung nanuod kaming mag trotropa ng advent children at nagpapaluto ng pagkain hahaha

napag isip isip ko lang ndi kaya nabad3p ung mga magulang nung classmate namin hahahaha
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: 01_segundo on October 04, 2013, 11:30:55 PM
Nung hs times, hindi kame pumasok para lng mag-karas sa bukid. Marami din naman kme nahuli. Then, pag week end, nanghuhuli pa kme ng palaka, ararawan ska dagang bukid. Sya manghuli ng daga, talagang hahabulin mo kahit sa putikan. Paramihan pa kau ng mahuli.

Sent from my XT910 using Tapatalk 4

Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: bayback45 on October 11, 2013, 05:36:08 PM
ako nung kinder!!! gaya gaya ako sa mga grade 4 na nag slide ng una ulo... antay ako ng tanghali at wala pa sundo ko, ginaya ko, ayun nananghalian ako ng LUPA... hahahaha, tas nakita pa ko ng teacher ko, napagalitan pa ko... TSK
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: IORI™ on March 08, 2014, 02:20:31 PM
Ang sarap balikan yung memories natin no? Yung mga laro nmin nuon like taguan,baril-barilan atbp eh naglalaro sa isip ko ngayon ... pero yun pinaka favorite kong laro nuon eh yung kukuha ako ng dalawang bato at ilalagay ko sa tubig .. sometimes sa pusali haha tas mamumulot ako ng pula at itim na langgam .. after ko malagyan ng pulang langgam yung isang bato .. yung isang bato naman puro itim ... yung malalaking ulo pinipili ko sa itim na langgam pra may laban sila sa pula .. tas pag match na ang laban mag lalagay na ako ng stick na mag sisilbing tulay nila ... haha ansarap panuorin ... lusuban at ubusan sila ng lahi .. lol ..

Nice thread ts .. kayo mga ka PT share nyo din sa inyo :)

sent from ... ahmmm .. .. .. sorry I forgot .. :D
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: Heathcliff on March 08, 2014, 05:11:48 PM
Most of ' em were hilariously embarrassing but talaga naman memorable... Pano ko ba naman makakalimutan  yung nalunod ako sa baha na hanggang tuhod? .... Sa sobrang panic i forgot to get up.. Haha!

O kaya naman nung nag dive ako .. I thought makaka tawid  ako sa kabilang bakod but... Dahil maliit ako nde umabot ang braso ko ... At tuluyang... Nahulog ako sa creek!

... Eww! I can still recall that feeling... Ng magtalunan saken ang mga gurame at tadpoles sa creek na  yon.

Haha!  : hilakbot!!:

Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: darqsphere on March 08, 2014, 05:44:59 PM
 ^-^ treasured talaga ang life nung elementary at highschool.... i doubt mahiirapan na ang generation ng kabataan ngayon na maexperience lahat yun.. from jolen, to teks, to goma, trupo, tansan, etc etc.....

Ako, isa sa mga memorable moment ko is nung mga 6yrs old ata ako nun...yung nilalaro ko yung kalaykay sa sampayan, sigaw sigaw ang akong inay na itigil na yun.. eh makulet, hangang kumalas yung samapayan at tumusok sa me kilay ko... ang mas maskit na part eh buhusan ka ba nmn ng gamot na pula sa taranda ng aking inay... hahaha... memories... :hilo:
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: Heathcliff on March 08, 2014, 06:08:58 PM

My best friend ( he's a guy ) always tells me that im such a pain in the ass.. Hahaha! Headstrong at mapilit.. ( noon yan) .... I recall one time his younger brother beat my younger brother sa teks... Ya know silly kids, meron talaga mas aggressive at meron naman medyo weak... ( sad to say my brother was like that) ... They didnt know i was there watching 'em... And my best friend was there too.. And he knows his baby brother cheats on my brother... Naubos kaya ang teks ng kapatid ko... But what pissed me off was... They way he ( my best bud) mocked my brother... Naiyak na nga e! So..... Napikon ang Ate..i dared him to bet against  me instead .we continued to play.. Till sun down... Sabi ko uubusin ko teks  nila... And I did! Wahahaha...iyak baka ang kapatid ni mokong.. Lol!

