My Board
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx => General Discussion => Love & Relationship => Topic started by: pinagpalangkamay on July 03, 2013, 03:30:32 AM
-
Eto ang hindi ko maintindihan talaga. Yung dadating sa point na papapiliin ka kung DOTA o Siya. Eh una sa lahat laro lang ang DOTA. At ito daw ang nagiging karibal ng babae sa kasintahan niya. May mga martyr na babae na sinasabing
"Ok na yan.. Kesa mambabae, edi ok na yang DOTA lang ang kinakalikot niyan."
Pero minsan sila mismo ang nahuhuli ng sarili nilang patibong. Tipong hinahayaan nilang maglaro ng maglaro ang mga boyfriend nila ng DOTA dahil sa takot nilang iwan sila nito. At naka mindset sa kanila na
"Kapag mahal mo, maiintindihan mo. Kapag mahal mo matatanggap mo"
Pero minsan napapasobra din ang ibang lalake. Minsan alam kasi nilang pinagbibigyan mo sila kaya patuloy nilang gagawin. Akala nila ok lang lagi kaya palagi silang naglalaro. Minsan ikaw din mismo ang nagkukulang. Nadadaan naman sa usap ang lahat eh. Hindi yung ipaparamdam mo lang na nagtatampo ka or nagagalit ka.
Kailangan mo siyang kausapin na hindi ka pumasok sa relasyon para panuorin siyang naglalaro at pilit intindihin na laro lang yun at hindi ito makaka apekto sa relasyon niyo. Sabihin mo na hindi ka Computer Program na pwede niyang i “Alt + Tab" at hindi na niya mapapansin dahil naglalaro na siya.
Ako, DOTA Player din ako. Naranasan ko na din magkaroon ng Girlfriend at nasabi kong medyo naging matino din ako. Dahil nagkaroon ako ng GF at tinigil ko ang paglalaro ng DOTA. Kung maglalaro man ako. Sinasabi ko na maglalaro ako ng dalawang oras or tatlong oras tapos nun Quality Time na ulit.
Brad, lahat ng sobra nakakasama. Hindi mo alam na sa bawat first blood na nagagawa mo sa larong yan eh may puso ka ring nasasaktan. Na sa bawat panalo mo ng larong DOTA eh sa kabilang banda eh onti onti ka na lang natatalo sa Puso ng partner mo.
Kung single ka, ok lang maglaro niyan eh. Ayun yung perks ng pagiging single eh. UNLI DOTA. Pero kung taken ka? Time Management ang kailangan. Matutong magpaalam. Pumasok ka sa relasyon dahil gusto mong magmahal at gusto mo ng may inaalagaan at pinoprotekhan.
Hindi yung nag Girlfriend ka nga. Tower ang dinidepensahan mo at hindi ang GF mo.
:-\
-
Nice share mate... Of course,.dota pampalipas oras lang yan. Di dapat kumain ng priority mo yan when it comes in relationship... What matters most, you give all to your partner...
Sent from my Nokia 5110 using Tapatalk 4 beta
-
Candy Crush ang kalaban ko sa atensyon ni Kumander. Awww
-
para sa akin.. c gf., libangan lang dapat ang paglalaro ng dota =D
-
ayos to..relationship is a commitment kya be responsible..take care of your girl not dota..
-
My wife and I have come to an understanding.
I play DotA when she's sleeping to avoid problems.
When she's awake, she (and our little love) get priority over my time.
-
dota, sus sandali lng yan... babae forever