..happy na sana e kaso pagdating sa bahay... Nasabon ako ni mommy... Nipakaen saken ang isang bowl na teks na sinabawan ng tubeg. Hahaha!

So much for being such a pain in the ass when i was just a silly kid...!

Hehehehe...

Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: IORI™ on March 09, 2014, 05:11:30 AM

Lol! Same faith kayo ni bunso namin .. 6 am na naglalaro pa kami ng teks .. ayun pag uwi pinakuluan lahat at pinainom sa utol ko yung sabaw .. sakin hindi .. fav ako ni tatay eh :)

sent from ... ahmmm .. .. .. sorry I forgot .. :D

Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: Heathcliff on March 09, 2014, 05:32:57 AM
Hehe Iori... Nun lang ako nakatikim ng sinabawan na teks... Matamis tamis sya pramis ! Hahaaha ...

Sent from my iPhone using Tapatalk
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: beck on March 10, 2014, 12:39:25 PM
getting up early on a Saturday just to turn on the Trinitron and watch RPN-9's Saturday Fun Machine!
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: Troll Montero on March 11, 2014, 07:27:55 PM
naalala ko lang yung cartoons na Blue's Clue yan ang palaging pinapanuod namin ni daddy sa umaga.. nyahaha
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: razorsharp on March 13, 2014, 09:35:11 AM
well lets start, bata pa ako nuon mga 3 years old cguro, cnabihan ako ng tatay ko na kpag may narinig ako sasakyan tumabi lng daw ako at intayin makadaan un kc d nya ako maihahatid sa school, so ayun nga naglakad ako at nakarinig ng sasakyan, gnwa ko umupo sa isang tabi at pumikit then nramdaman ko nlng na prang my kakaiba sa umiyak daw ako, ayun nalaman nung driver ng buldozer na muntik na nya ako makaladkad, bute nlang daw at nakaiyak ako, then after that a few months later sa sobrang hilig ko date sa basketball gnwan ako ng sarili kong ring malapit sa tungtungan ng manok na panabong, naglalaro ako that time ng maisipan kong umakyat at magdunk dun sa ring, then may pako pala na nakausli dun, so nangyare napunit ung balat sa braso ko, ni walang dugo lumabas pero kita mo laman at buto dun sa muscle area, naalala ko nun sinugod ako sa ospital ehh walang anistisya at 5 nurses ang ngtulong tulong hawakan ako, dinuraan ko pa nun ung doctor kc nga sobrang sakit, then after that insident the most worst na naranasan ko, turning grade 3 ako nun at kakadating lng ng nanay ko galing abroad, so bakasyon kame sa mga tita ko sa sta rosa, dun sa village nila ehh hills pa un, then naglalaro kme magpipinsan then naisipan ko magbike dun sa hills pababa, ang katangahan ko pinikit ko n nmn ung mata ko at wala pala preno ung bike sa sobrang bilis ko napabanga ako sa pader at ncra ung ilong ko, dinala ko nun sa Jose Rizal Hospital ata un den dun nako inoperahan.. grabe ung mga memories ko at bute buhay na buhay pa ako ngaun, counting 6 out of 9 Lives na nagagamit ko..

pareho tayo sa bike. siguro mga grade 4 ako nun. may ankas ako sa side car na mga kalaro ko. binirit ko yung bike tapos nung malapit na sa parteng palusong yung kalye - alangya - wala palang preno. nag-panic ako, biglang kabig sa kaliwa. ayun sumemplang kaming lahat. tilapon kami kaliwat-kanan. paguwe galit na galit yung nanay ng mga kalaro ko.
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: razorsharp on March 13, 2014, 09:41:07 AM
naalala ko lang yung cartoons na Blue's Clue yan ang palaging pinapanuod namin ni daddy sa umaga.. nyahaha

ay bata ka pa pala ser montero. ako black-n-white pa ang TV namin dati. syet, feeling ko tuloy panahon pa ako ni magellan!
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: razorsharp on March 13, 2014, 09:43:52 AM
getting up early on a Saturday just to turn on the Trinitron and watch RPN-9's Saturday Fun Machine!

ikasa mo tol!!

saturday fun machine. yezzz!!

kaya ata ako lumaking tamad e. di ako tumutulong maglinis ng bahay pag sabado. puro tv lang ako sa umaga hehehe.
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: beck on March 16, 2014, 10:17:23 PM
ikasa mo tol!!

saturday fun machine. yezzz!!

kaya ata ako lumaking tamad e. di ako tumutulong maglinis ng bahay pag sabado. puro tv lang ako sa umaga hehehe.

haha! panalo ung superfriends (though i still hate the wonder twins and their monkey!), blackstar, etc.
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: IORI™ on March 19, 2014, 06:56:16 AM
Thanks beck for mentioning blackstar .. napa search tuloy ako kase meron akong laruan neto pati yun he man .. and gustong gusto ko din panuorin yang blackstar ..

(http://img.tapatalk.com/d/14/03/19/u7y2ubu7.jpg)
(http://img.tapatalk.com/d/14/03/19/4umaha3e.jpg)
(http://img.tapatalk.com/d/14/03/19/rumy2a4e.jpg)

Meron ako nyan nung bata pako hehe .. wawa naman anak ko .. hawak tab :(

Sent from my Excite 450q using Tapatalk

Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: beck on March 19, 2014, 07:36:27 PM
ano nga pangalan ng kalaban ni john blackstar? ung sword nila pag combine nagiging isang powerful weapon di ba?
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: shane on April 01, 2014, 02:57:35 AM
Galing kami sa practice para sa presentation namin sa fiesta, ginabi kami. About 10 pm na yata noon tapos may madadaanan kaming kalsada na walang kabahayan. Sa kalsadang iyon may puno ng kawayan. At nang nasa tapat na kami ng kawayan eh biglang humapay yong kawayan sa gitna, as in nasarhan yong kalsada.

Hindiko alam kong paano ako nakauwi. Basta pagdating ko sa bahay puro galos ako at nawala yong isang pares ng tsinelas ko.  Tapos ganun din yong mga kasama ko.

Ang maganda pa nito hindi ako nakatulog magdamag dahil sa takot. Maaga pa lang nagpasama ako sa kapatid ko para tignan yong kawayan.

May nakataling kalabaw sa isang maliit na puno ng kawayan kaya humahapay at nakita ko yong tsinelas ko nakasabit sa kawayan.

Sent from shane317,s shoes
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: Mark Yap T. on April 11, 2014, 10:22:39 AM
like this :-) i was like this..

No iPhone, no toys, no television , no internet connection and watch their faces

(http://s15.postimg.org/q2yuc2yhn/10003461_10201902951525496_1816966858_n.jpg)
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: the_mode on April 16, 2014, 09:23:02 AM
food - starkist, wonder boy, chocnut, chiz curls, sunflower crackers, bazooka bubble gum, white rabbit, tootsie roll, peewee, storck, mik-mik, orange swits, peter's butter ball, whistle polo

games - taguan, tumbang preso, patintero, piko, luksong tinik/baka, agawan base, bahay-bahayan, holen, jack n poy, langit lupa, pitik bulag, sawsaw suka, sipa, siyato, teks

cartoons - g.i. joe, thundercats, transformers, he-man and the masters of the universe, voltron defender of the universe, care bears, teenage mutant ninja turtles, captain planet and the planeteers, smurfs, flying house, superbook

commercials - seiko wallet, yc bikini brief, united american tiki tiki, electrolux, kyowa, kilometrico ballpen

stars - keno, lilet, jc bonnin, caselyn francisco, ate sienna, kuya bodjie, jovit moya, banig, raymond lauchengco

feel free to add. thanks.
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: skurai01 on April 16, 2014, 11:16:21 AM
Gumby ftw....

sent from my phone via neighbor's Internet/WiFi connection...

Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: IORI™ on April 16, 2014, 11:27:35 AM
Nahahalata ang mga ka batch ko ah haha .. naalala ko din pala yung pop group na menudo! Favorite mashado ni ate halos araw araw yun at iyon lang ang maririnig sa bahay ..

mga tol!! mga ka PT!! tara na makigulo sa:

http://www.pinoycyberkada.com/index.php?topic=40265.0

Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: Kurimasu on April 16, 2014, 11:42:25 AM
Malayo pa ang umga,
Kahit sa dilim, naghihintay parin..

Ulaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: acesnick on July 15, 2014, 11:18:48 AM
Paggising sa umaga, bibili ng almusal na lugaw, sopas o champurado. Pagkatpos nun lalabas pra maglaro ng teks hanggang hapunan. Then kain ng tanghalian at nood ng tv eat bulaga hanggang hapon then laro na sa labas ng taguan, football, touching ball etc. Pagdumidilim na e kanya kanya nang uwian. Minsan laro ng taguan tpos yng taya e naghahanap pa e yung iba sa amin e umuwi na hehehe. Yun ang nkakamiss araw araw. Sarap ng buhay nun simple lang wlang cellphone o computer. 1980's ito ha :D
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: uglymanoncampus on February 17, 2015, 07:14:55 AM
when i was in kinder garden binigyan ko ng letter yun crush ko nakalagay " i love you 3 times a day" tapos maraming sticker ng character na favorite niya  :))  kaso ang gusto niya yung best friend ko  :'(
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: joblow on April 22, 2015, 11:39:09 AM
Iyong paglalaro pag uwian na. Masaya ka pag Friday dahil walang pasok bukas. Pag Sunday malungkot na dahil pasukan na naman tomorrow
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: 5y5t3m_cr45h on April 22, 2015, 11:54:00 AM
ung time na kaming magkakabarkada inakyat ang puno ng manga ng kapitbahay namin at nakawala ung aso nila at hinabol kami hanggang sa kabilang kalye... patunay lang na kahit ang matatalik na kaibigan at nagsumpaan na walang iwanan pero pag hinabol ng aso kanya kanyang takbo na ang mga yan hihilahin pa ng damit mo makauna lang  :)) :))
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: naruto789544 on April 22, 2015, 11:59:55 AM
ahh yes... the memories of yesterday... life was so much simple then but people were happy... i remember every friday rushing home after grade school to catch voltes v... and saturdays were filled with playtime with friends... basketball, patintero etc... nothing beats that...
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: razorsharp on April 23, 2015, 10:22:24 AM
sino nakaka-alala ng red payphone ng pldt? dati kelangang may tatlong beinte-sinko ka para makatawag. tapos napalitan ito ng malaking stainless steel na payphone. pag may bagyo at baha kelangang pumila ka sa payphone para ka makatawag ng susundo sa iyo at walang jeep na masakyan.
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: renegade_master on May 04, 2015, 10:20:28 PM
mas masaya talga ang pagiging bata noon kesa ngayon.  :uwa:
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: jamesbond on May 04, 2015, 11:03:47 PM
marami talaga akong childhood memories na gustung gusto ko... today (05.04.2105) marks the natal day of my dad and there's no better opportune time to recall my childhood days better than his birthday for he really plays a major part on my past experiences... he simply gathers the members of our family during Sundays, simple lang naman, mag-iihaw kami sa likod bahay ng inihaw na liempo, inihaw na bangus, may ginayat na manggang hilaw, bagoong, sibuyas at kamatis para sawsawan... maglalatag kami ng dahin ng saging then chibugan na... we always see to it that we have this every Sundays na may family get together... naranasan ko din gumawa ng saranggola out of newpaper and walis tingting gamit ang kanin para magsilbing paste... naranasan ko din gumawa ng toy gun out of used woods, konting lagari at pukpok gamit ang martilyo't pako ayos na... Pero syempre, pinaka okay ay yung maglaro ng futbol na may 4 bases ala baseball ang rules, sarap kasi kalaro ang mga kababata ko nuon, tapos may pakain pa ng neybor kapag nagkasarapan... aakyat sa puno ng makopa na may hantik pa hahaha... haaays... those were the good ole days...
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: kariyoka on May 05, 2015, 12:16:10 AM
Tanda ko noon, brick game lang masaya na ako. HAHAHA.
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: ch33s3cak3_2k on July 15, 2017, 10:02:37 PM
Masaya talagang balikan ang kabataan. Lumaki ako sa probinsya, kalaro ko madalas mga pinsan ko. Mahirap lang ang lamilya namin kaya I never had so many toys. Never nga ata ako nagkaron ng barbie doll hehe. Pero sa simpleng mga improvised na laruan masaya na kami, simpleng buhay lang ok na.
Title: Re: yung mga memorable moments of your childhood?
Post by: MrBubbles on August 04, 2017, 09:52:32 AM
The best talaga yung mga panahon ng 90s sarap balikan, golden age ika nga
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2026, SimplePortal